Chapter 1
Tiningnan ko ang repleksiyon ko sa salamin at pinagmasdan ang mga tigyawat kong hindi matanggal-tanggal. Mahal na mahal ako ng mga ito kaya hindi ako iniiwan kahit na sawa na ako sa kanila. Tsk! Nakaka-stress naman kasi sina kuya.
"Zen! Tulinan mo kaya riyan, 'no? Pabebe ka na naman diyan! Siguro nagpapa-cute ka na naman sa salamin mo!" sigaw ng pinsan kong si Kuya Genesis. Ang banal ng pangalan niya pero hindi naman nagsisimba. Siya ay pinsan ko sa side ni Puppy.
"Ito na po! Huwag mo akong iwan."
Dali-dali akong tumayo sa kinauupuan ko at kinuha ang bag sa tabi ng kama. Muli ko pang tiningnan ang sarili ko sa salamin. Nakasuot ako ng puting blouse na mayroong berdeng ribbon. Kulay berde rin ang palda namin na hanggang tuhod. Sinuot ko na ang leather shoes kong nasa tabi ng pinto at saka lumabas.
Nakatira ako ngayon sa tita ko dahil bumalik ang buo kong pamilya sa gubat. Ako lang ang pumili na tumira dito kasama ang mga tao. My pack, especially my parents, is against it pero wala naman silang magagawa.
Paminsan-minsan ay pumupunta sina kuya rito sa bahay pero hindi naman nagtatagal. Paniguradong sa bakasyon ay roon ako magi-stay sa gubat. Naiinip na nga ako. Gustong-gusto ko nang magbakasyon.
"Ang kupad mo! Hindi ka naman naliligo," tukso ni kuya.
Natawa naman si Ate Kiara, kapatid ni Kuya Genesis, na prenteng nakaupo sa sofa habang nagtitipa sa kaniyang cellphone. Mukhang ka-text na naman niya ang boyfriend niya.
"Nagsalita ang naliligo. Huwag ka nga, Kuya!" sigaw ko pabalik. Lakas kasing mang-asar eh ganoon din naman siya.
"Tara na nga!" bulalas niya saka kinuha ang bag ko.
Ayan! Diyan siya magaling. Siya ang unang manunukso pero magagalit kapag siya na ang tutuksuhin. Sobrang mainitin ang ulo!
Nagpaalam na kami kay ate na busy pa ring nakaharap sa cellphone niya at medyo napapangiti pa. Tumango lang siya para sabihing narinig niya kami.
"Nag-iingat ka ba sa school mo?" tanong ni kuya habang lumiliko patungo sa school namin.
"Kasama ko pa naman doon sina Limea kaya ayos lang," sabi ko.
"Iyong mga kaibigan mong shapeshifters din?"
"Oo! Kaya huwag kang OA kasi kahit ano ang mangyari ay nandiyan naman sila para ipagtanggol ako sa mga bashers ko."
"Kahit na! Ano naman ang magagawa ng mga kaibigan mo?"
"Eh, ano rin bang magagawa ng mga salita nila sa 'kin? Doon lang naman sila magaling. Sanay na 'ko!"
Senior high school na ako next school year kaya hindi ko alam kung ano ang pwedeng mangyari sa akin. Madami akong pwedeng maranasan kaya kailangan ko ring mag-ingat. Kailangan ko ring umiwas sa gulo.
"Drea!" sigaw ng maingay kong kaibigan, si Belle. Isa siyang Cheetah. High breed ang isang 'to, chumi-Cheetah.
"Hi, Belle! Kumusta?" tanong ko sabay beso sa kaniya.
Ngumiti siya nang malapad sa akin at sinabi, "Ayun! Masaya kasama ang boyfie ko."
"Halata nga," sabi ko. Ngiting-ngiti kasi siya at mukhang good mood. "Nasaan na iyong iba?" tanong ko sa kaniya. Siya lang kasi ang nakasalubong ko habang papasok sa campus.
"Nasa canteen sila at kumakain."
Nagtungo kami sa canteen at nakita sina Limea sa isang lamesa na kumakain. Nilapitan namin sila.
"Hi, guys!" masayang bati ni Belle. "Nandito na si Drea."
"Hi, Drea!" bati nila sa akin pagkaupo ko sa tabi nila.
"Kumusta ang weekend?" tanong ni Reima, the Lion. Siya ang pinaka-chubby sa amin at isa sa mga pinakamaloko.
"Ayon! Tambay kami sa pack namin nina kuya. Lagi kaming naglalaro sa gubat kaya ito at ang dami kong pasa," sabi ko sabay pakita sa braso ko.
Hindi nga kami nagkakasugat dahil gumagaling iyon agad pero may mga pasa pa ring naiiwan sa tuwing naglalaro kami.
"Hindi ka pa namin napapanood maglaro, ever! Pero nakita ka na naming makipagbugbugan sa mga kuya mo. Hindi ko keri!" bulalas ni Christine, the Crow.
Siya ang umaaktong leader sa grupo namin dahil bossy siya kung minsan. Matalino rin siya pero medyo slow sa ibang bagay tulad ng mga jokes.
"Hindi pa naman kasi ako pwedeng sumali. Pero malapit na!"
"Nanalo ka naman ba sa laro niyo?" tanong naman ni Limea, the Cat. Kumakain siya ngayon sa isang styro gamit ang dalawa niyang kamay. Siya ang pinakatahimik sa 'min pero minsan naman ay napagsasalita na namin siya.
"Hmm... isang beses?" hindi siguradong sagot ko.
Natawa naman si Joanna sa sinabi ko. "You still have so many ways to go, Drea." Si Joanna naman ang Tigre sa amin. Siya ang pinakamatalino pero isa ring maloko.
"I know right," sabi ko.
Nagkuwentuhan lang kami hanggang sa tumunog ang bell hudyat na simula na ang klase. Nagtayuan kami para hanapin ang magiging room namin.
Hindi talaga kami magkakaklase noon pero dahil sa isang anonymous chat ay nagkakila-kilala kami. Madalas namin pagkwentuhan ang mga nangyayari sa amin tulad ng mga bullies. Pare-pareho kasi kaming biktima niyon. Hanggang sa napagpasyahan ni Christine na magkita kaming lahat. At ito kami ngayon, magkakasama sa iisang school. Sabay-sabay kaming nag-enroll.
Agad kaming pumasok sa room at nauna naman ako sa likod na bahagi ng silid. Sumunod lang sila sa akin at umupo na rin sa tabi ko. Si Limea ang katabi ko sa kanan, ang katabi naman niya ay si Belle, Reima, Joanna at Christine.
Hindi nagtagal ay dumating na ang aming guro na medyo may katabaang babae. Nakasalamin siya at seryoso ang mga tingin. Hindi ko mapigilan ang matawa dahil naalala ko sa kaniya si Sadness ng Inside out. Kamukhang-kamukha niya talaga!
Nang matapos ang klase namin sa buong araw ay gumala pa kami. Ang tagal din naming hindi nagkita-kita dahil busy. Kahit na may mga pagkakataon na nago-overnight sila sa amin ay hindi pa rin iyon sapat dahil masyado naming nami-miss ang isa't isa.
Nang matapos kaming gumala ay napagpasyahan kong pumunta sa gubat nang mag-isa. Susurpresahin ko sana sina Mame at Puppy, pati na rin ang mga kuya ko. Ang alam kasi nila ay tuwing weekends lang ako uuwi kaya paniguradong wala silang alam sa gagawin ko.
Nang nasa kalagitnaan na ako ng gubat ay may narinig akong kakaibang kaluskos. Dahil na rin sa pagiging alerto ko ay pinagmasdan at inamoy ko ang paligid.
May tao...
"Nasaan na ba ako?" rinig kong bulong niya sa sarili niya.
Dali-dali akong umakyat sa puno para hindi niya ako makita at para mapagmasdan ko kung sino siya.
"Naliligaw pa yata ako," sabi na naman niya sa sarili niya.
Hindi ko alam pero imbis na iwan siya roon ay mas pinili kong samahan siya at panoorin. Palapit kasi siya nang palapit sa aming pack kaya baka mabisto siya.
"Tsk! Mali naman ang mapa na binigay ni Lyra sa akin," bulalas ng lalaki.
Sinubukan kong tingnan ang itsura ng lalaki pero nabigo lang ako. Napapadyak siya dahil sa irita. Mukhang kanina pa siya lakad nang lakad.
Tiningnan ko ang mapa niya at dahan-dahan na lumambitin sa sanga sa kaniyang likuran. Halos matawa ako dahil hindi naman iyon ang mapa ng gubat na ito.
Mukhang naliligaw nga siya.
Bago pa niya ako makita ay nagtago akong muli sa likod ng sanga. Mukhang naramdaman niyang hindi na siya nag-iisa kaya inilibot niya ang tingin sa paligid.
"Nakakatakot naman dito. Malapit na rin maggabi. Baka abutan ako ng dilim."
Pakiramdam ko ay baliw ang isang ito. Kinakausap kasi ang sarili. Pero ganito rin naman ako minsan para mawala ang takot ko. Baka iyon lang din ang ginagawa niya.
Kinabahan na ako nang malapit na siya sa pinaka-base namin. Kapag naapakan niya ang lugar namin ay paniguradong maaamoy na siya ng mga katulad ko. Baka kung mapaano pa siya. Mukha pa naman siyang mabait at naliligaw lang talaga.
Nadaan siya sa isang pababang lupa kaya bigla siyang nagpagulong-gulong. Bago ko pa mapigilan ang paggulong niya hanggang sa ibaba ay nakaapak na siya sa pinaka-border namin.
Naramdaman ko agad ang kilos nila.
Nagpalit ako ng anyo. Naramdaman ko ang sakit sa katawan ko habang ginagawa iyon. Lumagutok ang mga buto ko, normal na nangyayari sa tuwing nagpapalit ako ng anyo. Nang dinamba niya ang lalaki ay dinamba ko rin siya.
Pareho kaming bumagsak sa lupa. Akmang susugurin niya ako nang makilala niya kung sino ang dumamba sa kaniya.
"Drea? Ano 'ng ginagawa mo?" tanong ni Grasya mula sa mind link na tumutulong para mag-usap kami.
Bago ko pa siya masagot ay nakita ko ang kasama niyang si Kuya Matthew na nasa anyong lobo rin.
"Drea! Bakit mo tinulungan ang mortal na ito? Balak niyang pumasok sa teritoryo natin!"
Napatingin ako sa lalaking nanlalaki ang matang nakatingin sa amin. Pinagpapawisan siya ngunit hindi magawang umalis dahil may sugat siya sa paa. Dahil siguro iyon sa pagkakahulog niya kanina.
Kung titingnan niya kami ay para lang kaming nag-aangilan dahil walang boses na lumalabas sa aming bibig. Ayoko sana siyang takutin pero ayoko rin namang ipakita sa kaniya kung ano ang itsura ko. Hindi malabong hindi kami magkita sa labas ng gubat.
"Ako na ang bahala sa kaniya. Mukhang naliligaw lang naman siya at kanina ko pa siya sinusundan."
Nagpalit ng anyo si Grasya at saka siya kinausap. "Ano 'ng ginagawa mo rito, mortal?" bulalas na tanong ni Grasya.
Kaya hindi siya pinapayagan ng mga magulang niyang manatili kasama ang mga tao ay mainitin ang ulo niya. Kapag hindi siya nakapagpigil ay baka bigla na lang siyang magpalit ng anyo sa harap nila. Parati rin niyang kasama ang mga magulang niya sa tuwing may misyon siya. This time, si Kuya Matthew lang ang kasama niya.
Tinulak ko si Grasya nang bahagya gamit ang ulo ko. Wala siyang saplot ngayon dahil kagagaling niya lang sa pagiging werewolf. Minsan ay hindi talaga siya nag-iisip. Sanay na 'kong makita silang ganito pero paano itong lalaking nasa harapan namin?
Lumapit ako sa lalaki na mukhang natatakot pa rin sa amin. Dinilaan ko ang sugat niya. Iniwas niya iyon dahil siguro sa naramdamang sakit. Idinikit ko ang pisngi ko sa mukha niya kaya napapikit siya.
Tinitigan ko ang kaniyang mga mata. Wala nang bakas ng takot sa mga iyon kaya nakahinga ako nang maluwag.
Sa hindi malamang dahilan, biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Mas mabilis kaysa normal na tibok ng mga puso ng mga lobo.
"Seriously, Drea?" ani Grasya ngunit hindi ko siya pinansin.
Chapter 2
"Drea, anong course balak mo kunin sa college?" Napatigil ako sa naging tanong ni Reima sa 'kin.
Dalawang taon na lang ay college na kami. Mga nakapili na sila at dahil gusto nilang mag-Nurse ay STEM ang kinuha nila. Pero hanggang ngayon ay undecided pa rin ako sa magiging future ko. Hindi naman ako tinatanong ng mga magulang ko kaya hindi ko rin naiisip. Hindi ko rin naman daw kailangan magtapos sa pag-aaral dahil hindi naman daw iyon kailangan sa aming pack.
Pero gusto kong mabuhay na parang normal na tao.
"Honestly, hindi ko pa alam. Kukuha na lang din siguro ako ng Nursing gaya niyo ngayong senior high," walang ganang sabi ko.
Napailing na lang si Reima. Ganoon din sina Christine at Belle na nakanguso. Tinitigan naman ako ni Limea na parang binabasa ang isip ko.
Hindi ko naman sila masisisi. Lahat sila ay final na ang gusto. Pare-parehong Nursing ang kinuha pero iba't ibang specializations.
Marami pang pwedeng mangyari, oo. Pwede pang magbago ang mga plano nila habang dumadaan ang mga araw. Pero sa 'kin ay walang magbabago kasi wala pa namang nasisimulan. Ayoko sanang seryosohin ang pag-isip sa future ko pero gusto ko talagang mabuhay nang normal.
Sasabay na lang ako sa agos. Bahala na...
"Bye! Kita-kits na lang tayo sa outing ng section natin!" paalam ni Belle.
Kumaway kami sa kanila. Magkasabay sila ni Reimalyn samantalang pare-pareho ang daan namin nina Belle at Limea. Si Christine naman iba ang kasabay. Malayo-layo rin kasi ang bahay nila. Kailangan niya mag-Jeep simula school.
"Lagot ka sa 'kin, Christine! Hindi pa ako nakakaganti sa pangangagat mo," pahabol pa ni Reimalyn habang hinihimas ang braso. Tumawa lang si Tine. Mga isip-bata talaga.
Nagkaniya-kaniya na kami. Tapos na ang ceremony na ginawa sa room namin, ang Moving up. Hindi na kami mga bata. Malapit na kaming mag-college.
Naglalakad lang kami nang tahimik. Ganito naman palagi. Ano ang aasahan mo kapag nagsama-sama kami? Mabuti pa sana kung nandito sina Reima at Tine na parehong maingay. Sila lang naman kasi ang nagse-set ng mood namin kapag magkakasama kami.
Wala naman ako sa mood. Hindi ko na aasahang magsasalita ang mga ito. Napakatahimik at madalas nakatulala lang.
"Sigurado ka na bang maging Nurse gaya namin?"
Napatingin kami ni Joanna kay Limea. Ito yata ang unang beses na siya ang nag-open ng topic. Pero hindi iyon ang mahalaga.
Napabuntong-hininga ako.
"Ano pa ba ang magagawa ko? Hindi ko talaga alam kung ano ang gusto ko. Mas mabuti na iyong kasama ko pa rin kayo. Ayokong maligaw," mahina ang pagkakasabi ko sa huling linya.
Alam kong naiintindihan nila ako. Ayokong piliin ulit ang maling desisyon. Kung hihinto ako at pag-iisipan muna kung ano ang gusto ko, baka kung saang daan ako mapunta. Siguro tama na muna itong pagiging Nurse gaya nila. At least may tinatahak ako.
Ayoko na ulit pagsisihan ang mga maling bagay na nagawa ko na. Alam na alam ko kung ano ang pakiramdam ng pagsisisi. At hindi ko iyon gusto.
Napahinto ako sa paglalakad. Napatingin ako sa kanila na masayang nagtatawanan. Naka-akbay siya sa bago niya. Hindi ko maiwasang hindi malungkot at manghinayang. Hindi rin nakatakas ang paninikip ng dibdib ko.
Nakikita ko kung gaano siya kasaya ngayon. Hindi ko maiwasang mapangiti rin pero iyon nga lang, mapakla iyon.
Buti pa siya masaya na, nakatatawa na at higit sa lahat ay may iba ng nagpapasaya sa kaniya. Bakit nga ba kami napunta sa ganitong sitwasyon?
Dahil sa 'kin..
Hindi naman nila ako masisisi nang buo dahil alam nilang gusto ko lang maging malaya. Nakakasakal na kasi kung minsan. Lalo na kung napaka-protective niya at seloso. Kaunting kibot ko, damit na sinusuot ko at taong nakakasalamuha ko, nagagalit siya o naiinis.
Madalas din siyang magselos kapag may mga lalaki akong kinakausap. Ano ang magagawa niya? Mas malapit ako sa mga lalaki. Apat ang mga kuya ko, naging kaibigan ko rin siya. Tanging sina Limea lang ang naging kaibigan kong babae.
Ipiniksi ko ang ulo ko.
PAGDATING SA isang kanto ay naghiwa-hiwalay na rin kami. Kinawayan ko lang silang dalawa habang tumango lang sila pabalik. Napailing na lang ako. Kapag mayroon talagang tao na makakapagpasalita sa kanila nang matino at matagal, hahalikan ko sila sa paa!
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Sa isang kanto pa ako sasakay dahil medyo malayo rin ang bahay namin. Kaya naman siya ng isang tricycle para deretso na sa 'min.
Tumunog ang cellphone ko kaya agad kong binuksan ang message.
From: Mameee
Nak. Bilisan mo at may pupuntahan tayong handaan. Overnight din tayo doon kaya hindi pwedeng hindi ka kasama. Wala kang kakainin sa bahay. Alam ko namang hindi mo kaya. Bilisan mo! Huwag na gumala kung saan.
Received 5:36pm
Napanguso na lang ako sa sinabi ng nanay ko. Pero laking pasasalamat ko na rin dahil hindi jejemon si Mame mag-text.
Padalas nang padalas na rin ang mga handaan na pinupuntahan namin habang nagbabakasyon. Hirap tuloy mag-adjust. Buti last day na ng school. Ang dami naman kasing nalalamang mga gala. Paniguradong wala naman akong magagawa lalo na kapag pack namin ang may handaan.
Nang makarating ako sa sakayan ay agad akong tumawag. Iisa na lamang iyon at may sakay na dalawang varsity. Varsity ito sa school namin pero hindi ako pamilyar sa mukha. May tatak ang isa sa likod ng jersey na Perez habang ang isa naman ay Sarmiento. Magkaiba nga lang ang style ng damit. Pareho silang nakatalikod sa akin at pasakay na sa tricycle.
Napapadyak ako dahil sa inis. Kung kailan nagmamadali ay saka pa nawalan ng tricycle. Napairap na lang ako sa kawalan.
"Miss, saan ka?" tanong ng driver na may sakay na dalawang varsity.
"Sa Mais con Yelo street lang po sana. Pwede po pasabit? Sa likod na lang ako." Tiningnan ko kung pu-puwede. Baka tustahin ako ni Mame ko kapag naghintay pa ako.
"Sige! Dadaan naman ako sa street na iyon. Sakay na!"
Bago pa ako makasakay sa likod ay nagsalita iyong isang varsity na may Perez sa likod. Bumaba pa ito dala ang bag niya.
"Dito ka na sa loob. Ako na riyan sa likod."
Bago pa ako makaangal ay nasa harap ko na siya at umupo na sa likod. Nagpasalamat na lang ako at pumasok sa loob.
Tahimik lang kami. Hinahangin ang buhok ko kaya inipon ko iyon at itinabi sa kanan kong balikat. Medyo nagkatinginan pa kaming dalawa. Naramdaman ko agad ang pagwawala ng puso ko pero kumulubot ang ilong ko kaya naputol iyon.
Amoy na amoy ko ang pabango niya. Hindi ko maiwasan ang pagbahing dahil masyadong matapang. Dahil na rin siguro sa sensitibo ang mga ilong namin ay hindi ko maiwasan.
"Ay palaka!"
Nasa gitna ako ng pag-amoy sa kaniya nang tumunog nang malakas ang cellphone ko.
Panira!
Naramdaman ko ring nagitla siya sa pagtunog ng cellphone ko kaya agad akong nag-sorry.
Nginitian niya lang ako kasabay ng paglabas ng dimple niya sa pisngi. Parang pamilyar ang mukha niya!
Pero hindi, kakaiba ang amoy niya. Hindi siya iyon, sigurado ako.
"Mame!" bulalas ko.
Nakakainis naman kasi! Nakakahiya tuloy sa katabi ko. Napairap ako nang may narinig na tawanan sa kabilang linya. Nandoon na pala ang makukulit kong pinsan. Ang lalakas kasi ng mga boses.
"Aba't anong oras na? Iiwan ka namin, bahala ka! Isang gabi, umagahan at tanghalian ka lang naman hindi makakakain." Agad nanlaki ang mga mata ko. Akala ko bukas din ng umaga ang uwi namin.
"Lang? Mame naman! Baka bukas magulat ka laman na ako ng balita. Wait niyo 'ko! Malapit na."
Narinig kong muli ang boses ng isa kong pinsan. Mukhang naka-loud speaker.
"Drea! May litson din doon. Saka iyong paborito mo... ano nga ulit 'yon? Ah! Leche flan." Alam talaga ng lalaking ito ang kahinaan ko, ah?
"Sige na. Lagot ka sa'kin, Marcus! Malapit na 'ko. Kita ko na nga iyong malapad mong noo," pang-aasar ko na sinabayan ko pa ng tawa.
Alam kong ayaw na ayaw niyang pinagdidiskitahan ko ang noo niya. Naaninaw ko na sina Manong Nestor sa bukid namin kasama ang iba pang trabahador.
"Anong—" pinatay ko na ang tawag at saka pumara. Nagbayad na ako. Tumungo ako sa gate namin pero sinulyapan ko pa ulit ang tricycle na binabaan ko.
Nakita kong nginitian at kinawayan ako ni Perez. Napangisi na lang ako. Bakit nga ba ngayon ko pa siya nakalimutan? Gerardo Perez. Siya iyong una kong kinausap noong Grade 7 ako sa school. Naalala ko pa na ni-recommend niya ako noon sa mga kabanda niya noong nalaman na nage-electric guitar ako.
Basketball player na pala siya ngayon? Pero hindi basketball ang laro ng isa niyang kasama. Hindi naman kasi bola ang dala. Malaking bag na parang gitara ang laman. Hindi naman ako ignorante sa laro niya at alam kong Football iyon. American Football.
Sarmiento...
Sino kaya iyong kasama ni Ger?
Para kasing siya 'yong nakita ko noon pero hindi naman siya maalala ng pang-amoy ko. Iyong pagtibok lang ng puso ko nang magtama ang tingin namin ang hindi ako pwede magkamali. Ang werewolf instinct ko na ang nagsabi na siya nga ang nakita ko noon sa gubat.
Chapter 3
"Hello sa pinsan kong sexy!" bati ni Faith. Nakipagbeso agad ako sa kaniya.
Nandito rin ang iba ko pang mga pinsan na sina Kaia at Dyna.
"Hi, Ate Drea!" bati ni Kaia na nakipag-fist punch pa sa akin.
"Hi, Ate! Sexy mo ngayon, ah?" natatawang sabi ni Dyna.
"Sexy raw! Payatot kamo," angal naman ng ever bitter na si Marcuz, ang tanging lalaki kong pinsan sa mother side ko.
Nakikipaglaro siya sa kuya ko ng xbox. Nakahubad ang t-shirt ni kuya kaya kita ko ang bitak sa buo niyang katawan. Siya ang pinakamaputi sa 'ming magkakapatid pero mas maputi si Faith.
Napairap na lang ako sa kawalan.
"Hoy, Marcuz! Manahimik ka riyan o gusto mong bigwasan ko 'yang makinang mong noo."
Nakita kong napanguso siya pero hindi nagsalita.
"Oh? Natakot ka rin sa banta ng pinsan mo?" natatawang sabi ni Mame habang palapit sa'ming magpipinsang nasa sala. May dala siyang juice para sa'min.
"Mame naman kasi, eh! Akala ko talaga iiwan niyo ko rito. E'di wala na kayong sexy-ng anak?"
Napaupo na lang ako sa sofa kung nasaan ang pinsan kong malapad ang noo. Tumabi ako kay kuya at hinintay pa ang tatlo kong kuya. Pinapanood ko lang sila maglaro ng left 4 dead at nakikisigaw. Minsan ay inaagawan ko si Marcuz ng controller dahil naiinis ako sa kaniya maglaro. Hindi kasi marunong! Lagi tuloy natatalo ng kuya ko. Adik pa naman itong si Kuya Matthew sa mga ganitong laro na kahit ako ay nahihirapan siya talunin.
"Huwag ka ngang epal, Drea! Para ka namang ano riyan, e. Kita mong naglalaro kami ng kuya mo. Lagi naman kayong magkasama at naglalaro kaya kami naman!" inis na sabi niya kaya mas lalo ko pa siyang kinulit.
"Mukhang nagkakasiyahan na naman kayo, ah?" nakangising bungad ni Kuya Maxwell habang pinagmamasdan kaming lahat ng nasa sala. Galing kasi siya sa training ng Football kaya kararating lang.
"Kuya Max! Pigilan mo nga itong kapatid mong walang ginawa kundi ang asarin ako," pagsusumbong ni Marcuz sa kuya ko.
Siya naman ang kuya kong lagi kong ka-wrestling. At kasalukuyan na nga niya akong kulong sa bisig niya at saka idiniin ang katawan ko. Halos magkapalit na kami ng mukha ng sahig dahil sa bigat niya.
"Ano na naman ang ginawa mo, boss?" tanong niya.
Noong unang beses kaming magbugbugan ay masakit. Iyong tipong na-admit pa ako sa hospital dahil panay ang daing ko kahit mabilis namang gumaling. Binugbog pa nga siya ni Kuya Matthew dahil sa ginawa niya, eh! Pero kalauna'y ako pa mismo ang nang-re-wrestling sa kaniya. Ganoon ang bonding naming dalawa.
"Wala akong ginawa! Nakakatuwa kasing makita si Marcuz na nagagalit. Namumula iyong noo niya!" sabi ko na sinabayan ko pa ng tawa. Hinila ko ang pisngi ng kuya ko para makaganti.
Pinagpatuloy namin ang pagbubugbugan namin hanggang sa pareho kaming magkapasa sa noo. Napapailing na lang si Mame habang nakatingin sa mga pasa namin at napabuntong hininga. Sanay na rin kasi siya.
"Ang hirap talaga magkaroon ng puro lalaking anak," natatawa at napapailing na sabi ni Mame. Nakatingin pa siya sa'kin. Ngumuso naman ako sa kaniya pero hindi na nagsalita.
Pareho lang kaming tahimik ni Kuya Max sa kusina habang tinitignan ni Mame ang mga pasa namin. Sabay-sabay kaming napalingon sa pinto nang marinig ang pamilyar na ingay.
"Catch!"
"Nice one! Nakita mo ba kung paano na-tackle 'yong kalaban?"
"Paanong hindi ko makikita, halos nasa harap lang tayo. Pero ang astig!"
"Ang galing talaga ni Silvestre. Walang tatalo!"
"Sinabi mo pa!"
Kita namin mula rito sa kusina ang kambal kong mga kuya na naglalaro ng Football. Napatingin sila sa mga pinsan namin at medyo ngumiti sabay balik sa Football na usapan. Here they are -- the noisy twins!
Si Kuya Matthew ang panganay namin, sunod si Kuya Max at ang sunod ay ang kambal. Ako ang bunso. Kaya naman laging mainit ang ulo sa'min ni Puppy. Si Mame lang ang nakakatagal sa'min dahil siya ang laging nasa bahay kasama namin.
"Hey!"
Napatingin si Kuya Mervin sa mga pasa namin at hindi na pinansin na para bang normal na lang ito sa aming magkapatid. Lumapit lang sila ni Kuya Marvin kay Mame at saka pinagdikit ang mga noo nila. Iyon ang tanda ng paggalang sa aming pack.
Si Kuya Marvin iyong may dalawang malalim na dimples kapag ngumingiti. Samantalang isa lamang sa kaliwa ang dimple ni Kuya Mervin kapag ngumingiti. Other than that, wala na. Pareho na lahat! Maputi talaga ang lahi namin pero nangingitim kami dahil sa sports na ginagawa namin.
"Aalis na tayo. Kayong dalawa ay magbihis na. Ikaw rin, Drea. Nandoon na ang Puppy ninyo sa handaan."
Si Puppy nga pala ang papa namin. Iyon ang tawag namin sa kanila dahil iyon ang tawagan nila ni Mame noong nag-de-date pa sila magpahanggang ngayon. Hindi naman ako mahilig sa aso o tuta pero naging mannerism na rin kasi namin ang nickname na iyon.
Nagbihis na kami ni Kuya Max. Suot namin ang terno naming mga pulang damit na may nakasulat na Narvaez sa likuran sa ibabang parte. Relingo naman ang nasa likod nina Faith, Kaia at Dyna. Iisang van lang ang gamit namin.
Madali kaming nakarating sa handaan dahil hindi naman ito kalayuan. Isang bukid iyon na pagmamay-ari ng mga kamag-anak nina Mame. Pero ibinigay niya ang mana sa kapatid niyang walang asawa. May negosyo naman kasi si Puppy at kumikita rin si Mame sa bukid naming ibinahagi sa'min ng kasamahan ni Puppy sa trabaho niya. Pinalalaki na lang at inaalagaan na lang namin iyon nina kuya.
Ngayon ay ito na ang pinaka-base ng aming pack. Dito na namin ginagawa ang mga aktibidad na nakalaan para sa 'min. Dito na rin madalas namamalagi ang aming Alpha.
Sinalubong kami ng mga tito't tita namin pagkarating. Mother side pa lang ay halos puno na ang lugar. Kasama kasi ang mga pinsan ni Mame at ang mga manugang hanggang sa second cousins namin na hindi ko naman ganoon ka-close. Hindi naman kasi sila tagarito.
Nang magsimula na kami sa salu-salo ay nagpalit kami ng anyo. Lumabas ang pinakapinuno ng aming pack, ang Alpha, at nagbigay-galang na kami.
May ilan siyang payo sa amin bago kami nagsimula. Parang reunion lang naman kasi ito kaya hindi na kailangan pa ng masyadong pormalidad. Nakita ko rin sa hindi kalayuan sina Tita Genevie at Tito Jack kasama ang dalawa nilang anak na sina Kuya Genesis at Ate Kiara.
Pagkatapos namin kumain ay hinayaan na kami nina Mame. Si Puppy ay nandoon na sa inuman. Halos kadarating lang din niya dahil hindi pa naman siya lasing. Buti at may driver na susundo sa'min kung sakali.
Magkatabi kami ni Kuya Matthew habang naglalaro ng PSP at naglalaro ng tekken. Ang kambal ay nagpunta na agad sa malawak na field at agad nakipaglaro. Dito sila una natutong maglaro ng Football kaya hindi ako nagulat na may field dito. Sa lawak ba naman dito ay hindi na rin nakapagtataka.
Si Kuya Max naman ay nakikipaghuntahan sa mga pinsan ko at palihim akong tinataasan ng kilay. E'di tinaasan ko rin!
"Kuya, bakit hindi ka sumali sa kambal maglaro? -- Ano ba 'yan, talo na naman ako!" Halos ibato ko na kay Kuya Max ang PSP nang ma-drain na naman ang buhay ko.
Binalingan naman ako ni kuya at pansamantalang nag-unat.
"Hindi na! Hindi ko gusto ang maglaro sa field na iyan dahil ang daming mayabang. Hindi naman sa nagmamalaki ako pero nakakainis lang na para kaming mga baguhan kung tratuhin nila," medyo pabulong na sabi niya saka inilapit ang upuan sa tabi ko.
Uminom ako ng tubig at saka nagsalita.
"Gano'n? Mukhang hindi naman, ah? Hindi ka lang siguro madalas tumambay ngayon dito kaya iyon ang akala mo. Nakakasundo nga nina Kuya Mervin at Marvin ang mga pinsan natin."
Hindi ko pa nakakausap ang mga second cousins namin. Hindi ko alam kung ano ang mga ugali nila pero ayon naman sa nakikita ko ay mukha naman silang mababait. Ewan ko ba sa kuya kong ito at kung anu-ano ang sinasabi.
"Kilala mo naman ang kambal, hindi nila pinakikinggan ang kung anu-anong sinasabi ng ibang tao. Pinapakita nila kung ano ang kaya nila sa pamamagitan ng Football."
"E'di pakitaan mo rin! Paniguradong titiklop na ang mga iyan kung isang Matthew Gaile na ang naglaro sa field."
"Tss. No, thanks! Wala rin naman ako sa mood."
Tinignan ko naman siyang umiirap na parang babae. Humalukipkip pa. Hindi ko tuloy maiwasan mapanguso dahil sa inasta niya. Parang bading lang! Sinapak ko siya sa braso niya pero hindi naman siya nasaktan.
"Hindi mo na ba na-mi-miss ang mga sigaw nila sa pangalan mo? Ang daming mga babae ang patay na patay sa'yo pero simula noong lumipat tayo ng bahay, hindi mo na sinubukan ulit," curious na tanong ko. Ang hirap basahin ng kuya ko kung minsan.
"Ewan ko ba. Nawalan lang naman ako sa mood maglaro rito saka isa pa, wala namang maayos na gamit para sa paglalaro."
Napatingin ulit ako sa kambal na masayang naglalaro. Halos dinig na namin ang pagtama ng mga katawan nila sa isa't isa sa tuwing nagkakabungguan sila. Kung normal na tao siguro sila ay nagkaroon na sila ng bali sa mga buto. Kaya lang ay hindi naman ordinaryo ang mga kuya ko, mga abnormal sila!
Napanguso pa ako nang pinalibutan silang dalawa matapos ang naging laro. Napapailing na lang ako. Hindi ko alam na ganito pala ang hatak ng mga babae sa mga Narvaez. No wonder si Mame ang nanligaw kay Puppy noon.
Chapter 4
"Kumusta ka na, insan?" tanong ng pinsan kong si Graciano.
"Grasya! Ikaw pala iyan. Ngayon lang kita nakita, a? Kanina pa ba kayo?" pagtuon ko ng pansin sa kaniya.
Suot niya ang paborito niyang white t-shirt na may mata ng lobo sa bandang dibdib. Itim na fitted shorts naman ang kaniyang pang-ibaba at isang puting converse.
Ngayon na lang kami ulit nagkita. Nagkaroon kasi sila ng misyon kasama ang kapatid niyang si Graciella. Iyon ang naging dahilan kung bakit nagkalayo kami ng halos kalahating taon. Maikling panahon lang pero sobrang na-miss ko siya!
"Kararating lang din namin. Nandoon sa loob sina mama," aniya habang tinuturo ang banda nina tita Gretchen.
Binati rin niya si kuya Mat na tinuon lang ulit ang atensyon sa PSP. Ganito naman si kuya sa kahit kaninong pinsan ko kaya hindi na ako nagtataka kung bakit ganito siya kay Grasya. Minsan na niyang pinagselosan ang pagiging malapit ko sa kaniya.
"Pati si Gracie kasama mo?" tanong ko.
Kumunot ang noo niya sabay halukipkip. "Andie, ngayon gaganapin ang monthly game ng pack. Paniguradong nandito sina mama."
Napanganga ako. Naiwang nakatulala sa kaniya habang umiiling siyang tumayo. Omg! Bakit ko iyon makakalimutan? Ang monthly game na ginagawa ng pack ay ngayong gabi sa may kakahuyan! Paano ko nakalimutan ito?
"Grasya, saglit!" tawag ko kay Graciano.
Inakbayan ko siya habang nakalagay ang mga kamay niya sa loob ng bulsa ng shorts niya. Nakangisi pa rin siya at hindi umangal.
"Hi, tita Gret!" bati ko sa mama ni Graciano.
"Hi, Andie baby! Kumusta na? Lalo kang sumesexy, a? Mana kay tita!" aniya sabay beso sa akin. Napailing na lang si Grasya sa tabi ko.
"Tita naman! Syempre! Kaya lang kay mame ko namana ang pretty face ko," nakangusong sabi ko.
Napatingin sa mukha ko ang pinsan kong akbay ko habang nakakunot ang kaniyang noo. "Ano?" tanong ko habang nagtatakhang nakatingin sa kaniya.
"Wala naman. Hinahanap ko lang kung nasaan ang pretty face mo, insan."
Inipit ko kaagad ang ulo niya sa kili-kili ko gaya nang ginagawa ni kuya sa akin tuwing nagre-wrestling kami. Natatawa lang siya at hindi naman nasaktan sa ginawa ko.
"Lumabas na raw po ang lahat!" Naputol ang paghaharutan at pagtatawanan namin nang marinig namin si uncle Seb. "Nasa kakahuyan na si Freidrich para sa gaganaping traditional game ng pack." Freidrich is our pack's leader.
Napalunok ako dahil sa ibinalita niya. Sa hindi malamang dahilan ay bigla akong kinabahan. This is my first time joining them!
Football ang traditional game ng aming pack. Tulad lang iyon ng laro sa mundo ng mga tao. Ngunit hindi iyon ang ikinakakaba ko. May mas malala pa!
Ang paglalaro nito ay pisikalan talaga kaya hindi maiiwasan ang magkasakitan. Isa pang rule ay kailangang nasa anyong wolf ka habang naglalaro nito kaya mas lalo akong kinabahan. Pero ang pinakanakapagpakaba sa akin ay dahil lahat ng nasa tamang edad ay dapat maglaro -- mapababae man o lalaki!
"Hey, boss. Alam kong babae ka pero I badly want to win," bulong ni kuya Max sa aking tainga habang nakaakbay sa akin.
Napalunok ako sa kaba. "Well, kuya. This is my first time playing so I'll surely win this," matapang na sabi ko kahit sa loob ko ay gusto ko nang magmura. Kalaban ko siya!
"Okay, then! May the best pretty face win!" aniya sabay takbo sa kakahuyan at nagpalit na ng anyo. Para bang nanghahamon? Pero halos mapangiwi ako dahil sa sinabi niya. Hindi naman mapagkakailang baby face siya pero grabe kasi ang hangin niya.
"Players take off your shirts before entering the woods!" utos ni uncle Seb na host sa gabing ito.
Monthly ang game na ito at laging host ang isa sa mga parents namin. Players must be 17 to 29 kung hindi ay hindi ka nila pasasalihin. I turned 17 already last two weeks kaya ito ang first game ko. May kaba pa akong nararamdaman pero hindi nawala ang excitement sa loob ko. Sa wakas! Mailalabas ko na ang pagbubugbugan namin ni kuya Max tuwing gabi!
Nakasando lang ako na manipis ang strap at saka shorts. Ang mga lalaki sa grupo namin ay naka-topless na at shorts dahil matatanggal din naman iyon mamaya sa game.
Nasa gilid ang parents namin at nanonood sa game, ganoon din si Freidrich. Bawal silang makisali, kung hindi ay matatanggal ang anak nila sa game. Hindi pa naman iyon nangyayari kaya kampante pa kami. We want to fight without their help this time!
"Same rules! Fight until you get your opponent's flag and protect to prevent your enemy from getting yours. Beware of the balls as well! Fight all you want! Fight, all out!"
Iyon ang naging hudyat para umungol kaming lahat. Ganoon din ang ginawa ko dahil sa excitement. Naiinip na ako!
Kakampi ko si kuya Matthew. The twins and kuya Max are all on the opponent's team. Kasama ko si Grasya sa team kaya nakahinga ako nang maluwag. Seeing him fight before makes my heart stop. His sister's not yet allowed, though. May sakit kasi ito.
"Game, set, growl!"
Agad sumugod sina kuya Matthew, Grasya at iba pang mga agresibo sa team namin. Nanatili ako roon para magbantay. Iyon ang natanggap kong utos kay Loki, ang leader namin.
Sinubukan kong umabante sa harap upang pagmasdan sila. Ayoko rito! Wala akong ginagawa kun'di ang panoorin sila sa ginagawa nila. Nakakainip! Nangangati na ang mga kuko ko!
Stay there, Drea! – Fuck! Ayon sa tono nang kaniyang pananalita ay si kuya Matthew iyon. Hinanap siya ng mga mata ko at dinadaganan na siya ng kambal ngayon. Pinagtulungan na siya!
I want to fight, too!
No! Fucking stay there! – I'll kill you Marvin, you bastard! – Follow our leader, Drea!
Napapangiwi ako dahil sa mga daing niya pero hindi makalusot ang kambal sa kaniya upang makalapit sa flag namin.
Pero kuya!
Shit! Maxwell is there!
Agad kong nakita ang paglapit niya pero imbis na sa flag ay hinarap niya ako. Dalawa kami ni Callix na humarang sa kaniya, pinsan ko rin na kasasali lang. The older ones are fighting and depending the flag not far from where we are.
Hi, boss Callix! Pwede ba kami mag-one on one ni Drea? Promise, wala akong balak kunin ang flag niyo.
Nagkatinginan kami ni Callix. Kahit ako naman ay naguluhan sa gusto niyang mangyari. Why the hell would he want to fight me alone? O baka strategy niya lang ito?
No! Baka nililinlang mo kami! sabi ko.
Come on, Drea! Kung gusto ko kunin iyan ay kanina ko pa ginawa. Just wanna have a duel with you without Mame at Puppy meddling with us.
What?
Dali! Decide now. Hangga't nakakulong pa si kuya Matthew!
Napatingin ako sa gawi ni kuya at tatlo na ang nakaharang sa kanila. Malapit na si Grasya sa flag nila pero tumigil din siya habang sumusulyap sa gawi namin. Shocks! Plano ba niya ito? Hindi ba kami patitigilin ni Freidrich sa ginagawa namin?
Okay! Callix, pigilan mo iyong iba. Ako bahala sa kumag kong kuya!
That's more I like it!
Tumango si Callix sa akin at hinarangan ang babae kong pinsan. Nawala na ang tingin ko sa kanila nang inambahan ako ni kuya.
Don't look away, boss.
Ginawa ko ang gusto niya. Hindi ako lumingon sa iba at tinuon ang pansin ko sa kaniya at kung paano ko siya tatalunin.
He jumped again to block me on the ground but I dodged. This time, ako naman ang tumalon at dinaganan siya. I bit one of his arm pero natanggal niya lang iyon nang walang kahirap-hirap. Tinulak niya ako dahilan para makatayo na naman siya.
I growled bago sumugod ulit. I didn't hold back this time. I wanted to prove him na lumakas na ako at kaya ko na protektahan ang sarili ko. Isa pa, I wanted to win against him this time. Palagi na lang ako ang talo.
Nang sugurin ko siya ay siya naman ang umilag. Naramdaman ko agad ang matulis niyang mga kuko sa pagitan ng dibdib ko at saka ako idiniin sa lupa. Para akong patatas na dumikit sa lupa dahil sa ginawa niya.
You, bastard! I'm gonna kill you, Maxwell!
Dumaing ako dahil sa sakit. Nakaipit pa rin ako sa ilalim ng kaniyang mga kuko. Hindi man lang siya natinag sa banta ni kuya sa kaniya.
That's all you've got, Drea?
Hindi ko siya pinakinggan. Sinipa ko siya dahilan para mawala ang pagkakahawak niya ngunit hindi siya nawalan ng balanse. Pagkatayo ko ay nasalubong ko na naman ang panibago niyang pag-tackle sa akin sa sahig.
Sinipa ko siya ulit pero sa tiyan naman ngayon. Gamit ang buo kong lakas ay binundol ko ang aking katawan sa mas malaki niyang katawan. Ganoon din ang ginawa niya kaya naramdaman ko ang sakit kaya napadaing ako.
Naging mas maingat na ako sa paglapit sa kaniya. Siya ang inabangan kong sumugod para counter na lamang ako.
Hindi naman nagtagal ang nasa isip ko. Ginawa ko iyong atake niya sa akin madalas. Ikinulong ko ang leeg niya at inipit iyon para hindi siya makagalaw. Idiniinan ko ang katawan niya para hindi siya makagalaw o makaapila man lang.
Pero isang tulak lang niya ay umangat ako kaagad sa lupa at tumilapon sa pinakamalapit na puno. Dumaing ako sa sakit ng likod ko. Hindi pa ako agad nakakatayo nang ayos ay tumakbo siya palapit sa akin -- a predator catching its prey.
Sadly, I'm the prey.
Sumugod agad siya at tumalon sa ibabaw ko. Hindi ako umilag, hinintay ko siyang bumagsak sa katawan ko.
Drea! Shit!
Narinig ko rin ang pagtawag ng kambal pero hindi ko sila pinansin. They worry about me too much. It's time to prove them I can protect myself.
I used all of my strength to tackle him in the ground. Nagawa ko iyon pero hindi man lang siya dumaing. Ni hindi man lang natinag sa buo kong lakas. Ginamit ko na lahat ng kaya ko but here he is, still holding back. Gusto kong maiyak!
We won! ani Callix sa aming tabi.
Nanalo kami! But I'm defeated. That doesn't make me feel a little bit happy.
Umalis ako kaagad at hindi na nakisali pa sa pagdiriwang nila. Naiinis akong bumalik sa loob mag-isa. Napaiyak na lang ako dahil sa kahinaan na ipinakita ko sa labas. Kahit na bata pa lamang ako ay nakikipagbugbugan na ako, wala pa rin akong magawa.
I did my best to tackle him but it was not enough!
The game was all about tackling the opponent. Iyon ang tanging paraan para hindi makalusot ang kalaban at para makalusot sa kalaban. Kailangan kong maipit ang ulo nila upang hindi siya makakilos.
Nagawa ko iyon kay kuya kanina. Pero nakawala naman din siya. Ibig sabihin ba nito ay mahina ako? Ibig sabihin ba nito ay hindi ko pa rin kayang iligtas ang sarili ko? I wanted to punch someone to make me feel better!
Nagbihis ako agad ng damit ko pagkapalit ko ng anyo. Gusto kong umuwi nang mag-isa ngayon. Ayoko silang makita at makasabay, lalo na si kuya Max. That bastard! Gusto niya lang ako mapahiya.
"Nice one, Drea! Didn't thought you'll win against your brother," ani ng aking pinsang si Ynah.
"Did you see that one last tackle, Ynah? I want to learn that, too! Teach me, Drea!" ani Margie.
Sila ang mga pinsan kong may lahing Ingles. Their family is living outside country pero every month ay nandito sila. For wolves, traveling is just a piece of cake. Paris is just kilometers away.
Nginitian ko lang sila dahil hindi ko alam ang gagawin. I can't say thank you dahil baka sabihin nila ay nagmamayabang ako lalo na kapag nalaman nilang wala namang epekto iyon sa kaniya.
Chapter 5
Nang makita ko si kuya Max ay agad akong nagtungo sa kwarto nina Tita Bianca. Ayokong makita o makausap man lang sana si kuya. Naiinis pa rin ako!
Hindi kasi ako makapaniwala na natalo na naman ako. Alam kong mas marami siyang karanasan kaysa sa akin pero hindi ko pa rin maiwasan ang mairita. Hindi sa kaniya – kung hindi sa sarili ko.
Bakit kasi hindi ako nag-eensayo gaya nila? Bakit sinayang ko ang mga taon na dapat itinuon ko para matuto? Magpapalamig na muna ako ng ulo ko para hindi ko maibunton sa kaniya ang galit ko. Baka magtaka pa siya.
Napabuntong-hininga ako habang nakatingin sa labas ng veranda ni tita. Patungo iyon sa mas malayo pang parte ng gubat. Sa dulo ay may paakyat ng bundok pero ni minsan ay hindi pa ako nakapupunta.
"Boss?"
Napatingin ako sa pinto nang may nagsalita galing doon. Hindi ako puwedeng magkamali. Si Kuya Max ang tumawag sa akin. Tono pa lang ng pananalita niya ay may halo na itong kakisigan at kayabangan.
Hindi ko siya sinagot. Nanatili ang tingin ko sa malayo habang dinadama ang lamig ng paligid. Hindi mahangin, sadyang malamig lang talaga ang simoy ng hangin.
"Nandito ka lang pala. Nagkakasiyahan na sila sa labas pero hindi ka nakikisali. You okay?" tanong niya.
"I'm fine here. Samahan mo na lang sina kuya at mga pinsan natin doon, Kuya," kalmadong sabi ko.
Hindi siya natinag. Tumayo lang siya sa tabi ko at tinitigan ang reaksyon sa mukha ko. Nairita na naman ako. Bakit ba ang kulit niya? Gusto ko ngang mapag-isa!
"Kuya, ano ba? Gusto kong mag-isa kaya lumabas ka na!"
Natigilan siya sa pagsigaw ko. Ang ngisi na laging naka-plaster sa mukha niya ay biglang nawala. Nakakapanibago tuloy dahil ang seryoso ng tingin niya sa akin ngayon. Alam kong mainitin talaga ang ulo naming mga lobo pero hindi ko maintindihan sa sarili ko kung bakit sobrang init nito ngayon.
Dahil ba hanggang ngayon ay hindi ko matalo si kuya? O dahil baka naiinis ako sa kahinaan ko?
"Ano ba 'ng nangyayari sa iyo, Andrea? Tinatanong lang naman kita nang maayos." Nahimigan ko ang galit sa tono ng pananalita niya kaya napaatras ako nang bahagya. "Dahil ba sa laro kanina? Andrea, natalo mo naman ako, ah? Ano 'ng ikinagagalit mo?"
Natahimik ako. Walang salita ang lumalabas sa bibig ko. Hindi ko alam kung ano ang isasagot sa tanong niya. Alam ko sa sarili kong tungkol pa rin ito sa nangyari kanina.
"Ano, Andrea? Bakit bigla mo na lang ako pinagtataasan ng boses? Kuya mo pa rin ako!" This time, siya na ang galit ngayon. Ito na naman ako... tumitiklop sa kaniyang harapan.
"Wala ito, Kuya. Napu-frustrate lang ako. Nanalo ako sa tingin nila pero alam ko sa sarili kong hindi iyon sapat."
"Hindi sapat? Alin ang hindi sapat, Andrea?"
Saglit akong natahimik bago tumikhim. "You held back a while ago, Kuya. Alam kong talo pa rin ako," pag-amin ko. Natigilan din siya saglit at natulala. Parang pinag-iisipan ang nangyari kanina at kung ano ang sasabihin. Ilang saglit pa ay tumingin na rin siya sa tinitingnan ko at tumulala.
"I did held back, yes. Pero iyon lang ang kaya ng kakayahan ko kanina so you still won!" medyo galit pa rin siya habang sinasabi iyon.
"Hindi ko maintindihan," sabi ko dahil iyon ang totoo. "Bakit kailangan mong gawin iyon? Dahil ba natatakot kang saktan ako?"
Hindi siya sumagot. Nanatili siyang tulala at nakatingin sa malayo. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya ngayong seryoso ang mga tingin niya. Pero hindi ko pa rin siya tinigilan.
"Kung natatakot ka mang saktan ako, bakit mo pa rin ako hinamon? Kung ibang pinsan natin ang hinamon mo ay puwede mong ipakita ang buo mong kakayahan sa iba. Si Grasya! Agresibo siya tulad ni Kuya Matthew!"
"Hindi mo kasi naiintindihan!"
"Ipaintindi mo kasi, Kuya!"
"Ayokong ipakita sa kaniya ang buo kong kakayahan. Ayoko pa! Hindi pa kasi ako handa!" bulalas niya habang hingal na hingal – dahil sa galit at pagod.
Biglang bumukas ang pinto ng kuwarto. Sabay kaming napatingin doon ni kuya at nakita ang seryosong mukha ni Kuya Matthew.
Mabilis na kinain ng hakbang niya ang pagitan namin at hinila ako. Itinago niya ako sa likod niya na parang gusto akong iligtas sa kung ano. Ang hindi ko alam ay kung bakit kailangan niya iyong gawin kahit na si Kuya Maxwell lang naman ang kaharap namin.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo, Maxwell?" mahinahon ngunit ramdam ko ang diin sa kaniyang pagsasalita. Ito ang tono ng pananalita niya kapag nagpipigil siya ng galit.
Kumunot ang noo ko sa kanilang dalawa. Pumikit nang mariin si Kuya Max sa hindi malamang dahilan. Sinuntok niya bigla ang bintana ni tita dahilan upang mabasag iyon at makalikha ng ingay.
Napapikit lang ako sa gulat.
"Hindi ko na alam ang gagawin ko, Kuya."
Hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin pero parang may malaki siyang problema. Hindi siya ganitong tao at madalas lang siyang nakangisi at nakatawa. Naninibago ako sa inaasta niya.
"Kailangan mong tanggapin, Maxwell. Hindi magiging sagot ang galit mo sa lahat ng nalaman mo. Isipin mo ang puwedeng mangyari sa pack natin kung tatalikuran mo kami! Kay Andrea!" galit na asik pa rin ni kuya.
Unti-unti akong nagkaroon ng ideya sa sinasabi nila. Kung kanina ay naguguluhan ako, ngayon ay parang hindi ako makapaniwala sa mga naiisip ko. Paano nangyari iyon? At bakit binanggit ni kuya ang pangalan ko?
"Hind ko alam kung ano ang dahilan mo kung bakit mo tinanggihan, pero isa lang ang masasabi ko. Pag-isipan mong mabuti, Maxwell. Para ito sa kapakanan ng lahat."
"Kuya, ano ba ang nangyayari?" naguguluhan kong tanong.
Pareho lang silang tumayo roon at hindi nagsalita. Walang sumagot sa tanong ko na para bang hindi nila ako nakikitang dalawa. Gusto kong malaman kung ano ba talaga ang nangyayari sa kanila at nadamay pa ang buong pack.
"Anak! Ano ang nangyayari?"
Biglang pumasok sa kwarto si Mame. Kasunod niya sina Puppy at ilan pa naming tito at tita. Nakisilip lamang sina Gracie sa labas na parang gustong malaman kung ano ang nangyayari sa amin sa loob.
Naguluhan sina Mame at Puppy nang makita kaming tatlo. Napatingin sila sa basag na pinto na sinuntok ni kuya kanina. Kumunot ang noo nila at tila naguluhan sa nangyayari.
"Narinig naming may nabasag dito kanina. Ano ba 'ng nangyayari? Max, Matthew?" tanong ni Mame.
"Ano na namang kalokohan ang ginagawa mo, Maxwell?" galit na asik ni puppy na parang sigurado na siyang si Kuya Max nga ang may kasalanan.
Narinig ko ang pagtawa ni Kuya Max. "Yeah, right. Kasalanan ko. Nagalit sa akin si kuya dahil sinisigawan ko si Drea. Ako rin pala ang may kasalanan kung bakit nabasag iyong pinto. Sorry, Tita!" Bumalik na naman ang ngisi niya sa mukha ngayon.
"Maxwell!" sigaw ni Puppy na para bang binabantaan si kuya.
"Honey..." pagpapakalma ni Mame sa kaniya.
"Ano ba 'ng nangyayari? Mame? Puppy? Nag-uusap lang naman kami ni kuya. Ako ang unang nagalit at nasigawan si kuya kaya nagalit din siya sa akin," pagpapaliwanag ko.
"Andrea, anak, lumabas ka muna. Kakausapin ko lang ang Kuya Max mo," malambing na utos ni Puppy sa akin. "Matthew, samahan mo ang kapatid mo."
Napatingin ako kay kuya nang hawakan niya ang kamay ko. "P-pero Puppy, ako ang may kasalanan," pagpipilit ko sabay baling kay kuya. "Kuya Max..."
"Ayos lang ako, boss! Kakausapin lang naman daw ako," aniya. Kalmado na siya ngayon at nakangisi na. Sa tingin ko ay kumalma na naman siya hindi tulad kanina noong nag-uusap sila ni Kuya Matthew.
"Pero..."
"Sige na!" Bigla niyang ginulo ang buhok ko. "Huwag ka na mag-alala. Hindi na rin mainit ang ulo ko tulad kanina."
"O-okay..."
Nagpahatak na ako kay Kuya Matthew sa labas hanggang sa hindi ko na sila makita. Napatulala na lang ako. Hindi pa rin ako makakalma kahit na hindi na mainit ang ulo ni kuya. Paano si Puppy? It's been a long time since I've seen him that angry.
Noong unang beses ko siya nakitang nagalit ay noong napilayan ako nang sobra dahil sa pambubugbog ni kuya. Panay ang sabi kong ayos lang ako pero nagalit pa rin siya kay Kuya Max. Nakita ko na naman ang galit niya kanina.
"Huwag mo muna lalapitan si Maxwell lalo na kapag galit siya," mahinang sabi ni kuya nang makarating kami sa labas.
May malaking garden sina tita rito dahil isang Landscape Architect si Tito Gerald. Malaki ito kaysa field namin sa bahay.
"Bakit naman, Kuya? Sabi ko naman, 'di ba? Ako ang unang nagalit. Kasalanan ko!" hindi ko maiwasang bulalas sa kaniya.
"Hindi naman ito tungkol sa kung sino ang unang nagalit o sa kung sino ang may kasalanan, Drea. Just listen to me."
"Bakit ba kasi, Kuya? Hindi ko magagawa 'yon nang hindi alam ang dahilan."
Huminga siya nang malalim bago magsalita. "He's dangerous, Drea. Kanina... kaya gusto ko siyang pigilan na lumapit sa iyo ay dahil alam ko ang kaya niyang gawin."
"But I won, right?"
"Sadly, but that's because he held back, boss. Hindi ka niya kayang saktan kaya hindi niya nagawang maipanalo ang team niya."
"Iyon naman pala, Kuya. Hindi niya ako kayang saktan kasi kapatid niya ako kaya bakit kailangan ko siyang layuan at iwasan?" nagtatakang tanong ko.
"Kahit na, Drea! Hindi mo alam kung kailan siya magagalit ulit gaya na lang kanina!"
"Bakit ba kasi, Kuya? Ano ba 'ng nangyayari kay Kuya Max?"
Natigilan siya sa tanong ko na para bang ayaw sabihin sa akin ang kung anong bagay.
"He's the next pack leader, Drea -- the next Alpha."
Ilang saglit pa ay nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi ni kuya. Kaya ba nasabi niyang mapanganib ay dahil siya ang napili ni Freidrich na papalit sa kaniya? Pero bakit si kuya? Nalilito ako!
"Si kuya? Paano nangyari 'yon, Kuya?"
"Wala ka noong sinabi iyon kay Max. Pero ang kuya mo, tinanggihan iyon! Hindi niya raw kaya dahil malaking responsibilidad iyon kung nagkataon. Hindi iyon pwede! Alam mo iyon, boss!"
Tama si kuya. Kaya siya napili ay dahil siya lang ang nararapat at ang natatanging nakatakda upang pamunuan kami. Siya ang may kakayahan na pamunuan kami dahil may nakita si Freidrich sa kaniya. Alam niyang si kuya ang pinakamalakas ngayon sa aming pack.
Iba ang patakaran sa mga werewolf na gaya namin. Kung kina Reimalyn na isang werelion at kina Limea na mga werecat ay ang pinakamatanda ang namumuno, sa amin ay kung sino ang pinakamalakas. Kung hindi ako nagkakamali ay pinakamatanda rin ang namumuno kina Joanna na isang weretiger.
Hindi ako makapaniwala.
Kung hindi pala umatras si kuya kanina sa game ay baka sa hospital na naman ang bagsak ko. Kaya pala! Hindi dapat ako nagalit sa kaniya bagkus ay dapat nagpasalamat pa ako.
Malaki ang paghanga ko noon sa mga nagiging pinuno namin dahil sa lakas nila, hanggang ngayon ay bilib pa rin ako! Kakaiba talaga ang pisikal nilang kakayahan pati na sa tuwing nagpapalit sila ng anyo. Sa tingin ko ay masyado silang mataas para abutin ng mga tulad kong simpleng werewolf lamang.
"Hindi siya mapipili nang wala lang. Ibig sabihin nito ay kakaiba ang lakas niya kumpara sa kahit sino sa atin. Maswerte ka dahil kapatid ka ni Maxwell."
Napatulala na lang ako. Hindi na ako nakasagot pa sa sinabi niya dahil sa bigla. Hindi nga mapipili bilang sunod na pinuno si kuya kung wala lang. Napili siya dahil malakas siya, may potensyal siya at natatangi ang lakas niya.
"Your brother is a monster, Drea."
Napalunok ako sa sinabi ni kuya.
A monster, indeed!
Chapter 6
Habang nasa van kami ay tahimik lang ang lahat. Mga tulog na kasi sila. Mukhang napagod ang kambal sa pakikipaglaro kanina. Kasalukuyan silang nakaupo sa likod namin. Magkapatong pa ang mga ulo nila habang natutulog.
Ang cute lang!
Ang Kuya Max ko naman ay nag-tetext sa tabi ng drayber namin. Hindi na naman mawala ang ngiti sa mukha niya.
Napailing na lang ako. Mukhang may bago na namang ka-text. Para bang walang nangyari kanina sa bahay nina tita at bumalik na naman kami sa dati. Sana nga ay ganito na lang palagi.
Ayos na rin naman ito sa akin. Naiilang kasi ako sa kaniya ngayon. Hindi ko inaasahan na siya ang papalit. Nakagugulat lang talaga iyong mga nalaman ko kay Kuya Matthew.
Tumingin ako sa labas ng bintana ng van at tinatanaw ang labas nang may naalala ako. Hinarap ko si Kuya Matthew na nakatulala lang sa kawalan.
"Kuya, may itatanong sana ako sa 'yo."
Napatingin siya sa 'kin dahil sa sinabi ko. Mukhang naputol ko pa ang pag-iisip niya o kung anuman ang ginagawa niya.
"Ano?" mahinang tanong niya na medyo inaantok na rin. Gabi na rin naman kasi kami nauwi galing sa handaan. Kung hindi pa nag-aya si Puppy ay baka inumaga pa kami roon.
Madalas naman silang magkita-kita kaya minsan ay hindi ko alam kung bakit kailangan nila magtagal sa pag-uusap. Siguro maraming nangyayari sa bukid kaya marami silang napag-uusapan. Hindi ko na masyadong pinansin.
Binaling ko kay kuya ang buo kong atensyon. "Hindi ba naglalaro ka ng football sa school? May kilala ka bang Sarmiento ro'n?"
Napakunot ang noo niya sa naging tanong ko at medyo napaisip pa. Biglang nagliwanag ang mukha niya na para bang may naalala siya. "Si Devin Sarmiento? Iyon lang kilala ko."
Pinagkrus niya ang braso niya sa dibdib niya at saka tumingin ulit sa harap. Itinaas ko ang pareho kong paa sa upuan dahil medyo hindi ako kumportable. Hindi ko pa rin tinigilan si kuya sa mga tanong ko.
"Anong year na ba iyong sinasabi mo?" tanong ko. Hindi ko man sigurado kung siya nga ba iyon o hindi, nagbaka sakali pa rin ako. Malay mo ay iyong kasama ni Ger at ang tinutukoy niya ay pareho lang.
"Ka-batch mo lang. Iyong pinsan ng kaklase mong si Perez."
Nagliwanag ang mukha ko dahil sa sinabi niya. Pareho nga lang ang tinutukoy ko sa tinutukoy niya. Mas lalo tuloy ako ginanahan magtanong.
"Magpinsan? Bakit hindi naman 'ata naikwento ni Ger na may pinsan siya? Akala ko pa naman ay only child ang pareho niyang parents," sabi ko. Iyon kasi ang sinabi ni Ger noong isang beses na pumunta ako sa bahay nila.
"Magulo ang buhay nila. Iyon lang ang alam ko. Ayoko makichismis dahil hindi naman ako malapit kay Sarmiento," aniya. "Bakit mo pala naitanong, boss?"
"Wala naman."
Napatigin siya dahil sa naging sagot ko. Na-weirduhan yata siya sa sinabi ko. Kunot-noo niya akong hinarap. Naku po! Mukhang wala akong kawala rito, ah?
"Gusto mo si Sarmiento?" tanong niya. "Give it up! Ayoko sa lalaking iyon."
Napatingin ako dahil sa sinabi niya. "Bakit naman? Ako naman ang may gusto. Hindi mo kailangang gustuhin din siya," nakapamaywang na sabi ko.
Humalukipkip si kuya at tamad akong tiningnan sa mga mata ko.
Napalunok ako dahil sa tingin niya.
"Gusto mo nga siya," pahayag niya. "Chick boy ang isang iyon. Kaya hangga't maaga ay layuan mo na."
Napahinto ako. Napaisip ako sa sinabi ni kuya. Alam ko na naman iyon. Sa guwapo ba namang nilalang n'on ay hindi maging chick boy? Magtaka ka na kung hindi, baka bakla pa iyon.
"Crush lang naman, 'no! Isa pa, aware naman akong chick boy iyon dahil guwapo." Humalukipkip din ako tulad niya at tumingin sa labas.
"Good. Kung gusto mo nga talaga siya, siguraduhin mo munang naka-move on ka na," aniya.
This time, napahinto na talaga ako sa ginagawa ko. Napahinto nga rin yata ako sa paghinga. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Tiningnan ko si Kuya Matthew at nakapikit na siya, mukhang matutulog na.
Muli akong tumingin sa labas ng bintana para makapag-isip.
Alam ko naman sa sarili kong hindi pa ako nakakapag-move on. May feelings pa rin akong natitira sa kaniya. Hindi naman iyon talaga nawala. Naghanap lang talaga ako ng pagkakataon para makahinga.
Nasakal ako noon kaya tumakas ako. Masyado pa siguro kaming mga bata para sa isang seryosong relasyon. Kailangan naming mag-mature pareho. Enjoy-in na muna ang buhay-malaya. Kung kami talaga para sa isa't isa, magiging kami pa rin. Iyan ang matagal ko nang itinatak sa isip ko.
"Isa pa, hindi ka puwedeng magmahal ng isang tao. Alam mo ang patakaran ng pack natin," aniya.
Napakagat ako sa labi ko dahil sa sinabi niya. Oo nga pala! Ang mga babaeng tulad ko ay dapat makapag-asawa ng isang katulad ko para mapanatili namin ang lahi namin. Iyon ang utos galing sa aming pinuno.
Pero sabagay, crush ko lang naman iyon.
Nang makarating kami sa bahay ay pumasok agad kami. Umakyat ako sa kuwarto ko para maligo at saka para makatulog na. Wala naman akong ibang gagawin kundi ang mahiga at makipag-text. Na madalas puro si Tine at Belle lang ang nakakausap ko at ilan sa mga kaklase ko.
Sinuot ko ang terno kong pantulog na may disenyong spongebob. Halos lahat ng pantulog ko ay terno. Puro cartoon ang print.
Tumunog ang phone ko kaya tiningnan ko. Tapos na akong mag-shower kaya nakapantulog na ako. Nahiga na ako at saka itinuon ang atensyon sa selpon. Ito lang ang way ko para makapagpaantok kaya sinulit ko na.
From: Belle
Good Evening! Malapit na swimming natin. So excited ^^
Sent 9:37 pm
I replied.
To: Belle
Kita kits!
Sent 9:38 pm
Nakatanggap din ako ng ilang mensahe sa mga kaklase ko. Iyong iba ay matutulog na, kaya hindi ko na ni-reply-an. Mga busy na ang halos lahat sa kanila. Puro mga gala rin at ang iba ay nag-eenrol na nang mas maaga. Malas lang dahil may mga nag-summer classes.
Belle: Daanan ka raw namin sabi ni Limea sa araw ng swimming natin. Gamitin van ng parents niya.
Me: Sige! Maaga sana magising.
Belle: Bubulabugin ka namin kapag na-late ka!
Me: Mas ayos yata kung gano'n. Kaysa gisingin ako ni Kuya Max ng bugbog niya.
Marami kaming napag-usapang bagay-bagay tulad ng ano'ng mga ginawa sa buong araw at madalas puro kumustahan lang. Nang mawalan kami ng ibang topic ay naisipan kong magtanong sa kaniya.
Me: May kilala ka bang Devin? Devin Sarmiento? Iyong football player ng school natin.
Belle: Oo naman. Sino ba hindi makakakilala sa lalaking iyon? Hunk!
Me: Ah. Kilala mo ba siya personally?
Belle: Not really. Bakit? Interesado ka? Gusto mo ilakad kita?
Me: Hindi 'noh!
Belle: Ah! E 'di crush mo. Gusto mo nga? Ipagtatanong ko sa mga kakilala ko. Sabihin ko sa 'yo bukas 'pag may nalaman ako tungkol sa kaniya.
Me: Hindi mo naman kailangan gawin 'yon! Crush ko lang naman.
Belle: Nag-text si Joanna! Kilala yata ng kuya niya personally. Tanong natin kay Kuya Fret kapag nakita natin.
Me: Natin? Interesado ka rin?
Belle: Ayan! Syempre, future BF ng kaibigan ko. Kailangan makilala ko rin. Ano ka ba!
Me: Tumigil ka nga! Para kang timang. Wala akong balak na ganiyan. Tutol na nga agad si Kuya Matthew eh!
Belle: Ay bakit naman? Kilala ba ng kuya mo? Bakit hindi mo sa kaniya itanong?
Me: Ayon! Hindi niya nga gusto kaya wala na siyang ibang sinabi. Saka bawal, alam mo naman ang pack namin.
Me: Ui! Matutulog na ako. Inaantok na ako!
Belle: Ayan ang aga pa!
Me: Inaantok na nga ako.
Belle: Last na!
Belle: Ano 'ng gamit mong deodorant? Puti ng kilikili mo, e!
Kinabukasan, maaga akong nagising. Tumayo agad ako para makapag-jogging. Kailangan kahit hindi ako naglalaro ng kahit anong sports ay physically fit pa rin ako. Kailangan ko i-maintain ang katawan ko. Sayang din. Hirap kayang magpa-abs!
"Saan ka pupunta?" bungad ni Kuya Max. Halos sabay kaming lumabas ng kuwarto namin. Pareho kaming naka-jogging pants kaya mukhang pareho kami ng balak.
Hinila niya ang batok ko at saka ikinulong sa kili-kili niya.
"Kuya, ano ba! Umagang-umaga naman, o! Gusto ko mag-jogging," sabi ko habang pababa kami ng hagdan. Naabutan namin sa ganoong posisyon ang mga kuya ko, si Mame at Puppy na nasa harap ng hapag, nag-aagahan na.
"Oh? Gising na pala kayo. Halika na't kumain na kayo," ani Mame.
Napatingin si Puppy sa ginagawa ni kuya sa 'kin. Ginulo pa niya lalo ang buhok kong nakatali. Napasigaw na lang ako sa inis.
"Itigil ninyo na nga iyan. Baka mapilayan pa iyan, Brice. Tumabi na kayo rito," utos ni Puppy. Agad na sumunod si kuya. Brice ang second name ni Kuya Max.
Uminom si kuya ng kape samantalang gatas ang iniinom ko. Hindi ako nagkakape. Sumasakit ang tiyan ko kapag nagkakape. Silang lahat naman ay puro kape. Kaya mga nerbiyoso. Inom nang inom ng ganoon.
"Mukhang may lakad kayong dalawa, ah?" patungkol ni Mame sa 'ming dalawa ni Kuya Max.
"Mag-jojogging talaga ako, Mame. Nakita ko, mag-jojogging din si kuya," sabi ko sabay kagat sa toasted bread na niluto ni Mame. Sinabayan ko naman iyon ng gatas. May bacon, hotdog at egg ding inihanda si Mame para kay Puppy. Hindi kasi nakapagtatrabaho nang ayos si Puppy kapag hindi nag-aagahan.
"Sasama ako. Hintayin ninyo ako. Doon ako sa field hihinto," sabi ni Kuya Matthew na patapos na sa pagkain. Mukhang kagigising lang din niya.
"Plano rin naming mag-jogging bago maglaro sa field!" sabi ni Kuya Marvin.
"Sabay-sabay na tayo para masaya," sabi ni Kuya Mervin.
Sumang-ayon kaming lahat sa sinabi niya. Binilisan na namin ang pagkain para makaalis na kami. Mas masarap magbilad sa araw kapag ganito kaaga. Kapag mamaya pa kasi ay masakit na sa balat ang sinag ng araw.
"Una na kami, Puppy! Mame!" pagpaalam namin. Tumango naman si Mame samantalang sumabay sa 'ming lumabas si Puppy. Nakita kong nakaparada na ang 2020 Toyota Granvia namin.
Paalis na rin si Puppy patungo sa bukid namin sa Capital ng probinsya namin. Doon marami siyang kasosyo sa bukid namin. Mga mababait na tao ang mga iyon kaya minsan ay nakakaasaran ko rin.
Nagpalit na sila ng jogging pants para makatakbo nang ayos. Naka-headphones na itim si Kuya Matthew na may kalakihan. Nakasabit iyon sa kaniyang leeg. Magpapaka-loner na naman yata mamaya.
"Mag-ingat kayo! Huwag ninyo hahayaang humiwalay sa inyo si Drea," paalala ni Puppy. Hinalikan niya ako sa noo. Niyakap naman nila ito pati si Mame bilang paalam.
"Kami na bahala kay boss! Hindi namin hahayaang may lalaking lumapit," sabi ni Kuya Marvin. Humalakhak pa silang dalawa ni Kuya Mervin dahil sa sinabi niya.
Siniko ko na lang siya.
"Sige! Baka mawala ang sikat ng araw. Mas masustansya iyon bago mag-alas nuebe," ani Mame.
Nagsimula na kaming mag-jog. Dumaan ang van kung nasaan si Puppy. Kumaway lamang kami roon. Madalas kasama ni Puppy ang katulong niya sa bukid. Si Jeremy yata, iyon ang pangalan niya sa pagkakaalala ko.
Pagdating namin sa field ay nagpahinga muna kami. Nakaupo kami sa upuang gawa lang sa pinagpatong-patong na katawan ng puno. Itinali lang iyon para hindi tumumba.
Sa harap namin ay ang malawak na field. Tr-in-im talaga ang parteng ito para sa mga players. Dati kasi itong bukid. Puwedeng pang-Basketball, Volleyball, Football o Soccer. Kasalukuyan ding may mga naglalaro ng Badminton.
"Tara, Kuya! Laro tayo!" yaya ni Kuya Max. Tumayo siya at nanghiram ng bola ng football. Pinanood ko silang nilaro iyon pero si Kuya Matthew ay nakaupo lang.
"Hindi ka ba sasali sa kanila, Kuya?" tanong ko.
"Ikaw na lang muna. Panonoorin ko muna kayo." Nilagay niya ang headphones sa tainga niya at saka pinagkrus ang dalawang braso.
"Sige! Tayo ka lang kung gusto mo sumali," sabi ko. Narinig ko ang tilian ng mga babae sa paligid. Pinanood nila ang mga nag-babasketball sa field. Pagod na ang iba kaya sa tingin ko ay malapit nang matapos.
"Sali ako!" sigaw ko kina kuya at nakiagaw na ng bola. Habang naglalaro kami, nalipat ang atensyon sa 'min ng mga babaeng nagtitilian kanina, iyong nag-babasketball at nag-babadminton.
Tsk.
Kahit na marami ang nanonood at tumitili sa amin, hindi pa rin nakatakas sa paningin ko si Kuya Matthew. Tumayo siya at saka umalis. Patungo sa kung saan. Kaya ba ayaw niya maglaro? Dahil sa mga tilian? Tss. Masyadong anti-social. Hindi naman siya ganiyan dati. Siya pa nga ang madalas magyaya sa amin na maglaro.
Hindi siya magkaka-girlfriend kapag ganiyan siya.
Chapter 7
"Drea! Nandito na sa baba sina Mea. Bilisan mo riyan!" sigaw ni Mame habang kinakatok ang pinto ko. Isinara ko na ang pinto ng banyo at dumeretso sa kama kung nasaan ang mga bag ko.
"Bababa na po ako!" sigaw ko pabalik.
Kinuha ko na ang backpack na itim at isang bag na binibitbit. Kinuha ko ang shades sa gilid ng salamin at muli ko munang tiningnan ang itsura ko sa harap bago lumabas. Bumaba na ako sa sala habang inaayos ang shades ko. Naka-shorts ako at maluwag na black T-shirt na may disenyong bungo.
Ngayon na ang gala ng buong section namin kaya alas otso pa lang ay nandito na sila sa amin. Ako ang pinakamalapit sa venue kaya sa bahay naisipang magkita-kita para sabay-sabay kaming mga barkada papunta. Medyo na-late ako ng gising kaya minamadali ako ni Mame.
Nakita ko na silang nakaupo sa sofa at nagmimiryenda na sila agad.
"Aga naman ng miryenda ninyo. Hindi ba kayo nag-agahan sa inyo?" tanong ko. Kinuha na ni Manong Cesar, driver nina Mea, ang bag na bitbit ko. Tumabi na muna ako kina Tine sa sala at nakikain ng biskuwit. Hindi pa naman ako nag-aagahan.
"Nag-agahan ako kina Reima, doon kasi ako natulog kagabi para sa gala natin ngayon. Pero nagugutom pa rin ako," sabi ni Tine nang puno pa ang bibig.
"Takaw," sabi ko.
Nilibot ko ang tingin sa bahay namin at hinarap si Mame. "Nasaan po sina kuya?"
Napatingin din kasi ako kanina sa rooms nila pero mga nakabukas at walang tao. Ganoon kasi sila. Hindi nagsasara ng pinto kapag aalis. Ganoon din ang madalas kong gawin. Si Mame lang ang nagsasara kapag nakaalis na kaming lahat.
"Naglalaro sila sa field nina Manong Turing mo. Iyong ginawa nila? Kanina pa sila naglalaro. Daanan mo na lang at magpaalam ka."
Inabot niya sa 'kin ang agahan ko pati na rin ang magiging tanghalian ko. Sa sasakyan na lang ako kakain.
"Salamat, Mame! Tara na."
Nagtanguan sila. Nagtangay pa nga si Tine ng isang biskwit. Nakita iyon ni Mame kaya pinagbalot pa siya para baunin. Napailing na lang ako. Oo, matakaw rin ako pero hindi ganiyan katakaw.
Nasa likod ng drayber sina Limea at Joanna. Nakatokong sila pareho at naka-shirt. Open sandals ang suot ni Mea habang close shoes ang kay Joanna.
Sa likod nila kami umupo. Ang katabi ko ay si Belle na naka-shorts at sando. Sina Tine at Reima ay nasa pinakadulo. Pareho pang nakapantalon at sando.
"Bakit pala ganiyan ang suot ninyong dalawa?" tanong ko. "Swimming ang pupuntahan natin, hindi mall. Bakit kayo nakapantalon?" Tinaasan ko pa sila ng kilay habang nakadungaw sa kanila.
Si Reima ang sumagot. "Mag-seselfie pa kasi muna kami bago mag-swimming! Marami raw kasing mga magagandang view roon kaya ito kami ngayon," nakasigaw na namang sagot niya. High pitch lagi!
Umayos na ako nang upo at dumungaw sa labas ng bintana. Madadaanan pa namin sina kuya para magpaalam ako. Madalas sumasama sila kapag ako ang gumagala pero iba ngayon. Mga kaklase ko kasi ang kasama namin.
"Manong Cesar, daan po tayo sa football field nina Mang Turing. Magpapaalam po sana ako sa mga kuya ko," sabi ko habang nakatingin kay manong sa rearview mirror.
"Sige."
"Pst! Drea, may nahanap akong mga bagay tungkol doon sa sinabi mong si Sarmiento. Kakilala pala siya ng bunso kong kapatid," bulong ni Belle sa 'kin.
Agad akong napatingin sa kaniya. "Ano 'ng mga nalaman mo?"
"Hindi naman ganoon karami. Devin Jasper Sarmiento, only child ng senador sa bansa natin. Sikat iyan dahil sa parents niya at player pa ng football sa school."
Napatango naman ako. Hindi na ako magtatakang sikat siya dahil gwapo siya.
"Anak pala siya ng senador. Akala ko naman nagkataon lang na magka-apelyido. Panigurado, kapag napakilala iyan sa media, iingay na naman," sabi ko. Medyo napasimangot ako dahil sa sinabi ko.
"Panigurado! Nag-aaral siya sa school natin. Hindi na sumasali ang football club sa mga paligsahan dahil kulang sila sa players simula noong grumaduate ng high school ang Kuya Matthew at Kuya Max mo. Pati na rin pala ang kambal, paalis na."
"Hindi na rin masyado naglalaro si Kuya Matthew. College na rin kasi siya kaya nagpo-focus na siya."
Natahimik na kami pagkatapos. Naisip ko rin kung may problema si kuya. Simula naman noong nag-college siya ay hindi nakakaabala ang training niya sa pag-aaral. Sinabi na ni Mame kay kuya ang tungkol doon pero noong lumabas ang resulta ng grades niya ay halos uno lahat. Hindi na pinansin ni Mame ang pagpu-football ni kuya. He can handle it, sabi niya.
Pero ngayon, last year na niya sa College saka pa siya nawalan ng gana maglaro. Sayang kasi. Ang alam ko may paligsahan silang sasalihan. Nakakausap ko kasi minsan ang coach nila na si Kuya Justin. Sabi niya pilitin ko si kuya, pero wala talaga. Kaya alam kong may problema si kuya ngayon.
Nang marating namin ang field, nakita kong nagpapahinga sina kuya. Nagpupunas sila ng pawis at umiinom ng tubig. Mukha ngang kanina pa sila naglalaro. Ang aga-aga, ang dami ring tao sa field. Mostly, mga babae. Kinakausap ni Kuya Max ang halos lahat sila.
"Ako na lang po ang bababa," sabi ko.
Binuksan ko na ang van nina Limea at saka nilakad ang kinaroroonan nina kuya. Unang nakapansin sa 'kin ay si Kuya Max. Nilapitan niya agad ako at iniwan ang kumpulan ng mga babae. Inakbayan niya ako palapit kina Kuya Matthew.
"Balita ko may gala raw kayo. Hindi kami isinama ni Mame dahil gala iyon ng mga kaklase mo," aniya.
"Oo, gusto nga sumama nina Kuya Marvin at Mervin pero pati sila hindi pinayagan nina Mame. Maghiwa-hiwalay naman daw tayo kahit minsan."
Bineso ko si Kuya Matthew at ang kambal. Ganoon ang batian namin tuwing umaga. Hindi ko alam, automatikong nakikipagbeso na ako sa mga taong malalapit na sa 'kin. Maliban sa barkada ko. Wala kaming batian dahil halos araw-araw kaming magkakasama.
"Kuya, mauna na kami. Dumaan lang ako rito para magpaalam."
Tumango siya sa 'kin at napatingin sa van na sinasakyan namin. Kumakaway roon ang mga kaibigan ko. Kumaway rin pabalik ang kambal pati si Kuya Max. Si Kuya Matthew hindi man lang ngumiti o kumaway. Umiwas pa nga ng tingin at ibinaling na lang sa 'kin. Napailing na lang ako.
"Mag-ingat kayo. Wala kami roon para bantayan kayo," mahinahong paalala ni Kuya Matthew. Niyakap niya ako at naramdaman kong hinigpitan niya iyon. Tss. Napaka-protective naman ng isang ito.
"Oo naman, Kuya! Huwag ka ngang OA. Kasama namin ang buong klase namin." Bahagya kong tinapik ang likod niya.
"Tama naman si kuya. Mag-ingat ka ro'n!" sabi ng kambal. Napailing ako sa kanila at niyakap din silang dalawa. Hinila naman ako ni Kuya Max palayo sa kanilang dalawa.
"Ako naman! Puro naman kayo," angal niya. Tinitigan pa niya ako saglit at saka sinugod. Imbis na yakapin ay ikinulong niya ako sa kili-kili niya. Binubugbog na naman niya ako!
"Kuya! Ano ba? Hanggang dito ba naman? Mahiya ka nga sa mga tao. Para ka talagang bata." Binitiwan naman niya ako at pinisil ang pisngi ko. Kahit ano talaga gawin niya, laging brutal. Kawawa naman magiging jowa niya, luluwa ang pisngi dahil sa pagpisil niya.
"Ingat, taba!"
Natawa lang ako hanggang sa makapasok ng van. Kaway pa ako nang kaway kahit na umaandar na ang van. May isinigaw pa si Kuya Max pero hindi ko na narinig. Ipinagkibit-balikat ko na lang.
Tahimik lang kami sa byahe. Sina Tine at Reima lang ang maingay sa likod. Puro sila selfie at kung minsan ay kinukuhanan din kami. Pati ang mga view ay hindi nakatakas sa camera nila. Kami naman ay hanggang sulyap na lang.
Nang makarating kami, nag-park na si manong kaya lumabas na kami. Nag-inat-inat ako nang makalabas. Inayos ko na ulit ang shades ko at saka kinuha ang gamit ko. Halos pare-pareho lang naman kami ng dinalang gamit. Mga pamalit lang talaga.
Pumasok na kami. Nandoon na raw sila sa loob at may cottage na para sa lahat. Kanina pa raw sila nakalusong dahil ang tagal namin.
Hinanap agad namin ang kinaroroonan nila. Ang mga lalaki ang nakalusong na sa tubig at mga naka-topless pa. Hindi naman ganoon karami ang tao kaya hindi crowded ang swimming pools.
"Akala namin hindi na kayo darating. Tara, lusong na!" yaya ni Allen, ang athlete naming kaklase. Volleyball player siya sa men's volleyball ng school namin. Marunong din siya lumangoy dahil may sarili silang swimming pool sa bahay nila.
"Kanina pa nila kayo hinihintay! Lalo na kayo, Tine at Reima. May laro kasi sila," sabi ni Cian, ang nag-ayos ng gala namin. Kasama niya ang president ng klase na si Kim. Mga kumakain pa sila kaya siguro hindi pa lumulusong.
"Dinaanan pa kasi namin ang bawat bahay namin. Nagpaalam pa siya sa mga kuya niya," sabi ni Belle. Lumapit sina Allen, Michael at Nard sa 'min kahit na mga basa.
"Bakit pala 'di sumama mga kuya mo? Buti pinayagan ka na ngayon," sabi ni Nard sabay kuha sa ulam ni Cian. Hinampas naman niya ang kamay nito na ikinatawa lang nila.
"Kung alam mo lang, Nard! Halos hindi pa nga kami makaalis no'ng dumaan kami sa field kung nasaan ang mga kuya niya," sabi naman ni Reima na kumuha rin ng ulam.
"Tara! Lusong na tayo, Drea," yaya sa 'kin ni Belle.
Inayos niya ang damit niya na kanina pa niya suot. Iyon pala talaga ang ipanglulusong niya. Akala ko ay magpapalit pa siya.
"Mauna ka na, magpapalit pa ako ng swimsuit ko." Natawa na lang kami sa sinabi ko. Kinuha ko ang pamalit ko sa bag at saka tiningnan sina Joanna at Limea. "Hindi pa ba kayo maliligo?"
Naupo naman si Joanna samantalang kumuha ng pamalit si Limea.
"Palit na tayo," ani Limea.
Sumama naman ako sa kaniya. Naiwan sina Joanna at Belle na nakabihis na. Sina Tine at Reima naman ay umalis, naghanap ng magandang view para makakuha ng litrato. Hindi ko alam kung saang banda sila pumunta.
Alam kong umiiwas ang dalawa sa pagligo dahil mga takot din. Ayos lang naman kay Reima dahil isa siyang Leon pero ibon kasi si Tine. Medyo allergic din siya sa tubig. Ano naman ang sabi nila sa amin ni Limea na hindi nga naliligo?
Tahimik lang kami ni Limea papasok sa CR. Magkahiwalay kami ng cubicle. Hindi naman kami nagtagal at lumabas na. Naka-shorts na kami pareho at nakasando. Kita ko tuloy ang hubog ng katawan niya. Maganda naman pala pero pilit niyang tinatago.
Lumabas na kami at bumalik para makapag-swimming. Baka kasi uminit na mamaya. Mas malakas makapagpa-itim iyon.
Pagbalik namin ay naglagay na kami ng sunblock. Mamaya na raw sina Cian dahil may hinihintay pa sila. Walang magbabantay ng mga gamit namin. Lumusong na rin sina Belle at Joanna. Agad kaming lumapit sa kanilang dalawa at sinamahan sila. Medyo malamig ang tubig. May araw rin pero hindi ganoon katirik.
"Nandiyan na kabilang section!" Napatingin ako kay Michael. Siya kasi ang nakapansin. Hindi ko alam na may kasabay pala kaming ibang section. Ang alam ko ay kami-kami lang. Nakita ko ang ilang pamilyar na mukha na papasok galing entrance.
"OMG! Drea, look!" pabulong na bulalas ni Belle.
Napatingin ako sa tinuturo niya. Kasabay nang pagtingin ko ay paghagip din ng tingin niya sa gawi namin. Literal na napanganga ako pero hindi nagsalita.
"Si Sarmiento," bulong pa niya ulit sabay kiliti sa 'kin. Napaiwas ako ng tingin at binaling kay Belle ang atensyon.
Bakit hindi kami nasabihan na pupunta sila!
Chapter 8
Kalma lang, Drea! Si Sarmiento lang naman iyan. Hindi ka naman niya kilala at mas lalong hindi niya alam na crush mo siya. At kung malaman man niya, ano naman? Crush pa lang naman, 'di ba? Paniguradong maraming nagkakagusto sa kaniya. Normal lang 'yan.
Hindi ko na ulit siya tiningnan dahil sa nangyari. Nag-swimming na lang kami at nag-enjoy. Kapag iniwasan ko siya, walang mangyayari. Hindi niya malalaman. Kung kakausapin man niya ako, kakausapin ko rin. Para naman hindi masyadong obvious. Kaya ko naman iyon.
Nakita kong agad nag-topless ang mga kaklase niya at nagsitalunan. Hindi ko maiwasang hindi mapasulyap sa kaniya.
"Aw. Hindi nag-topless ang crush mo. Tumalon lang bigla," medyo disappointed na sabi ni Belle. Sa 'kin na siya nakatingin at nakangisi. Parang alam kung ano 'ng inisiip ko. Hindi ko alam kung bakit pero parang siya pa nga itong may gusto kay Sarmiento kung makaasta siya.
"Ano naman? Saka sanay na akong nakakakita ng abs, 'no! Ikaw ba naman may apat na kuyang may malalaking katawan, hindi ka pa masasanay," pangangatuwiran ko. Pero medyo nag-aalangan pa rin ako. Pakiramdam ko ay hindi ako kakalma kapag nakita ko ang katawan niya.
Nakita kong umahon siya kasama ang iba pa. Mag-slide yata sila. Napakahaba kasi ng slide tapos sa tingin ko ay mahihilo ka pa kapag nagpadulas dahil puro paikot. Naka-shirt siyang puti at fitted shorts.
Pagkatayo niya ay ginulo niya ang basa niyang buhok. Hindi rin nakawala ang abs niya sa paningin ko. Dahil basa ang shirt niya ay bakat ang abs niya. Tapos iyong muscles pa niya sa braso ay nagpe-flex sa bawat paggalaw niya. Sa tingin ko ay magkasing-katawan sila ni Kuya Matthew kahit na mas bata siya sa kaniya ng ilang taon.
Hanggang sa mag-slide sila ng mga barkada niya ay hindi ko inalis ang tingin ko sa kaniya. Medyo lumalangoy pa ako para hindi masyadong halata. Hindi ko na rin alam kung nasaan ang mga kaibigan ko.
Gusto ko na sanang umahon dahil bumabahing na ako pero gusto ko pa siyang panoorin. Hanggang dito na lang naman ang magagawa ko. Hanggang tingin na lang ako dahil hindi kami pwede.
"Hoy!"
Ibinaling ko ang tingin ko kina Tine at Reima na nakalusong na rin pala. Nakangisi silang dalawa sa 'kin sabay tingin sa barkada ni Sarmiento na kasalukuyang nagtatawanan na.
"Nandito na pala kayo? Sa'n kayo galing?" tanong ko.
Pero hindi nila pinansin ang sinabi ko. Napatingin ako kina Belle na palapit na rin sa 'ming tatlo. Nakangisi rin siya sa 'kin. Kasunod niya sina Limea at Joanna.
"Sorry, Drea! No secrets sa tropa."
Napapalo naman ako sa noo ko. I knew it! Hindi niya magagawang itahimik ang bibig niya tungkol dito. Nakakaasar! Bigla tuloy ako kinabahan sa puwede nilang gawin. Kung ano-anong kalokohan pa naman ang maiisip nila sa ganitong pagkakataon.
"Sarmiento, we love you!"
Nanlaki ang mata ko habang nakatingin kay Reima. Gusto ko siyang hampasin, gusto ko siyang sakalin pero baka mahalata nila. Kailangang itago ang kaba ko. Mamaya ko na sila bubugbugin kahit na nanggigigil na ako!
"Sarmiento, pa-kiss daw sa abs!" Halos mapanganga na talaga ako sa sinigaw ni Tine. Natatawa na lang si Belle sa gilid kaya tiningnan ko siya nang masama.
"Sarmiento, tanggalin mo na raw shirt mo. Hindi na kailangan niyan!"
Napatingin ako kina Cian at Kim na nag-apir. Nginisian nila ako kaya mas lalo akong kinabahan. Pati sila, alam na! Lagot ka talaga sa 'kin mamaya, Belle!
"Lakas mo talaga, Devin! Sa dinami-rami natin dito, ikaw talaga ang gusto," rinig kong sabi ng isa sa mga kaibigan niya. Ramdam kong palapit sila sa gawi namin kaya medyo lumayo ako. Hinatak ko si Limea nang pasimple para hindi ako mahalata.
"May gusto ka pala sa kaniya," bulong ni Limea.
Tiningnan ko naman siya dahil sa sinabi niya. Don't tell me, aasarin din niya ako gaya nila? "Haist! Sikreto nga dapat namin ni Belle pero ang daldal lang niya. Alam ko namang ganito kalalabasan kapag nalaman ng dalawang iyon kaya hindi ko sinabi."
Natahimik ulit siya kaya ganoon din ako. Naririnig ko hanggang dito ang pagkantyaw ng mga kabarkada ni Sarmiento sa kaniya. Nawala lang ang atensyon ko kina Sarmiento nang may biglang umakbay sa 'kin.
"Grabe, Drea! Hindi ko alam na babae ka rin pala. Lalaki rin pala ang type mo. E 'di sana matagal na kitang niligawan," biro ni Nard.
Sinapak ko naman siya sa braso dahil sa sinabi niya. Loko talaga ang isang ito kahit kailan. Dumaing siya dahil sa sakit.
"Tigilan mo 'ko, Nard! Naiinis ako sa pang-aasar nila pero hindi ko sila kayang sapakin. Pero ibahin mo ang sarili mo. Lalaki ka!" pagbabanta ko kahit medyo pabiro lang.
"Huwag, ssob! Joke lang naman. Hindi na mabiro."
"Saan ba punta mo at sinusundan mo 'ko?" Ibabaling ko na lang sa iba ang atensyon ko para mabawasan ang kabang nararamdaman. Ayoko kasing ipaalam agad. Wala pa ngang nagsisimula, matatapos agad?
"Kakain. Nagugutom na kasi ako. Ikaw? Bakit ka umiiwas kay Devin? Akala ko ba crush mo?" Inakmaan ko siya ng suntok dahil sa sinabi niya. "Joke! Joke lang. 'Di na mabiro talaga. Sensitive much."
"Umayos ka, ah? Tandaan mo, lalaki ka. Kayang-kaya kitang upakan."
Umupo kaming tatlo nina Mea para kumain saglit. Hindi naman maubusan ng kuwento si Nard. Ganito naman talaga siya, madaldal. Hindi na ako magtataka. Kahit sino naman kasi ay kinakausap niya. Napaka-friendly niya sa mga lalaki o kahit sa mga babae. Kahit sa mga matatanda ay ang bait niya. Ideal type!
"Dito na kayo, Nard! Mea! Drea! Laro tayo," yaya ni Michael.
Napatingin ako sa kanila. Nandoon na rin ang mga kaklase naming lalaki at mga babae. Pero ang mas napansin ko ay ang kabilang section. Kasama sila sa laro.
"Una na ako sa inyo," sabi ni Limea.
Tumango naman kami ni Nard. Inayos ko ang kainan namin at sabay na tumungo sa pool para sumali sa laro.
Sa gilid ako ng pool naglakad. Nang mapansin kong hindi na sumusunod si Nard ay lumingon ako sa likod. Bigla niya akong binuhat na parang sako. Nagsisigaw agad ako at sinapak ang likod niya. Tumalon siya sa pool, at dahil buhat niya ako, sabay kaming bumagsak.
Pagkaahon ko ay hinanap ko agad siya. Uupakan ko sana pero nakita kong nakalayo na siya. Nakipag-apir pa siya sa barkada niya. Napansin ko ring malapit siya kay Sarmiento at binigyan ako nang makahulugang tingin. Hinampas ko na lang ang tubig.
"Grabe! Ang sakit manapak. Parang lalaki. Siguro puro lalaki talaga anak ni Tita Marissa at walang babae," natatawang sabi niya.
Sinamaan ko na lang siya ng tingin at umiwas na. Napansin ko kasing nasa akin ang atensyon nilang lahat. Nakaramdam ako ng hiya.
"Tara, laro tayo Volleyball! Kung sino ang hindi makasalo o hindi maililipat sa iba, kailangang sumayaw," sabi ni Allen.
"Eyy! Paano kayo? Players kayo ng Volleyball, ibig sabihin hindi kayo makakasayaw. Unfair sa 'min iyon," angal agad ni Cian.
Napakamot si Allen sa batok niya. "Hindi iyan. Iba naman 'to. Saka nasa tubig tayo kaya mahihirapan din kami," aniya patungkol sa aming dalawa. "Gumitna kayo, Drea at Limea. Player rin kayo, eh. Maglayo kayo para ayos."
"Sige na nga. Sila nina Drea at Limea lagi ninyo puntiryahin ah?" sabi ni Kim na sinang-ayunan naman nilang lahat. Section namin at kabilang section ang magkalaban. Mayroon kaming imaginary net sa gitna kaya nag-umpisa na kami.
Nakipag-apir muna ako sa barkada bago gumitna. Marunong kaming lahat maglaro dahil nakasama ito sa P.E. namin noong junior high school.
Pumwesto ako sa pwestong malayo kay Sarmiento sa medyo gitna. Hindi pa nagtatagal ang laro ay may nataya na. Sina Janine at Kim. Napangiwi na lang ang ilan sa 'min dahil mukhang wala lang sa kanila. Mga dancers naman kasi ang mga iyan. Wala tuloy thrill dahil maganda rin ang sinayaw nila.
"Ano ba 'yan! Maganda sana si Drea ang hindi sanay para makita nating sumayaw," pang-aasar ni Nard.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Kung ikaw kaya? Ipakain ko kaya sa 'yo 'tong bola nang matahimik ka!" bulalas ko. Kapag siya talaga madalas kausap ko ay umiiksi ang pasensiya ko. Siya lang madalas mang-asar sa 'kin eh.
"Huwag na, ikaw na lang kumain tutal matakaw ka naman," natatawang sabi niya.
Nilangoy ko siya at sinapak. Pero dahil athletic din siya kahit papaano at sanay sa bugbugan ay wala ring naging silbi iyon.
"Tama na! Namumuro ka na, ah? Child abuse iyan."
Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Feeling ng isang ito! "Child abuse? Gurang ka na kaya hindi na child iyon!"
Nag-make face siya sa 'kin kaya sinabunutan ko siya nang nakakuha ako ng pagkakataon.
"A-aray! Sorry na, ssob! Hindi na mauulit."
"Tama na iyan. Baka maka-witness kami ng langgam na lumalangoy dahil sa inyo," biglang sabat ni Allen. Natawa ang iba naming kaklase. Bumalik na ako sa puwesto ko dahil baka makasapak na naman ako.
Napatingin ako kay Sarmiento na seryoso ang tingin... sa akin. Hindi ko sigurado kung ako ba o si Limea pero umiwas na lang ako ng tingin.
Nawala ang ngiti ko nang matamaan ako ng bola sa ulo. Hindi naman masakit dahil malambot ang bola. Pero nang nilingon ko kung sino ang nag-serve, kumulo na naman ang dugo ko. The ever makulit at nakakainis na si Nard!
"Sorry na po! Hindi kasi umabot," sabi niya na sinabayan pa niya ng tawa.
"Oh! Nandito rin pala sila?" biglang sabi ni Kim habang nakatingin sa entrance. Napatingin din siya sa 'kin kaya na-curious ako kung sino.
Pagtingin ko, napaawang na lang ang bibig ko sa mga taong dumating. Parang nawala ang kahit anong nararamdaman ko. Nawala ang atensyon ko sa iba dahil sa bagong dating. Hindi ko na nga napansin pa ang pagturo sa akin ni Sarmiento dahil sa taong dumating.
Akala ko makakaiwas na ako dahil bakasyon na at 'di ko na sila masyadong makikita. Akala ko makakalimot na ako. Puro naman pala ako akala. Ang mas masakit pa roon ay kasama niya ang bago niya.
Bitter na kung bitter. Minahal ko, eh.
Napatingin ako sa babaeng nakakapit sa braso niya. Kasabay niyon ay ang pagtingin din niya sa gawi ko. Tinaasan niya ako ng kilay na ikinaiwas ko lang ng tingin.
Kung may isang bagay man akong hindi matanggap matapos ang break up namin, iyon ay si Jesse, ang bago niya. Hindi ko alam kung bakit siya ang ipinalit niya sa 'kin.
Noon pa man, alam kong may pagtingin siya kay Jackson. Noon pa lang ay hindi na niya gusto ang relasyon naming dalawa. Alam niya kung ano ako at iyon ang palagi niyang ibinabato sa 'kin.
Ayos lang naman sa 'kin dahil siya iyong nasa tabi ni Jackson noong maghiwalay kami. Kaya lang ang ugali naman niya, mas magaspang pa sa semento. Maganda sana siya pero hindi naman ako sang-ayon sa ugali niya.
Pero ano pa nga ba ang magagawa ko? Wala na akong karapatan para pagsabihan si Jackson sa kung sino ang dapat niyang ipalit sa 'kin. Mas ayos na rin ito. Kung mahal naman talaga niya si Jackson ay ayos na. Baka ako lang talaga ang ayaw niya.
Chapter 9
"Bro! Hindi ako na-inform na kasama kayo ah?" bati ni Allen sa kanila. Lumapit din si Nard. Malapit din kasi siya sa buong section nila kaya hindi na ako magtataka.
Nahagip ulit ng tingin ko ang nakaakbay niyang braso sa girlfriend niya. Nag-iwas na lang ako ng tingin. Alam ko sa sarili kong mayroon pa, pero hindi pa rin ako sigurado. Gusto kong maging malinaw ang nararamdaman ko bago ko siya harapin nang may pagmamalaki.
"Aahon na muna ako. You want to come?" yaya ni Limea.
Nahalata yata nilang hindi ako magiging komportable simula ngayon. Nahihiya tuloy ako sa kaniya. Baka hindi siya makapag-enjoy dahil sa 'kin. Kahit na alam kong allergic kami pare-pareho ay minsanan lang kami gumala kasama ang buong klase.
"Mabuti pa nga, Limea. Hindi ba ay allergic ka talaga sa chlorine?" sabat naman ni Tine.
"Mauna na kami sa cottage. Kami muna ang magbabantay. S-sasamahan ko lang si Limea," sabi ko.
Sabay kaming umahon. Kita ko ang pagbabalat ng mga kamay niya. Parang babad na babad kahit na hindi pa siya masyadong nakakalusong.
"Saan kayo? Ayaw niyo na?" tanong ni Kim.
Napatingin din ang iba sa 'min. Sina Belle na ang nag-explain. Tutal ay bahing na rin naman ako nang bahing, umahon na rin ako.
Naupo kami sa cottage. Dumating na ang iba naming kaklase kaya kami na talaga ang tagapagbantay ngayon. Binalot na lang muna namin ang sarili namin sa tuwalya. Hinayaan na silang mag-enjoy at sulitin ang araw na magkakasama kami. Buti na lang at may pagkain na mapaglilibangan.
Kita ko sila mula rito. Ang saya nilang nagku-kuwentuhan at nagtatawanan. Sa totoo lang, gusto kong sumali. Siguro kung hindi na ako bitter ay nandoon ako at kasama nila. Kaya lang ay wala na akong magagawa. Mapait pa rin ang nararamdaman ko. May feelings pa rin kasi. Kahit na halata mong naka-move on na siya dahil sa bago niya.
Noong ipakilala ko si Jackson kina Mame bilang manliligaw ko, doon naging mas mahigpit sina kuya. Natuwa si Mame, syempre. Inimbitahan pa nga niya mag-dinner, isang beses. Tinusta siya ng mga kuya ko. Kesyo bubugbugin nila ito kapag sinaktan ako o kaya naman iuuntog sa abs nila.
At huwag kayo! Nag-topless pa talaga silang lahat habang sinasabi iyon. Nakakaloka lang! Gusto ko silang bugbugin isa-isa pero nahihiya lang ako kay Jackson. Buti at dumating si Mame at pinagbabatukan silang apat para sa 'kin.
Ang tanging nasabi lang ni Puppy ay alagaan niya raw ako, huwag sasaktan at higit sa lahat, huwag paiiyakin.
Noong nag-break kami, akala ko gagawin nina kuya ang banta nila. Pero nagulat ako dahil tahimik lang sila. Hinayaan nila akong mag-isa at umiyak. Pero si Kuya Mervin, hindi nakatiis. Siya ang unang lumapit sa 'kin at niyakap ako. Nahihirapan din siyang makitang nasasaktan ako. Kahit na ba ako naman raw ang may kasalanan.
Simula noon ay inayos ko na ang sarili ko. Hindi ko na hinayaan ang sarili kong panghinaan dahil sa kaniya. Ayoko rin namang nakikitang nasasaktan sila lalo na kung dahil lang naman sa 'kin. Kaya ito ako ngayon, nag-momove on.
Now playing: You suck at love
"Mukhang may live band, ah? Kung sabagay, maghahapon na rin naman," sabi ko pero napatigil ako sa pagkain ng chips dahil sa kumakanta.
Kumunot ang noo ko. Pinakinggan ko pa nang maigi ang kumakanta at unti-unting nanlaki ang mga mata ko nang ma-realize kung sino iyon.
"Drea! Hindi ka talaga kayang iwan ng mga kuya mo sa pangangalaga namin!" sigaw ni Nard na sinabayan ng tawa.
Dali-dali akong tumayo. Sumunod si Mea sa 'kin. Tumakbo ako paikot sa pool para tingnan kung sino ang kumakanta na iyon. Napapalo ako sa noo ko nang tuluyan ko na silang makita. Nang makita niya ako ay kumindat pa siya at nagpatuloy sa pagkanta.
"Holy cheese in a can!" bulalas ko.
Napatayo lang ako roon at tinitigan sila, nakanganga ang bibig at hindi makapaniwala. I should have expected this to happen!
Nasa tabi ko na ang barkada ko at nakikinood. Dumarami rin ang mga taong nanonood sa kanila. Halos napatigil ang lahat sa pagsu-swimming dahil sa kanila.
"Nawalan ng tao sa pool ah?" biglang sulpot ni Sarmiento sa gilid ko. Napatingin ako sa kaniya at ganoon din siya. "Hi!" bati niya sabay ngiti.
Nakita ko tuloy ang dimples niya. Parang mga dimples lang ni Kuya Marvin, dalawang malalim.
"Hi," mahinang sabi ko.
Binalik ko lang ang tingin ko kina kuya pero ramdam ko pa rin ang titig niya sa akin. Hindi ko tuloy maiwasan ang mailang kaya iniipit ko ang buhok ko sa aking tainga.
Ito na naman ang kakaibang tibok ng puso ko. Sa sobrang bilis ay nakakatakot. Hindi ko alam sa sarili ko pero alam kong kakaiba ito. Hindi ko na pinakinggang kumanta sina kuya dahil masyadong natuon ang atensyon ko sa katabi ko.
Gusto kong makasigurado kung siya nga ba talaga iyong nakita ko sa gubat noong araw na iyon. Kailangan kong masigurado para malaman ko kung ano ang dahilan ng mabilis na tibok ng puso kong 'to.
Pasimple akong lumapit sa kaniya, inamoy ko siya at saka pumikit. Napasinghap na lang ako nang maamoy ko siya. Hindi nga ako pwedeng magkamali. Siya nga! Maraming salamat sa tubig dahil wala na ang pabango niya ngayon. Medyo faint ang amoy pero sigurado na ako.
Hindi na ako binigo ng pang-amoy ko ngayon!
Tiningnan ko sina kuya para hindi na ako mapansin pa ni Sarmiento. Napangiwi na lang ako nang may mapansin ako. Medyo napasinghap pa ako.
"Paanong hindi mawawalan ng tao sa pool kung may bandang naka-topless ang tumutugtog?" naiiling na sabi ko.
Natawa siya sa sinabi ko. Hindi na ako tumingin sa kaniya dahil pakiramdam ko ay namumula ako. Kailangan kong pakalmahin ang puso ko bago pa ako himatayin. Masama para sa 'kin ang ganitong pakiramdam.
"Ahm... hello!" bati ni Kuya Marvin matapos ang kanta. Sinuklian ng tilian ng mga babae ang naging pagbati niya, "Ah. Ngayon lang kami kakanta rito dahil sa isang rason. Napag-isip-isip kasi namin ng mga kuya kong hindi namin siya kayang iwan sa pangangalaga ng iba, lalo na kay Nard, kaya sumunod kami nang hindi sinasabi sa kaniya."
Sumigaw si Nard kay kuya kaya natawa siya.
"Nakikita ko na siya mula rito. Nanggagalaiti na siya sa galit. Boss! Huwag ka na magalit. Pumayag na naman si Mame!" Kumindat siya sa 'kin. Inirapan ko na lang siya. "So, dalawang kanta pa ang puwede naming kantahin. Tinatawag namin ang tunay na bokalista namin. Tara na rito!" yaya niya sa 'kin.
Pinagtulakan na ako ng mga kaklase ko sa harap kaya wala na akong nagawa. Hindi naman nila kailangang gawin iyon dahil lalapit naman ako.
Pagkatanggap ko sa gitara ni Kuya Marvin ay binatukan ko siya. Tumawa lang sila at bineso ako nang mabaling ang atensyon ko kay Kuya Matthew na nakakunot ang noo. Tinaasan ko siya ng kilay para tanungin kung ano ang problema niya.
"Bakit magkatabi kayo ni Sarmiento? Wala kang sinabing kasama siya."
Napaawang ang bibig ko dahil sa sinabi niya. Tinapik lang ni Kuya Mervin ang balikat ni kuya at saka nagtungo sa piano. Ngumiti na lang ako nang pilit sa kaniya.
Humarap ako sa mic at saka nagsalita. Medyo kinabahan kasi ako sa inasta ni kuya. Alam ko namang protective lang talaga siya. Pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit ang lamig niyang makatingin sa gawi ni Sarmiento na katabi na ngayon ni Mea.
Wala namang ginagawa si Sarmiento sa kaniya. Sinabi ko na ring crush ko lang talaga iyon kaya hindi na niya kailangan pang mag-alala.
Sinulyapan ko si Kuya Marvin sa isa pang gitara, si Kuya Max ay itinaas ang drumsticks sa akin. Hindi ko na sinulyapan si Kuya Mat at nagsimula na magtipa sa gitara ko. Sinubukan kong ngumiti sa mga nanonood.
Now playing: Smile by Avril Lavigne
Nagsigawan ang mga kaklase ko dahil sa tinugtog ko. Natunugan agad nila kuya ang gusto kong kantahin kaya nagsimula na sila.
Noong una ay hindi ako nakatingin sa gawi ng mga kaklase ko. Pagtingin ko sa kanila ay nakita ko si Jackson. Malungkot siyang nakatingin sa 'kin. Naiintindihan ko kung bakit.
Muli akong pumikit, medyo natagalan ang pagtingin ko sa iba pang nanonood at nakikikanta. Pagtingin kong muli sa kanila ay nakita kong nakangiti sa 'kin si Sarmiento. Naramdaman ko agad ang kakaibang ikot sa tiyan ko at ang mabilis na tibok ng puso ko.
Alam ko ang ibig sabihin nito. Hindi naman ako ignorante na sa ganoong pakiramdam dahil naramdaman ko na iyon noon. Kaya lang ay nagtaka ako. Kung may gusto nga ako kay Sarmiento, kung mahal ko na rin iyong tao, bakit nasasaktan pa rin ako kapag nakikita ko si Jackson?
Dahil sa tanong na iyon sa isip ko, may nabuo na rin sa isip kong kailangan kong gawin. Kailangan ko muna hanapin ang sarili ko. Kailangan kong alamin kung ano ba talaga ang nararamdaman ko.
Sisiguraduhin ko muna kung ano ang dapat kong gawin.
Kung tamang panahon na naman ay paniguradong magiging kami ulit. Kung kami talaga sa huli ay tadhana ang gagawa ng paraan. Kung hindi naman ay paniguradong may tamang lalaki ang darating sa buhay ko.
After namin kumanta ay umalis na kami roon. Medyo nalungkot pa nga ang mga nanonood at nakikisabay sa kanta namin. Pero ayokong mapagod ang boses ko. Kailangan ko pa kasi iyon para bulyawan ang mga kuya ko.
"Tss. Pati pala ang ex mo ay nandito. Bakit hindi mo sinabi sa 'min, Drea? Kahit sa 'kin man lang sana. Para kahit papaano ay may alam kami!" may diing bulong ni Kuya Matthew sa 'kin.
Papunta kami sa cottage namin. Nauunang maglakad sina kuya habang nagtatawanan at sabay kami sa likod ni Kuya Matthew nang bigla na lang niya akong bulungan.
"Para saan pa? E 'di mas lalo kayong magpumilit na sumama? Ngayon pa nga lang, nagpunta na kayo. Isa pa, hindi ko naman alam na sasama siya kaya huwag mong asahan na sabihin ko sa 'yo, Kuya."
"Drea, intindihin mo naman ako. Nag-aalala lang naman ako sa 'yo. Alam ko kung gaano ka nalungkot no'ng naghiwalay kayo. Hindi mo ako masisisi kung ganito ako makapag-react dahil sa ex mo."
Naiintindihan ko rin naman si kuya pero bakit hindi niya makita kung ano ang punto ko? Nagawa ko na kasing suwayin noon si Freidrich tungkol sa relasyon naming dalawa ni Jackson. Bukod sa iba pang dahilan, tao si Jackson at isa akong lobo.
Napahinto na kami sa pagsunod sa kanila. Sa daan na namin napiling magtalo. Wala naman akong pakialam kung may manood sa amin. Gusto ko lang liwanagin kay kuya kung ano ang rason ko.
"Kuya! Sinabi ko na naman, 'di ba? Wala nga akong ideya na sasama rin sila! Bigla na lang sila naglitawan isa-isa. Hindi ko naman siya kaklase kaya hindi ko inaasahan. Nagkagulatan lang din kaming dalawa!"
"Kahit na ba! Dapat sinabi mo sa 'kin. Kaya nga may phone, Drea, 'di ba?"
"Ewan ko sa 'yo, Kuya. OA ka lang! Ayos na naman ako. Hindi na ako nasasaktan kapag nandiyan siya. Kung nasasaktan man ako, e 'di sana kanina pa ako umiyak."
Naglakad na ako palayo. Iniwan ko na siya roon na tinatawag pa rin ako.
Pagdating sa cottage ay kinuha ko agad ang gamit ko. Hindi na naman ako basa kaya sa bahay na lang ako magbabanlaw. Ayokong makipagtalo kay kuya rito. Lalo na at nandito pa ang mga kaklase ko. Hindi sila sanay na nagtatalo kami nina kuya lalo na ni Kuya Matthew. Sobrang bait naman kasi talaga niya... masungit lang talaga.
Hindi ko na pinansin ang mga tanong nila. Napansin na naman nilang nag-aaway kami ni kuya kaya alam kong may ideya na sila kung bakit ganito ang inaasta ko. Alam nilang ayoko sa pagiging overprotective nila sa 'kin. Ang OA lang kasi!
Ako ang may kasalanan sa nangyari sa 'min ng ex ko pero kung makaasta naman sila ay parang ako pa iyong iniwan. Nakakapang-init lang ng ulo!
Chapter 10
Napadaan ako sa cottage nina Sarmiento at Jackson pero hindi ko na pinansin. Mas mahirap kung mag-aaway kami ni kuya sa harap mismo nila. Lalayo na muna ako para mas ayos. Ang ganda-ganda na naman kasi ng mood ko kanina. Tsk!
"Drea! Mag-uusap pa tayo," ani kuya. Hinawakan ni kuya ang braso ko at hinatak ako palapit sa kaniya. Niyakap niya ako nang mahigpit kaya napasimangot ako. "Sorry, boss. Mainit lang talaga ulo ko. Hindi ko talaga sinasadyang sigawan ka kanina."
This time, ang hinahon na ng tono ng boses niya. Tono nanlalambing na. Kilala ko na naman ang kuya ko. Mainitin talaga ang ulo niya lalo na kapag sa mga kakilala niya. Sa mga pag-aari niya. Kapag may gumalaw nga ng gamit niya, naiinis agad siya. Kaya kailangan ay magpaalam ka muna sa kaniya.
"Akala ko hindi mo napansin. Kanina mo pa ako sinisigawan sa harap ng maraming tao," nagtatampong sabi ko.
Sinuklian ko siya nang mas mahigpit na yakap. Sarap talaga kayakap ni kuya, ang laki! Ngumuso na lang ako. Hindi ko rin naman natatagalan ang pagiging galit sa kahit sino sa mga kuya ko. Pakiramdam ko kasi kanina ay maiiyak ako.
"Sorry na. Sa susunod kasi mag-text ka. Kung hindi pa nadulas si Mea kanina ay hindi ko pa malalaman," aniya. Napatingin ako sa kaniya habang nakakunot ang noo.
"Mea? Si Limea na barkada ko? Magka-text ba kayo?"
Tumango siya sa tanong ko. "Tinanong ko kasi siya kung sino-sino mga kasama niyo. Noong nabasa ko ang pangalan ng ex mo, tumakbo na kami rito. Hinatak ko nga lang ang kwelyo ni Max papunta," nakangising sabi niya.
"Tss. Tara! Paalam na tayo sa mga kaklase ko. Wala na naman akong gagawin. Sa bahay na ako magbabanlaw." Inakbayan niya ako habang palapit sa cottage.
"Okay kayo ni Sarmiento, Kuya?"
"Oo naman. Bakit maman kami hindi magiging okay?"
Ngumuso ako sa sinabi niya. "Sabi mo ayaw mo sa kaniya."
"Ayaw ko siya para sa'yo, boss."
Tinanggal ko agad ang pagkakaakbay niya sa 'kin. Inirapan ko siya at hinila si Mea papuntang CR. Hindi naman ito umangal.
Nakakainis talaga si kuya! Dito na ako magbabanlaw. Argh! Tatagalan ko para mainip siya. Amp!
Pagkabukas ko pa lang ng pinto, napahinto na ako. Hindi ko inaasahan na sa CR pa kami magkikita ulit. Natahimik na lang ako at saka nagsimulang pagbanlaw. Pagkatapos noon ay nandoon pa rin siya sa harap ng salamin, mukhang hinihintay ako.
"Long time no see, Drea," nakangiting bati niya sa 'kin na para bang sobrang lapit namin sa isa't isa.
"Oo nga," sabi ko na lang at saka nagmadaling ayusin ang mga gamit ko. Ayokong makausap siya.
"Bakit aalis ka na? Ngayon na nga lang tayo ulit nagkita tapos aalis ka na," nakangusong sambit niya na para bang nalulungkot siya.
Hinarap ko siya at saka dineretso. "Ano ba talaga 'ng gusto mo? Nakuha mo na si Jackson, hindi ba? Kaya tigilan mo na 'ko."
Tumawa siya dahil sa sinabi ko sa kaniya. "Teka, bitter ka pa rin ba kasi nakipag-break siya sa 'yo? Sabi ko na nga ba at may feelings ka pa rin para sa boyfriend ko," aniya.
Gusto ko sanang klaruhin na ako ang nakipag-break pero huwag na lang. Magsasayang lang ako ng laway.
"Hindi ako bitter, Jesse. Sinasabi ko lang ang totoo. Hindi ba at ginawa mo nga ang lahat para maghiwalay kami, pero hindi mo nagawa?"
Malakas siyang natawa dahil sa sinabi ko. Pinunasan pa niya ang gilid ng mata niya kahit na wala namang luha roon. "Sabihin na nating hindi kayo naghiwalay dahil sa mga ginawa ko. Tama ka." Unti-unti siyang lumapit sa 'kin at saka ngumisi. "Pero alam mo ba kung ano ang dahilan?"
Hindi ako sumagot. Hinintay ko lang ang sasabihin niya dahil wala naman akong pakialam. Ako ang nakipaghiwalay. Ibig sabihin ay wala siyang alam sa kung ano talaga ang nangyari. "Dahil hindi niya kayang makasama ang isang halimaw na gaya mo."
Nagpantig ang tainga ko dahil sa sinabi niya. Nagsimulang kumulo ang dugo ko dahil sa sinabi niya. Sa hindi malamang dahilan ay parang gusto ko siyang sakmalin ngayon dahil sa sinabi niya. I growled.
Napaatras siya sa ginawa ko kaya naman kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko.
"Mag-iingat ka sa sinasabi mo, Jesse. Baka isang araw, magulat ka na lang na isa ka ng pagkain ng mga halimaw na sinasabi mo."
Kinakabahan siyang natawa at pilit pinatatatag ang loob. "Hindi kita masisisi. Wala ka naman kasing nagiging totoong kaibigan kundi ang mga gaya mo ring halimaw!" bulalas niya sabay tingin nang masama kay Limea.
Isang malamig na tingin lang ang ipinukol niya kay Jesse. Hindi naman kasi siya iyong tipong pumapatol sa mga gaya nito.
"Gaya ng sabi ko, mag-iingat ka sa mga sinasabi mo, Jesse. Hindi mo alam na baka hinuhukay mo na pala ang paglilibingan mo. Good luck." Ngumisi ako.
Nang matapos ang komprontasyon na iyon ay lumabas na kami ng CR. Pagdating namin sa cottage ay nagpapaalam na sina kuya sa mga kaklase ko. Hindi naman pala sila magsu-swimming. Kumanta lang talaga sila at nagpasikat. Hindi na talaga maiiwasan iyon. In born na mayayabang na ang mga kuya ko, lalo na si Kuya Max.
Napagpasyahan naming umuwi na kasama ang buong barkada ko. Hindi na namin pinaalam pa kina kuya ang nangyari sa CR. Isang van lang ang gamit namin dahil nag-commute lang naman daw talaga sila. Hindi ko alam kung sino-sino mga natira pero tiyak maiiwan sina Allen at Nard. Mag-oovernight kasi sila. Darating ang parents ni Cian at bukas ang uwi.
Tuwing alas nuebe kasi, sa pagkakaalam ko, may bar na magbubukas. Uhaw sa alak ang dalawang iyon kaya nasabi kong maiiwan iyon. Gurang na silang dalawa kaya pwede na sila uminom. May pwede namang tulugan doon kung sakaling malasing sila. Mahihiya naman tiyak kina tita ang dalawang iyon.
"Grabe! Napaka-talented ninyong magkakapatid. Hindi ninyo man lang naisip na i-share sa iba para naman fair," ani Tine. Mukhang hyper pa rin at hindi man lang napagod sa swimming ang isang ito.
"Sa susunod kasi tumambay naman kayo sa bahay para maturuan namin kayo. Hindi pa kayo nakakapag-overnight sa 'min maliban noong kakikilala pa lang natin." Napatango ako sa sinabi ni Kuya Max. Katabi pa rin siya ng drayber.
Nasa likod kami ni Kuya Matthew, napapagitnaan nila ako ni Mea. Sa likod namin ay sina Belle, Joanna at si Kuya Mervin habang nasa pinakadulo sina Kuya Marvin, Tine at Mea. Napapalinis na lang si Kuya Marvin ng tainga niya dahil sa tinis ng boses ni Tine.
"Matagal pa ba tayo sa bahay? Kung magtatagal pa ako rito ay baka mabingaw na ako nang tuluyan," ani kuya.
Natawa naman kami dahil sa sinabi niya. Mas lalo tuloy lumakas ang boses ni Tine dahil sa sinabi niya.
"Hindi ka pa nasanay sa boses ng isang iyan? In born na may nakakabit na microphone sa lalamunan ng isang iyan," ani Belle sabay tawa.
Binatukan tuloy siya ni Tine.
"Immune na ako sa boses niya kaya hindi na nakakairita. Hayaan mo Kuya Marvin, masasanay ka rin!" sabi naman ni Reima.
Umayos sa pagkakaupo si Tine at saka tumahimik na lang. Kung ano-ano kasing sinasabi nila tungkol sa kaniya. Pero pustahan, hindi makakatagal ang isang iyan.
"So, pagplanuhan niyo na ang pagstay sa 'min. Maikli lang ang bakasyon kaya sulitin ninyo na," nakangising sabi ni Kuya Max.
Kumunot ang noo ko dahil sa inaasta niya. Parang may plano siya na hindi ko alam. Hindi naman niya madalas ginagawang big deal ang mga gala naming magkakaibigan.
Nakita ako ni kuya sa rear mirror kaya kinindatan niya ako.
"Sige! Kailan ba kayo free?" tanong ko. Kailangan kong alamin kung ano ba talaga itong pinaplano ni kuya. Naramdaman kong nanigas si Mea sa tabi ko.
"Ako, kahit kailan free! Lagi lang ako sa bahay kaya no problem!" Nakita kong nilinis na naman ni Kuya Marvin ang tainga niya dahil sa boses ni Tine. Sabi sa inyo, hindi rin makakatiis ang isang iyan.
"Ako rin! Kaya lang, hindi ako pwede sa linggong 'to, gagala kami ng buong pamilya." Napapakamot batok na sabi ni Reima.
"Bago mag-fiesta na lang! Three days before para makatulong tayo sa paghahanda nina Tita Marissa," suhestiyon ni Belle.
Sumang-ayon kaagad si Kuya Max. Mukhang may plano talaga. Tatlong gabi ang plano nila sa pagtulog sa 'min.
"Okay ako roon! Tutal noong fiesta naman sa lugar namin ay kayo ang nag-overnight," ani Tine.
Sumang-ayon sina Belle, Reima at Joanna kaya nagplano agad sila kung ano ang mga gagawin namin sa loob ng mga araw na iyon.
Magkakaprobinsya kasi kami maliban kay Reima pero magkakaiba ng barangay. Mula ako sa barangay na puro gulay ang streets samantalang sina Belle at Tine naman ay sa barangay na puro bulaklak. Si Reima ay sa kabilang probinsya na. Sina Joanna at Mea naman ay sa dulo ng probinsya namin.
"Hindi pa ako sigurado kung papayagan ako ng parents ko," mahinang sabi ni Mea sa tabi ko.
Napatingin kaming lahat sa kaniya.
"Eyy! Bakit naman?" angal ni Reima.
"Sumama ka na! Walang ganoon," nagtatampong sabi ni Tine.
"Hindi ko talaga alam. Magpapaalam na lang ako. I-tetext ko kayo kapag pinayagan ako," aniya.
Umayos kami ng upo dahil sa sinabi niya. Hindi namin siya masisisi. Halos pilit nga rin itong swimming na sinamahan namin.
"Ako na ang magpapaalam sa mama mo."
Napatingin kaming lahat kay Kuya Matthew. Inilagay na niya ang headphone sa tainga niya na ngayon ko lang napansin. Parang ayaw niyang magtanong kami kaya niya iyon ginawa.
Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Kuya Max sa harap kaya tiningnan ko siya nang makahulugan. Tinaasan niya lang ako ng kilay. Parang tuwang-tuwa siya sa mga nakikita niya. Sarap lang bigwasan ng lalaking 'to! Pasalamat siya kuya ko siya.
Pagkarating namin ay bumaba na agad kami ng mga kuya ko. Kumaway ako sa mga tropa ko hanggang sa mawala sa paningin ko ang van nila at saka pumasok sa bahay.
Sinalubong kami ni Mame at ni Puppy. Maaga rin ang uwi ni Puppy ngayon ah! Idinikit namin ang noo namin sa kanila at saka umakyat sa taas.
Pagbukas ng pinto ni Kuya Max ay tinulak ko siya para mauna ako sa loob. Kailangan ko itanong sa kaniya ang nalalaman niya.
"Ano 'ng ginagawa mo sa kwarto ko, Drea? Gusto mo bang mabugbog bago matulog?" tanong niya. Mahinahon iyon kahit na nakangisi siya.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Alam kong alam mo kung bakit."
"I don't know."
Inirapan ko siya dahil sa sinabi niya. Humiga ako sa kama niya at hinayaan na muna siyang magbihis.
Inilibot ko ang tingin sa kwarto niya. May mga posters siya sa pader na mga sikat na international football players. May cabinet din siya na puro manga ang mga libro na nakalagay. May isang cabinet din siya na may bola ng football. May pirma iyon ng idolo niya. May salamin pa talaga na harang na parang ayaw ipahawak sa iba.
Kinuha ko ang isa sa mga manga niya na kasalukuyan niyang binabasa at saka binuklat. Nang hindi ko natipuhan ang binabasa niya ay saka ako naglakad sa buo niyang kwarto. Ngayon na lang ulit ako nakapasok sa kwarto niya dahil palagi siyang wala sa bahay.
"Ano ba talagang mayro'n kina Kuya Matthew at Limea?" tanong ko nang makalabas siya ng banyo.
Naka-topless na siya at pinatutuyo ang buhok niya. Kumuha siya ng isang T-shirt na itim at saka binato sa 'kin.
Hindi agad siya sumagot. "Matagal ko na kasing napapansin. Simula noong umalis siya sa paglalaro ng Football, naging mas tahimik na siya. Lagi na rin siyang wala sa bahay."
Pumasok ako sa banyo niya at saka nagpalit ng T-shirt.
"Bakit kaya? May kinalaman ba roon si Mea?"
Naupo siya sa kama niya at saka binuklat ang manga niya. "Ano sa tingin mo? Kaya nga gusto ko makumpirma. Gusto ko si kuya mismo ang magsabi sa 'tin. Para saan pa't naging magkakapatid tayo?" nakangising tanong niya.
Nilapitan ko agad siya at saka ginulo ang basa niyang buhok. Nahiga ako sa kama niya at saka ko niyakap ang unan niya.
Amoy lalaki.
Dito na lang muna ako matutulog ngayong gabi. Malaki naman ang kama niya kaya kasya na kami. Isa pa, para namang bago 'to. Ngayon lang talaga naulit.
"Kaya pala ang weird nila pareho. Oo nga at weird talaga si Mea, pero mas nagiging weird siya lately."
"Yhup," aniya at tumabi sa 'kin sa paghiga. "Dito ka ba matutulog?"
Tumango lang ako. Hindi na kasi ako makakatayo dahil sa pagod. Lagi naman ako nandito noong bata pa ako. Wala na namang bago rito.
Pinatay na niya ang ilaw pero binuksan niya ang lamp sa bed side. Sa aming lahat, siya lang ay may ganito sa kwarto. Puro kami natutulog nang madilim. Si kuya naman ay gustong may kaunting ilaw. Nagbabasa rin siya madalas pampaantok.
"Good night!" sabi niya sabay halik sa buhok ko.
◘ This is a paid story ◘
Continue reading here ⇒ Andrea Narvaez
