Limea Meadow

Precious Jasmin
0

 



Chapter 1

Goodbye-Hello

"Sigurado ka na ba, Limea? Tiyak na mag-aalala ang parents mo kapag nalaman nilang wala ka na sa bahay niyo," ani Jester, pinsan ko sa mother side.

"Wala na akong pakialam, Jes. Ito na ang pasya ko. Mukhang hindi naman ako kabilang sa pamilya nila kaya aalis na lang ako," sabi ko.

"How can you say that? Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal sa'yo ni Tito. Nakikita ko namang gusto kang maging close ni Tita Leah dahil ikaw lang ang babae niyang anak," sabi niya.

Inilagay niya ang dalawang kamay sa batok niya habang naglalakad kaming dalawa. Kunwari pang sinasabihan ako pero ito siya at sasama na sa akin para sumakay sa train na papuntang Raekia Town.

"Nasasabi mo iyan kasi hindi naman ikaw ang nakakasama nila. Kapag nandoon ako sa bahay, lagi na lang akong sinesermunan ni Papa. Nakakasawa na," pagmamaktol ko sabay irap.

Bumuntong-hininga na lang siya. "Ikaw ang bahala. Ang tigas talaga ng ulo mo."

Nginisian ko na lang siya at saka nagpatuloy sa paghatak sa maleta ko. Kailangan kong magmadali dahil tiyak na alam na nilang aalis ako. Wala na kasi halos lahat ng gamit sa cabinet at tangay ko na lahat.

Papunta ako sa Raekia Town kung saan nakatira si Mama noong nabubuhay pa siya at hindi pa nag-aasawa. Isa siyang magaling na archer noong kabataan niya. Ang alam ko ay may paaralan doon kung saan nahasa niya ang talento at balak kong mag-aral doon. Kailangan kong ibaling ang atensyon ko sa ibang bagay habang hinihintay ang katapusan ko.

Magandang pagbuntunan ang paaralang ito dahil hindi siya ganoon kasikat. Balita ko nga ay ilan lang ang nakakaalam nito. Noong nabubuhay pa si Mama ay halos bente lang daw ang lahat ng estudyante at isang section lang sila. Mahigpit din daw kasi ang pagtanggap doon. Kailangan mo pang dumaan sa isang pagsubok na sila lang ang nakakaalam.

Hindi man ako siguradong matatanggap ako ay susubukan ko pa rin. Kung hindi naman ako matanggap, doon pa rin ang bagsak ko. Mangungupahan na lang siguro ako at maghahanap ng trabaho.

Bahala na...

"Mag-iingat ka, Pinsan. Wala ako roon para bantayan ka. Huwag na huwag kang gagawa ng kalokohan," paalala niya habang malawak ang pagkakangisi.

Tinaasan ko siya ng kilay pero napangiti pa rin ako. "Sabihin mo 'yan sa sarili mo, Jes. Mauna na ako," sabi ko.

Umupo ako sa isang bakanteng upuan nang makapasok sa loob ng train. Kumaway pa ako sa bintana nang makita ko si Jes. Prente lang siyang nakasandal sa isang poste, parang isang modelo. Napapatingin tuloy ang ilan sa kaniya dahil mukha siyang nagpo-photoshoot.

Umiling na lang ako nang kindatan niya ako. Napaiwas lang ako ng tingin sa kaniya nang maramdaman ko ang pagtabi sa akin ng isa pang pasahero. Bahagya akong umusod upang makaupo siya. 

Tinuon ko na lang ang tingin sa labas para hindi ako mainip.

May naupo pang dalawang babae sa harap namin nitong katabi ko. Kumunot ang noo ko dahil ang ingay nila. Hindi ko naman sila masuway dahil hindi naman sa akin ang train na ito. Kung may magagawa lang ako ay naipatapon ko na sila sa labas.

Ngunit nakuha nila ang atensyon ko nang banggitin nila ang pangalang Raekia. Mukhang doon din ang punta ng dalawang babaeng ito.

"Na-mimiss ko na sina mama at ang potato mushroom niya! Sana makarating na agad tayo sa Raekia," ani babaeng may kulay pulang buhok na naka-pigtail. Mas maputi siya sa kausap niyang kulay kayumanggi naman ang balat.

"Miss ko na ang alaga kong aso. Tapos na ang bakasyon kaya aral mode on na naman tayo. Nakakainis!" bulalas naman ng kasama nitong may mahaba, straight at itim na buhok. Maganda rin siya gaya ng kasama niya.

Sisingit sana ako sa usapan nila nang biglang magsalita ang lalaking katabi ko. "Sa Raekia kayo nakatira?" tanong niya. Hindi na yata napigilan ang kuryosidad na nararamdaman.

Nagkatinginan muna ang dalawang babae bago sagutin ito. "Oo. Bakit? Doon din ba ang punta mo?" tanong ng may kulay pulang buhok.

"Bago lang ako. Doon ako pinag-aaral ng parents ko pero wala akong ideya kung paano makakapunta roon," sabi ng lalaki habang kinakamot ang batok. Naka-clean cut at itim na itim ang buhok niya. Naka-side view siya kaya hindi ko siya makita nang maayos pero matangos ang ilong niya.

"Great! Pwede ka naming samahan," sabi ng babaeng mahaba at straight ang buhok.

"Ako nga pala si Nicy Morit! Sa Raekia kami nag-aaral," ani babaeng naka-pigtail. Napansin kong ang hyper niyang kumilos kahit na nakikipagkamay lang naman siya.

"Ako naman si Jian Gonzales. Kung may tanong ka tungkol sa school ay pwede mo naman kaming tanungin," ani Jian. Napansin ko namang may pagkamahinhin ito kumpara kay Nicy.

"Alton Heather. Maraming salamat! Mukhang hindi ako maliligaw sa unang araw ko," ani lalaki. Tulad ni Nicy ay may pagka-hyper din siya. Napakalawak niya ring ngumiti na para bang tuwang-tuwa sa kung ano.

I looked at them with bored eyes. Hindi ko alam pero naging hobby ko na rin ito. Ang sipatin ang mga galaw ng iba't ibang tao.

Siguro, naging hobby ko ito dahil nagsusulat ako ng mga nobela. Doon ko lang kasi nasasabi kung ano talaga ang gusto kong sabihin. Sa pamamagitan ng pagsulat, nailalabas ko kung ano ang nararamdaman ko tungkol sa isang bagay o tao.

Matagal pa silang nag-usap. Nakatulog na ako at lahat ay nagku-kuwentuhan pa rin sila. Wala akong ideya kung ano pero hinayaan ko na lang. Mukhang ito ang paraan nila para hindi sila ma-bored sa byahe.

Nilibot ko ang tingin sa paligid at kaunti na lamang ang tao. Mukhang nakababa na ang ilan sa kanila pero hindi pa rin kami nakararating sa dapat naming puntahan. Nag-alala pa naman ako na baka maligaw ako pero dahil may kakilala na akong pupunta roon ay hindi na ako kinabahan.

"Next stop, Raekia Town. Next stop, Raekia Town."

"Nandito na tayo. Ihanda niyo na ang mga gamit niyo para hindi tayo mahuli sa sakayan ng bus doon," ani Nicy.

Inayos ko na rin ang gamit ko. Nang dahil sa ginawa ko ay napatingin silang tatlo sa akin. Hindi ko sana sila papansinin kung hindi lang ako tinanong ni Alton.

"Sa Raekia rin ba ang punta mo?" tanong niya sa'kin. 

Tiningnan ko naman siya. Sa hindi malamang dahilan ay napalunok siya dahil sa ginawa ko. Umiwas na lang ako dahil mukhang ayaw niya sa'kin.

"Oo," tipid na sagot ko. 

Hindi na sila nagsalita kaya naman hindi na rin ako nag-abala pa. Mukhang alam nila kung ano ang sasakyan kaya sa kanila na lang ako sasabay. Wala naman sigurong masama kung sasabay ako sa kanila.

Nang huminto ang train, agad kaming lumabas. Dala-dala ang mga gamit namin ay bumaba kami sa isang maalikabok na platform. Hindi iyon tulad ng ibang train stations dahil mukhang abandunado na ang isang ito at gawa lamang ito sa kahoy. May parte pa nga roon na butas na at mukhang walang balak na palitan.

Ang creepy rin ng paligid dahil hindi normal ang pagkadilim ng paligid. Halos alas kwatro pa lang kasi ng hapon. Masyado ring malamig ang hangin sa kinatatayuan namin na nagbibigay ng kakaibang kilabot sa'kin. Hindi naman ganoon kahangin. 

Napansin ko ring apat lang kaming lumabas ng train kahit na ba ang daming tao roon. Hindi ko nga alam kung guni-guni ko lang ba o ano pero ang weird ng tingin ng mga tao sa loob habang nakatingin sa amin. 

Ano ba'ng problema nila?

"Sigurado ba kayong dito iyon?" tanong ni Alton. Nais ko ring itanong iyan.

"Oo naman. Ilang ulit na kaming nagbabalik-balik dito kaya hindi kami pwedeng magkamali," sabi ni Nicy habang pinapagpagan ang pantalon na naalikabukan.

"Pero bakit parang wala namang bumababa sa station na 'to? Tingnan mo nga at isang platform lang ang binabaan natin. Muntik pa tayong magkasyang apat," sambit ni Alton.

Natawa si Jian sa sinabi niya at siya na ang sumagot sa tanong nito. "Wala kasi talagang nagpupunta rito sa lugar na ito kundi ang mga gaya naming dito lumaki. Kaya nga nagulat kami kanina noong nalaman naming dito ang punta mo."

"Hindi ba sikat ang school ng Raekia? Kakaiba kasi ang pangalan kaya sa tingin ko dapat mas sikat ang mga ganitong lugar."

"Hindi naman sa hindi sikat. Sa katunayan nga ay lahat ng tao alam ang pangalang ito. Pero hindi sila nagtatangkang pumunta rito dahil natatakot sila."

Nakita kong magtatanong pa sana si Alton pero narinig na namin ang busina ng isang sasakyan. Mukhang ito na ang magdadala sa amin sa baryo ng Raekia. Mas maliit ito kumpara sa normal na bus at kulang dalawampung tao lamang ang kasya sa loob.

Agad kaming sumakay roon. Nagulat pa yata silang tatlo nang mapansin akong nakasunod sa kanila.

"Kanina ka pa riyan?" tanong ni Nicy habang nanlalaki ang mga matang nakatingin sa 'kin.

Kunot-noo ko siyang sinagot. "Kanina niyo pa ako kasama noong bumaba sa train." 

Nagkatinginan sila ulit at saka naupo sa bakanteng upuan. Umupo naman ako sa bandang likod nila.

"Masyado ka kasing tahimik kaya hindi ka namin napansin. Magsalita ka minsan para maisali ka namin sa usapan namin," sabi ni Alton, nakangiti sa gawi ko.

Tumango lang ako sa kaniya dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa kanila. Wala naman kasi akong masabi kanina kaya hindi ako sumali sa usapan. Lahat din naman ng tanong ko ay tinatanong na ni Alton kaya wala akong naging problema.

Sa buong byahe namin, natulog kaming apat. Mukhang dinadapuan din pala sila ng pagod kaya nauna akong gumising sa kanila. Tinapik ko lang ang mga balikat nila nang sabihin ni manong driver sa amin na nasa babaan na kami. Hindi na raw siya pwedeng pumasok sa bayan.

"Nakaka-miss talaga!" bulalas ni Nicy nang makalabas kami. Nag-inat pa siya at nag-stretching dahil kanina pa raw siya nakaupo. Kumunot ang noo niya nang mapansin ang dala kong gamit. "Ang dami mo namang dala. Para ka namang naglayas. Nakamaleta ka pa talaga!" sabi niya, natawa sa sariling komento.

Napayuko na lang ako dahil sa sinabi niya. 

"Don't tell me..." Hindi tinapos ni Jian ang dapat niyang sasabihin.

"Naglayas ka talaga?!" bulalas na tanong ni Nicy habang nakatingin sa 'kin, nanlalaki na naman ang mga mata. 

Tumango ako sa naging tanong niya at mas lalong napahigpit ang kapit sa maleta ko.

"Huwag nga kayong ganiyan! Baka naman may dahilan siya kaya niya ginawa 'yon. Tara na muna't maghanap ng matutuluyan bago tayo gumala," ani Alton.

Gumaan ang loob ko nang ngitian niya ako. Mukhang naiintindihan niya kung bakit ako lumayas pero hindi na lang siya nagtanong. Tumahimik na rin sina Nicy at Jian. Na-guilty tuloy ako dahil biglang nawala ang masayang aura nila dahil sa'kin.

"Okay lang naman kung huwag niyo na akong isama. Maghahanap na lang ako ng matutuluyan mag-isa," mahinang sambit ko.

"Huh? Bakit naman? Doon ka na lang sa inn namin pumunta para hindi ka na mahirapan. Baka maloko ka pa ng ilan dito. Mahirap na," ani Nicy.

"Tama si Nicy. Nga pala, ano ang pangalan mo? Hindi pa namin naitatanong. Sorry nga pala kanina. Na-guilty kasi kami sa pagtanong sa 'yo. Naging insensitive kami," sabi ni Jian.

"Ayos lang. Kasalanan ko rin naman. Kung hindi lang ako bumuntot sa inyo ay hindi mawawala ang masayang aura niyo."

"Wala 'yon. Pwede naman tayong maging magkakaibigan, 'no!" bulalas ni Nicy.

Napangiti ako dahil sa sinabi niya. "Oo naman. Ako nga pala si Limea, Limea Meadow. Nice to meet you."

Chapter 2

Raekia Town

Isinuot ko ang puting t-shirt at itim na pantalon ko. Nagpangginaw ako dahil ayon kina Nicy, magiging malamig ang paligid namin dahil June na ngayon. Hindi ko alam kung nagbibiro ba siya pero nang tingnan ko ang labas ng bintana, nakita kong umuulan ng nyebe.

Nasa inn kami ngayon na pagmamay-ari nina Nicy. Nakilala ko ang mama niya na si Tita Leth at ang kaniyang papa na si Tito Jo. Hindi pa naman sila ganoon katanda. Siguro ay nasa kwarenta anyos pa lamang sila. Nag-iisa lang siyang anak ng mga ito kaya medyo spoiled siya.

Iba-iba ang binebenta ng mga magulang niya rito sa inn depende sa panahon at oras. Tiningnan ko ang menu nila at puro soup ngayon. Alas sais pa lang naman kasi ng umaga at sobrang ginaw pa. Syempre, kailangan kong magbayad dahil business nila ito.

"Good morning, Limea!" bati ni Alton habang pababa sa hagdan na gawa sa kahoy.

Dito na rin siya tumutuloy gaya ko. Si Jian naman ay nasa tabi ng inn dahil may sarili silang bahay. Kasama niya ang tita niya sa bahay dahil wala na ang parents niya. Mukhang open naman siya sa ganoong usapan dahil nakakangiti na siya.

Mayroon din siyang alagang aso na hindi ko pa nakikita hanggang ngayon. Hindi talaga ako mahilig sa mga aso lalo na at mortal enemies kami. Not really enemies pero hindi lang talaga namin gusto ang isa't isa.

"Morning," nakangising sabi ko. Naiilang kasi ako dahil hindi naman ako palangiting tao. Hindi rin ako magaling makipagkaibigan. Baka kasi hindi nila ako magustuhan o baka maasar sila sa'kin kapag nagkataon. Kinakausap ko lang ang ibang tao kapag kinausap nila ako.

"Good morning, Tita, Tito. Si Nicy po?" tanong niya.

Mukhang kagigising lang din niya dahil parang maga pa ang mga mata niya pero napakaayos naman ng buhok. Dahil medyo kilala ko na ang mga lalaki, alam kong mas conscious pa sila sa mga buhok nila kaysa mga babae. Minsan kasi ang mga babae, pagkagising at bago matulog lang kung magsuklay ng buhok.

Umupo siya sa harap ko at um-order na rin ng soup. 

Halos gawa lang sa kahoy ang buong inn. Mula sa pundasyon, mga pader at pati na rin ang mga kagamitan sa bahay ay gawa sa iba't ibang kahoy. Nagbibigay tuloy ito ng kakaibang pakiramdam lalo na at malamig sa labas. Parang gusto ko tuloy alamin kung anong klaseng kahoy ang gamit sa pagpapatayo nito dahil hindi ko ramdam ang lamig na nagmumula sa labas.

May mga frames na nakasabit sa bawat pader pero puro quotes iyon, o 'di kaya naman ay mga abstract paintings. Hindi ko alam kung sila ang nagpinta niyon pero na-enjoy ko ang pagsuri sa kanila kanina paggising ko.

"Naku! Natutulog pa rin. Malamig kasi kaya mukhang napasarap ang tulog. Teka at gigisingin ko na," ani Tita. Ibinaba niya ang pinupunasang mangkok sa mesa at saka umakyat sa taas.

"Sasamahan niya raw po kasi kami na maglibot sa buong Town. I-eenroll na rin daw niya kami pero natutulog pa rin siya," sabi ni Alton, natatawa habang sumisimsim sa kanyang mushroom soup.

"Mukhang tulog pa rin si Jian. Na-miss yata masyado ang mga kama nila. Buong bakasyon kasi sila wala rito kaya nakakapanibago," ani Tito Jo habang nagluluto ng Chicken soup.

Naubos ko na rin ang mushroom soup ko pero hindi pa rin ako umalis. Gusto ko na rin kasing maglibot sa buong Raekia Town. Hihintayin ko na lang din siguro silang dalawa. Masarap magluto sina Tito at tita, mukhang beterano na sila pagdating dito.

Hindi naman nagtagal ay dumating na si Jian na mukhang inaantok pa talaga. Si Nicy naman ay ganoon din. Mukhang mga tulog pa kahit na kasama namin. Mabuti na lang at nagising ni Alton ang dalawang ito. Nagtawanan tuloy sila at nag-asaran na para bang ang tagal na nilang magkakakilala.

Ang bilis nilang mapalapit sa isa't isa kahit na pakiramdam ko ay ang hirap. Hindi ko magawang makipagkwentuhan sa kanila na para bang matagal na kaming magkakaibigan. Ewan ko. Natatakot ako sa magiging tingin nila sa'kin at baka layuan nila ako.

Nagpaalam kami sa mga magulang ni Nicy bago lumabas. Kahit na nakapangginaw ako ay ramdam ko pa rin ang kilabot sa balat ko. Kaunti pa lang ang nyebe na naaapakan namin pero kakaiba na ang pakiramdam ko. Pakiramdam ko ay magkakasakit ako.

"Mula sa istayon na binabaan natin ay dumaan tayo sa isang gubat na kung tawagin ay Fleob Forest. Iyon ang Timog na bahagi ng Raekia," pagpapaliwanag ni Jian.

"Sa Fleob forest nangangaso ang ilang hunters na pwedeng ipagbenta sa palengke tulad ng mga hayop, mga prutas na mapipitas at kung anu-ano pang mga kakaibang bagay. Hindi natin napagmasdan iyon dahil mga tulog tayo," sabi ni Nicy, natawa sa huling sinabi niya. 

"Kung ipagpapatuloy mo ang paglalakad papunta sa Hilaga ay madadaanan natin ang Andcel Market kung nasaan ang inn na tinutuluyan natin. Sa lugar na iyon kadalasan dinadala ang mga nahuhuli ng mga mangangaso at mangingisda."

"Sa pagpapatuloy naman ay isang palatubigan ang madadaanan natin bago ang kaharian ng Raekia. Mga isda naman ang kinukuha nila sa lugar na iyon. Aquanice naman ang tawag sa bahaging ito," pagpapatuloy ni Nicy.

"Madalang na nga lang ngayon dahil malamig. Tiyak na wala silang mahuhuli. Mabuti na lang at handa ang ilang mga pamilya na nagbebenta," dugtong pa ni Jian sa sinasabi ni Nicy.

"Last but not the least, sa Hilaga ay naroon ang Raekia Kingdom kung saan naninirahan ang hari at reyna ng Raekia na sina Haring Lazarus at Reyna Felicity," ani Nicy. Pumulot siya ng mga nyebe at ginawa iyong bilog. Inihagis niya iyon kay Jian na inilagaan naman ng huli.

"Kung ganoon, nasaan ang paaralan ng Raekia?" tanong ko. Sabay-sabay silang napatingin sa'kin dahil sa tanong ko.

"Ang Raekia Kingdom ay napalilibutan ng paaralan, ang Kianesis University! Doon kami nag-aaral at hindi magtatagal, doon na rin kayo papasok," sagot ni Nicy.

Nagkatinginan kami ni Alton dahil sa pagtataka. 

"Paano nangyari 'yon? Hindi ko maintindihan," ani Alton, umiiling pa dahil sa pagkalito.

"Maiintindihan niyo rin kapag sumama kayo sa'min sa loob. Tara na at i-eenroll na rin namin kayo. Mas mapapadali ang pagpasok niyo kung kasama niyo kami!" sabi ni Nicy, malawak ang pagkakangiti dahil siguro sa excitement. Medyo tumaas na rin kasi ang tono ng pananalita niya.

Nagpatuloy kami sa paglakad. Sa isang mahabang bridge kami dumaan at tanaw namin ang buong Aquanice mula roon. Maaari kang mag-skate dahil nagyeyelo ang buong palatubigan. Gusto ko na tuloy makita ang itsura nito kapag walang snow. Sigurado akong asul na asul ang kulay nito.

Tumigil lang kami sa paglalakad nang makarating kami sa isang mataas na gate. Halos apat na palapag na building ang taas niyon kaya hindi mo makikita ang kabilang bahagi. May mga numero ito sa gilid pataas. Numerong nagsisimula sa isa hanggang numero sampu. Masyado pa akong namamangha sa taas nito nang bigla na lang bumukas ang gate.

Napatingin ako kay Nicy na tinutulak ang gate. Napaawang ang labi ko dahil sa gulat. Napakalaki ng gate na iyon kaya paano niya naitulak iyon nang ganoon na lang? Isa pa, legal ba ang ginagawa niya? Paano kung makulong kami dahil dito?

"S-Sigurado ba kayo sa ginagawa niyo?" Hindi ko maiwasang hindi magtanong. Baka kasi hindi pa ako nagsisimula sa pag-aaral ay ipatapon na ako agad dahil sa ginagawa ni Nicy.

"Don't worry. Ganito talaga pumasok sa lugar na ito," ani Jian. Kinindatan pa niya ako para sabihing ayos lang ang ginagawa namin.

"Pwede naman tayo sa maliit na pinto dumaan. Bakit kailangan pa nating magpakahirap?" tanong ko habang nakaturo sa pinto sa gilid. Mukhang isang susi lang ang kailangan namin sa isang iyon.

"Tama nga ang sabi nina manong sa'kin." Napatingin ako kay Alton dahil sa sinabi niya. "Ayon sa kaniya, dalawang pinto lang ang mapagpipilian ng kahit sinumang pumunta rito at sumubok na pumasok."

"Mukhang maalam ang manong na tinutukoy mo, Alton." Tumango-tango pa si Jian.

"Oo naman! Ayon pa sa kaniya, tanging ang mga may kakayahan lang ang pwedeng pumasok sa malaking gate na ito. Kung hindi mo pa kaya ay may isa ka pang pagpipilian," aniya sabay tingin sa maliit na pinto. "Ang isa naman ay doon sa pinto kung saan susi lang ang kailangan."

"So, bakit nga hindi na lang doon? Mukhang nahihirapan na si Nicy," sabi ko habang nakatingin kay Nicy na nabuksan na ang pang-apat na gate. Hindi ko maiwasang hindi mapangiwi dahil mukhang hanggang doon na lang ang kaya niya.

"Kung sa maliit na pinto tayo dadaan, isang malayo at mapanganib na gubat ang tatahakin natin. Hindi natin masisigurado kung mabubuhay pa ba tayo dahil ayon sa mga nakapasok dito ay may iba't ibang mababangis na hayop sa loob."

"Sorry. Mukhang hanggang panglima lang ang kaya ko. Pasok na," aniya habang nakangiti sa aming tatlo.

Hindi na kami nag-aksaya ng oras at pumasok na sa loob. Pinanood ko pa ang pagsara ng gate dahil mukhang sobrang bigat nito. Paano kaya naitulak ni Nicy iyon nang mag-isa?

Dumagundong ang kinatatayuan namin nang dahil sa pagsara ng gate. Para bang kapag nabuksan mo ito ay magsasara ito nang kusa kung hindi mo mapipigilan. Tiyak na maiipit ka roon kapag hindi ka nakapasok agad. Ayoko na isipin pa kung ano ang kahihinatnan ko.

"Wow!" Napatingin ako kay Alton nang sinabi niya iyon.

Pakiramdam ko ay nanlaki ang mga mata ko at nalaglag ang panga ko dahil sa nasisilayan ko. Doon ko nakita kung gaano kaganda ang lugar na ito. Wala akong masabi.

Sobrang lawak ng paligid namin. Sa magkabilang gilid namin ay may matataas na bakod na humihiwalay sa mapunong lugar. Transparent iyon kaya kita ko ang iba't ibang mga kakaibang hayop sa kabila niyon. Para bang gusto kaming sugurin kung hindi lang dahil sa bakod.

May kuryente na dumadaloy sa bakod na iyon. Parang may plastik sa pagitan naming naghihiwalay sa'min. Ngayon ko lang napansing hindi na umuulan ng nyebe sa lugar na ito pero malamig pa rin ang simoy ng hangin. Para kaming pumasok sa ibang lugar.

Tinitigan ko ang kakaibang hayop na nasa likod ng bakod. Para itong ulo ng isang aso, kulay dilaw ang mga mata at puti ang buong mabalahibong katawan. Halos kasintangkad na siya ng bakod kaya nakatingala ako sa kaniya. Hindi ko maiwasang hindi matakot habang nakatingin sa mga mata nito.

"Sila ay mga Fire Foxes. Bumubuga sila ng apoy kapag nakaramdam sila ng panganib. Nalilimitahan lang ito dahil kapag bumuga sila ng apoy at tumama sa mga bakod na iyan ay babalik lang sa kanila ang mga apoy. Kung ako sa inyo, huwag muna kayong lalapit sa kanila," payo sa 'min ni Jian.

Nagpatuloy sila sa paglalakad sa harap kaya naputol ang tingin ko sa isa sa kanila. Hindi pala siya nag-iisa, marami sila sa likod ng bakod na ito.

Nakakatakot... nakakakilabot ang mga tingin nila. Para bang gusto ka nilang lamunin nang buo kung hindi lang dahil sa harang. Napapahawak na lang ako sa braso dahil sa pagtayo ng mga balahibo ko.

Inalis ko ang atensyon sa kanila. Imbis na matakot sa sunod na makita ay mas lalo akong napanganga. Kitang-kita mula rito ang mataas na kaharian ng Raekia. Hindi iyon mahirap makilala dahil sa flag nitong kulay asul na may tatlong bituin sa top-right nito.

"Ang mataas na kastilyong iyon ay ang Raekia Kingdom. Saan ninyo gustong magsimulang mag-tour? Sa kanan o sa kaliwa?" tanong ni Nicy sa amin habang nakaturo sa dalawang daan na magkahiwalay.

"Anywhere's better, right?"

Tumango kami sa sinabi ni Alton. Kahit saan naman ay ayos lang talaga. Makikita naman namin iyon kahit na saan magsimula.

Sa kanan namin nakita ang iba't ibang mga pinto. Para bang may kalumaan na ang mga ito ngunit wala namang mga anay. Gawa kasi ito sa mahogany. May iba't ibang mga pangalan din iyon sa itaas. May mga salita gaya ng Swords, Archers, Heal, Wizards, Witch at kung ano-ano pang mga pangalang ngayon ko lang halos narinig.

"Dito niyo pag-aaralan ang kahit na anong gusto niyong matutunan. Isa akong archer kaya naman bihasa na ako sa paggamit ng pana at palaso. Sa mga patimpalak ay isa akong support. Madalas lang akong magtago para hindi makita ng mga kalaban," ani Nicy.

"Isa naman akong healer. Isa rin akong support sa mga patimpalak dahil iyon ang gamit ng kapangyarihan ko. Bihasa naman ako sa mga mahika na makakatulong sa pagpapagaling ko sa iba at sa sarili ko," ani Jian.

"Wow, cool!" bulalas ni Alton.

"Kayo? Ano naman ang pag-aaralan niyo? Kung gusto niyo ay pwede tayong bumuo ng group at magpataas ng ranggo!" sambit ni Nicy na para bang buo na ang desisyon at wala na kaming magagawa.

Agad na kumunot ang noo namin ni Alton. "Ranggo? Para saan naman ang mga ranggo?" tanong ni Alton.

"Malalaman niyo rin. Pero sa ngayon, kailangan niyo munang mag-enrol!"

Chapter 3

Naging mabilis ang pag-eenroll namin. Ibinigay lang ang pangalan at iba pang mga impormasyon tungkol sa amin. Kasama sina Nicy at Jian kaya hindi kami naligaw. Pinapunta kami sa isang silid katabi ng mga training rooms at pinapasok. Magkahiwalay kami ni Alton dahil kailangan daw ng background check para maiwasan ang pagpasok ng mga sorcerers. Gusto ko pa sanang tanungin kung ano ang mayroon sa mga sorcerers pero hindi ko na nagawa. Pangalan pa lang kasi ay tunog masama na. Mukhang hindi naman mawawala ang mga masasamang tao sa mundo. Hindi naman siguro maiiwasan ang mga ganoon. Training rooms ang tawag sa mga silid kung saan nag-eensayo ang iba't ibang class. Ayon pa kina Nicy at Jian, iba ang mga rooms ng mga class depende pa sa kung ano na ang ranggo mo. Mayroong rooms sa mga ranggong A, B at C, ang A bilang pinakamataas. Bukod din naman ang ranggo ng mas mataas sa A na kung tawagin ay rank S. Sila na raw ang mga ranggong pinadadala sa ibang dimensyon upang harapin ang mga sorcerers at marcollds. "Maligayang pagdating sa paaralan ng Raekia. Masaya kaming ito ang napili mong pasukan," ani ng babaeng nasa harap ko. Halos mapatalon ako nang dahil sa pagsulpot niya sa harapan ko. Pagpasok ko ay dilim ang bumungad sa 'kin. Bigla naman siyang lumitaw sa harap ko na parang isang robot kung magsalita. Hologram lang ang buo niyang katawan ngunit malaya siyang naglalakad sa buong silid. Hindi ko maiwasang hindi mamangha. Ngayon lang kasi ako nakakita ng ganito. Mukhang naka-program ang buong silid na ito kaya kahit saan siya magpunta ay nagagawa niya ang gusto niya. Dinala niya ako sa harap ng isang malaking pader. Doon lumabas ang buong mapa na kung huhulaan ko ay ang mapa ng buong Raekia. Walang kahit anong pangalan pero ayon sa kwento noon ni Nicy, ito nga iyon. "Ito ang mapa ng buong Raekia. Ayon sa mga impormasyon na ibinigay mo ay hindi ka rito nakatira. Ito ang una mong dapat pag-aralan." Tinitigan ko pa ang mapa bago ko inalis ang tingin doon. Napahawak ako sa palapulsuhan ko nang maramdaman ang malamig na bagay na dumampi roon. Nang tingnan ko ay may nakasuot na roong silver na bracelet. Manipis lamang iyon at halos hindi na makita dahil sa maputing kamay ko. "Lahat ng impormasyonng mahahanap mo ay automatikong mailalagay sa bracelet na iyan. Sa ngayon, tanging ang mapa pa lamang ang laman nito." "Teka!" Hinarap ko ang babaeng hologram at saka nagtanong. "Akala ko ba ay i-babackground check niyo kami?" nagtatakang tanong ko. "We already did." Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko naman kasi nahalatang nagawa na niya. Ang tanging ginawa lang niya ay ipakita sa akin ang mapa. "Marami ka pang pwedeng malaman sa silid na ito. Iiwan na muna kita para mapag-isa ka." May itatanong pa sana ako pero hindi ko na siya nakita. Nawala na siya sa harap ko kasabay ng pagbukas ng mga ilaw sa silid. Doon ko nakita ang iba't ibang mga makabagong kagamitan sa loob. Halos puro hologram lang ang nakita ko. Hologram ng isang eroplano, kung saan kita ko ang halos makina na nagpapagana niyon sa loob. Pwede ko iyong lakihan at ilapit sa 'kin para mas lalo kong makita ang loob. Pinasadahan ko rin ng tingin ang mga katabi nito. Nakakita ako ng iba't ibang mga hayop. Dahil curious ako, iyon ang nilapitan ko at sinuri. Parang tunay ang mga ito kaya hindi ko maiwasang hindi mapangiwi. Para akong nakatingin sa lamang-loob ng mga hayop. Para akong nakatingin sa lamang-loob ko sa tuwing nagpapalit ako ng anyo. Hindi ba at pwede raw ipasok ang kahit anong impormasyon dito sa bracelet? Wala naman sinabing may limit ang dapat ilagay. Baka kaya pwede ilagay itong mga 'to? I mean, wala lang. Gusto ko lang. Sinipat ko pa ang bracelet dahil hindi ko alam kung paano ipapasok ang mga hologram na ito. Pinindot-pindot ko na siya pero wala pa ring nangyayari. "Paano ba 'to?" Tiningnan ko naman ang hologram ng mga hayop. Iyon naman ang pinindot ko. Nagulat pa ako nang may lumabas doon na menu. Para itong mga letrang lumulutang sa hangin. May mga nakasulat na Equip, Information, Quit at kung ano-ano pa. I clicked the Equip button. "Wow! Parang laro lang sa computer. Astig!" mahinang bulalas ko. Doon ko nakita ang mga laman ng bracelet ko. May menu rin na lumabas na maraming pagpipilian. Wala talagang limit na pwedeng ilagay. Nang matapos ako, nilibot ko ang tingin ko. Gusto ko nang lumabas. Pero hindi ko alam kung paano. Nang makita ko ang pinto, sinubukan kong pindutin iyon. Hindi naman ako nagkamali. May lumabas ding menu roon at may nakasulat na Quit. Agad namang namatay ang mga ilaw at bumukas ang pinto. Napanganga na lang ako dahil sa pagkamangha. Hindi ko inaakalang may ganito na pala sa mundo ngayon. Makabago na at kakaiba. Ang talino siguro ng nag-imbento nitong lugar. Sa tingin ko, may dapat pa akong ikagulat sa pag-aaral ko sa lugar na ito. Napaka-advance na kasi ng mga teknolohiya na ginagamit dito. Hindi tulad sa bahay na kahit Microsoft ay nagca-crash at nag-hahang na agad. Sa tingin ko ay mabilis din ang wifi nila rito. Sayang lang at wala akong phone dahil iniwan ko iyon. Ayoko kasing mahanap ako nina papa at tita. Naglakad ako palabas upang hanapin sina Nicy pero hindi ko naman sila nakita. Mukhang gumala pa sila kaya ganito. Naglakad-lakad din ako para maging pamilyar sa mga lugar. Hindi naman siguro ako maliligaw rito. Pwede rin naman akong magtanong-tanong sa mga madadaanan ko. Habang naglalakad ako ay hindi ko maiwasang hindi mamangha. May mga nagtitinda kasi rito sa loob na para akong nasa fiesta o festival. Ang pinagka-iba lang talaga ay ang mga tinitinda. Lumapit ako sa isang stand at sinipat ang binebenta nila. Marami akong nakikitang estudyante na tumitingin din. Ang uniporme nila ay kulay asul at berde. Pare-pareho sila ng mga disenyo pero nagka-iba lang sa mga pin nila na nasa bandang dibdib at may nakasulat na pangalan. Lumapit ako sa stand na nagbebenta ng palobo, iyong lumolobo kapag hinipan mo. Imbis na bilog ang lumabas doon ay iba't ibang hugis ang nabubuo niyon. Hindi ko maiwasang hindi mapatitig sa mga lumilipad. Isang korteng dragon ang hinipan ng nagtitinda. Mukhang gusto niya ipakita sa 'kin kung ano talaga ang nagagawa ng bubbles na iyon. Tiningnan ko naman ito gaya ng gusto niya at hindi ko maiwasang hindi mamangha sa nakikita. Bigla kasing gumalaw ang dragon na iyon at para bang bumuga ng apoy. Ang kaibahan lang ay hindi apoy ang lumabas kung hindi bula lang din. Pakiramdam ko ay nakanganga na ako habang pinagmamasdan iyon hanggang sa pumutok na at nawala na sa paningin ko. "Paano niyo po nagawa 'yon?" tanong ko sa nagtitinda. "Mahika, Ineng. Tiyak na bago ka lang dito kaya nagulat ka pa," aniya. "Mahika? Ginagamit ng mga witches?" Tumango naman siya bilang sagot sa tanong ko. "Kung nagagawa naman pala ito ng mga estudyante eh bakit pa po kayo nagbebenta?" tanong ko na ikinatawa naman niya. Kumunot tuloy ang noo ko dahil sa naging reaksyon niya. Ano naman ang nakakatawa sa sinabi ko? "Hindi ako nagbebenta, Ineng. Stand lang ang mga nakikita mo rito para sa mga bago at gustong tumingin dito sa loob ng Raekia," natatawa pa ring sabi niya. Napakamot ako sa batok ko at napaiwas ng tingin. Bigla kasi akong nahiya sa sinabi ko. Hindi ko inaasahang isang stand lang pala ito. Akala ko kasi ay tindahan. "Pasensiya na po, Manang." "Ayos lang iyon, Iha. Ano nga ang pangalan mo?" "Limea po. Ikaw po, Manang?" "Tawagin mo na lang akong Aling Susan. Huwag na manang! Masyadong pangmatanda." "Sige po, Aling Susan." Hindi naman ako nagtagal at umalis na. Nilibot ko pa ang mga stand doon at napatunayan kong hindi nga sila tindahan. Maraming magaganda at kakaibang bagay ang mga nasa stand na sa tingin ko ay ikatutuwa ng mga gustong bumisita rito. May nakita pa nga akong sirena na kumakanta. Nasa isang maliit siya na pond sa tabi ng mga stand. May ilang nanonood sa kaniyang mga kabataan na sa tingin ko ay bumibisita. Mga manghang-mangha sila sa ganda ng boses nito. Sa tuwing kumakanta nga siya ay nagsisitayuan pa ang mga tubig sa pond at kumokorte ng iba't ibang hugis na sobra namang kinamangha ng mga nanonood gaya ko. Isang halik sa pisngi ang binibigay ng sirena sa mga batang nanonood matapos kumanta. Mukhang mahilig siya sa mga bata kaya sobrang saya niya. Kahit na pinanonood ko lang ang mga nasa stand ay sobrang naaliw ako. Hindi simpleng amusement park lang ang lugar na ito. Puno rin ng mahika. Kanina lang ay makabagong mga kagamitan ang nakita ko pero ngayon, puro mga gawa naman sa mahika. Marami pa talagang bagay sa mundo ang hindi natin nakikita. Sobrang na-eexcite tuloy ako sa kung ano pa ang pwede kong makita sa mga susunod na araw na pag-stay ko rito sa Raekia. "Limea!" Napalingon ako sa tumawag ng pangalan ko. Nakita ko si Nicy na tatalon-talon pang kumakaway sa 'kin. Kasunod niya si Jian na kalmadong naglalakad lang sa likod ni Nicy. Tiningnan ko lang sila hanggang sa makarating sila sa kinatatayuan ko. "Hindi mo man lang ba ako kakawayan pabalik para hindi ako magmukhang tanga?" tanong ni Nicy habang nakanguso, sabay kawit ng mga braso sa braso ko. "Huh?" tanong ko. Hindi ko kasi nakuha ang gusto niyang sabihin. "Wala!" nagtatampong sigaw niya pero iniba rin niya ang usapan. "Kumusta naman ang paglilibot mo?" tanong niya. "Okay lang," sagot ko. "Iyon lang? Hindi ka man lang ba nagandahan sa mga stand na nakita mo?" nagtatakang tanong niya pero nakangiti pa rin siya. "Nagandahan naman," sabi ko. Nagkatinginan silang dalawa ni Jian sa hindi malamang dahilan pero nagkibit-balikat lang si Jian. Ibinalik na lang ni Nicy ang tingin sa 'kin. Bago pa siya makapagsalita ulit ay narinig na namin ang isang pamilyar na boses ng lalaki. "Guys! Nandito lang pala kayo," ani Alton na medyo hinihingal pang lumapit sa 'min. "Ngayon lang natapos ang screening mo?" tanong ni Jian. "Hindi. Kanina pa," aniya. "Bakit ngayon ka lang? Saka bakit naman pagod na pagod ka?" nagtatakang tanong ni Nicy sabay punas ng pawis ni Alton. Hmm... "Ah! Naglibot kasi ako kaya lang sa kabila ako nagsimula kaya hindi ko agad kayo nakita," aniya. Hindi niya pinigilan si Nicy bagkus ay mas yumuko pa siya para mas mapunasan niya iyon. "Ganoon ba? Tara! Sabay-sabay na tayo at ipagpatuloy ang paglilibot!" Hindi na rin kami nakaangal dahil hinila na niya ako kasama sina Jian sa kung saan. Wala namang problema sa 'kin kung sasama ako sa kanila kaya hindi na ako umangal. Isa pa, hindi pa naman ako pagod sa ka-iikot kaya sa tingin ko ay pwede naman ako sumabit sa kanila.

Chapter 4

Witches and Wizards

"Dito na tayo maghihiwa-hiwalay. Tuwing break lang tayo pwedeng magkita kaya dapat sabay-sabay tayo. Siguro naman ay hindi niyo na kami kakailanganin sa loob dahil may guide naman kayo," ani Nicy. Kinindatan niya kami ni Alton matapos niya iyang sabihin.

"Oo naman. Hindi naman pwedeng lagi na lang kaming aasa sa inyo ni Jian. Kaya na namin dito sa loob," ani Alton.

"Sige. Pasok na rin kami sa training rooms namin," ani Jian.

Napili ni Alton ang swords at ako naman ay sa witchcrafts. Interesado kasi ako sa kung ano ang ituturo nito sa 'kin kaya ito ang napili ko. I already know how to use archer pero hindi ko naman iyon interes.

Sa tingin ko, makatutulong sa akin ang mga matututunan ko rito sa tuwing nag-shi-shift ako. Ang tagal na rin pala noong huli akong nakapag-shift. Tiyak na masakit na naman sa katawan iyon kung nagkataon. Para tuloy ayoko nang isipin pa.

Pagpasok ko sa training room na may nakasulat na Witches and Wizards, malawak na field ang unang bumungad sa akin. Isa siyang open field kaya kita ko ang malinaw na kalangitan. Walang nagbabadyang ulan pero hindi rin naman tirik ang araw.

Sa dulo ng field ay natatanaw ko ang mga estudyanteng nakapila. Mga nakaberdeng uniporme ang ilan tanda na mga rank C pa lang sila. Ganoon din ang suot ko ngayon na binili pa namin nina Nicy dahil hindi raw iyon libre.

Nakahalo sa kanila ang mga nakakulay asul (Rank B) at kulay itim (Rank A) na uniporme. Mas marami sila kaysa nakakulay berde. Sa katunayan nga ay parang lima lang kaming mga bago rito. Ibig sabihin ay halos malalakas na ang mga nag-eensayo rito sa room na ito. Kinabahan tuloy ako, at the same time, na-excite.

Pumila rin ako sa kung nasaan ang apat na nakakulay berde. Panay ang tingin ng iba sa aming lima. Hindi naman weird ang tingin nila pero kahit papaano ay nakaka-intimidate pa rin. Para kasing may gagawin silang hindi namin magugustuhan kung may gawin man kaming hindi rin maganda.

"Good morning, students!" bati ng isang lalaking nakasuot ng kulay silver na damit. May linings na kulay gold ang sleeves niya at may kakaibang hat siya na suot na parang ga-graduate. Iyon nga lang ay kulay silver din iyon na may linings ng gold. Sila ang Rank S. Hindi ako pwedeng magkamali.

"Waa! Ang gwapo ni Sebastian!"

"Nakita ko ulit siya. Nakaka-miss silang makasama sa training!"

"Team Scorpion, we love you!"

Ilan lang ito sa sigaw ng mga nakakulay asul at nakakulay itim na mga estudyante. Itong mga kasama ko ay hindi rin maitago ang pagkamangha sa taong nasa harapan namin. Iyon nga lang, hindi ko sila kilala. Dapat bang kilalanin ang mga rank S sa lugar na ito?

"Dahil naka-off duty kami ngayong umaga ay naatasan kami para turuan kayo," ani ng tinutukoy nilang Sebastian. Siya ang kapitan ng grupo nila ayon sa kulay pulang tela sa braso niya.

Kailangan kong itanong kina Nicy ang tungkol sa mga grupong ito dahil ngayon ko lang nalaman na sila ang magtuturo sa amin. Hindi ko alam kung magandang bagay ba ito o kailangan kong matakot.

"Ako si Sebastian Floyd, ang kapitan ng Team Scorpion. This is Chase, our Vice Captain. Samantha, Jake, Rafael and Hiro of Team Scorpion. We are assigned to teach you different magic that you can use. If you have any question, don't hesitate to ask me or my team members," aniya.

Nagtaas ako ng kamay. Hindi ko alam pero gustong-gusto ko na kasing magtanong. Siguro naman ay ito na ang tamang oras para magtanong ako.

"Yes, Miss?"

"Limea," sabi ko.

"Yes, Miss Limea?"

"Ang isang grupo ay nabubuo dahil iba't iba ang mga pinag-aaralan nila. Pero paano niyo kami matuturuan kung iba-iba ang specialties ninyo at magic lang naman ang gusto naming matutunan?" nagtatakang tanong ko.

Sa hindi malamang dahilan, biglang natawa ang ilan dahil sa tanong ko. Tiningnan ko naman sila kaya natahimik ang paligid. Ano ba ang nakakatawa sa tanong ko? Kung hindi ko alam, may magagawa ba sila?

"I see. Well, we rank S are what you call the elite students. Hindi kami pwedeng tawaging mga elite kung isa lang ang pag-aaralan namin. We excel on a specific field but we also learn all there is to learn. Sana nasagot ko ang tanong mo," sabi niya, nakangiti na sa gawi ko.

Tumango na lang ako at hindi na nagtanong.

"So, kung wala na kayong tanong, pwede na tayong magsimula. The same strategy as usual. Ako ang magtuturo sa mga rank C, Chase and Samantha will teach rank B, Jake, Rafael and Hiro will be assigned to class A. Now, scatter..."

Biglang nawala ang Team Scorpion sa kanilang kinatatayuan. Bigla na lang silang lumitaw sa harap namin sa isang kurap lang. Hindi kami umalis sa kinatatayuan namin. Nakita naming sa ibang lugar nag-ensayo ang rank A at B.

Tiningnan ko si Sebastian na nakangiti sa aming lima. Apat kaming babae at isa lang ang lalaki.

"Una, sa tingin ko naman ay alam niyo na kung ano ang unang bagay na ginagawa kapag bago kayo sa isang lugar?" tanong niya sa amin.

"Ano?" tanong ng isang babaeng naka-ponytail ang mahaba at kulot na buhok.

"Mag-aactual fight agad?" tanong naman ng maikli ang straight na buhok.

"Self introduction?" tanong naman ng nag-iisang lalaki sa amin na may kulot na buhok.

"Right. The guy said it. Syempre, hindi pa natin kilala ang isa't isa kaya iyon ang kailangan nating gawin," aniya habang nakangiti. Napatingin siya sa akin at napangiti dahil siguro naalala niya ang tanong ko kanina.

"Dahil ako ang magtuturo sa inyo, let me introduce myself first. I'm Sebastian Floyd, Captain of Team Scorpion – an elite team. I'm already twenty-one pero sana kahit na mas matanda ang kahit sino sa inyo kaysa sa akin ay galangin niyo pa rin ako."

They also introduced themselves. Si Oliver ang lalaki sa amin, si Eunice naman ang naka-ponytail, si Cherry ang may maikling buhok at si Candice naman ang kanina pang tahimik gaya ko. Nahaharangan ng mahaba niyang buhok ang kaliwa niyang mata pero hindi naman niya iyon hinahawi. Magkakaibigan na ang tatlong babae kaya sabay-sabay silang nag-aral dito.

"Then, the self introduction is now done. Shall we proceed to the next introduction?" tanong niya sa 'min. Nagkatinginan kaming lima dahil hindi namin nakuha agad ang gusto niyang sabihin.

Itinaas niya ang kanang kamay niya. May lumabas na kulay berdeng ilaw roon kaya naman napaatras kami. Tatakbo na sana kami ngunit naging mabilis ang ilaw na iyon at agad na sumilaw sa mga mata namin. Nagsisigaw kami dahil sa init na hatid niyon sa mga mata namin.

"Relax," bulong ni Sebastian sa tainga ko. Nawala ang sigaw nina Eunice kaya sa tingin ko ay naririnig din nila ang boses ni Sebastian ngayon. "That won't hurt if you calm down and relax," bulong niya ulit sa tainga ko. Ang weird ng pakiramdam pero ginawa ko ang sinabi niya.

"Can you feel it now?" tanong niya.

Pinakiramdaman ko ang sarili ko pati na rin ang paligid ko. May init na dumadaloy sa katawan ko pero hindi ko matukoy kung saang parte. Napakatahimik din ng paligid ko na para bang mag-isa na lang akong nakatayo sa isang kawalan.

"That is your mana – the mana flowing inside your body which gives you the strength, the ability and intelligence. It has invisible vessels inside your body. Iyon ang dahilan kaya hindi siya nakikita ng simpleng mga mata ng ordinaryong tao at ng mga kagamitang medisina."

"It has its own heart. Ang puso na iyon ang nagbibigay supply sa inyo ng mana. You can't remove it surgically but, you can remove it if you wish for it."

Pakiramdam ko ay kumunot ang noo ko dahil sa mga katagang iyon. Hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin. Ano ang mangyayari kung tatanggalin ko iyon? Maibabalik ko pa ba? Mabubuhay pa ba ako kapag tinanggal ko iyon o para lang iyong normal na puso ng taong kailangan namin?

Ang dami kong tanong pero walang nasasagot. Ang dami kong gustong malaman pero hindi ko maibuka ang bibig ko upang magsalita. Wala akong ideya kung nasaan ako. Hindi ko alam kung nasa field pa rin ba kami at kaharap pa rin ba namin si Sebastian.

Anong klase training ito?

"This is the basic knowledge that you must know. Kahit saang klaseng room ka pumasok kanina – mapa-archer man iyon, swords, heal – you must know everything what's flowing inside your body."

Nasaan ka ba, Sebastian?

"But of course, dahil witch and wizardry and pinili mo ay may kailangan ka lang buksan sa katawan mong hindi mo na pwedeng isara. You must open your second brain." Gusto kong mapa-WTF sa kaniya pero hindi ko talaga mabuka ang bibig ko.

Second brain? Nagbibiro ba siya? Kanina ay dalawa ang puso namin sa katawan tapos ngayon naman ay sasabihin niyang buksan ang second brain namin? Nahihibang na ba siya? Gusto ko nang umalis dito dahil mukhang puro kalokohan lang naman ang sinasabi niya.

"You can leave now, pero hindi mo matatakasan ang nakatadhana para sa 'yo. You chose to enter this room, there's no turning back. Ang tanging paraan na lang ay ang buksan ang susunod mong utak dahil kung hindi, iyon ang ikababaliw mo," aniya na para bang ako lang ang kausap niya. O ako lang talaga? Is he only pertaining to me?

Pero sabi niya, hindi na ako pwedeng umatras. I already chose this. Wala na ba akong choice? Paano kung pagsisihan ko pa ito kung ipagpapatuloy ko pa? Paano kung ito ang ikamatay ko?

With that thought, napatigil ako sa kahit ano mang iniisip ko. Kahit pala sabihin kong handa na akong mamatay ay hindi ko pa rin maiwasang hindi matakot. Kahit ano palang pagtanggap mo sa kamatayan ay nandoon pa rin ang takot sa dibdib mo.

I can't die yet. I still have nine lives... or not.

"If you're ready to open your second brain, think of your weakness. Think of them and kill it using your mind."

Matapos iyon, I saw my parents, Tita Leah, Shaun and Kuya Martin. They are smiling at me. Napaluha ako sa nakikita ko. They are indeed my weaknesses. Kahit na hindi ko kadugo sina Tita Leah at Shaun, I know deep inside me that I still care for the two of them. My dad loves them both, too. Kuya Martin, I know that he loves me even though he chose his dreams. Hindi naman niya gustong iwan ako because he loves me.

Can I really kill them for this unsure future?

Do I really have to?

Chapter 5

Whisper in the Wind Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko. Nasilaw ako sa ilaw na bumungad sa akin kaya napangiwi ako. Medyo in-adjust ko pa ang paningin ko hanggang sa makita ko ang nag-aalalang mga mukha nina Nicy at Jian. Sa likod naman nila ay si Alton na nakangiting nakatingin sa 'kin. "Finally, you're awake! Akala namin ay may balak ka pang matulog for another two days!" bulalas ni Nicy habang nakayakap na sa 'kin nang mahigpit. "Good thing you're awake. Tatawagin ko na ang nurse," ani Alton sabay labas sa kwarto kung nasaan kaming tatlo. "Ano'ng nangyari? Bakit ako nandito?" tanong ko nang mapansing nasa isang clinic ako. "You lost consciousness after your first training. And OMG!" bulalas ni Nicy. Hindi na niya masabi ang nais niyang sabihin dahil nagsimula na siyang tumili. Napatakip tuloy ako sa tainga ko. Umirap na lang si Jian at sa kaniya ko itinanong kung ano ang problema nitong si Nicy. "Si Captain Sebastian pala ang nagtuturo sa inyo kaya nagwawala na naman si Nicy. May gusto kasi siya sa captain ng Team Scorpion kaya ganito," aniya. Napabuntonghininga na lang siya sabay iling kay Nicy. "'Di ba ang gwapo niya? And mind you, siya pa ang nagbuhat sa 'yo papunta rito! Ang swerte mo! Ano'ng feeling na mayakap niya?" tanong niya sa 'kin. Napangiwi ako sa kaniya. "Hindi ko talaga alam, Nicy. I'm unconscious, remember?" sabi ko sa kaniya. Napasimangot naman siya dahil sa sinabi ko. "Oo nga pala. Pero sayang 'yon! Minsan lang tayo makakita at magkaroon ng guro galing sa elite. Ang swerte mo lalo na at ang captain pa ang naging guro mo!" Tili na naman siya nang tili. Ang dami pa niyang sinabi sa 'kin tungkol kay Sebastian pero hindi ko na narinig. Naalala ko na naman ang nangyari sa 'kin sa training na sabi sa amin ay introduction pa lang. Hindi ko alam pero may kakaiba na ngayon sa katawan ko. Hindi na tulad ng dati na magaan. Parang bumigat na ang katawan ko, pisikal at sa loob ng dibdib ko. Nalaman ko kina Nicy na dalawang araw na akong natutulog. Kahapon pa nagising sina Oliver na nahimatay rin matapos iyon. Ganoon daw talaga ang nangyayari kapag bago ka pa lang. Isang araw lang ang itinagal ni Oliver dahil matagal na pala siyang nag-aaral dito. Nakapagtatakang rank C pa lang siya. "You know, hindi naman ibig sabihin na dalawang taon kang mag-aaral dito ay dapat rank B ka na next year. May requirements kasi na kailangan mong matupad bago ka tumuntong sa rank B. Hindi lang basta-basta ang label na rank B, ranggo ito ayon sa lakas ng isang estudyante," ani Jian nang matanong ko ang tungkol kay Oliver. "Madalas, kapag healer ka ay mahirap magpataas ng ranggo rito. Pwede maging magaling na healer ka kahit na nasa rank C ka pa rin. Tataas lang ang ranggo mo kapag naging physically fit ka na at kaya mo nang humarap sa mga Marcolld." Napakunot ang noo ko. "Marcolld?" tanong ko. Nabanggit na ito sa 'kin pero bago lang siya sa pandinig ko. "Hindi pala namin nasabi sa iyo. You know, hindi naman susulpot na lang nang basta-basta ang mga kakaibang nilalang dito sa mundo natin. Tulad na lang ng mga Fire Fox sa gate. Hindi naman iyan mabubuhay nang dahil lang sa gusto natin. May sarili silang mundo kung saan sila lumaki at nagkaroon ng mga magulang." "Totoo ang ibang mundo? Paano naman sila makakapunta rito?" tanong ko. Gusto ko talagang malaman ang lahat. Gusto kong malaman kung paano sila nakakapunta rito sa mundo ng mga tao. Nagkatinginan silang dalawa bago sumagot. "Sa katunayan niyan, hindi pa rin namin alam. Mga rank B pa lang kami kaya hindi pa kami pwedeng makakita ng ganoon," ani Nicy. Napayuko naman ako dahil sa pagkadismaya. Gusto ko kasi talagang malaman. Gusto kong makita gamit mismo ang sarili kong mga mata pero hindi ko alam kung paano ko gagawin iyon. "Pero kung gusto mo talagang malaman at makita. May isang paraan naman na pwede mong gawin at ang tanging paraan na naisip kong hindi mapanganib," ani Jian. "Ano naman 'yon?" "Go and rank up to rank S. Sila ang mga pinapadala para labanan ang mga masasamang Marcollds na pilit pumapasok sa mundo natin. Sa ganoong paraan, makikita mo ang nais mong makita," tatango-tangong sabi ni Nicy. Hindi na ako nakapagtanong pa dahil dumating na ang nurse. Sinabi lang sa 'kin na normal lang daw na mawalan kami ng malay dahil nabigla ang katawan namin sa pago. Masasanay rin daw kami sa mga susunod na araw, at isang araw na lang daw ang itatagal ng pagkawala ng malay ko. Hindi ko alam kung magandang bagay ba iyon. Nang sa tingin ko ay bumalik na ang lakas ko, dumeretso na ako sa training room namin. Ayos na ito kahit late, at least ay makapapasok pa ako sa loob. Kahit ano 'ng maabutan ko ay ayos lang. Pagbukas ko sa pinto, lahat sila ay napatingin sa 'kin. Hindi ko maiwasang hindi mapayuko pero pilit pa ri akong naglakad palapit sa mga kasamahan ko. Binati agad nila ako at tinanong kung ayos na ang pakiramdam ko. "Ngayong kumpleto na ulit kayo, ituturo ko na sa inyo ang unang mahika na dapat niyong malaman. Pero bago iyon, kailangan niyong tandaan ang impormasyon na sasabihin ko sa inyong lima," ani Captain Sebastian na siya pa ring guro namin. Tumango kaming lima sa sinabi niya. "And Witch sa aming grupo ay si Sam at si Jake naman ang Wizard. Kung napanood niyo na ang laban ng grupo namin ay malalaman niyo kung ano ang role nila sa tuwing haharapin namin ang mga Marcollds." "Support silang dalawa sa grupo namin at sila ang nagpapalakas ng mga kakayahan naming mga front attackers at support attackers. Pero hindi porket support lang ang mga witches at wizards ay hindi na nila aaralin kung paano protektahan ang kanilang mga sarili." Saglit siyang tumigil sa pagsasalita at kumuha ng isang dagger sa mesa na puno ng mga armas. Nakita kong ginagamit iyon ng ibang mga ranggo na nakipaglalaban. So, hindi lang pala kapangyarihan ang kailangan naming pag-aralan? Good. "You must know how to use a specific weapon na sa tingin niyo ay makatutulong sa grupo. You can use a dagger, swords, archers... anything. Pero kung ako ang tatanungin, you must choose a small and easy to carry weapon para hindi kayo mahirapan." A red light appeared at Sebastian's hand. Gumapang iyon sa dagger na hawak niya at walang sabing pinukol niya iyon sa isang kawayan na nakatayo sa hindi kalayuan. Naputol iyon kaya agad kaming umalis upang hindi kami tamaan. Hindi pa kami nakaka-move on ay parang boomerang na bumalik kay Sebastian ang dagger na inihagis niya. Hindi ko maiwasang hindi mapanganga sa ginawa niya. That was just a simple dagger pero nalagyan niya ng twist ayon lang sa paghagis niya. "Be creative; think of different things on how to protect yourself and your team. Controlling different weapons with your power is the basic thing that you must learn. Sa pamamagitan nito, you can do an offense and at the same time, a defense for the team." Kumuha si Oliver ng isang mahabang kahoy sa mesa. Siya ang unang magpapakita ng kakayahan niya dahil siya ang mas may experience sa aming lima. Pinanood lang namin siya sa kung ano ang gagawin niya. I can't help but anticipate on what he's going to do. He has the experience. Malamang ay may plano na siya. A familiar red light came off his hand. Gumapang din iyon sa buong kahoy na hawak niya na parang ahas na pumupulupot doon. "Now, aim for that flag," turo ni Sebastian sa isang flag na nakasabit sa tuktok ng isang building. Pero sa kinatatayuan niya ngayon ay may dalawa pang building na nakaharang. Kailangan niyang gawin ang tulad ng ginawa ni Sebastian pero kailangan ay sakto ang accuracy niya. Hindi ko inaasahan ang ginawa ni Oliver dahil pinutol niya bigla ang kahoy na hawak niya. Inintay kong pigilan siya ni Sebastian pero nanonood pa rin ito at pinagmamasdan nang mataimtim ang estudyante niya. Kahit na naputol ang kahoy, magkarugtong pa rin ang kulay pulang ilaw na nakapalibot sa kahoy. Inihagis niya ang isang bahagi nito. Medyo mahina ang paghagis niya kaya ang bagal niyon pero parang kidlat naman na binato niya ang isang kalahati ng kahoy. Kung hindi mo itututok ang paningin mo roon ay hindi mo makikita kung ano ang nangyari. Pinatama niya ang pangalawang kahoy sa kabilang parte niyon para lumiko ang unang kahoy. Tumama iyon sa flag na tinuro ni Sebastian nang lumiko iyon at iniwasan ang mga nakaharang na building sa harap. Hindi lang iyon ang ikinamangha ko. Walang talim ang kahoy na hawak niya kanina pero nakatarak na iyon ngayon sa flag. Akala ko ay matatapos na roon ang lahat pero bumalik ang isang parte ng kahoy kay Oliver na parang boomerang, iyong hindi tumarak sa flag. Nasalo niya ito. Itinapat niya ang kalahating parte sa itaas at isang boomerang na naman ang dumaan sa uluhan namin. Bumalik sa dati ang mahabang kahoy at para bang hindi iyon magkahiwalay kanina. Tuluyan na ring nawala ang pulang ilaw. Hindi ko maiwasang hindi mapapalakpak sa ginawa niya. Hindi namin namalayan na nakatingin na rin pala sa amin ang kaninang busy sa pag-eensayo na mga rank A at B. Pati sila ay hindi makapaniwala sa mga nakita nila. Tiningnan ko si Oliver na tahimik pa rin. Parang walang nangyari kanina kung makaasta siya. Wala man lang siyang pakialam sa mga babaeng tumitili na ngayon dahil sa ginawa niya. Hindi ko alam kung nagmamayabang ba siya o talagang wala lang siyang pakialam sa paligid niya. "Get ready, Limea. Ikaw na ang susunod. Pumili ka na ng sandata na gagamitin mo," ani Sebastian. Nilapitan ko ang mahabang mesa at pumili ng tatlong dagger. Isang pares ang pinili ko at iyong pang-isahan lang. Hindi ko alam kung ano naman ang patatamaan niya sa akin pero mas ayos na kung marami ang gagamitin ko. "This time, tatawagin ko ang mga uwak sa field natin. Don't hesitate to kill them if I ask you. Hindi naman sila totoo at gawa lang sila sa system ng room natin." He whistled two times. Tiningnan ko ang kalangitan at maraming ibon ang lumipad paikot sa taas. Mga itim silang mga uwak at sobrang bilis nilang kumilos. Mga sampu siguro sila o higit pa. Hindi ko kasi mabilang ang mga iyon dahil na rin sa araw na tumatama sa mga mata ko. Sa tuwing nagtatama ang mga pakpak nila sa isa't isa ay may ilaw silang nabubuo. Parang spark. "Let's see. Use those daggers to kill all of them," seryosong sabi niya. Nanlaki agad ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Nagbibiro ba siya? This is harder than what Oliver did. Ang dami ng mga ibon na lumilipad at tatlo lang ang kinuha kong daggers. Paano ko naman sila mapapatay? "Remember to use your imagination. Be creative," aniya na para bang nababasa niya kung ano ang nasa utak ko. Napakagat ako sa labi ko at tiningnan muli ang mga ibon sa itaas. Ang bilis talaga ng lipad nila. Ang dami rin nila kaya hindi ko alam kung paano ko sila papatayin lahat gamit ang tatlong daggers. "Take your time," aniya pa. Mas lalo tuloy bumilis ang tibok ng puso ko. Para bang sinabi niya iyon na may himig ng pagka-uyam. Tinitigan ko ang mga ibon. Siguro naman ay may kahinaan ang mga ito. Kailangan kong malaman kung ano ang pattern na gagamitin ko para mapatamaan sila. Siguro naman ay pwede kong gawin ang kaninang ginawa ni Oliver, hindi ba? "Ano'ng gagawin ko?" "Watch them carefully," bulong ng kung sino sa hangin. Halos kilabutan ako sa narinig ko. Nagtayuan ang balahibo ko dahil sa tinig na iyon. Tiningnan ko si Sebastian ngunit mas lalo lang akong kinilabutan nang mapagtantong hindi siya iyon. Who the hell was that?!

Chapter 6

The ST Bosses

"You need to concentrate."

Nilibot ko ang tingin ko dahil sa pagtataka pero wala naman akong nakitang nagsasalita. Lahat sila ay nakatingin lang sa 'kin at hinihintay lang ang sunod kong gagawin.

Teka, sino ba iyon? Guni-guni ko lang ba 'yon o may lalaki talagang bumubulong sa 'kin?

"Everything that you see in the air are just puppets. But watch them carefully, they fly according to specific orders," aniya.

Hindi ko talaga alam kung sino ang naririnig ko pero ginawa ko pa rin ang sinasabi niya.

Pinanood ko ang mga uwak na lumilipad sa itaas. Pinanood ko ang isa sa kanila at may pattern siya na sinusundan. Ganoon din ang iba pang ibon nang pagmasdan ko sila. Nawala lang ako sa konsentrasyon nang marinig ko ang naiinip na boses ng mga nanonood.

Nang makabisado ko ang bawat galaw ng mga uwak ay nagplano ako agad kung saan ko patatamain ang mga patalim. Sabay kong inihagis ang dalawang pares ng daggers at hinintay ang pagkakataon para patamain ang natitira kong daggers sa dalawa.

Nang makita kong malapit nang magdikit ang pares ng daggers sa itaas ay mabilis at malakas kong inihagis ang isa pang dagger at pinatama sa dalawa. Sabay-sabay bumalik sa kamay ko ang mga daggers kasabay nang pagkawala ng mga uwak sa itaas. Para silang mga bubog na nalaglag sa amin na nakalikha ng kumikinang na mga bagay.

"Waa! Ang galing."

"Mga Rank C lang ba talaga sila?"

"Sino ba sila? Kilala niyo ba?"

Nakahinga ako nang malalim nang matapos iyon. Ang buong akala ko kasi ay hindi ko magagawa. Maraming salamat sa lalaking nagbigay sa akin ng impormasyon. Napadilat ako nang maalala ko ang mga tinig na iyon.

Muli kong tiningnan ang paligid para hanapin iyon. Kinakausap ako nina Eunice pero hindi ko magawang mag-focus sa sinasabi nila. Nahihilo na ako pero hindi ko pa rin mahanap ang gusto kong makita.

Nang dahil siguro sa pagod ay nanghihina akong napaupo sa sahig. Sa tingin ko ay mawawalan na naman ako ng malay. Sobrang inantok ako na gusto ko ng matulog. Pero bago ko ipikit ang mga mata ko, nakita ko siya. Nakatingin lang siya sa 'kin bago tumakbo palayo.

Who are you?

"PINATATAWAG KA po sa ST Headquarters, Sir Floyd," ani isang tauhan. Nakasuot ito ng armor na may logo ng Technology Group na tatlong bilog na nakaikot sa isa't isa. Ang ST ay acronym ng Science and Technology, sila ang namamahala sa mga training rooms at equipments ng mga estudyante.

Isa sa mga guro ni Sebastian Floyd ang namumuno ngayon sa ST Group. Naging malaki na rin ang parte niya sa grupong ito lalo na at isa siya sa ipinadadala upang puksain ang mga masasamang Marcollds.

Muling sinulyapan ni Sebastian ang walang malay na si Limea bago lumabas sa clinic. Nagtataka kasi siya sa inasta nito bago ito mawalan ng malay. Para itong may hinahanap sa kung saan pero hindi niya alam kung sino.

Marami ang bumabati sa kaniya habang naglalakad siya sa hallway ng ST Building. Kilala na kasi siya nang halos lahat lalo na at ang grupo nila ang kauna-unahang elite team na galing sa ST group. Mataas ang tingin sa kanila at ginagalang ng marami.

Nang makarating siya sa harap ng ST Headquarters ay agad siyang pumasok. Doon niya nakita ang maraming mga monitors kung saan kita ang mga CCTV sa buong paaralan at labas ng kingdom. Ang tanging wala lang silang access ay ang loob ng kaharian kung nasaan ang hari at reyna.

Sa kanang bahagi ng kwarto ay nakaupo ang kaniyang guro na si Mike. Nasa gitnang bahagi naman ang isang pang pinuno ng ST na si Richardo at sa kaliwa naman si Josiah. Lahat sila ay nakatingin sa mga monitors sa kanilang harapan ngunit sabay-sabay na napatingin sa kaniya nang pumasok siya.

"Nandito ka na pala, Floyd," bati sa kaniya ni Mike. May katabaan ito at hindi ganoon katangkad. Maputi at may kulot na itim na buhok.

"Ngayon na lang ulit kita nakitang pumunta sa HQ, Sebastian. Mukhang nagiging busy ka na rin tulad ng mga estudyante namin, a?" ani Richardo. Malaki naman ang kaniyang katawan, kayumanggi at spiky ang maikling buhok.

Nanatiling tahimik si Josiah na nakatingin pa rin sa mga monitors. Strikto ang kaniyang itsura, ang pinakabata sa mga boss pero ang pinakamatangkad. Kayumanggi ang kulay niya at may kahabaan ang kaniyang buhok para sa normal na buhok ng isang lalaki. Nakadagdag pa sa pagka-mature niya ang salamin na suot.

"Pinatawag niyo raw po ako?" magalang na tanong niya sa kaniyang guro.

"Ah, oo. Umupo ka muna at medyo mahaba-haba ang pag-uusapan natin," ani Mike.

Ginawa naman ni Sebastian ang sinabi ng kaniyang guro. Pinanood niya rin ang mga nangyayari sa monitors at nakita ang mga bagong estudyante na tinitingnan ni Josiah. Mukhang interesado ito sa mga bago, kasama na ang estudyante niya ngayon na si Limea.

"Kumusta naman ang mga bago sa Witches and Wizards? May progreso ba sila ayon sa nakikita mo?" tanong ni Mike kahit na parang may alam na ito sa sasabihin ng kaniyang estuyante.

"Yes. Nakikitaan ko sila ng potensyal lalo na si Limea Meadow. Sa tingin ko ay sayang ang talento niya kung magiging support lang siya sa isang grupo pero wala naman akong magagawa kung doon niya gusto," ani Sebastian. "Magaling siyang magbasa ng bagay sa paligid niya kaya mabilis din siyang nakapagpaplano."

Nakangiting tumatango naman si Mike sa mga sinasabi niya. "Magaling. Ganoon din ang tingin ko nang mapanood ko ang una mong misyon sa kaniya. Matalino siya pero mahina pa ang mana niya."

"Pero hindi niyo ba napapansin ang kakaibang enerhiya sa kaniya?" Nabaling ang tingin nila nang magsalita si Josiah.

"Ano naman ang ibig mong sabihin doon, Josiah?" tanong ni Richardo.

"Totoo nga na mahina ang mana niya pati na rin ang flow nito sa kaniyang katawan. Pero paano kung subukan mo naman ang pisikal na lakas niya?"

Tumango si Mike sa tinuran nito. "Hindi pa nga natin nakikita ang buo niyang potensyal kaya mapag-uusapan pa natin iyan sa susunod."

"Sa tingin ko, hindi lang siya ang dapat niyong panoorin." Napatingin ang tatlong boss sa sinabi ni Sebastian. "Kakaiba rin ang mana na tinataglay ni Oliver at alam niya kung paano at gaano kalakas ito dapat gamitin."

"Oliver Ruins. Pangalawang taon na niya pero isa pa rin siyang rank C. Paano mo naman nasabi na dapat namin siyang pagtuonan ng pansin? Ang mga katulad niya ay hindi na makakaalis sa ranggo na iyan. Only a miracle can save him now," ani Richardo.

"No..." Pagtutol ni Josiah sa kaniya. "Sebastian's right. Don't worry. I'll keep an eye on him. Sisiguraduhin kong magiging rank B siya kasabay ni Limea."

Nakalabas na si Sebastian ngunit hindi pa rin tapos ang topic nila sa mga bago at kay Limea. Mukhang nakuha ng mga ito ang atensyon ng ST boss. Tiyak na hindi na nila aalisin ang mga tingin nila sa dalawang ito.

"Alton Heather is the second son of Arthur Heather. Mukhang sumusunod na siya sa yapak ng kaniyang ama at nakatatandang kapatid. Tiyak na matutuwa si Armin kapag nalaman niyang nandito na ang kapatid niya," ani Richardo habang nakatingin sa screen kung saan nag-eensayo si Alton gamit ang kaniyang dalawang espada.

"Armin managed to become a rank S with just two years. Ilang taon kaya ang kailangan ng kaniyang kapatid para maging malakas?" curious na tanong naman ni Mike.

"This year's batch is interesting. I can't wait to see what will happen next," ani Richardo.

Tahimik na sumang-ayon si Josiah sa dalawa. Pinanood niyang mag-ensayong mag-isa si Oliver sa field. Tapos na ang klase pero nagpaiwan siya at patuloy na nag-eensayo. Para bang hindi nauubos ang mana niya sa kagagamit ng kapangyarihan. Pero hindi naman makahabol ang pisikal na katawan niya sa tagal kaya hinihingal din siya.

He needs to work a lot on that aspect...

Limea Seay Meadow

Nang buksan ko ang mga mata ko, puting kisame ang bumungad sa 'kin. Hindi tulad noong una akong nawalan ng malay ay wala sina Nicy ngayon na naghihintay. Nalaman ko lang ang dahilan nang tumingin ako sa orasan. Oras pa kasi ng klase ngayon kaya tiyak na hindi pa nila alam ang nangyari kanina.

Naupo ako sa kama at hinimas ang sumasakit kong ulo. Mukhang kokota ako sa clinic nito, a? Bakit naman kasi ang bilis kong mawalan ng malay? Parang gumamit lang naman ako ng dagger at inihagis iyon pero pagod na pagod ako.

Mukhang kailangan kong sanayin ang sarili ko sa pagod. Ayoko namang wala na akong matutunan dahil palagi na lang akong nasa clinic.

"It's because you are using too much mana," ani lalaking nasa harap ko.

Nanlaki ang mga mata ko, bumukas ang bibig ko para sumigaw pero agad niya akong pinigilan at tinakpan niya iyon. Shit! Bigla na lang siyang sumulpot sa harap ko nang walang pasabi tapos bigla na lang magsasalita. Aatakihin ako sa puso nito!

"You're the only one who can see me. You'll just look like an idiot if you shout," aniya pero sumisigaw pa rin ako kahit na tinatakpan niya ang bibig ko.

Pilit ko iyong tinanggal na ginawa naman niya. Nagsisigaw ako nang nagsisigaw hanggang sa may pumasok sa nurse sa kwarto. Halata mong nag-aalala siya habang nakatingin sa akin kaya agad niya akong nilapitan.

"Ano'ng problema? May masakit ba sa iyo? Ano?" natatarantang tanong niya sa 'kin.

Tinuro ko naman ang kinaroroonan ng lalaki sa harap ko bago magsalita, "Paano siya nakapasok dito? Hindi ko siya kilala!" bulalas ko dahil sa taranta. Baka kasi mamaya ay may masamang balak ang lalaking ito sa 'kin.

Tiningnan ng nurse ang tinuro ko pero kunot-noo niya lang binalik iyon sa 'kin. "Sino? Wala naman akong nakikita..." Huminga siya nang malalim at kumalma na ang itsura niya. "Baka nabigla lang ang utak mo kanina kaya magpahinga ka pa. Iiwan na muna kita rito."

"Huwag!" Hinawakan ko siya sa braso. "Hindi mo ba talaga siya nakikita?" tanong ko ulit sa kaniya.

"Ang kulit mo naman kasi. Sinubukan ko na silang kausapin pero hindi talaga nila ako naririnig at nakikita man lang. Useless lang ang ginagawa mo. Mukha ka lang tanga," sabi ng lalaki na nakapagpakulo ng dugo ko.

"Wala akong nakikita kundi isang puting kurtina. Magpahinga ka na at babalik na rin sa dati ang paningin mo kapag nagpahinga ka."

Nakaalis na ang nurse pero masama pa rin ang tingin ko sa lalaking kaharap ko. Nakatitig lang din siya sa 'kin na para bang hindi nababahala sa tingin ko. Wala na rin siyang sinabi matapos niyon kaya hindi ko tuloy alam kung guni-guni ko na lang ba siya.

"Bakit ako lang ang nakakakita sa 'yo?" tanong ko sa kaniya.

"Gusto ko rin iyang itanong sa 'yo. Bakit ikaw lang ang nakakakita sa 'kin?"

Napairap ako sa kaniya dahil mukhang pareho lang kaming clueless ngayon. Pero sino ba talaga siya? Ano ba ang kailangan niya at ako lang ang nakikita niya?

Chapter 7

Captain Zeus

"Wala akong maalala," aniya at saka komportableng nahiga sa isang bakanteng higaan sa kwarto. Nilapitan ko naman siya at umupo sa kama na hinihigaan niya.

"Kahit pangalan mo, hindi mo alam? Saan ka nakatira at bakit ako lang ang nakakakita sa 'yo?" tanong ko ulit sa kaniya kahit na kanina ko pa siya kinukulit.

"Oo nga! Ang kulit mo naman. Dapat pala, hindi na kita nilapitan. Ako pa pala ang kukulitin mo. Akala ko naman kasi ay tahimik ka," aniya sabay pikit.

"Huwag mo akong tulugan. Bahala ka, hindi kita tutulungan," pam-bablackmail ko sa kaniya.

"Ayos lang. Mas masaya nga na ganito. Nagagawa ko ang kahit anong gusto ko kahit na wala akong maalala," preskong sagot naman niya.

"Ewan ko sa 'yo! Tinakot mo na lang ako sa wala. Dapat nga hindi ka na lang nagpakita," sabi ko sa kaniya, bahagyang nakasimangot na.

Bumalik ako sa kama at saka nahiga. Magpapahinga na lang ako. Baka sakaling paggising ko ay wala na siya rito sa kwarto.

"Natakot ba kita?" Sulpot niya sa mukha ko. Hindi ko mapigilang mapatili sa kaniya. Nasapak ko rin ang mukha niya dahil sa gulat.

"Ano ba! Huwag mo nga akong ginugulat!" bulalas ko sa kaniya. Hinawakan ko ang dibdib ko dahil sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Aatakihin yata ako sa gulat.

"Ang sakit mo manapak, a!" sigaw naman niya sa 'kin pero inisnaban ko lang siya.

Ilang minuto kaming natahimik na dalawa. Mukhang hindi pa rin siya umaalis dahil rinig ko pa rin ang paghinga niya. Rinig ko rin ang paghinga ko pati na ang mga ibon sa labas ng kwarto. Hindi naman ako makatulog dahil nandito pa rin siya.

"Haist!" Bumangon na ako sa higaan ko at saka ako naglakad palapit sa pinto para lumabas.

"Teka! Saan ka pupunta?" tanong niya, akmang susunod na sa 'kin.

"Lalabas. Hindi na ako makapagpapahinga rito kaya lalabas na lang ako. O kaya naman mag-eensayo na lang ako para lumakas naman ako kahit kaunti," sabi ko.

"Paano ako?"

Tinaasan ko siya ng kilay. "Ano naman ang gagawin ko sa 'yo?"

"Sama 'ko!" bulalas niya at saka sumunod sa 'kin sa pinto.

"Anong sasama? Baka kausapin mo lang ako nang kausapin sa labas. Ako lang ang magmumukhang tanga 'no," sabi ko sa kaniya.

Baka nga baliw na ang tingin sa 'kin nung nurse kanina dahil sa ginawa ko pero umakto lang siyang parang wala lang.

"Sino ang may sabi? Pwede naman tayong mag-usap sa isip lang. Nakalimutan mo na bang may utang ka pa sa 'kin dahil tinulungan kita sa klase mo?"

Natigilan naman ako sa sinabi niya. Ayoko na sanang makasama siya at magkaroon ng kahit anong koneksyon sa kaniya pero tama siya. May utang pa ako sa kaniya dahil kung hindi dahil sa kaniya ay hindi ko matatapos ang misyon ko sa klase ni Sebastian.

"Sige na nga! Pero huwag kang gagawa ng kahit anong kalokohan kapag nasa labas na, a?" banta ko sa kaniya.

Malapad lang siyang ngumiti sa akin at tumagos na sa pinto. Napakagat na lang ako sa labi ko dahil mukhang kailangan ko nang kabahan sa ngiting iyon. Sana naman ay wala siyang gawing kahit anong problema sa 'kin.

"MABUTI NAMAN at kumpleto na kayo. May gusto sana kaming ibalita sa inyo kaya maaga namin kayong pinatawag kumpara sa natural na oras ng klase natin," ani Sebastian.

"Pinatawag kaming muli ng ST para sa panibagong misyon kaya naman hindi na muna kami ang magtuturo sa inyo." Marami ang umangal dahil sa naging balita niya. Kung ako ang tatanungin, ayos lang naman sa 'kin kahit sino ang magturo basta ay marami akong matutunan.

"Alam kong ganiyan ang magiging reaksyon niyo pero alam kong hindi kayo ma-didisappoint kapag nalaman niyo kung sino ang papalit sa amin." Tumingin siya sa kaniyang likuran at saka naman lumabas ang isang matangkad at gwapong lalaki.

Lumakas bigla ang tilian ng mga babae na halos ikawindang ko. "Meet Captain Zeus of Team Leopard."

Hindi ko maiwasang hindi sipatin ang kabuoan ng kapitan. Sobrang tangkad niya na para siyang player ng isang basketball team. Kayumanggi ang kulay ng kaniyang balat pero para iyong kumikinang sa tuwing nadadampuan ng sinag ng araw. Ang tangos ng ilong niya at ang lalim ng mga mata niya na sobrang nakaka-attract.

Ngayon lang ako na-attract sa isang lalaki kaya naman hindi ko maiwasang hindi mamangha. "Ganiyang ang tipo mo sa mga lalaki? Walang taste," bulong niya sa tainga ko.

"Wala kang pakialam!" pabalang na sabi ko sa isip ko. Mukhang natanggap niya ang nasa isip ko dahil mas lalo siyang sumimangot.

Ngayon ko lang siya napagmasdan. Hindi siya ganoon katangkad pero mas matangkad naman siya sa 'kin. Maputi siya at matangos ang ilong. Singkit naman ang kaniyang mata at ang kapal ng kilay niya. Ang higit na nakapukaw sa atensyon ko ay ang mapupula niyang labi. Bakit hindi ko napansin na ang gwapo rin pala niya?

Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya at tinitigan ang bago naming guro. Kung hindi ako nagkakamali, si Zeus na ang magiging guro ng rank C. Hindi kaya kami kuyugin ng mga rank A at B na mga babae kapag nagkataon dahil kami ang tuturuan niya?

"Ako si Zeus at siya naman ang vice captain na si Margo. Calyx, Peter, Jing and Felix are our members. It's nice to meet you," simpleng pagpapakilala niya. Sobrang seryoso niya na para bang hindi siya ngumingiti.

Mukhang masungit pa yata ang magiging guro namin. I can't help but think about Matthew while looking at him. Hindi ko na nga siya nakikita para makalimutan ko agad siya pero ito naman si Zeus na magpapaalala sa 'kin sa kaniya.

Hindi ko namalayang magsisimula na pala ang training namin kaya naman hindi ako agad nakapag-prepare. Hawak na nina Oliver ang mga sandata na gagamitin nila sa pakikipaglaban kay Zeus pero ako ay nakatayo pa rin at nakatulala.

Nagtatakang tumingin sa 'kin si Oliver pati na rin sina Eunice. Kukuha na rin sana ako ng sandata ko nang biglang iharang ni Zeus sa harap ko ang espada niya. He's the captain; he must be a front attacker.

Agad akong nag-tumbling palayo sa kaniya pero mabilis lang din niya akong nasundan. Panay ang iwas ko sa pagwasiwas niya ng espada. Sinigurado kong walang masasayang na mana sa katawan ko dahil hindi ko naman iyon kailangan para makaiwas.

Nagplano ako agad sa utak ko kung paano ako makakakuha ng armas. Panay ang ilag at iwas ko sa mga atake niya pero kitang natatamaan pa rin niya ako. Napupunit ang ilang sleeves ng suot ko kaya alam kong kaunting tulak pa ay tiyak na masusugatan na niya ako.

I jumped as high as I can. Sa bubong ako napunta kaya tiningnan ko silang lahat sa ibaba. Ngunit hindi ko agad naiwasan ang atake niya mula sa likod ko. Nakatalon din siya nang ganoon kataas. Wala siyang sinasabi kaya hindi ko alam kung ano ang balak niya. Mukhang ayaw niyang umatras at hindi siya susuko kahit na sumuko ako.

Nagkaroon ako ng cut sa kanang braso ko. Tumalon ako pababa at umikot sa sahig para hindi masyadong maapektuhan ang binti ko. I learned that because of my dad. I'm from a shapeshifter family, after all, at isa sa mga past time namin ang maghabulan sa bubong.

Mabilis akong tumakbo sa lamesa at agad kumuha ng isang dagger. Dalawa sana ang gusto ko pero hindi na niya ako binigyan ng pagkakataon para makakuha ng isa pa. Ginamit ko iyon para sanggahin ang mga atake niya.

Halos mapatigil ang rank A at rank B sa pag-eensayo dahil nakarating na kaming dalawa sa pwesto nila. Nanonood na lang sila sa ginagawa naming dalawa at hindi na nag-ensayo. Gusto ko sanang gumamit ng mana pero kailangan kong gamitin iyon kapag kailangan ko na at sigurado na akong mapupuruhan ko siya.

Natuto na ako sa mga araw na palagi na lang ako napapagod sa tuwing gagamit ng mana.

"He doesn't have any weak point on his body," bulong niya. Hinanap agad siya ng mga mata ko at nakita kong pinanonood niya kaming dalawa habang nakakrus ang dalawang braso sa dibdib niya.

"What should I do if he doesn't even have any weakness?" tanong ko.

Paano ko naman siya matatalo kung wala naman pala akong mahahanap na weak point para matamaan ko siya ng dagger ko?

"Then make one," ang huli niyang sinabi bago siya mawala sa paningin ko.

Napahawak ako sa kaliwang braso ko dahil nasugatan na rin niya iyon. Naramdaman ko agad ang hapdi roon kaya lumuwag ang kapit ko sa dagger. Tumalon ako agad upang lumayo sa kaniya pero para siyang kidlat na lumapit sa 'kin.

Nasa harap ko na siya at handa na akong saksakin nang maalala ko ang sinabi ng lalaking hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang pangalan. "If he doesn't have any weakness, then make one."

How the hell am I going to make a weak point?!

Napadilat ako nang may maisip akong paraan.

No way! I can't do that! Don't be ridiculous, Limea!

Pero ano pa bang paraan ang pwede kong gawin?

Wala na! Iyon na lang.

Crap! Remind me to hit my head on a wall later. Ayokong maalala ang gagawin ko ngayon na tiyak na pagsisisihan ko habang buhay.

Without hesitation, I kissed him on his lips. Tulad ng inaasahan ko ay napatigil siyang bigla sa ginawa ko kaya hindi agad siya nakagalaw. Ginamit ko ang pagkakataon na iyon para i-pin down siya sa sahig. Inikot ko ang braso niya at idiniin ko sa likod niya.

Agad kong tinutok ang dagger ko sa leeg niya para hindi na siya makakilos. "Game over," mahinang sabi ko. I look at him with bored eyes kahit na sa loob ko ay nagwawala na ang puso ko sa kaba.

What have I done? I just kissed a captain. To top it all, isa siyang elite captain. I even had the guts to kiss him in front of the crowd. Lupa, please! Lamunin mo na ako bago pa maging huli ang lahat!

Chapter 8

Team Leopard

Sabado na ngayon kaya wala kaming magiging klase. Ibig sabihin ay pwede kaming hindi pumasok. Pero ayon kina Nicy, may ilan sa mga rank A ang patuloy nag-eensayo dahil gusto nilang maging rank S.

Gusto ko rin sanang manatili para mag-ensayo kung hindi lang dahil sa nangyari kahapon. Hindi ko pa yata kayang harapin si Captain Zeus dahil sa ginawa ko. Halos lahat ng mga kaklase ko ay kakaiba na rin ang tingin na pinupukol sa 'kin. Hindi ko matagalan. Para na nila akong hinuhusgahan. Iyon ang pinaka-ayoko.

Nakatingin pa rin ako sa kisame sa kwarto ko sa inn nina Nicy habang nakahilata sa kama. Hindi pa rin ako bumabangon dahil wala naman akong balak ngayong araw. Wala naman akong pupuntahan o dadalawin. Gusto ko sanang mamasyal pero wala ako sa mood.

"Tumayo ka na nga riyan! Hanggang kailan mo iisipin ang katangahang ginawa mo?" ani Sparrow habang nakahiga sa tabi ko. Nakatagilid siya habang nakatingin sa 'kin. Nakapatong pa ang ulo niya sa palad niya habang nakatukod sa kama ang braso. Halos itulak ko siya paalis kung hindi lang talaga sa mood ko ngayon.

Sparrow ang pinangalan ko sa kaniya dahil hindi niya rin maalala ang tunay niyang pangalan. Ayoko namang tawagin siyang stupid o idiot sa lahat ng oras.

"Tigilan mo 'ko, a? Hindi maganda ang gising ko," sabi ko, nakataas ang isang kilay.

Tumayo na ako para maligo dahil bigla akong nagutom. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako susundan ni Sparrow pero wala naman akong choice kung hindi pagtiisan siya.

"Ito naman. Sabi ko lang naman ay gawan mo ng weak point, hindi ko naman sinabing halikan mo," pang-aasar pa niya.

Binato ko na siya ng tsinelas para matigil na siya. Tinawanan niya lang ako pero tumigil naman siya sa pang-aasar.

Matapos kong maligo, good thing hindi ako sinilipan ni Sparrow, isang katok sa pinto ang nakapagpatigil sa asaran naming dalawa.

"Sino 'yan?" tanong ko habang naglalakad palapit sa pinto.

"Gagala kasi sana kami nina Nicy at Jian. Gusto mo bang sumama?" tanong ni Alton sa kabilang bahagi ng pinto. Binuksan ko iyon at saka lumabas.

"Sama 'ko. Wala naman akong gagawin o kahit anong pupuntahan."

Naramdaman ko agad ang pagsunod ni Sparrow pero nakinig lang siya sa usapan namin.

"Pag-usapan din sana natin ang tungkol sa pagbuo ng grupo."

"Hindi pa naman sigurado kung makakapasok ako kaya bakit niyo ako isasama?" nakasimangot na sabi ko.

Ayoko naman kasing paasahin sila sa wala. Baka mamaya ay hindi naman pala ako makapasok.

Every month kasi ay may pinipili para umabante sa rank B. Tanging rank C lang ang nabibigyan ng ganitong pagkakataon kaya hindi naman gaanong inaabangan ang mga ganoong okasyon. Hindi ko nga alam kung mabibigyan ako ng chance.

Sa klase namin ay lima kami, halos tatlo lang sa iba pang categories. Pero marami na rin kami para sa mga baguhan. Tiyak na mahihirapan din kami na umabante lalo na at marami pang mas magagaling sa 'min na pwedeng mabigyan ng pagkakataon.

"Huwag ka ngang masyadong pessimistic diyan. Hindi mo pa alam kung ano ang pwedeng mangyari," aniya sabay akbay sa 'kin.

Hinayaan ko siya pero napangisi ako. "Wow, pessimistic. Spell nga," pang-aasar ko sa kaniya.

Natawa siya dahil sa sinabi ko. "Nagjo-joke ka rin pala? Akala ko, sobrang seryoso mo sa buhay na hindi mo na alam kung paano mag-enjoy," aniya sabay tawa.

"Ang judgmental mo talaga. Kapag nagbibiro kasi ako noon ay nakokornihan ang mga kaibigan ko kaya hindi na ako nagbibiro. Minsan na lang," sabi ko. Medyo napatigil pa ako dahil sa sinabi ko. Hindi ko inaasahang magiging casual lang ako kapag pinag-uusapan ang tungkol sa mga kaibigan ko.

"Hindi naman, a? Ayos lang iyan dahil mas korni mag-joke si Jian," aniya sabay tawa na naman nang malakas.

Um-order agad kami kina tita ng agahan. Kasabay namin si Nicy sa pagkain kaya sobrang ingay namin sa loob. May ilan na ring mga costumer na nandito pero dahil maaga pa ay hindi pa naman busy. Halos nakalahati na namin ang pagkain namin nang dumating si Jian.

"Hey, guys!" bati niya sa 'min.

"Hi, Jian. Kaunti na lang matatapos na kami. Dumating ka pa?" pang-aasar ni Nicy sa kaniya na agad ikinasimangot ni Jian.

"Pinaliguan ko pa kasi si Maximus kaya natagalan ako. Gusto pa ngang sumama pero alam mo naman iyon, sobrang harot!"

"Maximus?" tanong ni Alton, nakakunot ang noo.

"Ah. Aso ko iyon na golden retriever."

"Ano? Gala na tayo?" yaya ni Nicy.

Tinapos na namin ang pagkain namin at saglit pang hinintay si Jian. Hindi na umuulan ng nyebe ngayong umaga kaya naman hindi na namin kailangang magbalot ng damit pero nakapangginaw pa rin kami. May mga nyebe pa raw kasing naiwan dito dahil umulan kagabi.

Panay ang sulyap ko kay Sparrow na sobrang tahimik ngayon. Nakamasid lang siya sa mga dinadaanan namin na para bang ngayon lang siya nakapunta sa lugar na ito gaya namin ni Alton. Gusto ko sanang matuwa pero hindi ko mapigilang hindi magtaka.

"Balita ko may elite team na nag-eensayo ngayon sa Fleob. Gusto niyong panoorin?" tanong ni Jian sa 'min.

Agad kong tinakpan ang tainga ko dahil alam kong titili na naman si Nicy. Napansin ko rin ang panlalaki ng mata ni Sparrow dahil sa gulat. Muntik pa nga siyang madapa. Buti at hindi ako natawa.

"Oo nga pala! Buti pinaalala mo, Jian! Ang Team Leopard ngayon ang nag-eensayo. OMG! Makikita ko na sa personal si Zeus!"

Malakas na natawa si Sparrow dahil sa narinig. Samantala, para namang gusto kong umatras dahil sa sinabi ni Nicy. Hindi nga ako pumasok dahil akala ko ay siya ang magtuturo pero ito kami at pupunta kung nasaan ang guro namin. Nakakainis!

Buti nga at hindi pa alam ni Nicy ang nangyari. Kung hindi ay tiyak na tutustahin niya ako. Hindi pa ako handa para sa sunod-sunod na tanong niya.

"Tara na!" bulalas ni Nicy sabay hatak pa sa kamay ko.

Aapila pa sana ako kung hindi lang din ako hinila ni Jian sa kabila kong braso.

"Pagkakataon nga naman, o. Pinaglalapit na talaga kayong dalawa!" pang-aasar pa ni Sparrow. Sumunod din siya sa 'min gaya ni Alton na wala na ring choice.

Gusto ko sanang sigawan si Sparrow kung hindi lang ako magmumukhang tanga. Bahala na kung ano ang mangyayari mamaya. Bahala na talaga akong lamunin ng lupa dahil sa kahihiyan!

Tumigil kami sa gilid ng gubat. May isang monitor doon kung saan makikita mo ang bawat sulok ng gubat. Mukhang sakop din ito ng ST dahil sa makabago nitong mga kagamitan.

Parang may invisible threads na naghahati sa gubat at sa kinaroroonan namin. Para bang pinagbabawal kaming pumasok sa gubat dahil magiging mapanganib. Sinubukan kong sumilip sa loob ng gubat pero wala naman akong maaninaw kundi mga puno.

"Na-momonitor nito ang kahit anong bagay at tao sa loob ng gubat. Dito na lang tayo manood. Panoorin natin kung paano makipaglaban ang mga elite team," ani Jian.

Nakinood ako sa monitor dahil gusto kong malaman kung paano sila makipaglaban. Pero gusto ko ring umalis dahil sa pang-aasar nitong epal naming kasama.

"Curious siya sa ginagawa ni kapitan. Sabi ko na nga ba at may mabubuong pag-ibig."

"Pag-ibig, your face!" bulalas ko sa isip ko.

Inirapan ko siya at ibinalik na lang ang tingin sa screen para manood. Gusto ko lang malaman kung gaano kalakas ang mga elite team na tinatawag nila. Iyon lang talaga.

Naglalakad si Zeus palapit sa isang malaking hayop, na sa tingin ko ay ang huhulihin nila. May isang horn ito sa ilong na kumikinang pa ang dulo dahil sa talim. Ang balat nito ay parang bakal dahil kulay silver ito. Ang tutulis din ng pangil niya at ng mga kuko. Sobrang laki niya na hindi ko alam kung paano nila matatalo iyan.

"Calyx, stand by. Peter, pagkasugod ko ay paulanan mo agad ng palaso. Margo, I need your speed so switch with me every time," rinig naming utos ni Zeus.

"Teka, bakit naririnig natin ang sinasabi ni Zeus? Hindi ba at sa ear piece lang naman nila iyan?" nagtatakang tanong ni Alton.

Miski naman ako ay nagulat nang marinig ko ang seryosong boses ni Captain Zeus.

"Ito kasi ang training grounds ng mga elite. Mga aktwal na laban lang ang makakapagpahasa sa kakayahan nila. Kapag namatay sila rito ay babalik lang din sa dati ang katawan nila at mapupunta sila sa ST clinic. Pero madalang naman ang mga elite na namamatay rito. Madalas ay ang mga bago pa lang," ani Nicy.

Sabay-sabay naming pinanood ang team nina Captain Zeus. Naghihintay lang sila ng susunod na utos niya at wala ni isa sa kanila ang gumagalaw. Hinihintay nila ang pagsugod ng kanilang kapitan para magawa na nila kung ano man ang tungkulin nila.

Itinuon ko ang atensyon ko sa kanila. Tiyak na marami akong matututunan. Isa silang elite team kaya panigurado iyon. Medyo naiilang lang akong panoorin dahil sa tuwing titingnan ko si captain ay naaalala ko ang katangahang ginawa ko.

"Uy, ayos ka pa ba? Mukhang hindi ka na humihinga. Ganiyan mo ba kagusto ang kapitan na tingnan mo lang siya ay nawawalan ka na ng hininga?" pang-aasar ni Sparrow sa likod ko.

Napairap ako nang marinig ko ang boses niya. Sinasabi ko na nga bang hindi mabubuo ang araw niya kapag hindi ako inasar. Kapag talaga nalaman ko ang kahinaan niya ay hindi ko rin siya titigilan tulad ng ginagawa niya.

"Shut up! Gusto ko lang panoorin ang training nila dahil gusto kong matuto," sabi ko.

"Sige, sabi mo, e."

Inirapan ko na lang ulit siya dahil hindi ko siya kayang batukan ngayon. Ipaalala na lang sa 'king batukan siya mamaya kapag kaming dalawa na lang ang magkasama.

Nawala ang atensyon ko sa kaniya nang magsimula si Zeus sa pagsugod. Umulan agad ng palaso na parang kidlat. Tumama iyon sa balat ng kalaban nila pero hindi iyon namatay agad. Gamit ang espada ni Zeus ay sinubukan niyang hinawain ang katawan nito pero hindi rin tumalab.

"Ang tibay naman ng katawan niyan. Ano ba'ng tawag sa hayop na iyan?" tanong ni Alton.

"Isa iyang Hiposheep. Matibay talaga ang balat niya dahil proteksyon niya iyan sa mga kalaban. May lason ang horn niya kaya mahihirapan sila kapag nadikit sila riyan," pagpapaliwanag ni Jian.

"Hindi ba at system lang naman ang nagpapagana sa kanila? Bakit naman sila malalason kung ganoon?" tanong ulit ni Alton habang nakatingin pa rin sa team na nakikipaglaban.

"Iyon kasi talaga ang purpose ng system na ito. Kinukuha nila ang mga data sa mga Marcollds at saka sila gumagawa ng mga kakaibang nilalang para sa tuwing haharapin na nila ang tunay na kalaban ay magiging madali na lang," sagot naman ni Nicy.

Biglang nag-switch sina Zeus at Margo. Itutusok na sana ng Hiposheep ang horn niya kay Margo ngunit naging mabilis siya sa pagtalon. Para siyang nawala na lang sa hangin dahil sa sobrang bilis. Basta, nakita ko na lang siyang nakalayo na sa Hiposheep.

"Si Margo ay isang assassin. Mabilis siyang kumilos kahit na wala ang system. Pero dahil sa tulong ni Felix ay mas lalong bumibilis ang kilos niya," ani Jian.

"Isang wizard?" tanong ko.

"Correct! Isa sa mga pag-aaralan mo tiyak kung paano pabilisin ang kilos mo at ng buong grupo para mas maging epektibo ang pakikipaglaban niyo!" masiglang sabi ni Nicy na para bang sobrang excited siya sa nangyayari.

Nang mahanap ng Hiposheep ang kinaroroonan ni Felix ay agad niya itong sinugod. Naging maagap naman si Felix at naglabas agad ng isang mahabang kahoy – katulad ng kahoy na ginamit ni Oliver sa training namin.

May kulay pulang ilaw ang gumapang sa kahoy na iyon. Nang hampasin niya ang horn ng Hiposheep ay kitang kita sa screen ang pag-crack niyon. Agad siyang nakipag-switch kay Margo upang mabilis na makalayo sa kalaban.

"Margo, get ready for the last attack,"  ani Zeus nang mapansin ang crack. "Felix, boost everyone's mana. Calyx and Jing, prepare your guns." Nang banggitin niya ang dalawa pang myembro ay saka ko lang nalaman ang kinaroroonan nila.

Ngayon ko lang naalalang anim pala sila. Si Jing ay may hawak na sniper at sobrang layo niya sa kinaroroonan ng mga kagrupo. Si Calyx naman ay dalawang baril ang hawak at panay ang pagpapaputok ng baril sa kalaban. Malayo rin ang pwesto niya kaya hindi mo agad siya mapapansin.

Sumugod si Zeus sa Hiposheep at agad siya nitong nakita. Imbis na umiwas ay pinansangga niya ang espada niya dahilan para mas lalong mag-crack ang horn.

"Switch!" Lumayo agad si Margo sa Hiposheep nang mag-switch sila. Umulan na naman ng palaso sa kalaban kaya nabaling doon ang tingin niya. Hindi tinigilan ni Peter ang pagpapaulan kahit na tumatakbo na ito sa pwesto niya.

Napatigil lang ang Hiposheep nang sunod-sunod na putok ang pinaulan ni Calyx sa likuran nito. Para bang mas lalong nagalit ang Hiposheep dahil sa ginagawa nila. Hindi nakaiwas si Peter sa pagsugod nito dahilan para tumilapon siya palayo.

"Felix, you know what to do," kalmadong utos ni Zeus. Sa katunayan, kanina pa nga siya kalmado na para bang hindi siya nangangamba sa kinakalaban nila.

Isang kulay dilaw na mahika naman ang lumabas sa kamay ni Felix at tinutok iyon kay Peter. Nawala ang mga gasgas nito sa katawan at mabilis siyang nakatayo at lumayo sa Hiposheep.

Napatigil ang Hiposheep sa pagtakbo kay Peter nang isang bala ang tumama sa kaliwa niyang mata. "Nice shot, Jing," nakangising sambit ni Felix.

Hindi naman tumugon si Jing at pinaputukan pang muli ang kanang mata nito. Hindi nila iyon sinayang. Pinaulanan nila ng pinaulanan ito ng mga atake. Akala ko nga ay mamamatay na pero nakatakbo pa rin ito patungo kay Peter.

Hindi lamang iyon natuloy nang tinapos na ni Zeus ang paghihirap ng Hiposheep at pinutol na ang apat nitong mga paa.

So, this is how the elite team works. Para lang silang naglalaro ng tagu-taguan kung saan sila ang taya at ang kalaban nila ang hahanapin.

Chapter 9

Inn

Isang pinto ang bumukas malapit sa harapan namin. Para lang iyong hanging napilas at binigyan sila ng daan para makalabas.

Panay ang tawa ni Felix na para bang tuwang-tuwa siya sa nangyari sa loob. Kabiruan niya si Calyx na inaasar naman si Jing na kanina pa nakakunot ang noo.

Napatigil sa paglalakad si Jing nang makita ako dahilan para mapaharap sa 'kin ang dalawang lalaki. Mas lalong lumawak ang ngiti nila sa labi na para bang may naalala silang bagay na hindi naman dapat na maalala pa.

Gusto ko na talagang tumakbo para hindi na nila ako makita pero hindi ko magawa. Mukha namang napansin na rin nila ako kaya wala na akong takas. Si Nicy naman ay parang isang fangirl na nagtatalon habang palapit sa 'min ang buong team.

"Oh! Tingnan mo nga naman, Captain. Mukhang dinalaw ka nitong irog mo," natatawang sabi ni Margo sabay hampas pa sa braso ng kapitan nila.

Sinamaan siya ng tingin nito pero mukhang nabigla rin siya nang makita kami – ako. "Tumigil ka nga, Margo." Inirapan niya si Margo at saka nagpatuloy sa paglalakad.

"Ang galing ng grupo nito, Captain Zeus!" tili ni Nicy.

Napatigil naman si Zeus kahit na parang napipilitan lang. Nginitian niya naman si Nicy na ikinalakas pa lalo ng tili nito.

"Maraming salamat. Mauna na kami," aniya.

"Eh? Teka! May gusto lang po sana akong itanong kung hindi kami nakakasagabal," ani Nicy. Kumunot ang noo naming tatlo, I mean apat, dahil sa sinabi niya.

"Hindi naman kami busy. Sa katunayan nga ay break na namin ngayon kaya pwede na kaming gumala sa kahit saan namin gusto. 'Di ba, Captain?" tanong ni Felix sabay akbay rito.

"Tama si Felix. Hindi naman siguro maganda kung paghihintayin natin itong magagandang binibini na ito... at isang lalaki," ani Calyx habang nakangisi pa rin sa 'kin.

"Oo nga, Captain! Mukhang pinuntahan ka pa talaga nitong si Miss Limea para panooring ang laban natin!" panggagatong pa ni Margo sa mga kaibigan. Nag-apiran silang tatlo na para bang nagkakaintindihan.

Tiningnan ni Zeus si Jing na para bang nanghihingi ng tulong. Nakipag-apir naman siya sa tatlo kaya napailing na lang siya.

"Tutal wala naman kaming gagawin, sumama na lang kayo sa 'ming kumain," kalmadong yaya ni Captain sa 'min. Napaiwas pa siya ng tingin nang magkatinginan kami.

Nakakahiya 'to!

"Naks naman! May group date agad. Kilig ka naman," pang-aasar ni Sparrow.

Sinamaan ko siya ng tingin at saka sumunod sa grupo.

Niyaya kami ni Nicy sa inn nila. Natuwa naman sina Tita at Tito dahil nagdala si Nicy ng panibagong kaibigan at income para sa negosyon nila. Well, iyon ang sabi ni Nicy kaya niya kami dinala rito.

"Balak kasi naming gumawa ng grupo kapag naging rank B na silang dalawa. Gusto lang sana naming humingi ng payo mula sa elite na gaya niyo," ani Nicy.

Tiningnan nila kaming dalawa ni Alton na para bang sinusuri kami. "Bago lang kami pero gusto naming matuto para malaki ang ma-contribute namin. 'Di ba, Limea?" tanong ni Alton sabay akbay sa 'kin.

Kanina pa kasi ako tahimik dahil naiilang ako. Kahit na naw-weirduhan na sina Nicy sa pinagsasabi nila kanina ay hindi naman sila nagtanong. Pero kahit ganoon, naiilang pa rin ako dahil mukhang mamaya nila itatanong sa 'kin kung ano ang nangyari kapag wala na ang Team Leopard.

Tumango ako sa tanong ni Alton. "Sa witch ako at gusto kong maging support. Swordsman naman si Alton at sa tingin ko, magandang maging leader namin siya. Sana matulungan niyo kami," sambit ko.

"Alam niyo, hindi naman namin kayo matutulungan," sabi ni Zeus.

Nagkatinginan kaming apat dahil sa sinabi niya. "Bakit?" tanong ni Alton na para bang nanghinayang din sa sinabi nito.

"Hindi kami sabay-sabay na naging elite," aniya. "Binuo lang namin ang grupo namin noong rank S na kami. Ibig sabihin, nagsimula kaming magpalakas nang hindi pa namin kilala ang isa't isa."

Napatigil ako sa pag-inom dahil sa sinabi niya. Tiningnan ko siya at mas pinakinggan pa ang mga sasabihin niya.

"Naging grupo kami noong kaka-rank S pa lang namin. Ang maipapayo ko lang sa inyo, magpalakas kayo bilang indibidwal kung gusto niyong makatulong sa grupo na gusto niyong buoin. Hindi naman ako against sa plano niyo na bumuo ng grupo kapag rank B na kayo, mas maganda nga iyon. Para mahasa niyo agad at para mas makilala niyo ang isa't isa."

Matapos ang seryoso naming pag-uusap ay nagtawanan naman kami. Nilibre pa nga kami nina Tita dahil ang daming kinain nina Felix. Ang takaw pala nila! Halos sila lang ang umubos ng in-order ng buong grupo.

Sobrang takaw rin ni Jing kahit na ang tahimik lang niya sa gilid at nakikinig lang. Akala ko ako na ang pinakatahimik na tao sa mundo, may mas malala pa pala sa 'kin. Nagsasalita naman kasi ako lalo na kapag tinatanong, pero si Jing ay tango lang nang tango. Silang dalawa ni Felix ang pinakamatakaw at tipid lang na kumain sina Zeus at Calyx.

"Diet kasi ako," sagot ni Calyx.

"I'm on my diet as well," sagot naman ni Zeus.

"Asus! Diet daw. Nahihiya ka lang na kumain nang marami sa harap ni Limea. Iyon ang sabihin mo!" panunukso ni Margo.

"Teka nga! Kanina ko pa iyan naririnig. Ano ba 'ng meron at mukhang may pag-ibig na nabubuo?" tanong ni Nicy na halata mong nakukuha na ang kanina ko pang gustong iwasang usapan.

Kinuwento naman nila ang nakakahiyang ginawa ko dahilan para tumawa sila. Samantalang pulang-pula naman ako dahil sa kahihiyan. Ganoon din si Captain Zeus na napainom na lang ng tubig dahil sa kwento ng mga kagrupo niya.

"Tama na nga! Nakakahiya na nga, mas lalo pa kayong gumagawa ng dahilan para magkahiyaan kami," ani Zeus.

Nag-aya naman agad siyang umalis na tinutulan ng mga kagrupo niya. Ngayon na nga lang daw sila makapagsasaya ay tututulan pa niya. Pero sa huli, wala na rin silang nagawa dahil dumidilim na. Tapos na ang masasayang oras nila at balik trabaho na sila. Habang kami naman ay balik-eskwela na naman.

SA UNANG buwan ko sa Witches and Wizards, ang dami kong natutunan. Tinuruan kami kung paano gumamit ng mahika na makapagpapalakas ng mga sandata ng grupo namin at ng mga sandata namin. Tinuruan din kami kung paano pabilisin ang kilos ng iba para mas maging epektibo ang paglaban namin.

Sa isang buwan din na iyon, lagi na lang akong nasisita ni Sebastian dahil sa kapalpakan ko. Paano ba naman kasing hindi, may kadikit akong malas? Hindi ba naman ako nilubayan at panay ang dikit sa 'kin sa kahit saan ako magpunta.

Wala tuloy akong choice kundi ang bantaan siya. Na hindi ko siya tutulungan kapag hindi ako naging rank B sa buwan na ito. Kailangan kong maging rank B para makabuo na kami ng grupo nina Alton, Nicy at Jian.

Buti na lang at si Sebastian na ulit ang guro namin kaya nakapag-focus naman ako. Hindi siguro ako makakaakyat ng rank B kapag si Zeus ang guro. Bakit ba naman kasi naiilang ako kapag nakikita ko siya? Naaalala ko talaga sa kaniya si Matthew.

Sa maikling panahon ding iyon, nagawa ni Alton na maging rank B kaya naman ang tindi ng pressure para sa 'kin. Isa siya sa outstanding na estudyante sa swords category kaya naman marami ang humahanga sa kaniya. Halos wala pa kasing isang buwan ay rank B na siya. Syempre hindi ako papatalo.

Kung maiaalis ko lang talaga ang epal na lalaking ito sa tabi ko ay hindi ako palaging ma-didistract!

"Leche ka talaga, Sparrow! Kapag talaga ako napikon sa 'yo, itatapon kita sa ilog ng lason!" bulalas ko sa isip habang nag-coconcentrate ako.

Pinagagawa kasi ako ng isang kapangyarihan kung saan mapalalakas ko at mapabibilis ang pana at palaso. Pilit naman akong inaasar nitong si Sparrow para hindi ko magawa. Ito na ang huli kong kailangang gawin para sa rank B pero hindi ko pa yata magagawa.

Kahit na anong banta ang gawin ko sa kaniya ay hindi pa rin siya natitinag. Siya yata ang magpapaaga ng pagkamatay ko dahil sa high blood. Nakakapikon!

"Bakit ba kasi gusto mong maging rank B?" tanong niya habang nakatitig sa ginagawa ko.

"Gusto kong gumawa ng grupo kasama sina Nicy! Ayos na bang sagot iyan? Lulubayan mo na ba ako?"

"Mahalaga ba talaga kapag may grupo?"

"Doon kasi malalaman kung compatible ba kami sa isa't isa. Mas maaga kaming gagawa ng grupo para malaman namin agad. Gusto kong maging rank S sa lalong madaling panahon!"

"Ah. Sige na nga. Hindi na kita iistorbohin," aniya. "Pero sa isang kondiyon," singit pa niya.

"Ano na naman?"

"Isama niyo si Oliver sa grupo niyo. Sa tingin ko ay malaki ang maitutulong niya sa inyo," seryosong sabi niya. Tiningnan ko siya habang nakatingin kay Oliver. Mukhang may iniisip siya pero hindi ko alam kung ano.

"Kung makapasok kaming pareho sa rank B!"

"Tutulungan ko kayong maging rank B!" nakatawang sabi niya.

Sa hindi malamang dahilan ay pumasok kaming dalawa ni Oliver. Hindi lang namin magawang magdiwang dahil malungkot sina Eunice. Hindi kasi nila nagawa ang mga misyon na dapat tapusin para maging rank B.

Pinagmasdan ko si Sparrow na nakamatyag lang sa amin. Kahit hindi niya sabihin sa 'kin ay alam kong may iniisip siya. Sa tingin ko, may naaalala na siya kahit kaunti tungkol sa kung sino siya. Wala naman ako sa lugar para magtanong.

Hahayaan ko na lang na siya na ang magsabi sa 'kin kung sakali. Kahit naman malakas siyang mang-asar ay hindi pa rin kami ganoon kalapit sa isa't isa. Hindi naman ako mahilig magkwento sa kaniya tungkol sa nakaraan ko. Wala rin naman siya iku-kwento sa 'kin.

Siguro, naging close lang kami dahil halos siya lang ang kausap ko. Hindi niya nga raw maintindihan kung bakit ang tahimik ko. Ang dami naman daw tumatakbo sa isip ko na ayaw kong sabihin nang malakas. Ang tanging dahilan ko na lang ay tinatamad ako at sayang lang sa laway.

"Uy! Iyong sinabi ko, a? Isama niyo si Oliver sa grupo. Kulang pa naman kayo ng dalawa, 'di ba?" tanong niya sa 'kin habang pabalik ako sa inn.

Tapos na ang kailangan naming gawin sa school kaya uuwi na ako. Mamaya pa ang uwi nina Alton kaya hahayaan ko na munang itong lalaking ito ang makasama ko.

"Oo na. Bakit ba kasi gusto mong isama namin si Oliver? Mukha namang hindi siya interesado hangga't hindi pa siya rank S."

"Basta! Nararamdaman kong mas lalakas pa siya at kakailangan niyo siya sa grupo. Hindi nga siya interesado pero subukan mo pa rin."

"Bahala na! Siya naman ang magpapasya riyan kaya itatanong ko na lang muna. Kung hindi siya pumayag, wala na akong magagawa."

Nakita ko ang pagnguso niya kaya napairap na lang ako. Hindi ako makapaniwalang may kasama akong bata. Daig ko pa ang baby sitter dahil sa kaniya. Hindi nga siya demanding pero kailangan ko namang tingnan siya para siguraduhing wala siyang ginagawang kalokohan.

Papasok na sana kami ng inn nang bigla kong matanaw si Oliver. Mukhang pauwi na rin siya sa kanila. Mag-isa lang siyang naglalakad tulad ko – kung hindi mo nakikita si Sparrow. Parang ang lalim ng iniisip niya pero tinawag ko pa rin siya. Iyon nga lang, hindi niya ako narinig.

"Uy! Sino ba 'yang tinatawag mo?"

Napatingin ako kay Sparrow nang bumalik siya sa labas at tiningnan ang dereksyong tinitingnan ko.

"Nakita ko kasi si Oliver. Hindi niya siguro ako narinig nang tinawag ko siya," sabi ko.

Hindi siya sumagot at tumingin lang kay Oliver na palayo na ngayon. Niyaya na niya ako sa loob kaya pumasok na ako. Bukas ko na lang siguro kakausapin si Oliver tungkol sa grupo namin.

Chapter 10

Weird

"Limea Seay Meadow."

Nagpunta ako agad sa maliit na stage kung saan nakatayo si Captain Sebastian. Lahat ng tao rito ay nakatingin sa 'kin at pinapalakpakan ako. Sumisigaw pa nga sina Nicy nang tinawag ang pangalan ko kaya medyo nahiya pa ako.

"Congratulations!" bati sa 'kin ni captain habang malawak na nakangiti. Binigyan niya ako ng kulay puting tela na ilalagay sa braso ko tanda na isa na akong rank B. Binigyan niya rin ako ng panibagong uniporme na kulay blue.

"Salamat, Captain Seb," sabi ko sabay ngiti sa kaniya.

Nasa likod niya ang kaniyang mga kagrupo pati na rin ang grupo nina Zeus. May ilan pa akong hindi kilalang tao na nandoon din.

Si Captain Seb ang nagbigay sa 'min ng parangal ni Oliver dahil estudyante niya kami. Tumabi ako kay Oliver na ngumiti naman sa 'kin at nag-congratulate din. I also congratulated him. Nakita kong nakangiti pa sa 'min sina Eunice na mukhang masaya rin naman para sa 'min kahit papaano.

Kasabay naming binigyan ng bagong uniporme ang mga nasa ibang category.

"Oliver Ruins."

Pumalakpak din ako habang paakyat siya sa stage. Tulad ko ay nakatanggap din siya ng kulay puting tela at bagong uniporme. Bumalik siya sa tabi ko at masayang pinagmasdan ang iba pang naging rank B tulad namin.

"Lance Angelo Petiffer." Isa sa mga assassins ang umakyat sa stage.

Nakangisi lang siya hanggang sa bumalik siya sa mga kaklase niya. Ang daming nakipag-apir sa kaniya kaya sa tingin ko ay sikat siya. Hindi natanggal ang tingin ko sa kaniya kaya napaiwas ako nang makita niya akong nakatingin sa kaniya.

To be honest, I want him in the team. Alam ko lang na wala ako sa posisyon para sabihin at ipasok siya sa 'min. Hindi naman ako ang leader kaya imposible talaga. Pero nasabi ko na rin kina Nicy ang tungkol kay Oliver. Hindi ko pa nga lang natatanong si Oliver tungkol sa pagsali.

Matapos ang ceremony, mahigpit na yakap ang natanggap ko mula kina Nicy, Jian at Alton. Lahat sila ay masaya sa pagpasok ko kaya hindi ko maiwasang hindi rin maging masaya. Hindi ko alam na ganito pala ang pakiramdam kapag kasama mo ang mga kaibigan mo na mag-celebrate sa tuwing masaya ka.

Sa buong maghapong iyon, hindi ko namalayan sa sarili kong nakangiti na pala ako at nakikitawa sa kanila. Para bang may kung ano sa dibdib ko na sobrang nakakagaan. Parang ayoko nang matapos pa ang araw na iyon at magpatuloy na lang. Kung pwede lang talaga, ibibigay ko ang kahit ano para lang makasama ko pa sila nang mas matagal.

Sana lang... sana lang talaga ay hindi na sa 'kin napunta ang sumpa na ito. Kung hindi sana, mas ma-eenjoy ko pa ang mga natitirang panahon ko sa mundo. Kung hindi lang dahil sa sumpa na 'to, wala na akong aalalahanin pa.

 

"OLIVER, PWEDE ba kitang makausap?" tanong ko nang tumahimik kami.

Napatingin sa 'kin sina Eunice at mukhang naintindihan naman nila kung ano ang ibig kong sabihin.

"Mauna na kami sa inyong dalawa. Kailangan pa naming magpalakas para maging rank B na rin kami gaya niyo," ani Cherry.

Nagpaalam na sila sa 'min kaya naiwan kaming dalawa. Natahimik pa muna ako saglit bago magsalita. Hindi ko kasi alam kung ano ang sasabihin ko at paano ko sisimulan.

"Ahm... may gusto lang sana akong itanong... parang pabor na rin," nahihiyang sabi ko.

"Ano 'yon?"

Tiningnan ko ang kamay ko at saka iyon nilaro. Kung iisipin kong mabuti, ngayon lang ako hihingi ng pabor sa isang tao. Tapos sa lalaki pa. Hindi ko inaasahang gagawin ko ito nang dahil lang sa pangongonsensiya ni Sparrow. Buti na nga lang at wala siya ngayon para asarin ako.

"Gusto ko lang sanang itanong kung gusto mong sumali sa grupo namin?" tanong ko. Tiningnan ko ang magiging reaksyon niya pero ganoon pa rin. Seryoso pa rin siya at parang hindi man lang nagulat o ano.

Tumingin siya sa 'kin bago sumagot. "Ako? Bakit naman ako? I mean, hindi naman sa ayaw ko pero ang daming iba riyan na mas talented kaysa sa 'kin," aniya.

"Pero hindi ko sila kilala?" patanong na sabi ko ulit. Hindi ko kasi talaga alam kung ano ang idadahilan ko. Badtrip naman kasi si Sparrow!

Natawa siya sa sinagot ko pero hindi naman nagsalita. Tiningnan ko ulit siya at nakatingin na siya sa langit na parang malalim na naman ang iniisip.

Hindi ko tuloy mapigilan ang magtanong. "Okay ka lang ba?"

Isang maliit na ngiti ang gumuhit sa mukha niya matapos kong magtanong. Saglit siyang tumingin sa 'kin bago ibinalik ang tingin sa taas. "Oo naman. Bakit mo naman natanong?"

"Wala. Para kasing ang lalim ng iniisip mo. Ganiyan din ang itsura mo noon kaya akala ko normal lang iyan para sa 'yo. Pero hindi ko alam, pakiramdam ko ay may problema ka," sabi ko.

Sa tuwing nakikita ko kasi siya, napakalungkot ng mga mata niya. Ngingiti nga siya minsan pero hindi naman totoo ang mga iyon kaya nababahala ako. Hindi pa naman ako nakakatagal nang hindi ko inaalam ang mga bagay na nakakapagpabagabag sa 'kin.

"My parents were murdered by the Marcollds," aniya.

Napatingin ako sa kaniya dahil sa sinabi niya. Nagulat din ako sa nalaman ko pero mas pinili ko ang makinig sa sasabihin niya. Mukhang ito ang paraan niya para gumaan ang pakiramdam kahit papaano. Sa ganitong paraan sana ay matulungan ko siya.

"Matapos iyon, naiwan ako kasama ang nakababata kong kapatid. Sabi ko sa kaniya, mag-aaral ako sa paaralan na ito para maipaghiganti ang mga magulang namin. Iyon ang nasa isip ko noong unang mga taon ko rito."

"Isang buwan nang malaman kong nakapasok ako para sa rank B. Umuwi ako agad noon para sabihin kay Maddie," aniya. Siguro Maddie ang pangalan ng kapatid niya. "Pero alam mo 'yong nakakainis? Iyong nakakagalit? My little sister's already dead!"

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Oh no. Okay lang kayang sinasabi niya sa 'kin 'to? Baka mamaya ay nasasaktan ko na siya dahil lang sa pagkwento niya? Pero sa huli, mas pinili ko pa rin ang pagiging chismosa ko.

"Isang taon ko siyang hindi nakita dahil sa kagustuhan kong ipaghiganti ang parents namin. Nang dahil doon, nakalimutan kong kailangan ako ng kapatid ko sa tabi niya noong mga panahong iyon. Kaya hindi ako nakapunta sa ceremony at tinanggihan ko ang offer."

Kaya pala. Iyon pala ang dahilan kung bakit hindi pa rin siya rank B kahit na sobrang galing niya. Hindi pala niya tinanggap dahil sa nangyari. Isang taon siyang nagpalakas para maging rank B at maipaghiganti ang parents niya. Kapatid naman niya ang naging kapalit niyon. Hindi ko maintindihan pero mayroon sa loob ko na para bang napupunit sa sakit.

"Pero ngayong nandito na ako, hindi na ako aatras. Dito ko tinutok ang atensyon ko dahil kilala ko ang kapatid ko. Alam kong hindi niya sinabi sa 'king may nararamdaman na pala siya dahil alam ko kung gaano siya kalungkot sa nangyari kina Mama at Papa."

"Kaya ngayong nakikiusap ka sa 'kin, hindi kita magagawang tanggihan. To think na nakikita ko sa 'yo ang kapatid ko. Para bang naalala ko lahat ng nangyari sa nakaraan. Ang dahilan ko kung bakit nagpapatuloy ako."

"Sorry kung kailangan mong magkuwento sa 'kin. Hindi ko inaasahang ganoon ang nakaraan mo," ang tanging nasabi ko na lang.

"Hindi mo kailangang mag-sorry. Ako naman ang may gustong magkwento. Isa pa, ayoko rin namang itago. Gusto ko ring mailabas itong nasa loob ko. Ngayong naikuwento ko sa 'yo, gumaan ang pakiramdam ko. Para akong nagsusumbong sa nakababata kong kapatid."

Nginitian ko siya para sabihing nandito lang ako. Hindi ako magaling mag-comfort ng iba gamit ang mga mabulaklak na salita. Alam ko namang hindi iyon makakatulong. Naniniwala akong kahit na nasa tabi ka lang ng taong kailangan ng comfort ay ayos na.

Alam kong malakas siyang tao. Alam kong malalampasan niya rin kung ano man ang bigat na pasan niya. Alam kong maipaghihiganti niya ang mga magulang niya sa mga pumatay sa kanila.

I made up my mind, though. I'm going to help him.

 

NAGPAIWAN NA ako kay Oliver malapit sa gubat dahil gusto kong mapag-isa. Para bang may gusto akong i-reflect sa sarili ko matapos kong marinig ang mga kinuwento sa 'kin ni Oliver. Mayroon sa kwento niya na nakahawak sa puso ko.

Kung ang parents ko kaya ang mawawala sa 'kin, kaya ko kaya? Parang ayoko nang alamin pa ang bagay na iyon. Para bang ayokong dumating sa puntong sa huli ako magsisisi – kung kailan wala na sila at hindi na ako makakahingi pa ng paumanhin.

Alam ko namang hindi nila kasalanan kung bakit sa 'kin napunta ang sumpa na ito. Baka nga hanggang ngayon ay hindi pa rin nila alam ang tungkol dito. Baka ang tingin nila ay nagrerebelde lang ako dahil sa nangyari kay Mama. Pero ano 'ng magagawa ko kung sobrang nasaktan ako?

Namatay si Mommy nang dahil sa kagagawan ko – dahil hindi ko siya nailigtas sa mga pumatay sa kaniya. Tapos halos wala pang isang taon, pinakilala na sa 'kin ni Papa sina Tita Leah at ang anak niyang si Shaun? Ano ba kasi 'ng dapat kong maramdaman? Hindi ba at tama lang naman na makaramdam ako ng sakit?

I felt betrayed.

Ngayon namang naisip ko ito, tama lang siguro ang ginawa ko. Siguro nga ay sinisisi nila ako sa nangyari kaya hindi ko na maramdaman ang pagmamahal na dati ay pinaparamdam nila sa 'kin. Noong una pa lang naman ay alam ko nang hindi nila ako mapapatawad kaya ang unang ginawa ko ay lumayo sa kanila.

"Mukhang ang lalim ng iniisip mo, a?" Tumabi sa 'kin ng upo si Sparrow habang nakatingin sa mukha ko.

Umiwas ako ng tingin sa kaniya dahil ayokong mabasa niya ang nasa isip ko.

"Wala, 'no! Ano ba 'ng ginagawa mo rito?" Sinubukan kong magtaray sa kaniya.

"Naramdaman ko kasing malungkot ka kaya nilapitan kita," aniya.

Akala ko ay inaasar na naman niya ako pero nang tingnan ko siya, walang bahid ng kahit anong pang-aasar sa mukha niya. Nakakapanibago tuloy.

"Alam mo, kahit na madalas kitang asarin, hindi naman maiiwasan na mag-alala rin ako sa 'yo." Tumingin ako sa kaniya dahil hindi ko inaasahan ang mga katagang iyon. Si Sparrow ba talaga ang taong ito o baka sinapian na siya? "Asaran aside, napalapit na ako sa 'yo kaya nga nahihirapan na akong umalis kahit na may choice naman ako."

Tinaasan ko siya ng kilay dahil sa sinabi niya. "Wow! Nahiya naman ako sa 'yo. Ikaw pa talaga ang may ganang umalis?" Sabay kaming natawa matapos iyon. Para bang bigla na lang nawala ang bigat sa dibdib ko sa hindi malamang kadahilanan. May kakaiba kay Sparrow ngayon na hindi ko maipaliwanag.

"Pero seryoso, sa katunayan nga ay para bang mas gusto ko na iyong ganito." Bumuntong-hininga siya bago magpatuloy sa pagsasalita. "Para kasing natatakot na akong malaman kung ano talaga ako noon. Paano pala kung masama akong tao? Baka kaya magnanakaw ako o kaya rapist?"

Hinampas ko siya sa braso dahil sa sinabi niya. Hindi na siguro talaga mawawala ang ganitong bagay sa kaniya. Hindi siya si Sparrow kung hindi puro kalokohan ang nasa isip niya. "Rapist ka naman diyan. Ang cheap mo, a!"

Napatigil ako sa pagtawa nang bigla niya akong tinitigan. Napalunok tuloy ako at biglang kinabahan. Para naman kasing timang 'tong si Sparrow, papalit-palit na lang bigla ng mood. "A—Ano?" tanong ko.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko, Limea." Napatigil ako nang banggitin niya ang pangalan ko. Ngayon ko lang yata siya narinig na tawagin ako sa pangalan ko. "Simula noong isang araw, kakaiba na ang napapanaginipan ko. Puro na lang masasamang bagay. Natatakot tuloy ako na bigla na lang akong mawala sa sarili ko at baka kung ano 'ng gawin ko."

Ngumiti ako nang tipid sa kaniya at saka ko siya niyakap. Siguro nga mukha na akong timang ngayon pero ano ang gagawin ko? Gusto ko siyang yakapin ngayon. Lagi 'tong ginagawa ng kuya ko sa tuwing natatakot ako at kumakalma naman ako.

"Hindi ko hahayaang mangyari iyon, Sparrow. Hindi ko hahayaang gumawa ka ng isang bagay na hindi mo gusto."

Matapos kong sabihin iyon, hindi ko maintindinihan ang sarili ko, para bang may kung ano sa dibdib ko na nagpapabilis ng tibok nito. Parang may kakaibang bagay rin na umiikot sa tiyan ko. Bigla akong nailang sa tuwing lalapit siya sa 'kin.


◘ This is a paid story ◘


Continue reading here ⇒ Limea Meadow

Post a Comment

0Comments

Post a Comment (0)

#buttons=(Accept !) #days=(20)

Our website uses cookies to enhance your experience. Check Now
Accept !