Chapter 1
Suzanne Berry Azarcon
I can hear the collision of our spoon and fork as we eat our lunch. My Grandpa, Dad, and I are having our lunch together when Sebastian interrupts us. "Don Craig, a new one has appeared southeast on the forest." He is one of our loyal hunters in the Azarcon Group, a 20-year old guy who is a little serious and someone who dedicates his life to this work.
Kung ako ang tatanungin, ayoko sa kaniya. Masyado siyang loyal and I hate it. Hindi niya kasi alam kung ano ang pwedeng mangyari kung masyado niyang pinagkakatiwalaan ang grupong ito. Kahit ako ngang apo ng mga Azarcon ay hindi masyadong nagtitiwala sa trabaho nila.
My Grandpa, Craig George Azarcon, is a well-known hunter and the leader of Azarcon group; a group of elite hunters who hunt down rogues and killer werewolves.
Normally, ang hinuhuli lang namin ay mga lobo na pumapatay ng mga inosenteng tao. Madalas ay mga Rogues ang tawag sa mga iyon. But now, I think it's no longer how it is. I mean, hinuhuli nga namin ang mga pumapatay na mga lobo pero hindi na kasi iyon ang nakikita ko. My Grandpa is killing them one-by-one. And if I say one-by-one, ibig sabihin ay wala na silang pakialam kung mabait ba o hindi ang mga pinapatay nila. Basta isa kang lobo, they'll hunt you down for sure.
"Call out for backup. I'll be there in five minutes," sabi ni Grandpa kahit na hindi pa nangangalahati ang kinakain niya.
I stare at my food. Unlike them, I'm nearly finished. "Won't you finish eating first before going? I cook them myself," sabi ko. Minsan lang ako magluto tapos hindi niya uubusin? I won't allow it.
"Apo, I'm just going to eat again later. The foods can wait, the rogues can't." He wiped his hands with a table napkin before standing. "Excuse me."
I rolled my eyes because of what he said. Hindi ko naman magawang suwayin ang sinabi niya. What he wants is what he gets. Pero ibang usapan na kapag umapila ako.
I wiped my hands as well and stood. "I'm going as well." My Father and Grandpa both looked at me and were about to say something when I stopped them. "It's final! I'm already finished eating, I'll go. I'm sorry pero hindi ko kayang hayaan ka na lang sa pagpatay sa mga lobo, Grandpa."
Huminga siya nang malalim bago tumalikod. But before he disappeared, he said, "I'll leave in three minutes. Be ready or I'll leave you behind."
Sebastian followed him quietly habang ako naman ay napangiting mag-isa. Hindi niya talaga ako matitiis.
"Aren't you going, 'Pa?" tanong ko kay papa na patuloy lang sa pagkain at hindi na kami pinansin. He doesn't mind being left behind. He must be really hungry.
"Nah. I'm fine here. Go with your Grandpa, baka mainip pa iyon at iwan ka." Pinunasan niya ang labi niya. Ngumiti siya sa akin at saka tinuro si Grandpa na nakasakay na sa loob ng bukas na kotse. He looks impatient as he glances at me.
Lumapit ako kay papa para halikan siya sa pisngi. "Alis na ako, 'Pa! Take care!" pagpapaalam ko.
"By the way, your Sinigang is the best!"
Ngumiti ako sa kaniya bilang tugon. I should cook Sinigang more often.
I jump inside the car. Hindi naman nagtagal ay humarurot na iyon. Kinuha ko ang baby ko sa likod at saka pinunasan. It is a small pistol but I treasure it like my own child.
Ito ang unang armas na ginamit ko noong nagsisimula pa lang ako kaya ito na ang lagi kong ginagamit. Not like the usual pistol, its bullet is silver. Sa dulo ng bullet ay may maliit na kumikinang na bagay - the wolf's bane. Ginawa talaga ang mga ganito para pahinain ang mga lobo. Hindi naman sila agad namamatay kapag tinamaan pero madalas ay sobra ang panghihina nila. Doon namin sila hinuhuli at tinatali para sa interrogation.
"Remember, apo, huwag na huwag kang kikilos nang basta-basta. Wait for my signal," aniya.
Napairap ako habang pinupunasan ang baby ko. He already told me that for the nth time and it's starting to get annoying. "I know, Grandpa, I know. Hindi naman ako lulusob na lang bigla. I don't want to die yet," sarkastikong sabi ko.
That's true. My mom's already gone and I don't want them to be more upset if I die as well.
"We're almost there. Get ready!" Grandpa said, pertaining to everyone.
Hinawakan ko ang baril sa kanang kamay ko habang tinatago ang patalim sa tagiliran ko gamit ang kaliwa. It's also made of silver and a wolf's bane, both harmful to humans and werewolves.
Nang tumigil ang sasakyan, ako na ang nagbukas ng pinto sa gilid ko habang sa kabilang gilid dumaan si Grandpa. Nakita ko na ang ilang mga tauhan niyang mga naka-earpiece pa. Sadly, I don't have one.
Like me, they're holding different kinds of guns in their hands. Some of them are bigger than mine. A 50 caliber sniper is also present here. Madalas ay mahahabang baril ang dala nila while my Grandpa holds a gun which is a lot bigger and heavier. Malaking tao kasi si Grandpa. Ma-muscle pa para sa isang may edad na lalaki.
Isang tauhan niya ang lumapit sa kaniya habang may hawak na tela. Sa tingin ko ay may laman iyon pero hindi ako sigurado kung ano. I can't smell something foul so I think it's not a dead body of some sort.
Good. I really can't take corpses. At least not now. Kakakain ko lang.
"He got caught on a trap, Don. It looks like he's not from the packs in this place, a lone wolf or something," aniya.
Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Sa pagkakaalam ko ay dalawa lang ang pack na nasa lugar na ito. Maliban na lang kung mayroon pa kaming hindi natutunton pero imposible namang magkaroon ng lone wolf dito.
Ang mga lone wolf ay mga lobo na hindi kasama sa isang pack. Kung tama man ako ay madalas na target ng ibang mga lobo ang mga lone werewolves. Dahil nga mahina lang sila at walang kakampi ay roon sila nagpapalakas – by killing their own kind. At ito pa ang isa sa mga mga paborito kong information; kapag napatay mo ang isang alpha o ang leader ng isang pack, ikaw na ang papalit sa kaniya... ikaw na ang alpha na hawak ng napatay mo.
Isn't that kind of exciting? Kaya lang, noong nalaman kong hindi iyon angkop sa mga tao ay nanghinayang ako. Not that I want to become like them pero hindi ba at kakaiba ang mga ganoong case? Magiging isa ka sa kanila kapag napatay mo ang pinakapinuno nila. Kaya lang, alam ko na sa sarili kong hindi iyon posible dahil nakapatay na si Grandpa ng isang alpha.
"Take me to him," sabi ni Grandpa.
Napatigil ako sa susunod na sinabi ng tauhan ni lolo. "It's a she-wolf, Don."
Hindi ko na hinintay pa ang susunod na sasabihin ni Grandpa bagkus ay naglakad na ako palapit sa kakahuyan. Gusto kong makita kung sino ang nahuli namin ngayon. I met a girl werewolf before and she's not that bad. Hindi naman kasi talaga lahat ng mga lobo ay masasama. Na-gegeneralize lang talaga kung minsan.
Nang makita ko siyang nakasabit sa isang trap nina Grandpa ay nakahinga ako nang malalim. It's not her. She's tied upside down and good thing she's not in her werewolf form. Ngayon ko lang siya nakita pero hindi ko masasabi kung tagarito ba siya o hindi. Hindi ko pa naman kasi nakikita ang lahat ng mga werewolves na nandito kaya hindi ko matutukoy.
"What the hell are you doing, Suzanne?" Rinig ko agad ang malalim at ma-autoridad na boses ni Grandpa kaya napangiwi ako. Ayoko kasi sa buo kong pangalan. I prefer being called Sue or Suzy. Just not Suzanne, really, I might kill anyone who dares.
"I just want to check on her. And I'm done, I'm out of here!" sabi ko habang nakataas ang dalawang kamay at mabagal na umaatras. Hindi ako tumingin kay Grandpa dahil pakiramdam ko ay ang sama ng tingin niya sa akin. One thing that I hate the most is his eyes; it reminds me of my mom's glare at me. It hurts!
"Just step back!" tanging sabi niya na lang kaya tumango ako habang nakanguso.
I looked at the growling werewolf in front of me. She looks hopeless. Hindi ko tuloy maiwasan ang hindi maawa sa kaniya. Kahit ano kasing pagpupumiglas ang gawin niya ay hindi pa rin siya makawala. She really can't. Both of her hands are tied up and she's just hanging in the air. If only she could use her paws then, she can easily escape.
"What do you want? Why are you here and killing people?" tanong ni Grandpa.
"Killing? Nobody mentioned killing," hindi ko maiwasang singit.
Sinamaan na naman ako ni Grandpa ng tingin kaya napaiwas na naman ako.
I cross my arms and roll my eyes. "It's the earpiece, young lady," mahinang sabi ni Sebastian.
Napatingin ako sa kaniya pero nakatingin pa rin siya sa lobo. I grab his earpiece immediately pero hindi naman siya umangal. He's used to it, trust me.
"The guy is not yet dead but we can't ask him a question because he's in trauma. What should I do?" tanong sa earpiece na suot ko.
Hindi sumagot si Grandpa sa kaniya o kahit na sino sa mga tauhan. Tutok lang sila sa lobo na nasa harap namin. Binalik ko na ang earpiece ni Sebastian at saka nakinig sa pinag-uusapan nina Grandpa.
"He tried to attack me that is why I killed him! You can't really blame me. That's self-defense!" bulalas ng lobo na hindi ko alam kung ano ang pangalan.
"Maybe he's just trying to protect herself. I can't really blame her," pagsabat ko.
They all looked at me but said nothing. My Grandpa glares at me again that's why I shrug my shoulder off.
"What? That's just my opinion! Can't I at least voice it out?" gigil na sabi ko.
"You shouldn't have come. Can you just stay quiet in there? Just for a second at least," naiiritang sabi ni Grandpa. He can't get angry with me. He loves me so much!
"I'm quiet..." sabi ko sabay zip ng bibig ko.
Natahimik si Grandpa saglit at saka napailing. "Now, where am I?" pabulong na tanong niya, sapat lang para marinig ko.
"She's just trying to defend herself from the guy," sabi ko.
Mas lalong napailing si Grandpa pero hindi ko na alam kung ano ang problema niya ngayon. Is he sick?
"What's really your purpose on coming here?"
"I heard that the new alpha is here. I just want to meet him. I want to be one of his pack," sabi ng babae.
Nadinig ko ang maliit na pag-asa sa kaniyang boses na para bang ang tagal na niyang naghihirap sa kung ano o sino man. She must be really lonely.
"Looking for the alpha while killing humans, that's not forgivable!" bulalas ni Grandpa.
"I told you, that was just self-defense! He tried to harm me with some kind of a gun," pagpapaliwanag niya. A lone wolf can be affected by an ordinary gun, as the book says. I don't understand why.
"That doesn't mean you can kill him!" pilit na pinaglalaban ni Grandpa.
"The guy's not yet dead, though. Why can't we just forget about this and let her go? Let her find the alpha and everything is solved!" nakangiwing sabi ko.
"I said, you shut up, Suzanne!" sigaw ni Grandpa.
Napaawang ang labi ko dahil sa pagsigaw niya. Ramdam kong galit na talaga siya ngayon. Hindi ko alam kung kanino ba siya galit, sa akin o sa lobong ito.
Muli niyang hinarap ang lobo at nagsalita, "I can't let her go. I can't risk anything from letting her go. Letting her go means more people dying!"
The girl growled at him again. Hindi naman natinag si Grandpa at nakuha pang makipagtitigan sa babae.
Napailing na lang ako dahil sa sinabi niya. Kahit papaano naman ay may punto siya. Marami lang mapapahamak kung patatakasin namin siya.
Naglakad si Grandpa sa isang gilid at saka may kinuha sa loob ng tela. Ito iyong hawak kanina ng tauhan niya bago ako umalis. Ngayon ay alam ko na kung ano ang laman n'on. Literal na nanlaki ang mga mata ko habang pinagmamasdan ko siyang punasan ang espada.
It's the sword used to cut them. It can't be. He can't be serious about this. The girl hasn't even killed anyone yet! At this moment, the girl is not yet a murderer!
"Grandpa, stop it!" bulalas ko. Lalapit na sana ako nang hawakan ni Sebastian ang braso ko. I glared at him. "Let go lip gloss freak!"
"I bet I can't do that," malumanay na sabi niya, para bang wala lang sa kaniya ang sinabi ko.
"Just let go already!" frustrated na sigaw ko. Kumawala na ako sa pagkakahawak niya pero hindi ko pa rin magawa. He's just too strong!
"I can't let humans live with fear. That means I have to kill you."
Napatingin ako kay Grandpa nang sabihin niya ang mga katagang iyon. Pilit pa rin akong kumakawala sa pagkakahawak ni Sebastian pero napakatigas talaga niya.
"No. No, Grandpa! You're not a murderer. Just let her go!" Halos maputol na ang litid ko sa kasisigaw pero wala lang siyang naririnig. Gusto kong maiyak, gusto kong maglupasay at magmakaawa na itigil niya ang ginagawa niya, pero wala siyang naririnig.
He still did what he knew was right but still a sin. All I could do was stare at it as blood flows out and her other half touched the floor. I almost vomited on the sight but I didn't. I felt numb and hopeless and useless. This is just too cruel. I hate it!
Chapter 2
Suzy
Hinila ko ang kumot ko para mas lalo akong matabunan nito. Napakalamig ng gabi ko ngayon. All I want to do is stay in bed and sleep... but I can't. I can't sleep after all that's just happened a while ago. I can still remember the exact same scene from that time. Nakatatak na ang mga senaryong iyon sa utak ko. Pakiramdam ko ay may trauma pa ako pero hindi pwede iyon. I am a hunter's daughter; I need to get used to that sight.
Kahit na alam ko sa sarili kong ayokong mangyari iyon. Kahit na ayoko talaga sa ideyang maging hunter, wala akong magagawa. I can't let Lyra inherit the business for me because she's still too young for this - at least younger than me.
I still hate my Grandpa. How could he do that? That's so unreasonable! Bakit niya kailangang patayin ang lobong iyon kung pwede naman namin siyang i-turn down sa nakatataas? I'm sure that they can do something about her. I really don't want to tolerate my Grandpa's selfish act.
Hindi naman pwedeng ang dahilan niya ay dahil ang mga lobo ang pumatay kay mama. For pete's sake, hindi naman lahat ng mga lobo ay kayang gawin iyon sa mga inosenteng tao! They should have known better!
Kung nandoon kaya kanina si papa ay pipigilan niya si Grandpa? I know that papa loves werewolves kaya nga siya naging hunter. Alam niya kung ano ang pinagkaiba ng ibang mga lobo sa mga killer werewolves. Not all of them are killers! Even rogues have hearts.
I just want to sleep and escape from everything that's happening.
Naitalukbong ko ang kumot ko nang marinig ko ang mahinang pagkatok sa pinto. I don't want to talk to anyone right now but myself. Ayoko munang kausapin ang kahit sino lalo na si Grandpa. Alam kong kahit na hindi niya ako natitiis minsan ay may limit pa rin iyon. I don't want to know and experience that limit.
"Anak, can papa come in?" tanong ng lalaking kumatok.
Natanggal ko kaagad ang kumot ko sa pagkakatalukbong at saka tumayo. Tumakbo ako palapit sa pinto upang pagbuksan si papa. I know he would understand me! He knew right away every time I'm having a hard time.
"Papa!" I immediately hugged him.
Medyo nagulat pa siya sa ginawa ko pero niyakap pa rin niya ako pabalik. This is all that matters to me now. Yakap lang ni papa ang kailangan ko ngayon. I know that everything's going to be fine.
"What's wrong? Manang Celestia said that you're not eating anything that she brings here. Is there something wrong?" tanong niya sa akin habang hinihimas ang buhok ko.
I looked up to him and frown. "I'm not hungry."
Huminga siya nang malalim at saka ako nginitian. "But that's not right. Ayokong mangayayat ka. I know Lyra would scold me when she sees you thin and pale," aniya.
Napanguso naman ako dahil sa sinabi niya. Oo nga pala. Malapit na ring umuwi rito si Lyra. Isang buwan din siyang mananatili before going back to the U.S. for her studies.
"Okay, I'll eat. But I'm just going to eat here in my room."
"Why? Ayaw mo ba kaming makasabay sa ibaba?" tanong ni papa.
Napaiwas ako ng tingin sa kaniya. "I don't want to see Grandpa right now."
"Why is that? Did he do something wrong?" tanong ni papa.
Napakagat ako sa labi ko dahil hindi ko alam kung sasabihin ko ba ang nakita ko sa kaniya kanina. Alam kong hindi sinabi iyon ni Grandpa sa kaniya kaya hindi niya iyon ino-open sa akin. Papa's against the idea after all; the idea of me being a hunter like them.
"I saw it all, Papa," sabi ko.
Saglit pa siyang natahimik at kumunot ang noo. Nang ma-realize niya ang ibig kong sabihin ay napamura na lang siya nang mahina.
"Your Grandpa let you see that?" tanong niya, hindi makapaniwala sa sinabi ko.
Tumango lang ako sa tanong niya at napaiwas ng tingin.
"I need to talk to him," sabi niya.
Bago pa siya makaalis ay pinigilan ko na siya. Umiling ako at sinabi, "No, Papa! Please, huwag na lang. Baka magalit siya sa akin at sabihing nagsumbong na naman ako sa 'yo," sabi ko sa kaniya.
Huminga siya nang malalim. "But I don't want him to do that anymore. Masyado ka pang bata para makita ang mga ganoon. You're still learning how to use guns tapos ganoon na ang ipapakita niya?"
"Pero kahit ano naman ang mangyari ay makikita ko pa rin naman iyon, hindi ba, Papa?" tanong ko, nakasimangot sa kanyang harapan.
Malungkot din akong tiningnan ni papa sa mga mata bago ako niyakap ulit. "I'm sorry, Suzy, anak. Hindi ko talaga gustong ipakita sa iyo ang mundong ito pero wala akong magawa," aniya.
"I'm the next heir after all. Ayos lang naman ako, Papa. Pero ayoko lang ng ideya ni lolo. He's killing them all without even hearing their sides! May mga pakiramdam pa rin naman sila kahit papaano and grandpa chose to ignore them."
"I'll talk to him, Suzy. Ayokong mangyari ulit ang nangyari kanina," aniya.
Hindi ko na siya napigilan pa after that. Umalis na siya sa kwarto ko para kausapin si Grandpa. All I could do was follow him - eavesdrop on everything that they're going to talk about. Kahit na alam kong mali ang ginagawa ko ay hindi ko na iyon pinansin. I'm curious.
"'Pa..." Papa called.
Nakatayo lang si Grandpa at nakatingin sa labas ng nakabukas na bintana. Napatingin siya kay papa nang magsalita ito at lapitan siya. Isang tipid na ngiti ang ginawad niya kay papa at saka ito hinarap.
"Anak, ano ang kailangan mo? Did Suzy eat or she chose to be stubborn again?" he asked.
Napanguso ako dahil sa sinabi niya pero tumahimik pa rin. He always thinks that I'm stubborn when I'm really not. I just chose to do what I want, that's all. Is that being stubborn?
"I heard what happened a while ago, 'Pa. I told you numerous times that she's still too young to witness those things!" Anger was visible in my Papa's voice as he said those words.
Protective lang talaga siya not only to me but also to Lyra. Mabuti pa ang kapatid ko ay hindi na kailangan makita ang mga ganitong bagay. But I don't want that to happen. Lyra's too vulnerable to this kind of thing.
"Cholo, anak, you need to open your mind about this. Hindi na siya pabata. Ilang taon na lang ay tutungtong na siya sa tamang edad and this is just the right thing to do. Kung hindi pa niya makikita ang mga ganito, kailan pa? Kapag huli na ang lahat? Kapag dumating na sa puntong makakaharap na niya ang mga werewolves na 'yon?"
Papa sighed, and said, "I understand, Papa. But please understand me as well. She just wanted you to hear out what they wanted to say before killing them. It's not justice to kill them just because they were werewolves!"
"And my daughter's death was because of justice?" he asked.
Naramdaman kong napatigil si Papa dahil sa tanong ni lolo. Alam kong isa ito sa mga topic na iniiwasan ni Papa na mapag-usapan. This topic's what I'm trying to avoid as well.
"They killed my daughter without hearing her out first. They killed her because she's a hunter's daughter. Is that justice? Ngayon pa ba natin pag-uusapan kung ano ang justice?"
Huminga nang malalim si Papa. "Ano na ngayon, 'Pa? Gagawin natin ang ginawa nila and then what?" tanong niya. "Paulit-ulit na lang na mangyayari ang mga iyon. Maggagantihan na lang tayong lahat hangga't sa hindi na natin maiiwasang magkaroon ng gyera sa pagitan ng mga lahi natin. Hindi mo ba naisip na baka kami naman ang mapahamak nang dahil sa ginagawa mo?"
"I just want what's best for my granddaughters!" bulalas ni lolo. Bakas na rin sa boses niya ang frustration dahil sa pag-uusap na ito. The last time this happened was when a werewolf kidnapped Lyra, and that was decades ago.
"I just want what's best for my daughters too, Papa. Think about Suzy and Lyra. Sila na lang ang mayroon ako ngayon and I'm going to do everything to protect them. Ayokong malagay ulit sa panganib ang mga anak ko just because of this job. Suzy won't inherit the Family business anymore."
Pabalang na tumingin si lolo sa kaniya. "Nababaliw ka na ba, Cholo? This business was being run since my great great grandfather. Ano ang ibig mong sabihing hindi na siya ang magmamana? You mean to say na itigil na ito at tapusin na sa 'kin?"
"Buo na ang pasya ko. Hindi ko ilalagay sa panganib ang buhay ng anak ko hangga't hindi naaayos ang relasyon ng mga tao sa kanila. Offer me the position again and I'm going to accept it this time." Umalis siya sa sala matapos sabihin ang mga katagang iyon.
Samantalang napanganga na lang ako dahil sa narinig ko. Hindi ko alam na darating sa ganitong punto na aakuin na ni papa ang bagay na tinanggihan na niya noon... all because of me.
I went back to my room and jumped on my bed. I didn't want Papa to know that I heard everything they talked about. Tiyak na sesermonan niya ako tungkol doon. That's the last thing I would do right now. Alam kong mainit pa rin ang ulo niya matapos ang nangyari.
Hindi ko rin maiwasang hindi ma-guilty. Papa doesn't want to associate himself fully when it comes to killing them. Like what I've said, he loves them too much that he can't afford to kill them. Paano na lang ngayon na siya na ang hahawak? Paano kung dumating sa puntong kailangan na talaga niyang pumatay dahil kailangan?
"Baby?" rinig kong tawag ni papa sa labas ng kwarto ko.
"Yes, Papa? W-what happened?" I asked. I fixed myself and sighed before facing him with a slight smile.
Naglakad siya palapit sa 'kin at tumabi sa kama ko. He sighed then gave me a warm smile. Kung hindi ko lang narinig ang pinag-usapan nila ni lolo kanina ay baka na-convince na niya akong ayos lang ang lahat. I can't help but feel guilty even more.
"Nakausap ko na ang lolo mo and I think hindi na mauulit ang nangyari kanina. You don't have to worry about it too much, okay? Matulog ka na at magpahinga," aniya.
"Okay. Good night, 'Pa."
I didn't bothered asking for more details. Mas ayos na ang ganito. Hahayaan ko na lang silang dalawa na mag-usap dahil alam naman nila kung ano ang mas nakakabuti para sa 'kin. Hindi ko lang alam kung hanggang kailan ako mananatiling tahimik tungkol sa ginagawa ni lolo.
Nagising ako nang maalimpungatan ako nang umagang iyon. Pagtingin ko sa orasan ay alas tres pa lang naman ng madaling araw. Lumabas ako para sana uminom ng tubig at bumalik na lang ulit sa pagtulog nang marinig ko ang maliliit na boses sa sala. Mukhang may gising pa nang ganitong oras o baka naman ganito lang talaga sila kaaga magising.
Hindi ko na sana papansinin nang marinigan ko ang pangalan ko. Doon ko nakitang si Papa pala at si Lolo ang nag-uusap. Mukhang kalmado naman ang pag-uusap nila pero halata sa mukha ni papa na hindi siya natutuwa sa kung ano man ang pinag-uusapan nila.
"Iyon na ang pasya ko, Cholo. Kung hindi ka pa sasang-ayon ay hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Kung hindi naman tatanggapin ni Suzy ang maging tagapagmana ko ay mas makabubuti lang na bumalik siya sa pag-aaral. Maaari pa rin siyang makatulong sa business sa hinaharap."
"Pero kailangan ba talagang sa isang boarding school siya ipadala? Hindi ba pwedeng sa isang normal na school na lang? Malalayo siya sa 'tin, 'Pa! Pati sa mga kaibigan niya rito," pagdadahilan ni papa.
Miski ako ay gustong tumutol. Ayoko sa isang boarding school! Masyadong maraming rules akong kailangang sundin! Gusto ko mang sabihin na wala naman akong kaibigan na maiiwan pero ipinagkibit-balikat ko na lang.
"Hindi ba at ayaw mo na siyang iharap sa mga lobong iyon? Ito lang ang paraan na naisip ko. It's either she attends a boarding school or she'll end up homeschooling. You choose, Cholo." What about my opinion, Grandpa? Papa? Hindi ninyo man lang ba ako tatanungin kung ano ang gusto ko?
Hindi na nagsalita si papa kaya naman sa tingin ko ay alam ko na kung ano ang kahahantungan ko. Mukhang sa boarding school talaga ang bagsak ko. Alam kong ayaw ni papa na mag-homeschooling ako dahil tiyak na magrerebelde ako. I will certainly do that! I don't want to be a prisoner of some sort.
"Hayaan mo muna akong kausapin siya, 'Pa. Tiyak na hindi siya sasang-ayon lalo na at marami siyang mga kaibigan na maiiwan sa dati niyang school. Susubukan ko pa rin siyang kausapin tungkol dito."
"You don't have to," hindi maiwasang sambit ko.
Lumabas na ako sa pinagtataguan ko at lumapit sa kanila. Mukhang nagulat sila sa bigla kong pagsulpot kaya hindi agad sila nakapagsalita.
"I accept whatever it is you want me to do. As long as Lyra and I won't be the inheritor, then that's fine with me."
"Anak... pwede mo pa namang pag-isipan - "
"No, 'Pa. Kung iyon naman na ang napagpasyahan ninyo, I accept it. Hindi naman masamang um-attend sa isang boarding school. Sa ganitong paraan din ay malalayo ako sa bahay kahit panandalian lang. That way, I won't witness the injustice way grandpa's doing."
Masamang tingin ang pinukol ni lolo sa 'kin but I stayed calm. Hindi ako nagpatinag dahil tama naman ako. Gusto kong malaman niyang hindi tama ang ginagawa niya kahit na alam na niya ang tama sa mali.
Yes, he knew what's right from wrong, but is he doing the right thing? No, he's just aware but he doesn't care.
"When am I going to start so I can fix my things already?"
Nagkatinginan lang silang dalawa at hindi ulit nakapagsalita. I think they chose not to say anything more. Hindi ko naman sila masisisi. This is what they wanted, right? I'm just doing them a favor. I chose not to be stubborn this time and obey them. Kaya bakit ganito ang reaksyon nila?
Chapter 3
Suzy
"Sigurado ka na ba talaga? Baka naman kasi mainit lang ang ulo ni lolo kaya niya nasabi 'yon. Pwede mo pa naman silang makausap," ani Lyra sa kabilang linya.
Mukhang hindi ko na maaabutan ang pag-uwi niya dahil magsisimula na pala ang klase sa boarding school na a-attendan ko. Handang-handa na pati ang uniform ko na para bang matagal na nilang napagplanuhan ang bagay na ito.
Napapailing na lang ako at hindi na nagkomento pa.
"Hindi na kailangan, Lyra. Ito na rin naman ang gusto ko. I don't want to hear the word stubborn again from grandpa. I am so tired of it. Susunod na lang ako sa gusto niya," sabi ko.
I zipped my bag and arranged my travel bag. Unfortunately, the boarding school grandpa was talking about is located at a rainy province. Tiniyak kong marami akong dalang sweater and raincoats in case.
"Pero hindi naman yata makatarungan 'yan. Hindi pa nga tayo nagkikita ulit tapos ilalayo ka pa lalo sa bahay. I will make sure to visit you. I promise, Ate!"
"Okay, I will look forward to that. Alam mo namang na-mimiss na rin kita. Ilang buwan na rin tayong hindi nagkikita."
"I know! Bakit ba naman kasi nangyari 'to?" I can tell by her voice from the other line that she is frowning. Oh, dear!
"Ask that to grandpa, Lyra. Hindi ko talaga alam kung ano ang tumatakbo sa utak niya lalo na nitong mga nakaraang araw. I barely know him now."
"Kahit naman ako, Ate. Alam kong kahit si papa ay hindi rin alam kung ano ang nasa utak ni lolo. Kaya nga hindi sila magkasundo simula pa lang noong una, 'di ba?"
"Right."
"By the way, I will tag Devin and Andrea along on my visit. Tawagan na lang tayo para sa date."
I smiled with that thought. Alam kong sila na at hindi na ako nagulat. I can see some chemistry between them since the first time I saw them together. Hindi na nakapagtatakang magkasama na talaga sila ngayon.
"That is a good idea. I badly wanted to meet Andrea again. Never mind Devin." I rolled my eyes because of the guy. I can't really stand guys like him. He seemed weak and fragile. Boys are supposed to be manly but him? Nah-uh. I really hate weak guys.
"Magugulat ka kapag nakita mo siya. He has changed. I don't know what but there is something in him that changed. You just have to see him again, Ate."
Natawa na lang ako dahil sa excitement sa tono ng boses niya. She sounds like a kid on Christmas day opening her Christmas presents.
"Okay, okay. I am going to hang up now. Papa is here to say something to me. You know him." I said when I saw papa downstairs, looking at me worriedly like I am going to get married and this is the last time he is going to see me single.
"I know right. Take care of yourself, Ate. Kilala pa naman kita, you trouble seeker."
I rolled my eyes again kahit na hindi naman niya nakikita. I am not really a trouble seeker, trouble just loves me kaya lagi siyang nakadikit sa 'kin. Well, everyone loves me!
"Hi, 'Pa," I greeted him and gave him a hug.
He hugged me tighter and squeezed me a little. Para talagang ewan si papa kung minsan. Masyado siyang protective pero hindi naman ako nagsisisi. Kung hindi siguro siya protective sa 'kin ay baka hindi ako ganito ngayon. Well, I am braver than before because of him.
"Mag-iingat ka roon, anak. I am not there to look after you but I will make sure to call as often as I can. Do not silent your phone so you can hear my calls, okay?"
"'Pa, I can't do that. Syempre kailangan kong i-off minsan ang phone ko lalo na kapag nasa klase ako."
Ngumuso naman siya dahil sa sinabi ko kaya natawa ako.
"But I promise to always check my phone. Kapag may time ako, ako ang tatawag sa 'yo, okay?" I assured him.
"Be sure to do that, okay?"
"I will."
Hinila na niya ang maletang dala ko at hinatid ako sa sasakyan. He is going to send me off to the airport while grandpa, I don't know where he is. Siguro ay busy na naman sa pagtingin sa business niya. Mas importante pa yata ang business sa kaniya kaysa sa apo niyang tinalikuran ang pamana niya.
I shrugged my shoulder and looked outside the window, drowning my thoughts with other things.
I researched about the school. It is a big international boarding school kaya hindi na ako magugulat kung may mga foreigner pa roon. It is not a big province but the school is popular for those who wanted to take up law and medicine. Siguro kaya rito ako dinala nina papa dahil gusto kong mag-Law. May ilang courses din doon pero hindi ganoon kasikat kumpara sa dalawa.
Now that I am not the future heir of the hunting business, kailangan ko namang tumulong sa business na naiwan ni mama na may kinalaman sa Law.
Bata pa lang kasi ako, gusto ko nang mag-Law. Kaya naman gagawin ko ang lahat para makapagtapos ako. Ngayong alam kong ako na ang gagawa ng paraan para makaraos ako sa hinaharap. I will make sure Mom's proud of me up there.
"We are here," ani Papa nang makarating kami sa airport.
Bumaba agad ako habang sinusuot ang shades ko. Tirik kasi ang araw nang makarating kami. I fixed my black straw hat with white lace. Summer na summer ang get up ko with my white dress and three-inches red heels. Tanging ang dala ko lang ay ang maliit kong purse kung nasaan ang phone ko at ilang wallets.
Tahimik akong sumunod sa driver namin na nagdala sa mga gamit ko. Humawak ako sa braso ni papa habang papasok sa loob at hanggang sa makapag-check in ako.
I checked my phone out of boredom. Kalahating oras din kasi kaming naghintay bago tawagin ang destination namin.
Hindi naman ako excited sa pag-alis pero hindi ko naman masasabihing hindi ako masaya. Well, at last, malalayo ako kay grandpa kahit saglit lang!
He even confiscated my baby. Kahit na sabihing ayokong pumatay ng mga werewolves ay hindi ako masaya sa tuwing 'di ko siya hawak. I feel safe whenever I hold my baby. Para bang kaya niya akong protektahan sa kahit na anong kapahamakan.
"Remember what I told you last night, okay? Take care of yourself, don't forget to call every now and then, and don't forget to drink your vitamins."
"Roger that, 'Pa. Hinding-hindi ko makakalimutan. I can take care of myself. I'm already sixteen, 'Pa."
"You are only sixteen, Sue. Sige na at baka ma-late ka pa. Your Aunty Merced will be waiting for you there. Binigay ko sa kaniya ang phone number mo para matawagan mo siya kapag nakababa ka na, okay?"
Isang matamis na ngiti at tango lang ang ginawa ko bago ko siya hinalikan sa pisngi. Dumeretso na ako bago pa ako magtagal sa mga sermon niya. I appreciate his protectiveness but I am well aware of it already. Ang gusto ko na lang ay makaupo at makatulog sa eroplano.
Sa buong byahe ko, nagigising lang ako kapag dumadating ang attendant. Humingi ako ng kumot at unan, kape, librong mababasa at kumain na rin ako ng tanghalian. Matapos n’on ay puro tulog na lang ang inatupag ko. Hindi ko na masyadong pinansin ang paligid ko dahil sa pagod.
Nang makarating ako, dali-dali akong lumabas ng eroplano at nakipagsiksikan. In-open ko ang phone ko para makatanggap ng mensahe mula kay Tita Merced, my dad's older sister.
I am sorry to inform you, pamangkin. Hindi kasi ako makakarating on time kapag ako ang susundo sa 'yo so I asked one of my trusted friend na sunduin ka. His name is Mervin Narvaez and he is a gentleman. I'm really sorry for the sudden changes. I will just see you this evening. Take care, pamangkin. Tita loves you!
Napabuntong-hininga na lang ako sa nabasa ko. I don't normally trust someone so easily, but I trust Tita Merced. I know that she won't send someone dangerous to get me home on her behalf. Nasabi na rin kasi ni papa na dadaan muna ako sa bahay ni Tita bago ako pumunta sa boarding school.
And now, how am I supposed to know who this Mervin guy is? Mukha ba siyang driver, cowboy o city boy? Think Suzy, think. Drivers and the like are normally in the waiting area, so I will just go in there. If he is not, bahala na. Iikutin ko na lang ang buong airport para makauwi ako nang buo.
I walked gracefully and looked around. My curly long hair brushed my waist. Tinanggal ko na ang sumbrero ko dahil hindi naman mainit dito sa loob, sa katunayan, mukhang uulan na sa labas ng airport. That is why I regretted wearing these high heels. Huwag sana putikan ang daanan namin mamaya.
I saw a white card where my name was written, and then my eyes traveled at the guy who is holding it. Para sa isang driver, gwapo ang isang ito. His whole body shouts masculinity. He has these nice biceps and according to his fitted shirt, he has got those mighty abs.
I cleared my throat and ambled near him, a little cautious. Mamaya ay hindi naman pala ako iyong S.B. Azarcon na tinutukoy niya. Bakit kasi hindi na lang niya binuo, 'di ba? Hindi lang naman kami ang Azarcon sa mundo.
When he smiled widely at me, I stopped. "Ms. Suzanne Azarcon?" tanong niya.
Agad na pumintig ang kilay ko sa narinig. How dare he call me Suzanne?
"Excuse me, Sir, it is Suzy or Sue Azarcon," pagtatama ko.
Gwapo na sana pero hindi well-informed. Wala bang nakapagsabi sa kaniyang ayoko ng pangalang Suzanne? Almost everyone knew that... except him.
"I am sorry about that, Ms. Suzy or Sue Azarcon. Naghihintay na po ang sasakyan sa labas," aniya.
Sa tono ng pananalita niya, ayoko na agad sa kaniya. Masyadong mayabang ang boses niya kahit na mukhang nagbibiro lang naman siya. He reminded me of someone, someone I don't like.
"Okay, Sir."
Nang magsimula na kaming maglakad ay nagsalita siya, "Do you normally go with someone you don't know?" tanong niya bigla, all eyes in front.
Kumunot naman ang noo ko sa pagkalito. "Huh?"
"I mean, hindi mo naman ako kilala pero sumasama ka sa 'kin. What if masama pala akong tao?"
Biglang kumunot ang noo ko. Huminto ako sa paglalakad saka humawak sa beywang ko. What's the deal of this guy? Nagkamali ba ako o baka naman niloloko lang ako ng lalaking 'to?
"You are Mervin Narvaez, right?"
"Yes, of course."
I rolled my eyes. Nakaka-stress ang isang 'to! Hindi ko alam kung ano ang problema niya. "Iyon naman pala. Ano naman ang pinagsasabi mo pa riyan tungkol sa masamang tao?"
"What if hindi pala ako dapat na sumundo sa 'yo at may balak pala akong kidnap-in ka, ano na lang ang mangyayari sa 'yo?"
I stumped my feet because of frustration. Okay, I get what he wants to say pero kaya ako naiinis sa kaniya ay dahil may point siya.
"Fine! Maraming salamat sa payo, Mr. Narvaez. Hindi na mauulit. Now, can we just go along and get this thing over with? I am tired and everything!" Masyado akong napagod para sa pakikipagtalo pero naiinis talaga ako sa kaniya. Masyadong nagmamagaling. Ito pa naman ang pinakaayaw ko.
"Kung iyan ang gusto mo, Ms. Azarcon." He smiled and I rolled my eyes at him.
Kung makangiti siya ay para bang tuwang-tuwa siyang naasar niya ako. Kapag talaga hindi lang ako napagod sa byahe ay baka kung ano pa ang masabi ko sa kaniya. But never mind.
Nauna na akong maglakad sa kaniya para hindi ko na makita pa ang nakakainis niyang mukha. Tahimik lang naman siyang sumunod sa 'kin hanggang sa makuha ko ang maleta ko. Siya ang nagdala nito habang ako naman ay nauuna pa rin sa paglalakad.
As expected, umuulan na sa labas. Hindi naman ganoon kalakas pero nakakairita pa rin. Mababasa pa ako nito. Bago pa naman itong sapatos ko.
Mukha namang alam niyang uulan ngayon dahil may dala siyang kulay asul na payong. Mukhang normal lang na umulan talaga sa lugar na ito. Mas lalo tuloy nadagdagan ang init ng ulo ko.
"Nakarating ka na ba kina Tita Merced dati?" tanong ni Mervin nang makaupo kami sa loob ng sasakyan.
Family driver nina Tita ang nagmamaneho samantalang nasa tabi naman niya itong mokong. Mabuti naman at hindi siya tumabi sa 'kin dahil baka ibalibag ko lang siya sa labas kapag nagkataon.
"Yes, obvious naman."
Balita ko kasi ay matagal na siyang foreman kina Tita lalo na kapag pasukan. Tuwing bakasyon naman ay umuuwi siya sa pamilya niya. Hindi ako stalker, naikwento lang ni Tita ang tungkol sa kaniya noon sa 'kin. Hindi ko lang talaga alam ang pangalan niya, not until now.
"Kung ganoon, sa tingin ko ay hindi magandang ideya ang mga sapatos na iyan pagkarating natin doon." Tiningnan niya ako sa salamin sa harap kaya tinaasan ko siya ng kilay.
Ito na naman siya, nagmamagaling na naman na para bang alam niya ang dapat gawin at ako ang walang alam.
"Pati ba naman sapatos ko ay pakikialamanan mo? Just stay out of it," sabi ko at saka pumikit. I want to sleep as long as I can. Mamaya na ako magpapaka-armalite para mabara ko naman siya.
"Ikaw ang bahala. Huwag ka na lang aangal mamaya."
Hindi na ako sumagot at tinuon na lang ang sarili ko sa pagtulog. This is what you call life. Just a little sleep and everything about me will be peaceful. Huwag niya lang talaga akong iistorbohin. I've had enough of my dad's sermon, huwag na sana siyang dumagdag pa, 'di ba?
Chapter 4
Suzy
I cover my mouth as I yawn. Ginising lang ako nitong si Mervin nang makarating na kami. Nilibot ko ang tingin sa labas ng sasakyan at hindi ko talaga nagustuhan ang nakita ko. Nanlaki na lang ang mga mata ko habang nakatingin sa labas.
"What the hell is this place!" hindi maiwasang bulalas ko.
Idinikit ko ang palad ko sa salamin ng sasakyan para mas makita ko pa nang maigi ang labas. Hindi na umuulan at may sikat na rin galing sa araw pero ang buong lugar ay nakakaiyak. Puro putik at mukhang hindi pa makausad ang sasakyan namin kaya nakahinto kami ngayon sa gitna ng kawalan.
"Hanggang dito na lang po ang kaya ng sasakyan at kailangan nang lakarin mula rito," sabi ng driver.
Hindi makapaniwalang napatingin ako sa kaniya nang lumabas na siya ng sasakyan. "Ano 'ng ibig mong sabihin, manong? Na paglalakarin ninyo ako mula rito?" Napanganga na lang ako nang tipid siyang napangiti sa 'kin.
Tuluyan na siyang lumabas at sinara ang pinto ng sasakyan. Kinuha na niya sa likod ang mga gamit ko at saka kay Mervin ko naman tinuon ang atensyon ko.
"Sabi ko naman sa 'yo, hindi magandang ideya ang sapatos na suot mo ngayon. Hindi ka naman nakikinig sa 'kin."
"Pero hindi mo naman sinabing sa putikan tayo maglalakad. Eh ‘di sana ay nakapagpalit man lang ako o nagpabili sa inyo ng pares ng tsinelas sa daan, 'di ba?"
Nagkibit-balikat siya. "Hindi ko naisip 'yon kaya problema mo na 'yan." Akmang lalabas na siya ng sasakyan nang hawakan ko siya sa braso. Napatingin siya sa 'kin. "Ano? May sasabihin ka pa ba?"
"So, inaasahan mong maglalakad talaga ako gamit ang mga sapatos na 'to?" mahinang tanong ko, pinipigilan ang inis na tono ng boses ko.
"May magagawa pa ba ako?"
Kinagat ko ang ibabang labi ko at hinayaan na siyang lumabas para tumulong sa pagbuhat ng gamit ko. Isang malaking maleta iyong binuhat ni manong at maliit lang ang isa pa na si Mervin ang nagbuhat.
Inalis ko ang tingin sa kanila at saka nag-isip ng paraan kung paano ako maglalakad nito. Ayoko namang mag-apak, 'no! Baka mamaya ay mabubog pa ako, mas lalo lang akong mahihirapan maglakad.
Napaingit na lang ako at huminga nang malalim. Gustong-gusto kong magalit sa kaniya pero hindi naman 'yon tama. Wala naman talaga siyang kasalanan pero bakit ba inis na inis ako sa kaniya? Bakit hindi man lang niya kasi sinabing putikan ang daraanan, 'di ba? Mahirap ba 'yon? Haist! Bahala na nga.
Dahan-dahan akong lumabas ng sasakyan. Sinubukan kong tumapak sa kung saan tingin ko ay matigas. Tumapak ako sa mga dahon at mga bato, basta hindi putik. Humawak ako sa mga puno para hindi ako tumumba pero mukhang wala talaga akong magagawa kung hindi ang lumubog sa nakakainis na daan na 'to.
Ang pinakanakakainis lang talaga ay nakuha pa talaga akong tawanan nitong mokong na 'to. Nakita na ngang hirap na hirap na ako sa lagay ko pero ito at tuwang-tuwa pa siya. Hindi ko tuloy maiwasang hindi siya pansinin kahit na gusto ko na siyang upakan.
"Kapag hindi ka tumigil sa katatawa mo, baka pakainin kita ng putik! Masyado ng mainit ang ulo ko kaya huwag ka ng dumagdag," bulalas ko.
"Pasensiya na po. Hindi ko lang talaga maiwasan. Hindi ba kasi nasabi ni Tita na maputik ang lugar na 'to?" tanong niya.
Tinapunan ko siya ng isang naiiritang tingin. "Nasabihan niya ako, Mr. Obvious. Kaya nga nakatakong ako ngayon kasi alam kong maputik ang daan, 'di ba?" sarkastikong sagot ko.
Tinuon ko na lang ang atensyon ko sa daan kaysa makipagtalo sa kaniya. Mapapagod lang ako sa kaniya! Kaya naman tinanggal ko na ang takong ko at nagtapak na lang. Mas mapapadali ang trabaho ko kung ganito na lang ang gagawin hanggang makarating kami. Maglilinis na lang ako ng paa... nang mabuti.
Huwag lang talaga ako makakaapak ng bubog.
"Malayo pa ba tayo?" ingit ko habang nakatingin sa harap namin. Parang wala naman kasi akong nakikitang kahit na anong bahay o kahit anong building sa malapit.
He cleared his throat before answering, "Malapit na. Kaunting tiis na lang, Ms. Beauty Queen."
Pinukol ko siya ng isang masamang tingin na ikinatawa lang niya. Pati si manong ay natawa kaya naman napairap na lang ako. Argh! Boys. Why am I stranded with two ungentle men?
"Ayos lang bang iwan ang sasakyan mo roon, manong?" tanong ko nang maalala ko ang sasakyan niyang naiwan. Ayoko sanang itanong dahil sa pagtawa niya sa 'kin. Hayaan mo iyong mawala, wala akong pakialam.
"Babalikan ko naman iyon agad, Ma'am, kaya ayos lang. Hindi naman iyon mawawala roon dahil madalang naman ang mga hindi kilalang taong nagpupunta rito."
"What about some visitors?" tanong ko, keeping myself busy. Kaysa naman ituon ko ang inis ko sa mga putik na 'to.
"Sasabihan kami nina madam kapag may mga bisita tulad mo. Hindi naman iyon mapapaandar dahil nasa akin ang susi," aniya sabay wagayway ng susi sa harap ko.
Hindi na ako nagsalita o nagtanong pa.
"Ouch," mahinang sambit ko.
Medyo nauuna na sila sa 'kin kaya medyo huminto muna ako para tingnan ang nangyari sa paa ko. Doon ko lang napagtantong may sugat na pala iyon. Ito na nga ba ang sinasabi ko! Hindi naman ako takot sa dugo o kahit anong sugat pero kung hindi ko 'to magagamot agad ay baka maimpeksyon pa 'ko.
Kinagat ko na lang ang labi ko at nagpatuloy sa paglalakad. Kaunti na lang, Suzy, makakaraos ka rin. Kaunti na lang at makakaligo ka na. Kaunting tiis na lang sa lagkit ng paa mo, okay?
Nagkatinginan kaming dalawa ni Mervin nang bigla siyang huminto. Huminga siya nang malalim at saka lumapit sa 'kin. "Hawakan mo nga 'to," utos niya sabay abot ng maliit na bag. Hindi naman siya ganoon kabigat pero nakakainsulto, ah?
Nalilitong tiningnan ko siya. "Huh? Nakita mo na ngang nahihirapan na akong maglakad tapos pagbibitbitin mo pa 'ko. Sadista ka ba?" bulalas na tanong ko.
"Huwag ka na ngang maraming sinasabi. Sa tingin mo, paano kita mabubuhat sa likod ko kapag hawak ko rin iyang bag. Hindi naman mabigat kaya huwag ka na umangal."
Napaatras ako dahil sa sinabi niya. "Sinabi mo bang ipapasan mo 'ko?"
"Opo, Ms. Paulit-ulit."
"N-no, thanks. Hindi mo kailangang gawin 'yon. Ayos lang naman ako."
"Alam mo, kung bibilisan mo lang naman ang lakad mo ay kanina pa tayo nakarating pero dahil ang kupad mo, nandito pa rin tayo sa gitna ng daan."
"Sinabi mo bang – "
"Oo, ang kupad mo. Tumahimik ka na nga lang!" aniya na para bang inis na inis na siya sa 'kin. Aba at siya pa ang may ganang mainis! Parang kanina lang, tinatawa-tawanan niya na lang ako.
In one swift move, nakita ko na lang ang sarili kong pasan-pasan niya. Hindi na rin niya binigay ang bag sa 'kin at dinala na lang din niya. Napakapit tuloy ako nang mahigpit sa leeg niya para hindi ako malaglag.
A strange feeling flowed inside me. May kung anong kakaiba sa loob ko ang biglang nagwala. I just couldn't figure out what it was. Napahinga na lang ako nang malalim dahil sa bigla.
Doon ko lang nalaman kung gaano siya kalakas. Ni hindi man lang siya pinagpapawisan o nahihirapang huminga dahil sa pagod. Kahit na ako, isang anak ng hunter na madalas mag-training ay napapagod din, siya naman ay pa-easy-easy lang. Na-curious tuloy ako kung anong klaseng training ang ginagawa ng isang ito. Hindi ko alam kung magaan lang ba ako o sadyang malakas lang talaga siya.
While riding on his back, I can smell him. He smells so manly yet sweet. Hindi ko alam na pwede pala iyon. Napapikit na lang ako at dinama ang pagsakay ko sa likod niya. Huli na nang ma-realize ko kung ano ang ginagawa ko.
"I have another bottle of my perfume. You can have it. Hindi mo kailangang ubusin ang pabangong suot ko ngayon," aniya. Ayon sa pananalita niya ay kasalukuyan siyang nakangisi ngayon.
Uminit bigla ang pisngi ko. Binatukan ko siya bago magsalita, "Excuse me, Mr. Feeling. Hindi kita inaamoy. And I don't need your perfume. Iyo na ang pabango mo."
He chuckled. "Kunware ka pa. Hindi mo naman kailangang mahiya sa 'kin."
"Bakit naman hindi ako mahihiya? Hindi naman kita ganoon kakilala."
Tumango-tango siya at sinabi, "Sabihin na nating oo nga, hindi mo pa ako ganoon kakilala pero kahit ano namang gawin mo ay nakakahiya. Mukha namang sanay ka na kaya bakit ka pa mahihiya?"
"Ang kapal mo talaga! For your information, hindi lahat ng ginagawa ko ay nakakahiya. I am just confident in everything I do."
"That is the same, though."
"Just shut up, Mr. Know-it-all!"
Hindi na naman siya nagsalita gaya ng sabi ko. Hindi naman din nagtagal at nakarating na rin kami sa bahay nina Tita. I had one picture in me that Tita sent me. It's just that, she didn't capture the muddy part. Kung kasama lang sana iyon sa picture ay baka nakapag-ready ako ng boots.
Bumaba na naman ako sa pagkakapasan ko sa kaniya. Everything that has happened a while ago vanished. Nakalimutan ko ang kahihiyang dinanas ko kanina nang makita ko ang buong paligid.
The air was fresh and unpolluted. From the left side of the house, I can see the mountain full of green trees. The clouds were thick and fluffy. It's so peaceful and calm that I just forgot all of my problems. Parang hindi umulan kanina dahil sa aliwalas ng paligid.
"This is unbelievable," mahinang bulalas ko.
Instead of going inside to fix my things, I chose to stay outside and overlook the surroundings. All I can see was green and nature. Nakakabighani na para bang gusto kong dito na lang tumira habang buhay.
Tita's modern house blended well with the surroundings. It has huge glass windows where I can see the inside interiors. A big tree is in the middle of the house. Para bang iniwasan talaga ng arkitekto ang punong iyon at hindi tinanggal kung saan nakatanim. Imbis na ipatag din ang pundasyon ay hinulma na lang doon ang buong bahay.
"You mean, awe-inspiring," singit ni Mervin at saka tumabi sa 'kin.
Hindi ako nagsalita at tinuon na lang ang atensyon sa pagkuha ng mga litrato. I am gonna post these on my Instagram later.
"These are just some reasons why I love it in here. Kaya kahit na hindi ko na kailangang magtrabaho rito ay mas pinipili ko pa ring bumalik dahil nakakaramdam ako ng kapayapaan."
When I looked at him, I saw a glint of sadness in him. He's smiling and yet, his eyes were filled with sorrow. I couldn't help but wonder what his problem was. Is something bothering him? Because he doesn't look like the type of person who carries his burden with him. In my opinion, he is more like an easy-going type of person.
"Then, there must be something in this place that can comfort me as well," sabi ko. Ibinalik ko na ang tingin ko sa magandang tanawin.
I remembered my mom. I know, kahit na hindi ko masyadong dinadamdam ay alam kong hanggang ngayon ay malungkot pa rin ako. I just chose to ignore it, dahil alam ko sa sarili kong kapag pinag-usapan namin ang tungkol kay Mama ay magbe-break down na lang ako nang hindi ko namamalayan. So, ignoring the topic is the best way I can come up with for now. At saka ko na lang iisipin ang gagawin at sasabihin kapag nakahain na sa harap ko ang topic.
"Let us get inside at magmiryenda muna. I know you are starving," aniya habang nakalahad ang mga kamay sa harap ko.
I rolled my eyes. "Really? Paano mo naman nasabi na gutom ako? I just ate at the plane," I retorted. I didn't bother mentioning the foods I ate.
He eyed me from head to toe, hindi naman nakakainsulto so I let him. "Mukha kasing matakaw ka. You are so fat," aniya bago naglakad palayo.
Naiwan akong nakanganga roon at hindi makapaniwala. "That little!" bulalas ko. "Hoy bumalik ka rito at bawiin mo ang sinabi mo!" sigaw na utos ko sa kaniya. Sinundan ko siya papasok sa bahay ni Tita, almost stumbling on a stair.
"I won't take back what I said. And by the way, I only tell the truth and nothing more."
Talaga namang! Nakakainsulto na siya. Forget about the fact that he looked miserable a while ago. Wala akong pakialam! Napakawalang-modo niya. Hindi ba niya alam na napaka-ungentleman sabihin ang mga salitang iyon sa isang babae? How dare he!
Hindi ko na nagawang makipagtalo pa sa kaniya dahil maraming tao sa loob. Wala naman sa 'kin iyon pero baka kung ano ang sabihin ng mga ito kay Tita pagkarating nila. Itinago ko na lang ang inis ko sa lalaking ito na mukhang nag-eenjoy talaga sa pang-aasar. I have never been humiliated in my life since forever! Siya lang ang may ganang sabihin iyon sa 'kin. Hindi kaya ako mataba! I am just chubby!
"Please prepare the snack for our guest," utos niya sa isa sa mga babae sa kusina. Agad naman siyang sumunod at nagpatong ng kung ano-anong pagkain sa mesa.
"I told you, hindi ako matakaw. Kaunti lang ang kakainin ko ngayong miryenda," asik ko. Umupo ako sa isang bakanteng upuan. Lilimitahan ko na lang ang pagkain ko ngayon kahit na gutom na gutom na ako.
"You don't have to be shy, Ms. Fatty. Eat all you want, hindi na lang ako magsasalita," sabi niya, hindi na naman maalis ang pagkakangisi sa kaniyang labi.
I grabbed a knife and almost stabbed him. But instead, I stabbed the bread and ate it ungracefully. Forget being a lady in front of him! Mukhang hindi naman babae ang tingin niya sa 'kin. The hell I care, bahala siya riyan!
He sat in front of me and watched me eat. Kung hindi ko siya kilala, maiilang ako. Pero dahil kilala ko na siya at wala talaga siyang modo ay hinayaan ko na siya. Wala naman akong pakialam kung ma-turn off siya. Who cares?
Chapter 5
Suzy
"Hello, Tita!" bati ko kay Tita Merced pagkapasok na pagkapasok pa lang niya sa bahay.
Sinalubong ko siya ng isang mahigpit na yakap bago siya inalalayan sa loob. I gave Tito Philip a hug, too. Tito was a six-footer which made me look like a baby in his arms. Tita was tall enough for her husband that's why it doesn't look awkward when they are together.
"Kumusta na ang maganda kong pamangkin? You are getting tall every time we meet," ani Tita. She gave manong her things before leading the way to the blue sofa – our favorite color. Tito excused himself to take a phone call. He is a busy man, you see.
"You know, Tita, I always train to make myself taller without my shoes." I ignored Mervin who is currently walking his way near us. Mukhang napansin siya ni Tita kaya naman hindi maiwasang hindi siya masali sa usapan namin.
"Thank you very much, Mervin, for taking my niece here safely. Pasensiya na rin sa abala dahil alam kong in-eenjoy mo pa ang pagbabalik mo rito," sambit ni Tita, bahagyang nakanguso na para bang nagsisisi talaga siya sa hininging pabor sa lalaking ito.
She can be sweet to anyone sometimes. Huwag na huwag mo lang talaga siyang gagalitin lalo na kapag binasag mo ang mamahalin niyang figurines sa bahay.
"No problem, Tita. Wala na naman akong masyadong ginagawa kaya ayos lang. I also had a fun time with her. Right, Suzanne – I mean, Suzy?" nakangising sambit niya.
Pilit akong ngumiti sa kaniya pabalik kahit na gusto ko nang pilipitin ang leeg niya. "Right! Hindi mo naman po sinabing may gentleman kang kasama sa bahay ninyo, Tita."
"He is, indeed. Kaya naman hindi na ako nagtatakang maging malapit kayo sa isa't isa. I see you found a friend in him."
I wanted to vomit with the words pero pinigilan ko. Ayokong ma-offend o mapahiya si Tita. As much as possible, ayokong malaman niyang hindi kami magkasundo ng lalaking 'to.
"He is not a stranger, okay, Tita? But a friend? Let's see..."
Tinaasan ako ng kilay ng lalaking 'to kaya naman tinaasan ko rin siya. Hindi na ako magtataka kung bakla siya. It looked like he doesn't like me.
What if he likes guys instead kaya niya ako laging inaasar? Is that his way of showing someone he doesn't like them? Wala naman akong problema kung ano ang gusto niya. I don't have a thing for gays. They can do what they what and feel what they want.
"By the way, there are so many beautiful places here, so I guarantee you will enjoy it. Mervin, can you come with us and give us a ride?" she pleaded.
Gusto ko sanang sabihing sanay naman akong mag-drive pero mukhang may ibang plano ang kumag.
"Sure, Tita. That way, ma-eenjoy ko rin ang pagbalik ko. Why don't we eat first? Alam kong nabitin ang pagkain ni Suzy kanina," he said while looking at me.
I mentally cursed him but smiled sweetly at him. "Ang sweet mo naman. You really care for me, don't you?" pang-aasar ko sa kaniya.
Imbis na mainis o mainsulto ay matamis pa siyang ngumiti sa 'kin. Ang sarap talagang burahin ng labi niya sa mukha niya! Akala mo kung sinong gwapo. Amp!
"Of course, you are Tita Merced's beautiful niece. I will care for you especially when you are hungry which I assume happens a lot."
I gritted my teeth. This guy is starting to get on my nerves. Hindi mainitin ang ulo ko pero kaunti na lang talaga ay sasabog na ako dahil sa kaniya.
"Okay, children, let's get going! Para naman marami pa tayong makita on our way to town later," pagsingit ni Tita. She dragged me by the arm and led the way into the kitchen.
I glared at Mervin before letting aunty beckoned me to eat, again.
The smug look on Mervin's face made me want to throw him a bread. Pero hindi naman ako pinalaki nina Mama at Papa para maging ganoon kabastos. Kaya naman mas pinili ko na lang ang makipag-usap kay Tita kaysa makipagplastikan sa kaniya.
There are so many things I wanted to know about her and Tito. Ang tagal na rin kasi noong huli ko silang makita. Madalang na kasi silang dumaan sa bahay to see us.
"Your tito found a new business partner in Borone kaya naman madalang na kaming dumalaw sa inyo. Alam mo naman ang tito mo, gustong matapos agad ang mga kailangang gawin bago gumala."
"Naiintindihan ko naman po, Tita. I know how busy you are. Kaya naman natutuwa akong dito ako dinala nina Papa kaysa sa ibang lugar pa para mag-aral. I hate living alone!" bulalas ko. Mabuti na lang talaga at hindi na ako dinala ni Lolo sa Borone.
"So, dito ka pala mag-aaral? I assume you will be attending Anpo Boarding School?" Mervin asked formally.
Mukha namang curious lang talaga siya kaya naman maayos ko siyang sinagot. "Yes, I will. It just so happen na madadaan daw ako sa bahay nina Tita so I stopped by before going to school."
He just nodded at what I said and didn't ask for more.
"Your father informed me about that and I'm more than ecstatic to tell you that Mervin's also attending that school!" Tita beamed.
Halos maibuga ko naman ang tubig na iniinom ko dahil sa sinabi niya. Mabuti na lang at napigilan ko.
Mervin smirked, and I said, "T-talaga po?" I asked. Baka naman kasi mali lang ang narinig ko at hindi ko kailangang makita ulit ang pagmumukha ng lalaking ito sa campus.
"Yes. Doon talaga siya uma-attend and he is in college this time of the year. Kung tama ba ang pagkakaalala ko?" she looked at him, asking.
"Opo, Tita. Marvin is also attending that school at magka-dorm kaming dalawa. He just doesn't like nature as much as I do." He shrugged his shoulder and bit on his bread.
"Yes, yes, Marvin. You should meet Marvin as well, Sue. He is a gentleman like Mervin."
"Marvin?" tanong ko.
Hindi ko naman kasi kilala kung sino iyong Marvin na iyon. And a gentleman like Mervin? Ano ang ibig sabihin n'on, na may isa pang katulad si Mervin sa mundong ito? Baka sila pa ang maging dahilan ng maaga kong pagpanaw sa mundo! Oh, no. Please, no.
"He is my twin brother. I am sorry to disappoint you, Tita, pero hindi kami magkapareho. I am manlier than him."
Natawa naman si Tita sa tinuran niya samantalang napairap na lang ako. Hindi ko alam kung nakita iyon ni Tita pero hindi ko kasi maiwasan. Ang yabang niya kasi masyado kaya hindi ko mapigilan!
Matapos ang maikli naming pag-uusap ay nagpalit na ako ng damit. I wore brown boots and a little cowgirl outfit. Sinigurado kong hindi mawawala ang fashion sa itsura ko para naman walang masabi ang mayabang na iyon! And I am proud to say that I have the curves.
"You look lovely in those dress, pamangkin! Hindi ko akalain na may igaganda ka pa pala. I doubt na walang makakapansin sa 'yo mamaya pagkarating natin sa town."
Napangisi na lang ako sa reakson ni Tita, pero si Mervin talaga ang nginingisian ko. I can see in my peripheral vision that he is checking me out. Ha! Maglaway ka ngayon, Mr. Yabang! Tingnan natin kung hanggang kailan mo balak na mang-asar lalo na sa itsura ko.
"Thank you, Tita. Shall we go?" yaya ko. I smirked at his direction, again. Iniwas lang niya ang tingin at saka pinagbuksan kami ng pinto.
Sige, ganiyan nga. Tingnan na lang natin kung hanggang saan ang tapang mo. Akala mo talaga uurungan kita?
Mervin is on the driver's seat while Aunty and I are at the back. We drove our way to town. Patuloy na nagkukuwento si Tita tungkol sa kaniya. Kapag may nadadaanan kaming mahahalagang daan ay sinasabi niya sa 'kin. Fortunately, hindi maputik ang dinadaanan namin ngayon, hindi katulad kanina.
There are so many historical places here and Tita can't stop talking about them. Madalas ay puro dahil sa pag-ibig na hindi naging happy ending. Some were about legends and mostly myths like how a certain tree grows in the middle of the river and the likes. Nakapagtataka tuloy kung bakit mag-isa ang punong iyon at hindi pa namamatay.
Even the tallest rocks here have stories to tell. Sa sobrang daming naikwento ni Tita ay nalibang ako. I can't hide the amazement in my face as I looked around. It's really peaceful and I can't find any reason not to love this place. From the bodies of water, to tall mountains that touch the sky. It’s so breathtaking!
I stopped admiring the whole place when I saw Mervin looking intently at me. Imbis na taasan siya ng kilay ay nginitian ko siya. Well, I am too amazed at the surroundings to mind his arrogant presence.
"Do you like what you see so far, Sue?" Tita asked.
I looked at her dumbfounded. "Not like Tita. I love it! Hindi ko alam na may ganito palang lugar sa mundo. Thank you very much for letting me see these things. It is really an honor!" I beamed before giving her a tight hug. Too bad Tito can't come along.
"No, silly, it is an honor to introduce you to this place. Just wait until you see the whole town. Everyone is nice and everything around the town's magnificent!"
"I can't wait to see them!"
Not too long after, the surroundings started to change. From the trees and plants and rocks, everything changed. I can already see the tall buildings and shops that are designed artistically. Pati ang mga simpleng parke ay puno ng mga ilaw. I badly want to witness this place in the evening!
Huminto ang sasakyan sa isang parking lot. Hindi iyon kalakihan pero sapat lang para magkasya ang sa tingin ko ay sampung sasakyan.
Mervin opened the door for us. Sinimangutan niya ako kaya nagtaka ako. Ano na naman ba 'ng ginawa ko? Hindi ko na nga siya tinatarayan eh.
"What now?" pasimpleng bulong ko sa kaniya.
"You are not on your usual self," pasimpleng bulong niya rin habang nakasunod kami kay Tita. She entered a boutique shop where we followed her. Mukhang hindi naman niya napapansin ang pagbubulungan namin dahil busy na siya sa pagsuyod sa buong shop.
I looked at him amused. "So, kilala mo na 'ko niyan? And what is my usual self, Mr. Cowboy," panunukso ko.
Pareho kasi kami ng outfit ngayong araw pero hindi ko lang pinansin kanina. Medyo nahiya kasi ako bigla na para bang pinag-usapan namin ang susuotin namin ngayon. Para bang naka-couple dress kami ngayon which is really weird and awkward.
He is wearing a black and white checkered polo with a brown vest. His brown pants are a little tight because of his muscles and his boots are brown, too.
On the other hand, I am wearing a brown off-shoulder na medyo kita ang pusod sa tuwing itataas ang mga kamay ko. I have blue jeans and brown boots like him.
"Ganiyan. Nawala bigla ang pang-aasar mo at pagtataray mo sa 'kin, Ms. Cowgirl," pang-aasar niya. "It is still fun talking with the girl I met at the airport."
I scoffed. "Excuse me, hindi ako ang mahilig mang-asar sa 'ting dalawa, 'no!"
"Akala mo lang 'yon pero ang lakas mo kayang mang-asar. Ginagatungan lang kita. Ang saya kasing panoorin kapag nagagalit ka. Namumula ka lalo na ang tainga mo."
"So, that is your ulterior motive, ang asarin ako."
"You can say that. Hindi mo ba nahalata?"
"Ewan ko sa 'yo."
I walked a little faster than him. Tiningnan ko rin ang mga damit dito pero ni isa ay wala man lang nakakuha ng atensyon ko. Maybe because I am conscious around him kaya hindi ko maituon nang buo ang atensyon ko sa paghahanap. Hindi ko na makita si Tita na mukhang nalunod na rin sa paghahanap ng damit for who-knows-what.
Mervin seemed uninterested in looking for a new outfit, kaya mas pinili niyang asarin na lang ako. "But I have got to admit I like it better."
Sa tingin ko ay pinamulahan ako sa sinabi niya pero hindi ko na pinahalata. Siya ang huling taong makakakita ng mukha ko ngayon sa ganitong itsura.
"Sabi ko na nga ba at gusto mo 'ko. I bet you enjoyed being with me kaya sa pang-aasar mo na lang dinadaan."
"I admit I did enjoy it especially when you are flaming red because of embarrassment and anger." Iniwan niya ako at nauna nang maglakad samanatalang ako ay ito, pinipigilan ang pagngiti ko sa hindi malamang dahilan.
What is wrong with that guy? Most especially, what is wrong with me? I should be insulted with that but why am I still smiling? There is really something wrong with me. Really.
Chapter 6
Suzy
"I'm done here!" Tita popped out of nowhere. "May napili ba kayo para sabay-sabay na tayong magbayad?" she asked but neither the two of us were holding something.
She just shrugged and went on the cashier to pay. Naiwan na naman kaming dalawa na magkasama pero wala ni isa ang nagsasalita.
I busied myself on a specific stand. May mga bracelets, watches, rings at earrings na naka-display roon kaya naman tiningnan ko kung may magugustuhan ako.
An earring caught my attention. I do love fancy earrings pero minsan ay gusto ko lang iyong simple. The earrings were like a pair of fangs but it is gold in color.
Kinuha ko agad iyon at saka inabot kay Tita. Mabuti na lang at hindi pa siya nakakapila. Para naman hindi masayang ang pagpasok namin dito. At isa pa, kapag may nagustuhan ako, I always get it no matter how expensive it is.
But I was confused when I saw him handed Tita something, too. Gusto ko sanang itanong kung ano pero nahihiya lang ako. It's none of my business anyway.
"Here's my pay, Tita," aniya pa.
"No, no, I'll pay for this one." The teasing smile on Tita's face was visible. When I looked at Mervin, he just ignored me and glanced away. Ang weird nilang dalawa ngayon.
Looking at them suspiciously, we walked outside the shop. Imbis na bumalik sa sasakyan ay pumasok na naman kami sa isang shop. This time, it is a gun shop. Gusto ko sanang ma-excite habang nakatingin sa mga ito pero inisip ko pa rin ang magiging reaksyon ni Mervin. He doesn't know what I do before coming here.
"I knew you'll love it in here that's why I entered after the boutique. Just enjoy yourself with the sight, Sue. This will be, I think, the last time you'll see them after this," she said.
I did what she told me. Sinuyod ko ang buong shop. This is legal, okay? Madalas na makikita mo rito ay puro mga pulis o kaya naman ay mga sundalo. Kung may pupunta man ditong hindi, which is kami, iyon ay para tumingin-tingin lang.
Sa pagkakaalam ko, mayroon ding mga tao na nakatira dito na may lisensya kahit na hindi mga pulis. Mostly for hunting like our family. Hindi ko na alam kung para saan pa ang iba. Baka panakot sa mga asawang gabi kung umuwi.
Tulad ng nasa bahay ay may mga glass na nakaharang sa mga baril. May ilang mga nakalabas pero walang mga bala akong nakikita.
"I..." hindi ko maiwasang hindi sabihin nang makita ko ang baril na kamukha ng baby ko – a silver pistol. Sigurado akong ang mga shop na ganito ay may area kung saan pwedeng subukan ang mga baril. "I want to try... just for the last time," sabi ko.
Mervin must have heard me that is why he ambled near me. "We want to try this gun. Pwede ninyo ba kaming i-assist sa loob?" aniya sa isa sa mga assigned staffs.
Agad namang may lumapit sa 'ming isang lalaki para dalhin kami sa loob. There were some papers needed to be filled but it didn't take us long enough lalo na nang ipakita ko ang lisensya ko na kailangan ko ring ibigay kay Tita soon. Buti at hindi agad kinuha sa 'kin.
Maraming sinabing payo ang lalaki kanina kung paano gagamitin but I knew exactly what to do. Bata pa lang ako ay trained na ako kung paano humawak ng baril at patalim. This is an easy piece. Gusto ko lang talagang damahin dahil ito na sa tingin ko ang huling beses na makakahawak ako ng ganito after all that's happened.
I aimed for the target. I focused on the heart and fired all the bullets. Nang tingnan ng lalaki ang tinamaan ko ay hindi na siya nagkomento. I loaded the gun again and shot the head with all the bullets, ganoon pa rin ang kinalabasan. The third and the last was at the right eye where I shot all the bullets again.
Nakahinga ako nang malalim dahil parang nabunutan ako ng tinik sa lalamunan. I grabbed the binoculars at the side and looked at my target – a clear three holes at the heart, head and at the right eye. Malaki ang butas kaysa bala dahil paulit-ulit iyong dinaanan ng bala kanina. Walang mintis.
But it all ends now.
Umalis na ako pagkatapos n’on kasunod sina Tita at Mervin. "I want to go home now. Kung gusto ninyo pa pong gumala ay ayos lang. I can just take a cab," paalam ko sa kanila nang makalabas kami sa shop.
"I understand. I'll come with you at home," ani Tita. Tumingin naman siya kay Mervin at sinabi, "Ikaw? May gusto ka pa bang puntahan or are you coming home with us?"
"Meron sana, Tita, pero magiging ayos lang ba kayo nang wala ako?" he looked at her worriedly while stealing some glances at my direction.
"Of course! Enjoy your vacation and don't mind us," aniya.
Matagal akong tiningnan ni Mervin na para bang may gusto siyang sabihin pero hindi niya magawa.
Tita chuckled. "Ako na ang bahala sa kaniya, iho. Don't worry about her. I know how to take care of my niece."
He sighed. "I understand." He looked at me again and said, "Take care, okay?" he said in the most soothing voice he can ever mutter... or is it just my imagination?
"I will. Thank you," I said.
Tumawag siya ng cab para sa 'min ni Tita. It seemed that he knew the driver well base on how they interact. Hindi na rin ako nagulat. Sa pagkakakilala ko sa kaniya ay baka friendly lang talaga siya. Madalas dinadaan sa pang-aasar pero paraan lang niya iyon para mas makapagpasaya pa ng ibang tao. Kahit na hindi naman ganoon ang epekto sa 'kin.
Maybe because of exhaustion, I fell asleep on our way. Hindi naman ako ginising ni Tita na narinig kong kausap si Tito bago ako makatulog. I will surely miss holding a gun and firing them but there will always be a limit and end to everything, and this is the day where my hunting career stops.
When I was a kid, I used to read a lot of books – as in a lot. It helped me become the top student in our class. I was in an ordinary school at that time.
When I turned five, I remembered my grandpa talking to me. Doon ako nagsimulang mamulat sa mga baril. I used them, fired them. Nawala ang atensyon ko sa pag-aaral at imbis ay natuon sa pag-aaral ng iba't ibang klase ng mga baril at patalim.
I continued my studies, though. Iyon nga lang, hindi na ganoon ka-focus gaya noong mas bata pa ako. Hindi na ako ang top student pero hindi naman ako nawala sa honors. That happened until I finished elementary.
Nang mag-high school ako, bumalik ang pagpupursigi ko sa pag-aaral and at the same time, I did hunting. Grade ten ako nang patigilin na ako ni grandpa sa pag-aaral para mag-focus. I will inherit the family business, right? Kaya naman ngayon na lang ulit ako magpapatuloy.
At the age of sixteen, I am on my grade eleven now. Alam ko namang gusto lang akong ilayo nina papa sa kapahamakan kaya nilayo nila ako sa mga werewolves sa lugar namin. Sa tingin ko ay safe sa boarding school kaya roon nila ako dinala. I wouldn't know unless I start studying and living there.
Nang makarating kami sa bahay ay nagpahinga na ako. Nagpaalam sa 'kin si Tita na kailangan niyang puntahan si Tito sa office kaya naman maiiwan akong mag-isa rito. Ayos lang naman dahil bukas na rin naman ng hapon ang alis ko. Doon ako mananatili sa boarding school at monthly ang magiging uwi ko sa bahay. May kalayuan kasi ang school sa bahay nina Tita. Tiyak na kasama ko na naman si Mervin simula bukas.
I picked up the earrings I bought a while ago and examined it. Minsan talaga ay ang weird ng taste ko. Tiyak na pagsisisihan kong binili ko 'to sa future. Kaya hangga't maaari ay isusuot ko na ito ngayon pa lang.
"Ma'am Suzy, handa na po ang hapunan ninyo sa ibaba," rinig kong sambit ng isang babae sa pinto matapos niyang kumatok.
"I'm coming right up!" I answered while fixing the earrings. I glanced one last look on my appearance at the mirror before heading out of the room.
"Aling Mirna cooked all the foods. From Sinigang, Kaldereta at Adobo. Mayroon ding paborito ni Ma'am Suzy, ang ginataang gulay at pritong isda. Enjoy!" ani isang maid sa aming dalawa ni Mervin. He was already seated on a vacant chair, waiting for me, when I came.
"Thank you!" sambit niya sa babae bago humarap sa 'kin. "Join me. Let's eat!"
Naupo naman ako sa harap niya at sumalo sa kaniya. Kanina pa nagwawala ang mga alaga ko sa tiyan kaya hindi na ako umangal pa. Bahala na siyang mang-asar diyan. I don't mind. Isa pa, halos maglaway na ako habang nakatingin sa paborito kong pagkain.
"Bukas pa ng umaga ang uwi nina tita kaya huwag mo na raw silang hintayin," aniya matapos ang mahabang katahimikan.
Hindi man lang niya ako tinatapunan ng tingin kahit na ako ang kausap niya. Akala ko pa naman ay mang-aasar na naman siya. Kahit na kanina lang kami nagkakilala ay parang na-miss ko na ang mga iyon.
"Naiintindihan ko. Bakit hindi na lang niya sa 'kin sinabi at kailangan sa 'yo pa?" I asked as calmly as possible.
"Hindi ko alam. Bakit ako ang tinatanong mo?"
I raised an eyebrow at him and stopped eating. Wala naman siyang pakialam at patuloy lang sa pagkain.
"Ano ba 'ng problema mo at galit ka sa 'kin? Wala naman akong ginagawa sa 'yo."
Without looking, he answered, "Hindi ako galit sa 'yo."
"Then stop acting like a kid and look at me!" bulalas ko sa kaniya.
Nang tingnan naman niya ako ay para bang umurong naman ang dila ko at hindi ako makapagsalita. Ayos naman kami kanina, ah? Concern pa nga siya sa 'kin kanina bago kami umuwi ni tita kaya ano 'ng nangyayari sa kaniya?
"Now what? Kumakain tayo kaya bilisan mo na ang sasabihin mo," aniya na medyo naiirita. Naghanap ako ng sasabihin pero wala naman akong masabi. "May sasabihin ka ba o wala dahil kung wala naman, kumain ka na lang."
Everything remained silent after that. Nawalan na ako bigla ng ganang kumain dahil sa naging palitan namin ng salita.
What's wrong with this guy? Hindi ko naman siya inaano. Kung galit siya sa isang bagay, hindi naman yata tamang ibunton niya iyon sa 'kin, 'di ba? He's being unreasonable!
Agad akong tumayo matapos kong kumain. "I'm done and I'm sleeping," sabi ko.
Hindi ko na rin siya tinapunan ng tingin dahil mainit na rin ang ulo ko sa kaniya. Bahala na siya. Problema niya na kung ano man ang ikinainit ng ulo niya kaya labas na ako roon.
I'm about to step on the stair going to my room when a warm hand stopped me. Pakiramdam ko ay nahigit ko bigla ang hininga ko.
"Look." Huminga siya nang malalim bago nagpatuloy, "I'm sorry. Hindi ko dapat binaling sa 'yo ang galit ko and it's my fault. I really am sorry... really."
I turned around and faced him before saying, "Apology accepted! Pero sana naman, bago uminit ang ulo mo ay isipin mo naman kung ano 'yong mararamdaman ng kausap mo. Not only to me but to others as well." Napanguso na lang ako dahil parang hindi ko kilala kung sino ang nagsasalita ngayon.
Napangiti naman siya sa sinabi ko and gave me a pat on my head. I tried my best to hide the smile that's starting to form on my lips. This is not the right time para sirain ang moment na 'to. Baka isipin niya na attracted na ako sa kaniya. In less than Twenty-four hours, people!
"Yes, Ma'am. Kaya bumalik ka na sa hapag at ayusin mo ang kain mo. Alam kong hindi ka man lang nabusog sa kinain mo kanina," pang-aasar na naman niya.
"Hindi ko tatalikuran ang alok na 'yan!" bulalas ko at saka nauna nang bumalik sa hapag.
Chapter 7
Suzy
I walked out of the car and looked around. Sinilong naman ako ni Mervin sa payong na dala niya dahil medyo umaambon ngayong umaga.
The boarding school is bigger than what I have imagined. Siguro may nasa apat na palapag din siya. It is in color white and pink. There was no gate or fences but instead, trees cover the entire school. Ang tanging daan lang ay ang tinahak namin kanina papunta.
Korteng 'U' ang buong school at sobrang lawak ng harapan na pwede ka pang makapaglaro ng baseball sa gitna.
"Hindi mo naman nabanggit na ang lawak pala ng school na 'to," sabi ko.
Nagpaalam kami kay Tita dahil one way ang binabaan namin, marami ang nakapila sa likod. Tapos na ang pagpapaalam namin sa loob pa lang ng sasakyan.
"Of course, Sue. This is a boarding school. May school at dorms para sa mga hindi umuuwi sa kanila," sabi niya na para bang obvious na obvious ang bagay na iyon.
"Ewan ko sa 'yo!"
"By the way, buti naman at naisipan mong hindi isuot ang killer shoes mo na 'yon?" aniya habang deretso lang ang tingin.
Napatingin ako sa sapatos ko at napangisi. "Ayoko namang mangyari na naman iyon, natuto na 'ko." Nakakahiya kayang magpapasan! Minsan nakaka-conscious sa weight. Hindi ko tuloy alam kung malakas lang ba talaga siya o sadyang magaan ako kahapon dahil kaunti lang ang nakain ko sa eroplano.
"So, tell me about this school, Anpo Boarding School," I demanded kahit na may kaunting alam na ako tungkol sa school na ito. Gusto ko ring ibahin na lang ang topic dahil baka maungkat pa sa pagtatanong ng kung ano ang weight ko.
Nagsimula kaming maglakad sa malawak na field at may mangilan-ngilan na napapatingin sa 'min. It's either kilala nila si Mervin o talagang nagulat lang sila sa kagandahan ko. I won't blame them.
"Anpo Boarding School was found by George Anpo, a hockey player from London. He visited our country, and when he met different students who love hockey like he does, he started a small school and trained all of them. That was in 1873." He waved at the group of guys who I assumed were his friends but continued to escort me instead.
Siya kasi ang tour guide ko imbis na ang student council president. Tita Merced insisted on this.
"The classrooms are at the middle, male's dorms are at your right side while female's dorms are at the left side," aniya habang tinuturo ang banda ng mga building. "Mukha siyang maliit sa height pero malawak siya sa loob kaya marami ang mga rooms. Ang ilan pa nga ay hindi pa nagagamit."
"You mentioned the founder as a hockey player. Eh ‘di ibig sabihin ay may mga hockey players sa school na ito?" tanong ko.
I enjoyed playing hockey when I started high school pero hindi natuloy. Wala naman kasing ganoon karaming players ng game sa lugar namin.
"Of course. Isa sa mga dahilan kaya dinadayo at gusto ng ibang players na mag-aral dito. Both female and male hockey have so many players. May scholar din ang ilang star players na naglalaro nito."
Excitement filled my system. Para tuloy gusto ko nang pumasok sa loob at mag-register as a hockey player.
"May iba pa bang sports dito except hockey?" I asked curiously.
Ang lawak naman kasi ng school na ito kaya nakapagtataka kung ano-ano ang mga ginagawa nila. At nakapanghihinayang kung hindi naman nagagamit.
"Not really popular but we have Basketball, Volleyball, Tennis, and Baseball. Sa likod madalas ginaganap sa tuwing nagkakaroon ng sports events."
"Ang lawak ng school pero wala namang masyadong sports," hindi maiwasang sambit ko.
Sayang naman kasi kung hindi magagamit ang malawak na field sa harap ng school kaya nakapanghihinayang. Ang sarap tuloy taniman na lang ng mga halaman.
"We may not have big events when it comes to sports pero dinadayo kami rito monthly for our monthly gatherings," excited na sambit niya.
"Gatherings? Like what?" takhang tanong ko.
At last, we entered the front door where a guard wearing a pink uniform greeted us and let us in. The hall sure was really spacious and elegant in a pinky-way.
"Every January 3rd, we celebrate new year here before starting school. February 14th where Valentine's Day is held, a little grand than necessary. March 10th is the Graduation day and so on and so forth."
I lifted an eyebrow at him and asked, "How grand is that?"
"Hmm... how, you ask?" he thought. "Every month there are stalls everywhere where our neighbors are welcome to join us. We seldom accept visitors, you see. kahit na sabihing kamag-anak ng ilan ang mga bumibisita. Pero hangga't walang pahintulot sa principal ay hindi pwedeng pumasok. Kapag may mga gatherings, doon lang nakakabisita ang mga parents and guardians like today. Walang event ngayon kaya hindi pwedeng sumama sa 'tin si Tita kahit na i-eenrol ka lang. You should learn how to enroll yourself."
I smirked. "I know how to, Mr. Senior. I can take care of myself just fine," sabi ko.
But the red carpet seemed to disagree with me because I almost stumbled at my feet. Maraming salamat kay mokong at hindi naman ako sumubsob sa sahig. Why is that every time my clumsy persona shows, he is the one who always saves me?
"You were saying, Ms. Junior?" he asked sarcastically.
"Thank you, Mr. Savior. I am not saying anything about I can take care of myself just fine." I giggled while he chuckled at my retort.
We headed at the principal's office and enrolled myself. When I got out, I raised my eyebrow at him. "I told you I can take care of it."
"Okay, then. What did they say about your room?" he asked while carrying my heavy bag. We just retrieved it from the man called Nestor.
"3rd floor, room 601, is everything she told me." Mukhang ngang masungit iyong nakausap ko. Hindi naman siya ang principal pero mukhang proxy lang. "Please, lead the way, Mr. Oldie."
"Follow me then, Ms. Newbie."
Napailing na lang ako dahil ang isip-bata naming dalawa pero hindi na nagkomento. Mukhang game naman siya sa larong sinimulan namin nang hindi namin namamalayan. Hindi naman siya umaangal kaya sa tingin ko ay ayos lang sa kaniya.
Surprisingly, there was an elevator at the end of the hall where some students were waiting. Nakisalo kami sa kanila upang maghintay.
"Remember that if you are going up and down, it is wise to take the right elevator every time rather than the left elevator."
"I thought there's a wrong elevator. Direksyon pala ang tinutukoy mo," natatawang sambit ko.
"Hey, Mervin!" bati ng isang babae sa kaniya.
Nang tingnan ko ang reaksyon ni Mervin ay ang lawak ng ngiti! Pilasin ko kaya 'yang pisngi mo? "Hey, Blanche. How are you?" he asked the blonde girl.
So, ito pala ang tipo niya? Matangkad, blonde, maputi at skinny. Straight din ang buhok niya na kapag nagpakulay siya ng itim ay magmumukha siyang si Sadako. Creepy. I love my hair still. Natural curly at itim na itim.
No one is asking, Suzy.
"I am fine. How is your vacation? Our batch had a little party last April but you didn't come," she said, frowning a little.
Gusto kong alisin ang pagkakahawak niya sa braso ni Mervin but who am I to do that? And why the hell am I going to do that!
"I am sorry, got caught up with a family problem and stuff. I am gonna join the gals after I finish touring my friend," he said.
Friend. So, friends na pala kami. Ano 'ng gusto mo, Suzy? More than that? Manahimik ka na lang diyan at hayaan mo na silang dalawa sa growing love nila.
The blonde girl looked at me, amused, and said, "Oh, you are with someone. Hello there! The name is Blanche Throckman. It is nice to meet you," masiglang bati niya sabay lahad ng kamay niya. Wala na tuloy akong nagawa kung hindi ang tanggapin iyon.
"Suzy Azarcon. Nice to meet you, too!" I introduced with the same intensity. I looked at Mervin, then at the elevator when it finally opened.
"We need to go, Blanche. I am escorting her to her dorm. If you don't mind," he politely said with a slight grin in his face.
"Sure, sure, I am on my way outside, too. Take care!" She kissed him on his cheek before walking away gracefully. She looked like a walking stick, a barbie doll if that sounds a little offending.
I made my way inside the elevator and waited. May mga tatlong estudyante lang kaming kasabay kaya hindi naman crowded sa loob pero mukhang kilala rin nila si Mervin.
"Hi, Kuya Mervin!" bati ng isang babaeng sa tingin ko ay mas bata sa 'kin ng dalawang taon.
"Hi there, Cynthia! How is vacation? Nakauwi ka ba sa bahay ninyo sa New Jersey?" he asked. Nakagugulat na kilala niya pala ang isang ito personally. I wonder how?
"Yes, Kuya. Sabi ni ate, miss ka na raw niya. Dalawin mo raw siya minsan kapag may time ka," aniya.
Mervin ruffled the kid's hair and said, "Sure! I will. Maybe if I have time I will visit her there myself."
After that, everything stayed silent. Hindi ko naman alam kung ano ang sasabihin kaya nanahimik na lang ako. Inayos ko na lang ang buhok ko habang nakatingin sa pader na ginawa kong salamin. Hindi naman siya magulo pero wala naman kasi akong maisip na gawin.
Ilang segundo lang ay bumukas na ulit ang elevator. Nang lumabas si Mervin ay sumunod na rin ako sa kaniya. May mangilan-ngilang napapatingin sa 'ming dalawa at ang ilan sa kanila ay binabati siya. Mukhang sikat talaga ang mokong sa school na 'to. Hindi kaya siya ang SSC president?
"Ito ang magiging room mo," aniya nang huminto kami sa tapat ng isang pinto. Sa gilid n’on ay mga pangalang nakalagay.
"Larianne Siscar at Gerimhae Arejola. May roommates ako?" I asked more to myself.
Hindi naman siya sumagot, imbis ay kumatok nang tatlong beses.
Isang matangkad na babae ang nagbukas. Maikli ang itim na buhok at may malaking nunal sa ilalim ng kanang mata niya. Maliit lang din ang ilong niya at manipis ang kaniyang labi. Malapad siyang nakangiti nang buksan niya ang pinto ngunit nanlaki ang mga mata niya nang mapagtanto kung sino ang kumatok.
"M-Mervin Narvaez?" hindi makapaniwalang tanong niya habang nakaturo ang mga daliri sa kaniya.
Mukhang gulat din si Mervin sa reaksyon ng babae pero hindi nagpahalata. Imbis ay ngumiti na lang siya at sinabi, "Siya nga pala si Suzanne Azarcon."
Masamang tingin ang pinukol ko sa kaniya nang tawagin niya ako sa buo kong pangalan.
"Simula ngayon ay magiging roommates na kayo," aniya.
Napatingin sa gawi ko ang babae, gulat pa rin sa nangyayari. "Hi! Ako nga pala si Larianne, Larianne Siscar," pagpapakilala niya sabay tingin ulit kay Mervin. Ano ba 'ng problema ng isang ito?
"Sino 'yan, Larianne?" tanong ng isang babaeng mas maliit sa kaniya. Tumabi siya sa kaibigan niya at nanlaki rin ang mga mata habang nakatingin kay Mervin. "Mervin!" bulalas niya pero hindi na nagsalita.
"Ahm... oo, ako nga. Maiwan ko na kayo. Sinamahan ko lang siya rito. Have a nice day!" sambit niya sa dalawa bago tumingin sa 'kin. "Mauna na 'ko. Kung may kailangan ka ay pwede mo naman silang sabihan. Ipagdasal na lang nating magkita ulit tayo sa campus," aniya habang nakangisi.
"Mas ipagdadasal ko na huwag na," biro ko sa kaniya.
Sumimangot naman siya sa 'kin at sinabi, "Grabe ka naman sa 'kin! Kung alam ko lang, ma-mimiss mo ang pang-aasar ko kapag hindi mo na ako nakita." Tinaas-baba niya pa ang kilay niya sa gawi ko na para bang inaasar na naman ako.
"If you insist, Mr. Feelingero! Umalis ka na nga!" natatawang pagtataboy ko sa kaniya. Ako na ang humawak sa bag ko dahil pwede ko naman na iyong hilahin papasok sa loob.
"I am going now, Ms. Fatty."
Hinampas ko pa siya ulit sa braso niya dahil sa huli niyang sinabi pero tinawanan niya lang ako. He even waved his hand while walking away.
Nang tingnan ko ang dalawang magiging roommates ko, they were mesmerized because of something I didn't know. Literal na kumikinang ang mga mata nila habang nakatingin sa 'kin. I was forced to step back. They are creepy! What is wrong with these two?
Chapter 8
Suzy
If someone is going to ask how my life with my two roommates is, it is the worst! I never had a good night sleep last night because I needed to deal with their questions about my relationship with Mervin.
Paulit-ulit kong sinasabing magkakilala lang kami because of my Tita Merced. Hindi naman sila naniniwala! They insisted we had something. Who knows what that something was? Ayoko na lang tanungin.
The next day, I was half-asleep. Noon ko lang nalaman na kailangan palang alas sais pa lang ay nasa field na for the everyday routine. The flag ceremony, Panatang Makabayan, prayer and the exercise were held in front of the school.
Hindi 'to nabanggit kahapon ni Mervin!
I should have known. Para naman nakapaghilamos man lang ako bago lumabas. Mabuti na lang at hindi ako 'yong tipong nagkaka-morning glory tuwing umaga. At mabuti na lang at na-maintain ko ang skin care ko kagabi. Kung hindi ay baka mukhang dilat na langaw ako ngayon.
I will strangle Mervin to death if I saw him!
"Let us start our ceremony to be held by Jonabet Eusebio, grade nine's representative," ani isang lalaking guro na naka-amerikano.
A petite girl, tan and serious-faced, walked at the platform with a microphone on her hand. Nang magsimula na ang kanta, I was mesmerized by her voice. Halos nakalimutan ko na ngang kumanta dahil mas gusto kong pakinggan na lang ang boses niya. Hindi siya mataas pero ang angelic ng boses niya. Nakakaantok!
The Panatang Makabayan was performed by a small guy with a nerdy eyeglass. Ang sa prayer naman ay isang estudyante na nakamahabang dress na parang pang-madre. I doubt na isa siya sa mga estudyante ng school. Then came the part which I hated lalo na ngayong wala akong masyadong tulog – the exercise.
I was fighting the urge to fall asleep when someone slaps me on the back lightly. I was ready to scold whoever that was when I realize Mervin was at my side already.
"Hardly slept last night?" he whispered, trying to follow the routine lead by a group of dancers.
"Thanks to my roommates and their questions about us," I said then rolled my eyes. I did the routine without realizing. The lively music helped me wake up.
He chuckled and asked, "What about us? Are you convinced that we make a good couple now?" I had the urge to slap him at his shoulder – which I did – and then laugh. Ganito ba talaga siya tuwing umaga? Sinasapian.
"What the hell, Mervin? Are you on your right mind right now?" I focused my attention in front. Bigla kasi akong nailang na magkatabi kami ngayon. What the hell, right? This is Mervin we are talking about – the guy who makes my blood boils.
He shrugged. "Maybe I barely even slept last night as well. Ikaw kasi..."
I looked at him confused and then in front again. I had a slight idea of what he is going to say but I pushed that idea aside. I have had enough about my roommates asking about the two of us.
"Why are you blaming me? Wala naman akong ginawa."
"Yes, you did. Hindi ko alam kung bakit umiikot ka sa isip ko kagabi, trying to invade every sense I have." And there he really said it.
Binatukan ko na lang siya at tinawanan dahil hindi ko talaga alam kung ano ang ire-react ko sa mga pinagsasabi niya. Baka mamaya ay bawiin na rin naman niya at sabihin niyang nagbibiro lang siya. That is the kind of guy he is!
"Thank you for participating, students. You may now proceed to the dining hall for your breakfast."
Nauna akong maglakad sa kaniya. Hindi ko na siya hinintay dahil masyado na akong naiilang. We barely know each other, we are still strangers to each other, and then this?
There is really something wrong with the circumstances. Hindi ko alam kung ako ang may mali o siya pero may mali talaga – iyon ang napatunayan ko. Sana naman ay hindi na muna kami magkita dahil hindi ko talaga alam kung ano ang gagawin ko sa kaniya.
"Hey!"
Hindi ko sana papansinin ang sumigaw dahil baka hindi naman ako nang bigla na lang may brasong kumapit sa braso ko.
"Nakita ko 'yon! Nakita ko! Sabi ko na nga ba at hindi pwedeng wala lang 'yon, e! Kinikilig ako sa inyo kahit na nag-uusap lang naman kayo!" bulalas ni Larianne.
"Alam mo 'yong kapag nag-uusap sila, iyong ngiti sa mga labi nila, hindi mapagkakaila? May sparks, bes!" bulalas naman ni Gerimhae habang magkasaklop ang mga kamay na para bang nagdadasal.
"Tumigil nga kayo! Sinabi nang wala lang 'yon. Porket nag-usap, may something na agad. Huwag nga ako!" sambit ko, umirap nang dahil sa sinabi nila.
"Masaya lang naman kami para sa 'yo. Kahit na hindi pa tayo ganoong magkakakilala, maraming panahon pa tayong magkakasama lalo na at roommates tayo!" ani Larianne.
"Noong una nga kaming magkita ni Larianne, nag-click agad kami. Sabay agad kaming nagbo-boy hunting at kung ano-ano pang kalokohan. Kaya walang imposible!" sabi naman ni Gerimhae.
"Wala naman sa 'kin kung magiging kaibigan ko kayo pero iyong iniisip ninyo tungkol sa 'min ni Mervin, malabo! As in malabo!" sambit ko.
Gusto ko lang ipaalam sa kanila na hindi rin ako interesado sa iniisip nila. Nandito ako para mag-aral at maging lawyer!
"Okay, okay. Pero ipakilala mo naman kami sa kaniya next time. Ilang taon na namin siyang pinagpapantasyahan dito sa school pero nginingitian niya lang kami na lagi naman niyang ginagawa kahit kanino," nakasimangot na sambit ni Larianne.
Nakarating kami sa room namin at mga nagsipagligo na. Nagbihis na rin kami ng uniform namin dahil tuwing Biyernes lang daw pwedeng mag-casual. Depende kung wala ka pang uniform. In my case, mayroon na ako kaya hindi na ako mahihirapan.
The uniform is a 3/4 white blouse na may ribbon na pink, ang palda ay stripe pink and light green na may habang hanggang tuhod. Ang sapatos ay dapat black at white long socks na hanggang ibaba ng tuhod.
Para sa 'kin, ang cute ng uniform, ayoko lang talaga ng kulay. Mapapatanong ka na lang ng, bakit pink?
"Sikat ba talaga 'yong mokong na 'yon dito sa school?" tanong ko sa kanila. Mukha kasing crush na crush talaga nila at mukha namang lahat ng mga estudyante ay kilala siya. Hindi kaya tama ang naisip kong siya ang SSC president, hindi niya lang sinabi?
"Hindi ba niya nasabi? Isa siya sa mga players ng Anpo Boarding School!" tili ni Larianne habang nakasilip sa 'min. Kasalukuyan kasi siyang naliligo at talagang kapag si Mervin ang pinag-uusapan ay ang talas ng pandinig niya.
"Player ng ano?" Sinuklay ko ang buhok ko na tinirintas naman ni Gerimhae. Mukhang maalam ang isang ito sa kung ano-anong kolorete sa buhok.
"Hockey!" sabay nilang bulalas. "Sikat ang hockey sa school na 'to at siya ang pinapanood ng lahat, ayon sa opinyon ko. Hindi lang siya magaling, ang gwapo pa niya at matalino. Kaya nga nagtataka ako kung bakit dito siya nag-aaral. Ang daming school na gusto siyang kunin dahil dati rin siyang naglalaro ng football," mahabang pagkukwento ni Gerimhae.
"You should watch him play sometime. Baka kapag napanood mo siya ay magbago ang isip mo at ikaw pa ang manligaw sa kaniya!" natatawang sambit ni Larianne nang makalabas siya ng banyo. Nakabihis na siya at nagpapatuyo na lang ng buhok.
Umiling-iling ako. "I am sorry pero wala talaga sa isip ko ang mga ganiyang bagay. May bagay akong kailangang patunayan bago ako sumubok sa mga lalaking 'yan," sabi ko.
I want to prove to my grandpa that I am not this failure of a granddaughter. Gusto kong malaman niya na kahit na hindi ko tanggapin ang pamana niya ay may dereksiyon pa rin ang buhay ko.
Nagkatinginan lang silang dalawa at hindi na nagkomento. Sabay-sabay kaming bumaba nang makakain na kami ng agahan at may mga ilang estudyante na ang narito.
Nalaman kong ang mga senior high na gaya namin ang tanging nakasuot ng ganito samantalang mas mahaba naman ang sa mga grade seven to ten. Sa college naman ay plain white lang depende sa course na kukunin. Wala namang elementary sa school na ito.
"Balita ko, engineering ang kinuha ni Mervin. Cartoonist naman ang kambal niya na naglalaro na rin ng Hockey. Balita ko ay puro talaga sila mga football players na magkakapatid. Hindi ko lang alam kung bakit naging Hockey," pagkwento ni Larianne.
Pumila kami para makakuha ng pagkain. Sakop na ito sa binayaran namin kaya wala na kaming poproblemahin. Sapat nga lang ang ibibigay kaya baka pumayat ako nito. May panahon naman kami para bumili ng iba pang pagkain kaya kailangan kong sulitin iyon.
"Mga magkakapatid? Ibig sabihin ay hindi lang sila ang magkapatid?" tanong ko, na-curious bigla sa buhay niya.
Naupo kami sa bandang gitna dahil occupied na ang ilan sa tabi. Komportable naman dito at hindi masyadong agaw atensyon.
"Apat silang mga lalaki at babae naman ang bunso nila. Hindi ko lang alam kung ano ang mga pangalan nila," ani Gerimhae.
I rolled my eyes. "Magtataka na talaga ako kapag pati pangalan nila ay alam mo. You both sound like a stalker to me," hindi maiwasang sambit ko.
"Syempre! Isa pa, halos lahat naman ng mga estudyante alam iyon kaya huwag ka nang magulat!" bulalas ni Gerimhae.
Natawa kami ni Larianne sa sinabi niya at nagsimula nang kumain. It is a corn soup for breakfast, a piece of bread and hotdog and bacon. Confirm, papayat nga ako nito.
"I should have known," tanging nasabi ko na lang.
Una pa lang, alam ko na dapat na sikat siya. He is handsome, alright? His body screams perfection, his eyebrows are thick, and his nose is big yet pointed. Ang talagang nakabibighani sa kaniya ay ang dimple niya sa kaliwang pisngi sa tuwing ngumigiti siya. Wala na akong nakilalang lalaking ganoon kagwapo sa tanang buhay ko.
Well, I must admit that that Freidrich guy's handsome, too, pero hindi ko na siya ulit nakita.
After eating our breakfast, dinala nila ako sa likod ng school. Doon ko nakita ang malawak na field kung saan may court ng iba't ibang sports. Ang pinakamalaki yata ay ang field ng Hockey. Tig-dala-dalawa naman ang ibang mga sports kaya sa tingin ko ay may fair treatment naman.
"And what are we doing here, exactly?" I asked in my most intriguing voice ever. Parang hindi ko yata gusto ang mag-stay rito. Tiyak na makikita ko siya in case may training ang hockey players, which is hindi malabong mangyari.
"We are watching Hockey!" bulalas ni Larianne sabay talon-talon.
Kung hindi ko lang siya kilala, mapagkakamalam ko siyang Elementary. I doubt na ganito pa rin umarte ang mga elementary, she is more like a pre-schooler. Hindi naman siya maliit pero sobrang impit kasi ng boses niya na ngayon ko lang nalamang normal na boses niya.
"Tuwing umaga ay may practice game sila. They participate at the Christmas Cup and New Year's Cup. Marami pa silang sinasalihang tournaments kaya madalas silang mag-training. Kaya naman sobrang galing nila, napagsasabay nila ang games sa studies nila."
"Everyone can do that. You just have to manage your time," I stated.
I am not trying to be a Know-It-All kind of a girl but I am just stating a fact. Ang dati kong school ay puno ng dedicated athletes na kayang pagsabay-sabayin ang mga ginagawa nila without having a hard time. Minsan ay sumasali pa sila sa ibang clubs like dance club, literature club and the likes.
"Maybe, yes," said Larianne.
"Yes, indeed. Kailangan mong makapunta sa school ko dati para malaman mo. I bet you can also do that," I encouraged her.
She laughed and said, "Kung sporty sana akong tao, baka posible. But I barely had exercise except those stunts earlier this morning. Kung hindi siguro dahil sa sakit sa puso ay baka may isa man lang akong sports na nasasalihan every month."
I gaped. "Sorry to hear that. But what is with that monthly thing? Tulad ba ng mga gatherings na sinabi ni Mervin?" Just by mentioning his name, napansin kong kinilig ang dalawa.
Really, girls?
"Yes, yes, pero more on a friendly game lang naman laban ang iba't ibang schools. Sa ganoong paraan, nate-train na rin sila. Win or lose, sila pa rin ang chini-cheer."
"I bet they are."
I don't know why but I got excited just by thinking about the games. Thinking about those monthly gatherings they were talking about made me giddy. I wished I will have fun in this school with them. I just had to prevent myself from harmful things... like him.
Chapter 9
Suzy
"Go Anpo Tigers!"
"Go go, fight fight, win win, Tigers!"
"Laban, sigaw, Anpo Tigers!"
"Tigers?" patanong na sambit ko sa dalawang kasama ko.
Naupo kami sa gitna ng bleachers. Kahit na sinabi nilang practice lang ito ay ang dami pa ring nanonood. Akala ko ay puro kababaihan ang makikita ko pero nakagugulat na pati mga lalaki ay nanonood din sa isang gilid.
May ilang mga players din sa ibang sports ang tumigil para siguro manood ng laro. The team must be really good. They have to, my hopes are already high.
"Noong sumali ang team sa Christmas Cup, tinawag na silang Tigers kaya naman nakasanayan na rin. Sa huli, tinawag na Anpo Tigers ang hockey team," sagot ni Gerimhae.
She is already holding pom-poms and chanting with the other students. Hindi rin nagpatalo si Larianne. All I did was blink my eyes and here they are, already holding pom-poms. Buti at walang lobo dahil hindi ko na alam kung ano pa ang masasabi ko.
"Mas pipiliin ng lahat manood nito kaysa mag-training. Pati ang mga teachers ay iyon at manonood," ani Larianne habang nakaturo sa likod namin.
I glanced at my back and saw the windows open. Some of them I recognized as the faculty staff and teachers.
Umiling na lang ako. They must not disappoint me now. Baka sakaling may matutunan ako sa kanila kung sakali mang matanggap ako sa Women's Hockey. I would love them to shout my name.
"Team, gather!" shouted the guy who I assumed was the coach. He is wearing the team's shirt. Maroon ang kulay nito at medyo fitted, making his built practically visible. "Just like the usual, this is just a friendly game but that doesn't mean you are going to hold back anything just because they are your friends. Fight like you mean it!"
"Mervin will lead while Erylle will lead the other team. Form your own strategy! Magkakakilala na kayo kaya inaasahan kong kaya ninyo nang gawan ng paraan 'yan," he said mostly to Mervin and the guy named Erylle.
Hockey is also called field hockey, an outdoor game played by two opposing teams of eleven players each, who use sticks curved at the striking end to hit a small, hard ball into their opponent's goal. It is called field hockey to distinguish it from the similar game played on ice – Ice Hockey.
Both teams were split into half – the other group on our left and the other on the right.
I watched as Mervin talk and told them the game plan. He looked serious, far from the guy I saw at the airport and the guy I was with yesterday.
I was so busy examining him that I haven't noticed that I am staring for too long. Thanks to Larianne for screaming when the game was about to start. The team positioned themselves and the crowd started screaming again. I just clapped my hands to show that I am with them.
Nang magsimula ang laro, I watched him. Sa buong laro, siya lang ang pinanood ko. It seemed like his twin was not there. Malalaman ko naman iyon kapag nakita ko siya. They are twins after all. Pero siya lang ang nakita kong naglalaro ngayong umaga.
He looked so focused that he didn't bother glancing at my way. I am not really assuming or anything pero syempre, kilala niya ako kaya bakit hindi niya ako ngingitian man lang. Though, while watching him, I can tell that he really loves playing.
Doon ko lang ulit nakita ang ngiti sa labi niya kahit na may gear sila sa ulo. He was just having fun. Kung sineseryoso niya ang laro o hindi, hindi ko masabi. Pero isa lang ang nakikita ko. He is having fun playing with his teammates. At sa tuwing nakaka-score ang isa sa kanila, kalaban man o hindi, masaya silang lahat at nagtatawanan.
I envy him. Napalilibutan siya ng mga ganitong kaibigan. Na kahit na magkakalaban sila sa isang laro ay masaya pa rin sila. Yes, I had friends from my previous school. Pero hindi ko masasabing kilalang-kilala ko sila. I doubt that they knew me well, too. Ni hindi nga nila alam kung ano ako noon.
That is why watching them seemed painful for me. Nakakainggit. Something about their friendship bothers me. Hindi naman sa sinasabi kong nagpaplastikan lang sila or something. But there is something about them that makes me sad and lonely.
"Mag-cheer ka naman, Suzy!" sigaw ni Gerimhae, dahilan para bumalik ako sa katinuan. Hindi ko namalayang nag-space out na pala ako.
"Oo nga naman! Ano ka ba, Suzy, minsan lang natin sila mapapanood dahil may klase na tayo next week. Mag-enjoy ka naman!" Larianne encouraged me.
I rolled my eyes at them. "I know. I know. Ito na nga oh!" And there, I cheered at the top of my lungs, making Mervin look up at us. The girls squirmed when he smiled at our direction.
Napapailing na lang ako. Sorry, girls, sa 'kin siya ngumiti.
While looking at Larianne and Gerimhae, napaisip ako. Ito na ba ang tamang panahon para i-open ko ang sarili ko sa ibang tao? Ito na ba ang tamang panahon para makipagkaibigan naman ako sa iba? Iyong pagkakaibigan na wala silang pakialam sa kung sino ka basta kaibigan ka nila. Matatanggap ba nila ako kapag sinabi kong pumapatay ako ng mga werewolves noon?
Kapag naiisip kong matatakot sila sa 'kin, mas lalo akong nagdadalawang isip na sabihin sa kanila. Siguro natatakot ako sa rejection. Ayokong pati sa magiging kaibigan ko ay hindi rin ako tanggapin. I want to live my life normally. Malayo sa kung ano ang nakasanayan ko na.
The game ended peacefully. Lahat sila ay masaya kahit na sina Mervin ang nanalo. Hindi ko naman masyadong napanood ang laro dahil nakatulala lang ako sa kawalan o hindi kaya naman ay pinagmamasdan si Mervin. I am attracted to him. Pero alam kong hanggang doon na lang iyon. I won't wish for anything more.
HINDI KO ALAM kung bakit, but I found myself watching their game again the other day. Ang sabi ni Larianne, "Pasukan na next week kaya kailangan na nating mag-enjoy! Akala mo ba ay easy-easy na lang ang buhay senior high? Hindi! Para na tayong college kapag nagkataon!"
And here I am, rolling my eyes while they both shout at top of their lungs. Sila ulit ang maglalaro pero sa tingin ko ay nag-shuffle ang players. The coach helped them this time, strategizing and all.
At ito na naman ako, siya na naman ang pinanonood. Sisiguraduhin ko na ngayong mapapanood ko na talaga ang buong game. Wala naman akong mapapala kung siya lang ang panonoorin ko.
"Ayan na!" they both beamed in excitement. Something strange crawled inside my system that without a doubt was excitement as well.
Both teams positioned themselves, each looking at everyone. When the referee whistled, the game started.
The other team got the ball and passed it to the other member. Hinarangan agad siya ng kalaban. They passed the ball until it reached near the goal, the player hit it but the defender caught it. The defender passed it to his teammate, and they all started running on the opposite side.
Nang ipasa nila iyon kay Mervin, napansin kong mas tumindi ang pag-defend ng kalaban. Ang buong akala ko, ipapasa niya pero laking gulat ko nang ihagis niya agad iyon sa goal kahit na may kalayuan pa siya. To my surprise, pumasok iyon. They all cheered at him pero naiwan akong nalilito.
What the hell just happened?
Habang tumatagal ang panonood ko, may kakaiba akong nararamdaman. His speed, his strength, and everything were exceptional... almost inhuman. Siguro kung ordinaryong tao ang manonood ay hindi mapapansin ‘yon pero I've seen enough. Something is wrong with him and his entire self!
"Alam kong naririnig mo 'ko," I whispered, trying my luck.
Nang makita kong na-distract siya sa laro, I know that he is not really human. Humans can't hear my voice from this far, not to mention the girls screaming around me.
"Subukan mong hanapin ako, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko," I warned him.
Hindi niya ako hinanap pero alam kong naririnig niya pa rin ako. "Kapag naipasok mo ang isang iyan ulit, iisipin kong naririnig mo talaga ako."
But then, it didn't go in. Napangisi na lang ako nang patago. "I knew it," I whispered again. "Naririnig mo nga ako."
I stood from my seat and hid at the nearest post. Sinigurado kong makikita ko pa rin siya at ang kilos niya. Gumawa na lang ako ng excuse kina Larianne na magc-CR lang ako.
"Alam ko kung ano ka," I continued to whisper. Nang kumunot ang noo niya, mas lalong lumakas ang kutob ko. "At alam ko rin kung ano ang kahinaan mo."
Natapos ang laro pero napansin kong hindi siya nakikinig sa coach niya. Pasimple niyang nililibot ang paningin niya kaya naman mas lalo pa akong nagtago sa posteng kinatatayuan ko.
"I told you not to look for me. Gusto mo talagang masira ang reputasyon mo sa school na 'to?"
"Huwag kang mag-alala, hindi ko ipagkakalat ang sikreto mo," sabi ko at saka naglakad na pabalik sa upuan ko. I looked at Mervin's direction and saw him looking at me already. I waved and smiled, and acted naturally. He smiled back as if nothing happened.
Huminga ako nang malalim at napaisip. Hindi ako makapaniwalang kahit na inilayo na ako nina papa sa lugar na iyon ay makakakita pa rin ako ng gaya nila. Ang buong akala nila ay magiging ayos ang lagay ko rito, malayo sa mga nilalang na ayaw kong patayin pero kailangan. Doon sila nagkamali dahil isa sa kanila ay ang sumundo pa sa 'kin sa airport noong isang araw.
Now, what am I going to do with you, Mervin? Para tuloy gusto kong makipaglaro sa 'yo to make my year here less boring. Pero hindi naman ako ganoon kasadista para paglaruan siya. Syempre sasabihin ko pa ring alam ko kung ano siya. Hindi pa nga lang ngayon. Gusto ko munang makasigurado.
Isa pang sign na isa nga siyang werewolf…
"Nasabi ninyong may mga kapatid si Mervin, 'di ba? Alam ninyo ba kung saan sila nakatira dati?" tanong ko sa kanilang dalawa nang bumalik kami sa dorm namin.
Kailangan ko na rin maghanda dahil ilang araw na lang ay magsisimula na ang klase namin. Alam ko pa rin naman kung ano ang priority ko.
Agad nila akong pinukol ng kakaibang tingin na ikinaikot lang ng mata ko. Ito na naman silang dalawa, kung ano-ano na naman ang iniisip.
"Sabi ko na nga ba at magbabago rin ang isip mo tungkol sa kaniya! Hindi nga kami nagkamali," ani Larianne.
"Oh, please! Stop that. Na-curious lang ako. It is not like I am in love – or attracted to him." I sighed.
Nice one covering that up, Suzy! Muntik mo nang masabi na attracted ka na talaga sa kaniya and it's just a matter of time, and moments, to fall in love with him.
"Sabi mo eh! Pero para sagutin ang tanong mo kanina, sa pagkakaalala ko, galing sila sa Bournemouth."
Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.
"Doon siya nakatira kasama ang buong pamilya, kamag-anak at ang buo nilang angkan. Iyon ang nasagap ng radar ko."
"He lived there?" gulat na tanong ko.
"Bakit? Bakit naman parang gulat na gulat ka? May masama ba sa sinabi ko?"
Agad akong umiling sa kaniya. "Nothing," I said. "Pero galing din kasi ako sa Bournemouth kaya bakit hindi ko siya kilala? I should have seen him one time, lalo na at sikat siya."
Gerimhae chuckled and handed me a sweatshirt. "Ang laki ng Bournemouth, Suzy. Huwag ka na magtaka!"
I shrugged and let the thing go. Siguro nga at tama siya. Kahit na sabihing maliit lang talaga ang mundo, may mga tao talagang hindi nakatadhanang magkita sa isang espisipikong araw. Baka ngayon lang talaga kami itinadhanang magkita.
I shivered with the thought.
The next days were as entertaining as the other day. Mas lalo kong napansin ang kakaibang kilos ni Mervin. His actions and plays seemed limited like he's being careful because of something. His coach noticed his reluctant moves that is why he thought that he is just not feeling well.
Bumalik siya sa dorm niya without any other comments. Mukhang masama talaga ang pakiramdam niya. And I knew well enough that it has something to do with me – not that he knew it was me. Pero sa tingin ko ay nababahala siya sa mga sinabi ko.
Hindi ko naman talaga siya ipapahamak, 'no! Wala naman akong balak na ipagkalat. Na-eenjoy ko lang siguro ang itsura niyang ganoon; no more grins and mocking looks, just plain seriousness, and irritation.
Mabilis pa namang uminit ang ulo niya sa mga bagay-bagay. That's why I need to watch myself as well. Baka mamaya ay hindi na talaga niya makontrol at mawala na lang siya sa sarili niya.
I won't risk it. Ayokong paalisin na naman ni grandpa kapag nalaman niyang may werewolf akong kasama. Ako pa mismo ang unang-una na magtatago ng tungkol dito.
Madalas ako ang nag-aayang manood kaya naman itong dalawa na 'to, kung ano-ano na agad ang nasa isip. Kesyo nahulog na raw talaga ako nang tuluyan kay Mervin simula nang mapanood ko siyang maglaro.
Ha! Kung alam lang nila. Mabuti na nga lang at hindi na niya ako masyadong kinakausap dahil mapanganib. Not that I don't like him, aminado na naman akong attracted talaga ako sa kaniya pero hanggang doon na lang talaga iyon.
Lalo na at malapit na ang pasukan. Alam kong mas matutuon na naman ang atensyon ko sa ibang bagay.
Chapter 10
Suzy
Nagtatawanan kami nang papunta kami sa una naming room.
We are classmates! Pare-pareho kaming Grade eleven at pare-parehong STEM din ang kinuha namin. I have got to admit na hindi talaga sila mahirap makasama at maka-close. Lahat ng sasabihin ko ay may come back agad sila. Any topic! Nakakatuwang parang ang tagal na naming magkakakilala sa asta namin ngayon.
Our room was located on the fourth floor, which is the last floor. The elevator was a big help, really! Kung walang elevator ay baka wala nang pumapasok sa klase sa floor na ito. Maliban na lang syempre sa mga nasa third floor ang dorms tulad namin.
The room was spacious. Tulad ng sabi ni Mervin, mukha lang talagang maliit ang school pero malawak na siya sa loob. Para akong nasa isang malaking facility kapag nasa loob.
May bulletin every room dahil tuwing gatherings ay may mga nabibigyan ng awards tulad ng, Most Presentable Bulletin, Most Discipline, and Cleanest Classrooms. Kahit kami ay mayroon para daw mapaghusay pa namin ang arts skills namin at iba pa.
This is quite a nice school... nicer than I thought it was.
"Good morning, class!" masiglang bati sa 'min ng aming guro.
Sa tingin ko ay siya ang magiging adviser namin sa buong school year. Maliit lang siya, maikli ang buhok at may rimmed-eyeglass. Medyo chubby rin siya at kahawig niya si Dora. Mas maputi nga lang siya.
"My name is Sandy Villarosa and you are right, I am your adviser the whole school year!"
Nakakahawa ang kasiglahan niya ngayong umaga. Mapapangiti ka na lang talaga habang nakatingin sa kaniya. Para siyang isang happy virus. Mukhang magiging masaya ang taon ko.
"Ang iba sa inyo ay magkakakilala na, I assume?"
Tumango naman ang ilan kong kaklase sabay sagot.
"Kung gano'n, magsimula na tayo sa pagbotohan kung sino ang officers," aniya sabay palakpak.
Kumunot ang noo ko dahil unang araw pa lang at ito na agad. Pero ayon sa reaksyon ng iba kong mga kaklase ay normal na ito.
Sa likod kami umupo kahit na gusto ng dalawa sa harap. Sa ganitong paraan kasi ay maoobserbahan ko ang buong klase. Kahit ngayong araw man lang sana.
May mga nakikita akong tahimik lang na nakikinig, may ilang nagkukwentuhan tulad nina Larianne at Gerimhae, ang ilan naman ay pa-cool lang na nakaupo at nakikinig.
"So, any nominations?" tanong niya habang nililibot ang tingin sa buong klase. Nang dumako ang tingin niya sa 'kin, para bang nagulat pa siya. "May bago pala tayong kasama, bakit hindi ninyo naman sinabi? Miss, pwede ka bang magpakilala? And afterwards ay magpakilala na rin ang lahat sa kaniya."
Confident akong tumayo at naglakad sa harap na para bang wala lang. It looks like magkakakilala na sila at ako na lang ang hindi. Kailangan maalala nila ako bilang kanilang confident and beautiful classmate.
I put my award-winning smile and introduced myself. "My name is Suzy Berry Azarcon, sixteen. I am from Bournemouth and because of some circumstances, my grandpa sent me here. I hope we will get along well and let us have a wonderful year ahead of us!"
They all clapped their hands at my mini speech. Contented with the outcome, I walked back at my seat and gave the two girls a high five. Nakangiti pa rin ako hanggang sa makaupo ako at napansin kong ang ilan sa kanila ay sinundan pa ako ng tingin. I knew it!
"Thanks for a very energetic introduction. Magpapahuli ba ang iba sa inyo? Let us start from you at the first row," aniya sa isang lalaki.
They all introduced themselves pero kaunti lang ang natandaan ko. It is fine, though. Mahaba pa naman ang panahon para mas makilala ko sila.
Nalaman kong ang friendly pala nilang lahat kahit na iyong mga tahimik lang kanina. Magkakakilala na pala talaga sila dahil high school pa lang ay magkakasama na sila rito. Mas napapalapit daw sila sa isa't isa lalo na tuwing may gatherings.
Matapos ang ilan pang paalala ay nagsimula na ang botohan. Our president's name is Christine, the Vice President is Francis, the secretary is Denise, Angela is the treasurer and Nathan is our Auditor. May PRO din na sina Niel at Erika. Then, the Muse and Escort.
"I nominate Suzy!" bulalas ni Larianne kahit na hindi pa naman siya tinatawag.
Siniko ko naman siya nang bahagya dahil nakakahiya. Wala akong balak sumali sa mga ganiyan dahil kahit Muse, may responsibility.
"Si Suzy na ang Muse! I close the nomination!" Ginatungan pa talaga ni Gerimhae sabay apir kay Larianne. Sabay silang tumawang dalawa na mukhang plano talaga nila 'to.
In the end, nangyari ang gusto nilang dalawa. I was about to decline nang may kumatok sa pinto ng room namin. Nang magbukas iyon ay nakita namin ang isang matangkad na lalaki, maitim at malaki ang pangangatawan. Bumagay ang matangos niyang ilong sa kulay ng balat niya. Kulay blue-green din ang mga mata niya kaya masasabi kong hindi siya pinoy.
"Mr. Narvaez, what brought you here?" tanong ng teacher namin.
"May meeting po kasi ang mga adviser at kailangan na raw po kayo sa office," sabi ni Mervin nang hindi man lang ngumingiti sa teacher namin. Pa-cool talaga ang isang 'to kahit kailan.
"Sige, maraming salamat, Mr. Narvaez."
Bago umalis si Mervin ay nakita ko pa siyang tumingin sa 'kin bago ngumisi. Napanguso na lang ako dahil sa pang-aasar niya kahit na hindi niya naman alam ang nangyari. Kinilig naman ang dalawa sa nangyari pero wala na akong sinabi pa.
"So, ayos na naman ang lahat kaya maaga ko kayong idi-dismiss. See you tomorrow, class."
Napainat ako nang makalabas na siya ng room. Ang ilan sa mga kaklase ko ay nagsitakbuhan na sa labas dahil sa excitement. Napatingin ako kay Gerimhae nang sikuhin niya ang tagiliran ko.
"Problema mo?" tanong ko.
"Ang sweet ninyo ni Mervin, a?"
Kunot-noo ko siyang tiningnan. "Ano ba ‘ng sinasabi mo? Ano naman ang sweet do'n?" hindi makapaniwalang tanong ko.
"May patitigan effect pa nga kayo kanina e," gatong na pang-aasar ni Larianne.
"Anong titigan? Napatingin lang, titigan agad?"
"Kahit naman sino ang makakita ay masasabing may sparks kayong dalawa," ani Gerimhae.
"Sparks, sparks, mag-aral pa kayo! Nandito ako para mag-aral, hindi para humanap ng ka-sparks."
"Sabi mo eh."
Inirapan ko na lang silang dalawa nang hindi sila maniwala sa 'kin. Wala naman akong magagawa dahil pinagtutulungan na nila ako. I will just let things be.
May spark pa kasing sinasabi, wala naman. At saka, ano ang malay ko sa sparks na 'yon? Baka ang kuryenteng dumadaloy sa mga mata namin dahil sa sama ng tingin namin sa isa't isa.
Ay ewan!
Matapos naming kumain ay nagkaniya-kaniya na kami. May mga sari-sarili na kasi kaming gagawin. Mas ayos na rin ito para hindi kami magsawa sa mukha ng isa't isa. Baka maumay kami.
Nang padaan ako sa library ay nagitla ako. Napansin ko kasi siya kasama ang mga tropa niya kaya naman nagtago ako sa gilid ng hagdan. Sa harap kasi ng library ay may hagdan, sa kanan naman ng hagdan ay papuntang hallway na walang masyadong tao.
"Looking fine, aren't we?" bulong ko.
Napansin ko ang pagtigil niya sa pagkwentuhan sa mga kaklase niya. Nakatambay sila malapit sa hagdan pero alam kong hindi naman niya ako mapapansin. Pero mula sa kinatatayuan ko, kitang-kita ko siya. May tinanong sa kaniya ang tropa niya pero mukhang hindi siya nakikinig.
Natawa na lang ako nang mahina.
Hindi na ako muling nagsalita at sinundan siya. Humiwalay siya sa tropa niya habang siya naman ay papunta sa kung saan. Sinundan ko lang siya hanggang sa mapunta kami sa isang isolated na hallway. Wala na nga palang klase kaya hindi na ako nagtatakang walang masyadong tao rito.
Napapikit ako nang maramdaman ko ang malakas na pwersa sa likod ng ulo ko. Naramdaman ko ang malamig na pader sa likod ko kaya hindi ako agad nakakilos.
"Sue? Ano 'ng ginagawa mo rito?"
Napadilat ako nang makilala ko ang boses na iyon. "A-Ah... oo. Ahm... sinundan kasi kita."
Bahagyang kumunot ang noo niya at nakakainis na amining ang gwapo niya nang gawin niya 'yon. "At bakit mo naman ako susundan? I mean, akala ko ba ay naiinis ka sa 'kin?"
"Ah..." Natawa ako nang peke. "Nakita kasi kita kanina, m-mukhang may problema ka. Kaya ayun!" pagdadahilan ko kahit na hindi naman talaga totoo.
Tinanggal niya nang dahan-dahan ang pagkakaipit sa 'kin pero hindi pa rin siya lumalayo. Hindi ba uso sa kaniya ang space?
"Paano mo naman nasabi na may problema ako?"
"Nasa mukha mo kaya!" bulalas ko.
"Really?"
"Kahit naman sino ang makakita sa 'yo ay magtataka. Kung makatingin ka, parang may gusto kang patayin."
"Meron nga."
Napalunok ako sa sinabi niya. Ako ba ang tinutukoy niya? Huwag naman sana. "G-Grabe ka naman!"
"Joke lang..."
Nakahinga ako nang maluwag dahil sa nalaman ko. Safe pa ako ngayon.
"So, may problema ba?" mahinang tanong ko. Medyo nag-aalala rin kasi ako baka sumobra na ang biro ko. Mainitin pa naman ang ulo nila.
"Paano kung sabihin kong meron?" seryosong sambit niya.
"Ah... malay mo, may maitulong ako, 'di ba? Pwede mong sabihin."
"Ayaw mo nga sa 'kin, paano mo ako tutulungan?"
Bumuntong-hininga ako. "Kahit naman ayoko sa 'yo, hindi ibig sabihin n’on ay hindi na kita tutulungan. Hindi naman ako ganoon kasama sa mga taong ayaw ko."
"Sige lang, ipamukha mo lang sa 'king ayaw mo ‘ko."
Natahimik ako. Gusto ko sanang sabihing hindi naman sa ayaw ko sa kaniya pero nakakainis lang talaga siya minsan lalo na ang mga pang-aasar niya. Baka mamaya ay asarin niya lang ako kaya shut up na lang.
"May problema ako..."
Napatingin ako sa magaganda niyang mga mata. Seryoso rin siyang nakatingin sa 'kin. At aaminin ko, kahit na naiilang ako sa kaniya ngayon dahil sa lapit niya ay hindi ko magawang iiwas ang mga tingin ko. May kung anong humihila sa 'kin sa mga tingin na iyon.
"A-Ano?" tanong ko.
"Alam kong ikaw lang ang makakatulong sa 'kin."
Kumunot ang noo ko. "Ako? Bakit naman ako?"
"Ikaw lang ang makakapagpagaan ng pakiramdam na 'to."
Nagsimulang bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan. Wala naman akong dapat ipagpabahala, 'di ba? Pero paano kung alam niyang ako iyong kumakausap sa kaniya? Papatayin niya na ba talaga ako, for real?
"Ano nga 'yon?" Medyo naiirita na ako sa kaniya.
Dahan-dahan siyang lumapit sa 'kin. Mas lumapit pa siya, kung may ilalapit pa nga ba. Tuluyan na akong napasandal sa pader. Nahigit ko na rin ang hininga ko at medyo na-conscious sa hininga ko. Ano ba ang kinain ko kanina? Wala naman sigurong sibuyas doon, ‘no?
"I... I am confuse, Sue," aniya. Itinaas niya ang isang kamay niya at nilapat sa pisngi ko. "Very... very... confuse."
Ano na? Pa-suspense naman ang isang 'to! Wala na ba siyang ilalapit? Kapag talaga ako na-badtrip sa kaniya, uupakan ko 'to. What the hell's wrong with him?
I was about to complain when suddenly, everything turned blank. The only thing that's clear is that his lips are on mine. J-Just what the hell?
◘ This is a paid story ◘
Continue reading here ⇒ Suzy Azarcon