Dom, the Cursed Doll

Precious Jasmin
0

 



Chapter 1

NAPASAPO ako sa dibdib ko nang makapasok ako sa gate ng apartment ko. Isang manika ang bumungad sa aking paanan kaya muntik ko pa itong masipa. Hindi kasi ako mahilig sa mga manika lalo na itong mga french dolls.

 

Ang creepy!

 

Agad kong kinuha ang phone ko sa bulsa ng palda nang hindi na tinitingnan pa ang bagay na ‘yon. Ni hindi ko na pinansin kung ano ang itsura niyon. Basta ang tanging nasa isip ko lang ay makapasok sa apartment ko.

 

Nag-message agad ako kay Marge. Alam ko namang pinagti-tripan lang ako ng isang ito. Siya lang naman ang may ganang gawin sa ’kin ‘to.

 

Lakad-takbo naman ang ginawa ko para makapasok agad sa loob. ‘Di ko na natanggal ang leather shoes ko dahil sa pagmamadali. Sumabit pa nga ang strap ng bag ko sa knob ng pinto dahil sa kagustuhan kong makapasok agad.

 

Kahit na alam kong pakulo lang ito ni Marge ay nakakainis pa rin. Hindi ko pa rin maiwasang hindi murahin siya sa isip ko. Dapat pala ay hindi ko na sinabi sa kaniyang takot ako sa mga manika!

 

Margarette Santos

Monday

10:23 PM

Apol: Kaloka ka, bes! Ano ba 'tong nasa harap ng apartment ko?

Marge: Huh? Bakit?

 

Napairap na lang ako sa painosente effect niya. Kahit kailan talaga ang babaeng 'to! Napapatanong na lang talaga ako sa sarili ko kung bakit ko siya naging kaibigan!

Halos mapudpod ang daliri ko sa sobrang bilis ng pagta-type ko.

 

Apol: Ito kakong manika mo, nasa tapat ng pinto ko. Hindi ka na ba makaisip ng ibang trick para takutin ako? Nagsayang ka pa ng manika mo. Sunugin ko pa 'to, e!

Marge: What the fuck, Apol? Hindi ako ang naglagay niyan!

Apol: Nye! Nye! Hindi mo na 'ko maloloko. Susunugin ko talaga 'to.

Marge: Bahala ka nga riyan. Hindi nga akin 'yan! Sunugin mo kung gusto mo.

Apol: Kung hindi ikaw, kanino galing? Ikaw lang naman mahilig pagtripan ako.

 

Nang hindi na siya mag-reply ay mas lalong binundol ng kaba ang dibdib ko. Kung hindi sa kaniya ‘to, eh, kanino? Wala naman akong ibang tropa na pwedeng man-trip sa ‘kin. I mean, siya lang naman talaga ang kaibigan ko. Wala rin naman akong kaaway. 

 

Sumalampak ako sa pantatluhang sofa ng apartment ko at tumitig sa kisame. Hindi ko na nagawang magpalit ng uniporme dahil sa napatulala na lang ako, iniisip pa rin kung kanino ang manikang iyon.

Wala naman akong trauma sa mga manika pero may kakaiba kasi silang dulot sa sistema ko. Parang nagtatayuan ang mga balahibo ko at nanlalamig ang mga palad. Madalas ko itong maramdaman sa tuwing nanonood ako ng mga horror films.

 

Matapos ang ilang beses na pagbuntong-hininga ay tumayo na ako at dumeretso sa kwarto ko.

 

Isang palapag lang ang apartment na inuupahan ko. Ang sala, dining at kitchen ay magkakadikit lang at easy access. Samantalang may pinto naman papunta sa banyo na nasa tabi ng kitchen. Ang kwarto ko naman ay nasa tapat ng dining area na nahahati rin ng isang pinto.

 

Paminsan-minsan akong napapatigil habang nagtatanggal ng puting blouse at asul na palda. Panaka-naka rin ang tingin ko sa cellphone, hinihintay ang message ni Marge, pero ni like o ano ay wala.

 

Nang makapagbihis ay sumampa na ako sa queen-size bed ko. Kinulong ko ang sarili ko sa kumot at saka nagsimulang magtipa para magpadala ng mensahe kay Marge.

 

Margarette Santos

Monday

5:32 pm

Apol: Bes, nagtatampo ka ba? Sorry na.

Seen

 

Napasabunot na lang ako sa buhok ko. Bakit ba siya seen lang nang seen? Busy ba siya? Wala naman kaming assignment ngayon ah?

 

Nang hindi siya mag-reply ay tumayo ako sa kama ko. Wala namang mawawala kung titingnan ko ang manika, ‘di ba? Baka naman guni-guni ko lang talaga iyon kanina. O baka kinuha na ng kung sino mang nan-trip sa ’kin. Although hindi pa rin ako kumbinsidong hindi si Marge ang may gawa n'on.

Minsan na akong pinag-tripan ni Marge nang ganito kaya dapat 'di na ako nagugulat. At sa dalas niyang gawin ay 'di ko na alam kung ano pa ang maiisip niyang pakulo.

 

Dahan-dahan ang naging pagbukas ko ng pinto. Medyo maliwanag pa naman ang paligid dahil wala pang alas sais. Pero dahil ang tahimik ng apartment ko at ng mga kapit-bahay ko, tumitindig ang balahibo ko sa kaba.

 

Mas lalo tuloy bumilis ang tibok ng puso ko nang hindi ko na makita ang manika. Chineck ko pa ang paligid dahil baka lumipad iyon o naglakad kung saan, na huwag naman sana, pero wala na akong nakita pa.

 

Binalibag ko pasara ang pinto at ni-lock iyon bago tumakbo sa kwarto ko. Pati iyon ay ni-lock ko rin para sigurado.

 

Sa sobrang kaba ko ay napatalukbong na lang ako ulit ng kumot. Mukhang hindi na rin ako makapaghahapunan dahil sa nangyari. Natatakot na akong lumabas ng kwarto ko!

 

Kinuha ko ang cellphone na inilapag ko sa side table. Miski ang pagkuha ko roon ay nakadagdag sa kaba ko. Pakiramdam ko ay biglang lilitaw roon ang manika o baka bigla na lang tatabi habang nakatingin sa ’kin.

 

Margarette Santos

Monday

5:40 pm

Apol: Grabe! Akala ko naman kasi talaga sa 'yo, e.

Apol: Pero, bes, natatakot ako. Nawala kasi 'yong manika. Kung hindi ka galit, iisipin ko sanang panaginip lang. Pero hindi kasi.

Apol: Uy! Mag-message ka naman kahit hi lang, oh! Natatakot na ako mag-isa rito sa apartment.

 

At nang miski seen ay hindi ko na natanggap, nakagat ko na lang ang ibabang labi ko.

 

Napakamatatakutin ko naman kasi! Bakit ba ganito? Simpleng manika lang ay takot na takot ako. Ang liwanag pa sa labas pero ito ako, parang bata kung umasta.

 

Mariin akong napapikit at pinilit matulog. Sana ay mag-umaga na para makaalis na ako sa apartment ko. Gusto ko nang makatulog!

Chapter 2

PIPIKIT-PIKIT AKONG PUMASOK sa room namin. Sobrang ingay ng mga kaklase ko pero hindi naging sapat iyon para magising ang diwa ko. Sana ay wala kaming quiz ngayong araw dahil tiyak na wala akong maisasagot.

 

Hindi yata ako nakatulog kagabi dahil sa nangyari. Ni isang oras ay wala. Parang pumikit ako saglit tapos nag-alarm na agad ang phone ko. Para tuloy akong dilat na langaw ngayon.

 

“Bes!”

 

Napatalon ako sa kinatatayuan ko nang biglang may pumalo ng balikat ko. Napahawak pa ako sa dibdib ko dahil sa bigla.

 

Inirapan ko naman siya at saka hindi pinansin. Nauna akong umupo sa silya ko sa bandang likod malapit sa back door. Sumunod naman ang babaita kong kaibigan.

 

“Bes, sorry na! Umalis kasi kami kagabi. Nag-dinner kami sa labas,” aniya. Umupo siya sa tabi kong silya sa kanan. “Alam mo naman si Mama, no cellphone sa harap ng hapag.”

 

“Okay,” sabi ko.

"Nag-text ako sa 'yo. Nabasa mo?"

Dinukot ko naman ang phone sa bulsa ng blouse ko. Wala na akong oras kanina para mag-check ng messages dahil late na rin ako natapos mag-asikaso ng sarili.

Margarette Santos

Monday

10:05 PM

Marge: Bes! Sorry din. Umalis kasi kami kanina kaya hindi kita nareplyan.

Marge: Nandiyan ka pa? Uy! Okay lang. Pinapatawad na kita. Kasalanan ko rin naman kasi lagi kitang pinagti-tripan. HAHAHA!

11:02 PM

Marge: Good night na, bes! See you na lang bukas.

 

Nagpangalumbaba ako sa mesa ko matapos iyong basahin. Binalik ko na sa bulsa ko ang phone at saka tumitig sa pisara. Pero mayamaya ay napapikit na lang din ako dahil sa sobrang antok.

 

“Mukhang puyat ka ah? Ano nangyari do’n sa manika?” tanong niya.

 

Sinamaan ko siya ng tingin. “Sabi ko na sa 'yo talaga galing ‘yon eh!” Inakmaan ko pa siyang papaluin pero agad naman siyang nakalayo.

 

“Hindi nga ako!” bulalas niya. “Wala akong manika at wala akong pambili.” Natawa pa siya sa sinabi niya.

 

“Eh kanino pala ‘yon, aber? Ikaw lang naman mahilig man-trip sa 'kin?”

 

“Oo nga, alam ko. Pero swear, ‘di talaga ako ‘yon. Maputol man ‘tong mga kuko ko, hindi talaga ako ‘yon.” Pinakita pa niya sa ’kin ang bagong manicure niyang mga kuko. Kung dati ay nagbabagang pula iyon, ngayon naman ay parang bahaghari iyon dahil sa rami ng kulay.

 

“Huwaw, Margarette! Patay ka kay Sir Archie kapag nakita ‘yan. Siya mismo ang tatabas niyan.”

 

“Grabe sa tabas! Kung ‘di ko naman ipapakita, ‘di niya matatabas ‘to, ‘no!”

 

Muli ko siyang inirapan. Wala na talaga akong magagawa sa pasaway kong kaibigan. Basta kapag nahuli siya, walang damayan. Ayan ang usapan namin sa tuwing may kalokohan siyang gagawin.

 

Siya lang dahil good student ako.

 

NANG MAG-LUNCH time ay hinatak na agad ako ni Marge sa canteen. Sabay-sabay kasi ang lunch ng lahat ng mga batch kaya unahan panigurado sa upuan. Kapag wala kang nakuha, sa labas ka maghahanap kung saan may mga bench na walang silong. Masunog na kung sino ang masusunog sa ilalim ng araw dahil bawal kumain sa loob ng room.

 

Minsan nga ay ito ang sasabihin ko sa mga survey: Kulang sa upuan ang canteen.

 

Pero dahil may pagka-The Flash ang kaibigan ko, naka-secure agad kami ng mauupuan. Ako ang tagabantay ngayon kaya agad siyang pumila para maka-order.

 

Kinalikot ko naman ang phone ko habang naghihintay.

 

Nang makarating siya ay nagsimula na kaming kumain nang mabilis. Nakakahiya naman kasi sa mga naghihintay para makaupo at makakain.

 

Ngunit bago pa man ako makapagsauli ng tray ay nahagip agad ng aking mga mata ang isang gwapong nilalang.

 

Naglalakad siya papasok sa canteen nang mag-isa. Matangkad na halos nasa anim na talampakan, hindi ganoon kalaki ang katawan pero hindi rin naman payat, maputi rin siya, isa sa mga dahilan kaya naagaw niya agad ang pansin ko.

 

Kulay asul ang malungkot niyang mga mata. Ang matangos niyang ilong ay bagay na bagay sa mapupula niyang mga labi. Nahiya naman ang labi kong kailangan pa ng lip tint para lang magkakulay!

 

Pumila siya sa likod ng mga kaklase kong bibili pa lang ng pagkain. Halos tingnan ko na si Charmaine nang masama dahil ang swerte niya.

Mukhang naramdaman niya rin ang presensiya ng lalaki kaya naman napalingon siya. At ang babaita! Hindi man lang itinago ang kilig at nagtitili pa sa harap niya.

 

Napangisi na lang ako nang wala man lang reaksyon ang lalaki. Pero hindi ko alam kung bakit ko ‘yon ginawa. Napatikom tuloy ako ng bibig nang dumako ang tingin niya sa ’kin.

 

“Tara na, Apol! Marami pang uupo.” Hinatak na ako ni Marge kaya wala na akong nagawa. Iniwan ko na lang ang tray malapit sa counter habang nagnanakaw pa rin ng tingin sa gwapong lalaki.

 

Nang makalabas tuloy kami sa canteen ay saka ako nagtitili. Mabuti na lang at malayo kami sa teacher’s office.

 

“Nakita mo ba ang lalaking ‘yon? Napakagwapo!” bulalas ko.

 

Nagitla naman si Marge sa naging reaksyon ko. “Lahat naman ng lalaki gwapo para sa ’yo.” Natawa siya sa sariling komento.

 

Hinampas ko siya sa balikat nang hindi kalakasan. “Iba ang isang iyon! Parang isang character sa manga na lumabas dito sa mundong ibabaw. Ano kayang pangalan niya, ‘no?”

 

“Bakit hindi mo itanong? Diyan ka naman magaling, ‘di ba?”

 

“Iba nga ‘to! Pakiramdam ko eh mahirap siyang abutin. Kaya baka hanggang tingin na lang ako.” Napanguso ako dahil sa sinabi ko.

 

Totoo naman kasi. Iyong mga nagiging crush ko dati ay hindi naman kagwapuhan kaya madaling makausap. Tapos kapag naging crush na rin nila ako, uncrush na agad. Hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit. Siguro masaya lang talaga ako kapag nagkaka-crush pero kapag seryosohan na, iwas na ako agad. Wala na rin kasing thrill kapag may crush na sa 'yo ang gusto mo.

 

Kwento pa rin ako nang kwento kay Marge kung gaano kagwapo ang nakita namin hanggang sa makarating kami sa room. Tango lang naman siya nang tango at hindi na nagkokomento.

 

Ganyan naman siya lagi. Kung sinusuportahan ko siya sa kahit anong kalokohan niya, tamang support lang din siya sa pagpapantasya ko sa mga lalaki.

 

“Kapag nagkita kami sa susunod, kakausapin ko talaga siya. No matter what it takes!” bulalas ko.

 

Napatingin din ang ilang mga kaklase ko dahil sa pagsigaw ko pero hindi naman nagkomento.

 

“Okay, okay, sabi mo eh.” Napabuntonghininga na lang siya.

HANGGANG SA MAG-UWIAN ay siya lang ang topic ko. Hindi naman umaangal si Marge kaya tuloy lang ako. Siya pa nga itong laging nang-aasar na hindi ako mapapansin ng lalaking ‘yon. Tingnan na lang natin. ‘Di niya rin kasi sure.

 

Nagpaalam na kami sa isa’t isa dahil marami kaming assignments ngayon. Saka ko na ulit pagpapantasyahan ‘yong lalaki. Pero ano kaya ang pangalan niya?

 

Nang makarating sa apartment, dahan-dahan pa akong pumasok. Nakahinga lang ako nang maluwag nang hindi ko na makita pa ang manika. Baka nga talagang guniguni ko lang iyon. Baka sa sobrang pag-inom ko ng kape ay ninenerbyos na ako at nagha-hallucinate.

 

Nang matapos akong kumain ng dinner ay hinanda ko na ang mga takdang aralin na gagawin. Pero dahil maaga pa, nag-scroll muna ako sa Facebook. Naisipan ko namang mag-chat kay Marge. Syempre, hindi pa rin ako maka-move on sa lalaking nakita ko.

 

Margarette Santos

Tuesday

 5:28 PM

Apol: Bes!!! OMG KINIKILIG PA RIN AKO KAPAG NAAALALA KO SIYA. SYET!

Apol: Ang gwapo-gwapo niya, 'di ba? Taena, kinikilig ako!

Marge: Kalma, bes! May natuklasan ako.

Apol: Ano? Kyah!

Marge: Dom Baltazar ang name niya. Classmate ni ate.

Apol: Luh! E 'di mas matanda sa 'tin?

Marge: Aba malay ko! Pwede ring ka-edad natin. Tapos sa sobrang talino, nag-skip na.

Apol: Baliw! Posible ba 'yon?

Marge: FYI. Pwedeng-pwede.

Apol: Thanks, bes! At least alam ko na name niya.

 

Dom Baltazar. Dom lang talaga? Hindi ba Dominic?

 

Sinubukan ko siyang i-search sa Facebook pero wala namang lumalabas. Kung meron man ay puro page lang. Mukhang sikat si Dom pero madalang ang mga litrato. Puro confessions lang ng mga nagkakagusto sa kaniya.

 

Margarette Santos

Tuesday

 5:48 PM

Marge: Ge. Nagawa mo na ba assignment?

Apol: Hindi pa. Pakopya!

Marge: Baliw talaga!

Marge sent you a photo.

Ayan na, paraphrase mo na lang.

Apol: Thank you, besung! Hulog ka ng langit!

Marge: Ihulog pa kita riyan, e. Ge na mag-uurong pa ko.

Apol: Sipag. Pag-urong mo rin nga ako.

Marge: ./.

 

Natawa na lang ako sa huli niyang chinat at nag-off na. Kailangan ko pa ring gawin ang ibang subjects sa sarili ko. Alam niya kasing bobo ako sa English kaya pinapakopya niya ako. Paraphrase lang ang katapat nito.

 

Matapos kong gumawa ng assignments ay agad akong nakatulog. Halos kalahating oras yata akong nakatulala sa kisame nang may marinig akong tunog sa bintana ng kwarto.

 

Halos mapatalon ako nang nasundan iyon ng isa pa. Parang may batong hinahagis doon. Hindi iyon ganoon kalakas para mabasag ang salamin ng bintana pero sapat lang iyon para pabilisin ang tibok ng puso ko.

 

Nagtalukbong ako at sumigaw, “Tigilan mo na ako, please!”

 

Matapos ang naging pagsigaw ko ay nawala na ang tunog. Pero hindi na ako umalis sa ilalim ng kumot ko. Nasa ganoong ayos lang ako hanggang sa makatulog ako.

Chapter 3

“BES!”

Muli akong napabalikwas nang tapikin ako ni Marge sa balikat. Napatingin pa ako sa paligid at napagtantong dumarami na ang tao sa loob ng room namin. Hindi ko rin namalayan ang pagdating ni Marge dahil kanina pa ako tulala.

"Nandiyan ka na pala," sabi ko.

Sinabit niya ang bag sa likod ng upuan niya. "Oo at mukhang wala ka na naman sa sarili. May nan-trip na naman ba sa 'yo maliban sa 'kin?" 

Hindi niya maiwasang hindi matawa dahil sa sinabi.

Umirap ako pero napatulala na naman. "Wala na ang manika. Pero hindi naman ako nakatulog dahil may bumabato sa bintana ng apartment ko."

Tumango-tango siya. "Pakiramdam ko talaga may nananakot sa 'yo eh."

"Iyan din ang pakiramdam ko," sabi ko, napapabuntong-hininga na lang.

"Gusto mo mag-overnight ako sa apartment mo nang isang gabi?" tanong niya, tinataas-baba pa ang dalawang kilay sa dereksyon ko.

Tinampal ko ang noo niya at bahagyang inilayo ang mukha. "Hindi na! Mas lalo lang ako mapupuyat kung matutulog ka ro'n. 'Di ka na naman mauubusan ng kwento panigurado."

Pareho kaming natahimik nang dumating ang guro. Hindi na tuloy siya nakapagtanong pa tungkol sa nangyari. Wala rin naman akong maisasagot. Nawala rin kasi agad iyong bumabato. Pero ang kaba ko, hindi mawala-wala hanggang ngayon.

Hindi ko na talaga alam kung ano ang nangyayari. Totoo kayang may nangti-trip na naman sa 'kin o guniguni ko lang iyon? Ito na naman ba ako at ie-entertain ang mga bullies na 'yon?

Nang mag-lunch time, tumakbo na naman kami papuntang canteen. Maaga kaming pinalabas kaya naman wala pa masyadong tao.

Napatigil ako sa pagsubo ng pagkain ko nang muli ko siyang makitang pumasok sa canteen. Well, sa katunayan niyan ay hinihintay ko talaga kung dito ulit siya kakain sa canteen namin. Hindi naman ako nagkamali at ito na naman siya, sumisigaw na naman ang kakisigan niya!

Pinaghahampas ko ang balikat ni Marge nang hindi pa rin tinatanggal ang tingin sa lalaking kararating lang.

"Ano ba, Apol! Muntik na 'kong mapaso. Bakit ba?" bulalas niya.

Tinuro ko ang dereksyon ni Dom gamit ang nguso ko. Naramdaman kong pabalang niyang hinarap ang tinuro ko bago suminghap.

"Oo, Apol, nakikita ko si Dom," aniya nang pinaghahampas ko na naman siya. "Ano naman ngayon?"

"Ano kaya ang ginagawa niya rito?" impit na sigaw ko.

Inirapan ako ni Marge pagkatingin ko sa kanya. "Kakain malamang. Huwag kang assuming!"

Itinuloy na niya ang pagkain samantalang pinagpatuloy ko naman ang pagtitig kay Dom habang kumakain.

Mula paglapit niya sa counter, pag-order niya ng pagkain, pagtalikod niya mula sa kinaroroonan namin at pag-upo sa malapit na mesa, lahat ng iyon ay pinanood ko habang titig na titig sa kanya. Kahit na ang likod niya ay napakagwapo!

Napapikit ako nang pukpukin ako ni Marge ng kutsara sa ulo.

"Kumain ka muna bago tumitig. Nakakahiya! Kapag ikaw nakita niyang nakatitig... naku!"

Ngumuso ako. "Ano naman? Okay nga kapag nakita niya ako. Para malaman niyang interesado ako sa kaniya."

Iling lang ang naging sagot niya.

Tinapos na namin ang pagkain at saka lumabas ng canteen. Napapaingit pa ako dahil ayoko pang umalis doon. Pero itong babaeng 'to eh hindi man lang ako mapagbigyan. Hinatak na niya ako palabas.

"Saglit na lang naman eh! Titingin lang," sabi ko, nakanguso sa dereksyon niya.

"Kanina ka pa nakatitig, hindi nakatingin!"

Mas lalong tumulis ang pagkakanguso ko. Magsasalita na sana ako nang maestatwa ako sa kinatatayuan ko.

Parang naging slow motion ang lahat nang lumabas siya ng canteen. As usual, mag-isa pa rin siya hanggang ngayon. Hindi ko alam kung ano ang pinupunta niya rito dahil may sariling canteen naman ang mga college pero hindi na ako nagtanong. Mas ayos na 'tong nasisilayan ko siya araw-araw kahit tuwing lunch lang.

Sinundan ko siya ulit ng tingin. Hindi ko napansing nakanganga na ako kung hindi lang tinikom iyon ni Marge. Tinampal ko na lang kamay niya dahil pabiro pa niyang pinunasan ang gilid ng labi ko.

Inalog-alog ko pa si Marge. "Bes!" Walang boses na lumabas sa bibig ko. Nagtatalon lang ako hanggang sa may maapakan ako.

Agad akong tumingin at humingi ng sorry. "Sorry po! 'Di ko sinasadya!"

Nakagat ko yata ang dila ko dahil pagkaharap ko sa taong naapakan ko ay si Dom iyon. Si Dom!

"It's okay," sabi niya bago naglakad palayo. Bahagya pa niyang nabunggo ang balikat ko.

At nang mawala na siya sa paningin ko, napahawak na lang ako sa manggas ni Marge.

Nanunuot pa rin ang bango niya sa ilong ko. Para siyang amoy bulaklak. Matamis pero matapang na bulaklak. Hindi ko alam na mas lalo pa palang nakakagwapo kapag mabango ang isang lalaki. Bakit mga kaklase ko amoy dugyot? Mga amoy araw.

"Pakikurot ako, Bes. Baka nananaginip lang ako." At ang luka, kinurot naman ako sa tagiliran nang pagkalakas-lakas. "Aray ko naman! Galet na galet, gusto manaket!"

"Ang kire kasi, Bes. Alam kong mahilig ka sa gwapo pero 'di naman siya ganoon kagwapo for me."

Inirapan ko siya. "For me," I mocked her. "Kung hindi siya gwapo, sino pala ang gwapo for you?" tanong ko.

Nalukot naman ang mukha niya. "Wala! Hindi ko pa nakikita ang true definition ng gwapo. Tara na! May klase pa tayo."

Inayos ko ang pagkakasukbit ng bag ko at saka sumunod sa kaniya.

Kapag talaga nahanap niya ang lalaki para sa kaniya, hindi na niya papansinin kung gwapo iyon o hindi. Hindi na tuloy ako makapaghintay na ma-in love ang bessy ko. Matagal ko nang ipinagtataka kung paano siya magmahal.

Though mahal niya ako, iba pa rin kapag iyong lalaki nang makakasama niya sa paglaki. Hindi naman pwedeng ako lang ang kasama niya habang-buhay. Umay, Bes!

Chapter 4

PAGBALIK NAMIN SA room, paalis na ang mga kaklase ko. Kumunot ang noo namin ni Bes bago kalabitin si Ace, ang president namin.

"Saan punta? Lilipat ng room?" tanong ni Marge.

"Wala raw klase. May biglaang meeting mga teachers." Halos 'di na niya kami tiningnan dahil sa pagmamadaling lumabas.

Napailing na lang kami dahil nangunguna pa siya sa pag-uwi. Hindi ko nga alam kung paano namin naging president ang isang iyon pero sure akong napag-trip-an lang talaga siya.

"Ayoko pang umuwi," bulalas ko sabay salampak sa silya.

"Ako uuwi na. Bahala ka riyan!" Kahit kailan talaga 'tong kaibigan ko, ang KJ!

"Samahan mo muna 'ko!" Hinatak ko siya paupo sa katabing silya.

"Ano namang gagawin natin dito? Magtititigan? 'Wag na oy!" Akmang tatayo siya nang malawak ko siyang nginitian.

"Puntahan natin si Dom!"

Lumukot na naman ang mukha niya. "Baliw ka na ba? Nakagat mo nga dila mo kanina nang makaharap mo, pupuntahan mo pa? Kung kinausap mo kanina, e 'di sana may first convo na kayo."

Napanguso ako. May punto kasi siya. Bigla kasing bumilis ang tibok ng puso ko. Kaya imbis na mag-hi, tinitigan ko na lang siya hanggang sa makaalis. Ito tuloy ako ngayon, ang laki ng pagsisisi.

"Hindi ko naman siya kakausapin, 'di ko pa kaya. Titingnan lang natin siya mula sa labas," sabi ko.

"Bahala ka. Kaya mo na 'yan mag-isa."

Ginamit ko na ang alas ko. Kumurap ako nang mabilis na tila nagpapa-cute. "Puhlease?"

Lalong lumukot ang mukha niya. "Oo na! Tigilan mo lang 'yang mukhang 'yan. Kasura!"

Natawa ako nang tumayo na siya. Sumunod ako sa kanya at sinukbit ang braso sa kanya.

"'Di mo talaga matitiis ang ka-cute-an ng bessy mo, 'no?" Hinilig ko pa ang ulo ko sa balikat niya.

"Oo, nakakata-cute! Mas cute pa aso ko sa 'yo."

Sabay kaming natawa habang papunta sa architecture building. Kung kaklase ng ate ni Marge si Dom, paniguradong architecture ang isang iyon. Meant to be nga yata kami dahil magsi-Civil Engineering ako.

"Sa second floor pa ang room nina ate," sambit ni Marge pagkarating namin sa building.

Mas maraming halaman sa paligid ng building ng architecture kumpara sa building namin. May isang malaking sign na CAFA sa harap ng mga halaman na ang ibig sabihin ay College of Architecture and Fine Arts. Kulay maroon iyon. May isang bench pa akong nakita sa tabi na napo-fold kung gusto mo ng may table o wala. So innovative!

May isang malaking Christmas tree kaming nadaanan sa unang palapag pagkapasok. Nang sipatin ko ay gawa iyon sa pinaglumaang thesis papers. Kakaiba talaga utak ng mga arki pagdating sa mga ganito!

Nasa gilid lang ang hagdan pagkadaan namin sa Christmas tree kaya nagtungo kami roon. May pangilan-ngilang mga estudyante ang kasabay namin sa pag-akyat. Nag-uusap sila tungkol kina Norman Foster, Frank Lloyd Wright, Zaha Hadid at kung sino-sino pang hindi ko kilala. Paniguradong mga architects iyon. Itong tatlo lang talaga ang kilala ko.

"Napaka-studious ng mga tao rito. Paano kaya nakapasok si Ate?" tanong ni Marge na ikinatawa naming dalawa.

"Creative kasi ate mo. Tamad lang talaga mag-aral," sagot ko.

"Ayoko mag-Archi. Halos walang tulog lagi si Ate. Hindi na rin madalas makasama sa mga outings namin dahil may pasok minsan kahit Linggo."

Napanguso ako. "Malas pala. Sigurado ako nagtampo si Ate. Mahilig pa naman gumala ang isang iyon."

"Sinabi mo pa."

Huminto kami nang makarating kami sa ikatlong silid sa kanan mula hagdan. Nakabukas ang pinto nila dahil hindi naman sila naka-air conditioner. Rinig tuloy namin ang ingay sa loob.

Halos hilahin ko rin pabalik si Marge nang sumilip siya sa loob.

"Huwag ka sumilip! Baka makita tayo," sabi ko, bahagyang nataranta dahil may ilan sa mga estudyante sa loob ang napatingin sa amin.

"Ano ka ba! Classroom ni Ate 'to. Madalas ko na siyang puntahan at gambalain dito."

Napakagat na lang ako sa labi ko at nakisilip. Hinanap agad ng mga mata ko si Dom. Naroon siya sa bandang dulo malapit sa bintana. Nasa harap siyang bahagi ng room na nakatanaw sa labas. May pasak pang earphones sa kanyang tainga habang nakapangalumbaba.

Ang gwapo!

"Yes, miss, si Monica ba?" tanong ng isang lalaking may katangkaran. Payat siya na medyo moreno.

"Hi, Kuya Jace. Yes po," sagot ni Marge. Wow, at kakilala pa talaga niya.

Mayamaya pa ay lumabas na si Ate Monica. Bigla siyang napangisi nang makita ako kasama si Marge.

"Wala akong pera," bungad niya kay Marge.

"Epal! Alam mo naman kung bakit kami nandito."

Pinaningkitan ako ni Marge ng mga mata.

"Alam ko." Tumingin siya sa 'kin. "So, you like Dom."

Tinakpan ko agad ang bibig niya nang may kaklase siyang dumaan. Tumingin iyon sa amin at ngumisi. "Snob 'yon. Huwag ka ma-fall do'n," sabi niya bago umalis.

"Nasabi na ni Abi," ani Ate Monica. "Hindi siya masyadong nakikihalubilo sa 'min maliban na lang kung may group projects."

Muli kong sinulyapan si Dom na ngayon ay may kinukuha na sa bag niya. Bigla siyang napatingin sa pinto at nagtama ang mga mata namin. Napapitlag ako sabay hila kina Marge at Ate Monica.

"Nakita niya 'kong nakatingin!" bulong ko, kinabahan sa nangyari.

"Ayos lang 'yan. Wala naman yata siyang pakialam kung titigan mo siya maghapon," sabi ni Marge.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Epal ka talaga, Bes! Bakit hindi mo na lang ako suportahan gaya dati?" Inirapan ko siya.

"Oo na. Oo na. Ito si Ate oh! Sa kanya ka magpatulong."

"Hindi na, 'no! Okay na ako sa patingin-tingin lang."

"'Di mo sure," sabay nilang sambit.

Pinagbalik-balik ko ang tingin sa kanilang dalawa bago umingit. "Ewan ko sa inyo!"

Nagmartsya na ako pababa ng hagdan at iniwan sila roon. Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong nainis. Siguro kasi iba lang ang pakiramdam ko ngayon. Ibang-iba kasi nakuha ko pang sundan siya hanggang sa bahay niya. Iba talaga ang tama ko sa kanya. Malayong-malayo sa mga nagustuhan ko dati.

Mukhang gustong-gusto ko kasi si Dom. Partida hindi ko pa siya kilala. Paano kung magkausap na kami?

Dear diary,

Mukhang inaamag ka na sa drawer kaya ginamit na kita. Gusto ko lang kasi magkwento. Ayaw naman ni bessy. Naiirita na raw sa 'kin. Sus!

Pero grabe! OMG! Hoo! Hindi ako makahinga. Nagtama ang mga mata namin kanina! Waaaah! Teka, wait, diary hihinga lang ako.

Ayan, okay na. Pero gosh! IT WAS JUST SLIGHTLY PERO NGINITIAN NIYA AKO. OMYGASH! I think I'm crazy kasi sobrang kinikilig talaga ako.

Nagkabungguan kasi kami sa hallway kanina. Hindi naman malakas pero sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Kasama ko pa si Marge kaya sobrang nataranta ako. Nag-sorry ako pero wala na akong nasabi pagkatapos. Umalis tuloy siya.

Sayang 'yon! Sayang na sayang. Unang convo pa naman sana namin kung sakali. Huhuhu! Napagalitan pa ako ni bes kasi raw hindi ko kinausap. Siya kaya ang kumausap nang malaman niya ang pakiramdam! Para akong may kausap na artista. Hoo! Hindi pa rin ako makapaniwala. I kennot!

Iyon na nga. Sinundan ko kasi maghapon si Dom sa school. Alam ko na ang room niya. Isa siyang architecture student at ayon kay Ate Abi, na sumingit sa usapan namin, isnabero daw siya. Ang cool lang!

Sinilip ko siya sa room nila. May nakapasak na earphones sa tainga niya at nakatingin sa labas ng bintana. Parang may shooting lang ng music video! Hanggwapo niya talaga!!!

Syempre umalis na kami after. Meant to be nga yata kami kasi Engineering talaga ang kukunin ko sa college. Para kaming sina Popoy at Basha. Kelegs!

Stalker,

Apol

Ps. Diary, hindi ko na lalabhan ang damit kong dumikit sa kaniya. Kyaaah!

Chapter 5

Margarette Santos

Friday

9:49 PM

 

Marge: May practice daw tayo bukas.

 

Apol: What? Sabado kaya.

 

Marge: Oo, whole day daw.

 

Apol: Umay!

 

Marge: Hahahaha! Sumali ka pa kasi. Sabi ko naman sa 'yo demanding ang dance club.

 

Apol: Katamad naman kasi kung tatambay na naman ako sa bahay next week. Tiyak na magiging busy lahat kahit mga teachers.

 

Marge: Sinabi mo pa! Pero may good news ako.

 

Apol: Ano na naman? Baka binoboka mo lang ako.

 

Marge: Hmp! Gusto mo ba malaman o hindi?

 

Apol: K. Spill it!

 

Marge: Marge sent a photo.

 

Typing...

 

Pinindot ko ang pic na sinend niya at binasa lahat ng pangalang kasali. Halos nasa dulo ang pangalan naming dalawa dahil Santos at Santiago ang apelyido namin. Pero hindi iyon ang pumukaw sa atensyon ko.

 

Agad akong nagtipa ng mensahe kay Marge. Halos mapudpod pa ang daliri ko sa bilis ng type ko.

 

Apol: FOR REAL? OMG! MARGE, I LOVE YOU NA TALAGA! KASALI RIN SIYA SA DANCE?!

 

Marge: I know right.

 

Hindi ko na ni-replyan si Marge after niyon. Nagtatalon na ako sa kama ko at pinanggigilan ang malambot kong unan. Nahiga na ako at pilit natulog.

 

Hindi na ako makapaghintay na mag-umaga!

 

PINAGDIKIT ko ang mga labi ko at ikinalat ang lip tint doon. Ngumiti ako sa salamin bago sinipat ang kabuuan ko.

 

Isang fitted black sando ang pang-itaas ko. Bago pumunta ng school para sa practice ay pinatungan ko muna iyon ng maong jacket. Naka-leggings naman ako na itim at puting rubber shoes.  Tinali ko ang buhok ko pa-ponytail para hindi ako mainitan mamaya.

 

Dahil pagpapawisan lang din naman ako mamaya ay lip tint na lang din ang nilagay ko. Hindi ko na sana planong maglagay kung hindi ko lang naalalang kasali si Dom sa dance troupe.

 

Ang San Isidro State University ay may dance troupe - ang SISU Dance Troupe. Meron ding dance troupes na by college sa tuwing may event sa loob ng campus. At ang mga kasali sa SISU Dance Troupe ay hindi pwedeng sumali roon. Madalas ay ginagawa lang kaming judges sa mga patimpalak.

 

Open ang aming dance troupe high school student ka man o college. Kami ang representatives ng school kaya kailangan iyon. Lalo na kami ni Marge na rito sa school din magka-college.

 

Sinigurado kong naka-lock ang apartment ko bago umalis. Nag-jogging ako papunta para mag-warm up - isa sa mga sinasanay naming mga myembro. Paniguradong puspusan ang magiging practice namin lalo na at may mga bago. Kailangan naming maging magandang halimbawa.

 

Pagdating sa practice room ay ibinaba ko na ang itim kong backpack kasama ng mga bags nila. Napaaga yata ako dahil kami pa lang ni Janine ang narito, ang leader namin.

 

"Aga natin ah, Bebe Apol?" sabi niya sa'kin. Bebe halos lahat ang tawag niya sa mga myembro.

 

"Maaga ako nagising kaya dumeretso na 'ko rito," pagdadahilan ko. May katotohanan naman sa sinabi ko.

 

"Truelalu ba? Balita ko eh may gusto ka sa isa sa mga new members natin eh." Itinaas-baba pa niya ang mga kilay sa dereksyon ko.

 

Inirapan ko siya nang pabiro. "Alam mo naman pala, nagtanong ka pa," sabi ko.

 

Tinawanan niya lang ako. "Hala sige! Basta practice kung practice ah? Bawal lutang kundi eh may kurot sa singit."

 

Tumawa rin ako sa sinabi niya. "Oo naman 'no! Ipagpapalit ko ba naman ang dance troupe?"

 

"'Nak ka ng! Ganyan dapat."

 

Muli kaming nagtawanan at nagsimulang mag-stretching. Unti-unting nagdatingan ang mga kasamahan namin. Panay rin ang sulyap ko sa pinto, inaabangan ang pagdating niya. Halos mabali na nga ang leeg ko kasusulyap.

 

Ayon kay Janine ay nasa lima ang mga bagong myembro. Tatlong high school freshman at dalawang college students. Paniguradong isa si Dom doon sa college.

 

Napaiwas ako agad sa pinto nang dumating siya. Nakita ko pa ang malawak na ngisi ni Janine nang sundan niya ang tinitingnan ko kanina.

 

"Dom! Nandito ka! Akala ko hindi mo tatanggapin ang invitation ko eh," bati ni Janine. So, siya pala ang nag-aya kay Dom. Mukhang close sila ah?

 

Hindi ko narinig ang sinabi ni Dom pero nakita kong bumukas ang bibig niya na ikinatawa ng kausap. Napairap na lang tuloy ako.

 

"Bes!" At itong best friend ko ay kararating lang.

 

"Late ka na! Sabi mo before seven nandito ka na," nagtatampong sambit ko, bahagyang nakanguso sa dereksyon niya.

 

Binigyan niya naman ako ng isang mabilis na yakap. "Nasiraan si Ate ng sasakyan. Nakisabay lang kasi ako."

 

"Dapat tinakbo mo na," sabi ko.

 

Pinanlakihan niya ako ng mga mata. "Ikaw tumakbo mula sa 'min hanggang dito! Kapag hindi lumuwa mata mo ewan ko na lang sa 'yo!"

 

Nagtawanan kami bago niya ibinaba ang bag niya.

 

"Hi, Apol!" Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Ate Monica, ang ate ni Marge, na kapapasok lang sa practice room namin.

 

"Ate Monica! Ano'ng ginagawa mo rito?" tanong ko sabay beso sa kanya.

 

Kumunot ang noo niyang binalingan si Marge. "Hindi mo ba sinabi, Marge?"

 

"Hindi. Hindi naman siya nagtanong," ani Marge.

 

Sinamaan ko siya ng tingin. "Kapag hindi tinanong hindi na ipapaalam?" tanong ko.

 

"Syempre. Malay ko bang interesado ka," sabi niya, natatawa pa.

 

Binaling ko na lang ang atensyon kay Ate Monica dahil wala siyang kwenta kausap. "So, ikaw pala ang isa pang bagong college student. Daming time ah?"

 

Natawa siya. "Need ko ng incentives. Hindi kasi ako nakapasok sa org ng CAFA kaya ito ako. Para na rin nagagawa ko ang isa ko pang hobby."

 

Napanguso ako. "Sana all talented, Ate."

 

Pare-pareho kaming mga naka-leggings, mostly sa mga babae ay ganoon o hindi kaya naman ay shorts. Ang pang-itaas naman nila ay maluwag na puting t-shirt gaya ni Janine.

 

Tinulungan ko silang mag-warm up. Panaka-naka rin ang tingin ko kay Dom habang nag-wawarm up siya. Naka-itim siyang plain t-shirt at shorts na hanggang tuhod. Puting sapatos din ang pang-paa niya gaya sa 'kin.

 

Nagsimula na kaming mag-practice nang makumpleto kami. Halos nasa bente rin ang bilang namin. Hindi naman nahirapan si Ken, ang choreographer namin, dahil mabilis naming nakukuha ang mga steps.

 

May salamin sa harap namin na sakop ang isang side ng practice room kaya madali kong nakikita si Dom. Halos hindi ko na nga tinitingnan ang sariling galaw ko dahil sa kanya lang nakatuon ang atensyon ko. Habang siya naman ay seryoso lang na nakatingin sa repleksyon niya sa salamin.

 

Ang gwapo!

 

Gaya ng halos lahat sa 'min ay matigas ang katawan niya. Matigas in a way na ang galing niya mag-lockings. Mas magaling pa siya sa choreo namin!

 

Hindi ako bias. Magaling lang talaga ako mangilatis ng magaling o hindi sumayaw. At ang nakikita ko, mas magaling siya sa kahit sino sa amin dito. Bakit kaya ngayon lang siya sumali?

 

Napaiwas ako ng tingin nang tumingin siya sa 'kin sa salamin. Kumunot pa ang noo ko dahil sa pag-iwas ko. Bakit ako iiwas? Hindi naman yata siya sa 'kin nakatingin. Malay ko ba kung kay Cass pala siya nakatingin!

 

"Apol, paano 'yung ganitong step?" tanong ni Cass.

 

Itinuro ko naman iyon sa kanya hanggang sa matutunan niya.

 

"Salamat! Myghad! Kailangan ko na magbatak ng buto."

 

Nagtawanan kaming dalawa. Nawala lang iyon nang makita kong nakatingin siya sa dereksyon namin. This time, hindi ako umiwas. Tiningnan ko kung sa 'kin ba talaga siya nakatingin pero siya naman iyong umiwas. Hindi ko na tuloy alam kung sino talaga ang tinitingnan niya.

 

Assuming na ba ako kapag feel ko ako talaga iyon?

Chapter 6

Dear diary,

 

One of the best days of my life!

 

Buong araw ko siyang nakita, napagmasdan at napagnasahan. Charot! Ang galing niya rin palang sumayaw. Kahit na seryoso lang siya buong practice namin ay hindi pa rin nakaapekto sa gandang lalaki niya.

 

Naiinggit ako sa black t-shirt niya kanina na kumakapit sa pawisan niyang katawan! Hoo!

 

Nagtatama minsan ang mga mata namin pero baka kasi guni-guni ko lang. Wala kasi siyang kinakausap sa club maliban sa president naming si Janine. Selos tuloy ako!

 

Pero ayos na ako kahit na napagmamasdan ko lang siya. Sana, may mag-improve sa relasyon namin. Kahit friends lang.

 

Umaasa,

Apol

NANG MAKAUWI, nag-shower agad ako. Napakalagkit sa pakiramdam! Parang galing ako sa gyera dahil ang dungis at ang oily ng mukha ko. Natanggal na rin pati ang lip tint ko. Kailangan kong magpalit ng brand. Hindi pangmatagalan 'to eh.

 

Nagpalit ako ng pajama at nagpatuyo ng buhok. Tiningnan ko naman ang phone ko na nakapatong sa study table ko nang makitang may mensahe galing kay Marge.

 

Margarette Santos

Saturday

10:45 PM

 

Marge: Kota ka kanina, a? Kaunti na lang tunaw na.

 

Natawa ako sa sinabi niya bago nagtipa.

 

Apol: Ganoon talaga! Yummy, 'no?

 

Marge: Loka! Pagnasahan daw ba.

 

Apol: Wala naman nakakaalam. Ikaw lang at sina Ate. Hahaha! Hindi mo naman ako ibubunyag, 'di ba?

 

Marge: Sino may sabi?

 

Apol: Gago ka, Marge!

 

Marge: Joke lang! HAHAHA!

 

Marge: Good luck nga pala bukas, may practice sa hapon. Nakaisip ka na steps?

 

Apol: Wala pa. Bukas na ng umaga after mass.

 

Marge: Lul! After mass, my butt!

 

Apol: Oo nga! Hahaha. Birthday ni Mama, 'di ba? Pupuntahan ko sila sa bahay.

 

Marge: Ay oo nga. Gaga, sama ko!

 

Apol: Sige, gaga!

 

May practice na naman kami bukas ng hapon. Pinag-isip kami ni Janine ng steps para collaborative ang mangyayari. Kahit may choreographer kami ay hindi dahilan iyon. Member lang din naman namin si Ken. Hindi pwedeng salo niya lahat ng sasayawin namin. Mas maganda rin iyong galing sa aming mga members.

 

Hindi ko na tinext si Mama na uuwi ako dahil gusto ko siya i-surprise. Hindi ko alam kung magagawa ko pero sinasabi naman niya kung saan siya nagpupunta kaya pwede namin siyang gulatin ni Marge. Huwag lang talagang manlalaglag 'tong kaibigan ko eh.

 

Lumabas ako ng apartment para kunin ang sampay ko nang mapatalon ako sa kinatatayuan ko.

 

It's here... again!

 

Dali-dali akong pumasok sa apartment at kinandado ang pinto. Bukas ko na kukunin ang sampay ko! Pero huwag sanang umulan.

 

Kinandado ko pati ang pinto ng kwarto ko. Agad akong tumalon sa kama at nagtalukbong. Nakadapa ako habang nadadaganan ko ang dalawang binti ko. Nasa ganoong pwesto ako nang mapagpasyahan kong kunin ang diary ko.

 

Dear diary,

 

Hindi ako makatulog! Huhuhu. Nandoon na naman 'yong manika sa doorsteps ko, diary. Kinikilabutan ako! I kennot! Huhuhu. Hindi ko na alam gagawin ko. Nandoon siya sa mini garden ng apartment ko at nakaupo. Ayoko na! Sana panaginip lang 'to.

 

Creepy night,

Apol

 

KINABUKASAN ay mabilis akong nag-ayos. Malayo ang bahay namin sa apartment ko kaya kailangan maaga ako. Alas syete ang umpisa ng misa na dadaluhan ni Mama kaya kailangan mauna kami sa kanya.

 

Agad akong nag-message kay Marge nang maalala ang nangyari kagabi.

 

Margarette Santos

Sunday

5:34 AM

 

Apol: Bes, ayoko na! The doll is back.

 

Marge: What? Anong doll?

 

Apol: Iyong manika na kinuwento ko noon sa 'yo. Iyong dahilan kaya ka nagalit! Ang creepy.

 

Marge: Really? Baka may nananakot sa 'yo?

 

Apol: Kapag nakita ko siya, I'll kill him!

 

Marge: Nandiyan pa ba?

 

Apol: Natatakot kong i-check!

 

Marge: Check mo na, gaga!

 

Apol: Okay wait!

 

Huminga pa ako nang malalim bago buksan ang pinto. Halos tumigil nga yata ang tibok ng puso ko. Parang may bumara sa lalamunan ko at hindi ako makahinga.

 

Typing...

 

Apol: It's gone...

 

Marge: Baka naman napanaginipan mo lang?

 

Apol: Hindi. Nakasulat sa diary ko. Ibig sabihin, totoong nangyari.

 

Marge: Malay mo nag-sleep walk ka tapos nagsulat.

 

Apol: Loka!

 

Marge: Ge na, mag-aayos na ako. Hayaan mo na iyan. Pinagtitripan ka lang for sure.

 

Apol: Sana nga. See you later.

 

Kahit ganoon ang sinabi niya ay hindi ko pa rin magawang hayaan. Ilang ulit na 'to. Kung pinagti-tripan ako nito ay hindi na nakakatuwa. Pwede ko na kasuhan ang gumagawa nito. Pero paano ko gagawin 'yon? Hindi ko alam kung sino at kung bakit niya 'to ginagawa.

 

Kung isang beses ay mapapalampas ko pa. Pero ilang gabi na akong hindi makatulog nang ayos dahil dito. Masyado nang nagagambala ang personal space ko.

 

Sana talaga tumigil na siya.

Chapter 7

MATAPOS ang misa ay dumeretso kami nina Mama at Papa sa isang karinderya para kumain. Kasama namin si Marge na hindi maubusan ng kwento. Napapailing na lang si Papa habang magkakwentuhan kaming dalawa.

Naka-dress kaming tatlo nina Mama. Para kaming watawat ng Pilipinas dahil naka-asul ako, pula ang kay Mama habang puti naman ang kay Marge. Buti at hindi nagkulay dilaw na polo si Papa, kung hindi ay watawat na watawat talaga kami tingnan.

"Kumusta naman ang school mo?" tanong ni Papa.

Nilingon ko siya at nginitian. "Okay naman, 'Pa! Mababait naman ang mga kaklase ko at nagkaka-isa."

Tumango-tango siya. "Mabuti naman kung ganoon."

Nginitian ko siya nang malawak para makita niyang nagsasabi ako ng totoo. Wala talaga akong magagawa sa pagiging protective nila sa akin. Kahit na sabihin kong ayos lang ako, mag-aalala pa rin sila. Normal na siguro talaga iyan sa mga magulang.

Kahit sa harap ng hapag ay dumadaldal pa rin si Marge. Tumatango naman si Mama habang malawak ang mga ngiti. Kulang na lang ay magselos ako dahil mukhang sila pa ang mag-ina.

"May nanti-trip nga po rito kay Apol eh," ani Marge.

Nabilaukan naman ako dahil sa sinabi niya. Halos pandilatan ko pa siya kung hindi lang agad nagtanong si Papa.

"Nanti-trip? Ano naman ang ginagawa?" tanong ni Papa, mukhang naagaw rin ang atensyon niya.

"May nag-iiwan po kasi ng manika sa harap ng apartment niya. Hindi na nga po halos siya makatulog tuwing gabi."

Hindi talaga makuha sa tingin ang babaitang 'to! Ayoko na sana ipaalam kina Mama pero ito siya, hindi na naman matigil ang bibig. Mag-aalala lang sila sa 'kin lalo!

"Gusto mo bang ipaalam ito sa mga pulis?" tanong ni Papa. May kaibigan siyang pulis na ninong ko. Pero ayoko sanang umabot sa ganoon.

"Hindi na po, Papa! Baka nga guni-guni ko lang iyon," sabi ko habang masama pa rin ang tingin kay Marge.

At ang isang 'to, nakuha pa talaga akong ngisian!

"Kapag hindi pa tumigil 'yan, sabihin mo agad sa 'min ng papa mo. Alam mo namang hindi kami mapapakali, 'di ba?" tanong ni Mama. Hinawakan niya ang kamay kong nasa ibabaw ng mesa. "Mag-isa ka pa naman sa apartment mo."

Nginitian ko si Mama. "Oo naman po, 'Ma. Ayos lang po talaga ako. Huwag kayong mag-alala ni Papa."

Matapos niyon ay naiba na ang usapan. Nakahinga na ako nang maluwag dahil doon.

Bata pa lang ako ay tampulan na talaga ako ng tukso. Na-bully ako dahil sinungaling daw ako, magnanakaw at kung ano-ano pa.

Mahirap lang kasi kami noon. Huli laging magbayad si Mama ng tuition ko dahil kinukulang ang kita niya sa pagtitinda sa palengke. Hindi ko alam kung paano nakararating sa mga kaklase ko ang tungkol doon dahil sa kanila ko pa unang nalalaman. At ang isa pang ipinagtataka ko ay kung ano ang pakialam nila sa estado ng buhay namin.

Hanggang ngayon ay wala pa ring kasagutan sa mga tanong ko na iyon. Hanggang ngayon ay hindi ko alam kung bakit ako ang ginaganoon nila dati. Pero ipinagkikibit-balikat ko na lang.

Malaki na ako. Nakaahon na kami sa kahirapan ngayong high school na ako. Sa public school ko naisipang mag-aral para mabawasan ang mga gastusin ni Mama. Nakahanap na rin ng permanenteng trabaho si Papa kaya sobrang laking tulong niyon. Nabibili na nila Mama at Papa ang mga gusto nilang makuha. Hindi na puro sa akin napupunta ang kita nila. Iyon lang naman ang gusto ko.

NAKARATING agad kami ni Marge sa practice room matapos namin kumain nina Mama. Sinabi ko sa kanila na may practice kami ng tanghali hanggang gabi kaya hindi na nila kami masyadong inabala. Binilhan na lang namin siya ng bagong pulang dress para sa birthday niya at nangakong sa bahay magbabakasyon.

Halos narito na ang lahat. Pati si Dom ay nadatnan naming nag-wawarm up na. Unlike kahapon, naka-sando na lang siya at shorts na hanggang tuhod. Naka-puting rubber shoes siya na iba sa suot niya kahapon. Mukhang mahilig ang isang ito sa mga sapatos.

Nang magsimula kami ay nag-brainstorm agad kami ng mga steps. Natapat namang ako na nang biglang umapila si Dom na ikinakaba ko.

"What about this one?" suhestiyon niya bago mag-lockings sa harap namin.

"That's good as well. Okay lang ba sa'yo, Apol?" tanong ni Janine.

Tumango naman ako. "Sure, it's fine."

Ayos lang naman talaga. Kung iyon ang ikagaganda ng sayaw namin ay go lang ako. Pero nang maulit na naman iyon nang ilang beses ay medyo nakaramdam na ako ng pagpitik sa sentido ko.

"I think it's better kung nakahawak na lang ang kamay sa beywang kaysa nakalaylay lang. Para kasi tayong zombies," aniya sa isang suhestiyon ko na naman.

Bumuntong-hininga ako. "Bakit hindi na lang ikaw ang gumawa ng steps tutal ay puro ikaw naman ang nasusunod?" litanya ko, hindi na napigilan ang pagka-irita ko.

Tumaas ang kilay ni Dom. "I'm just suggesting kung ano sa tingin ko ang magiging mas comfortable sa ating lahat."

Bago pa ako makasagot ay hinawakan na ako ni Marge sa braso ko para pigilan.

Kinagat ko na lang ang ibabang labi ko sabay iwas ng tingin.

May mga freshman, Apol, chill. Hindi maganda kung paiiralin mo ang init ng ulo.

"Chill, guys! Break muna tayo para makapagpahinga tayong lahat. What do you think?" tanong ni Ken.

Sumang-ayon naman ang lahat at nagkanya-kanyang labas para magpahangin. Ganoon din ang ginawa ko. Hindi naman umangal si Janine. Basta ay babalik kami after fifteen minutes.

Inabutan ako ni Marge ng inumin na tinungga ko naman.

"Palamig ka muna. Kanina ka pa kasi pagod. Huwag mo na pansinin," aniya.

Hindi ako nagsalita. Sa mga ganitong pagkakataon ay hangga't maaari, ayokong magsalita. Baka kasi kung ano ang masabi ko. Ayoko namang pagsisihan mamaya. Titiisin ko na lang ang inis sa loob ko.

Hanggang sa matapos ang practice namin ay gigil pa rin ako sa kanya. Sinusungitan na kasi niya ako at siya pa ang may ganang gawin iyon! Siya na nga ang may kasalanan tapos ganito? Lakas ng apog!

Buong practice namin ay nakakunot lang ang noo ko. Walang nagtangkang kausapin o inisin ako kung hindi ang lalaking iyon lang.

Bwisit!

Anne Paula Santiago

2 minutes ago ⯆

Kagigil! Argh!

Monica Santos and 26 others.

Like | Comment | Share

Margarette Santos Chill lang, bes. Move on na. Marami pa riyan sa tabi-tabi. HAHAHA!

Like • Reply • 1 minute ago

Anne Paula Santiago Trigerred ako, bes!

Margarette Santos Ganiyan talaga. Isipin mo na lang nagpapapansin sa 'yo.

Anne Paula Santiago Papansin, my face!

Ibinalibag ko ang phone sa kama pagkarating ko sa apartment. Medyo nagtagal ako sa banyo para mawala ang stress ko. Magkakaroon pa ako kaya ganito na lang ang init ng ulo ko. Pati ang hawakan ng shower ay muntik ko pang masira dahil sa panggigigil nang walang tubig na lumabas.

Bakit hindi umaayon sa akin ang mga bagay-bagay ngayon? Nakakapang-init ng ulo!

Margarette Santos

Sunday

9:51 PM

Marge:

Tulog na. Let it go!

Apol:

Kainis kasi, bes. Nagsuggest na nga ako ng mga steps para makatulong tapos hindi naman sinali!

Marge:

Magkaiba kasi kayo taste ng music.

Apol:

Kahit na! Hindi niya ba kayang mag-adjust? Sinusunod ko naman steps niya kahit ayoko!

Marge:

Baka nga nagpapapansin sa 'yo.

Apol:

Well, hindi ko gusto ang pagpapapansin niya. Better luck next time.

Marge:

Natutuwa nga raw si ate sa inyo habang nanonood ng practice.

Apol:

Anong nakakatuwa roon?!

Marge:

Ikaw pa lang daw kasi ang pinansin niya nang ganoon. Kahit na hindi maganda ang impression sa 'yo.

Apol:

Kung ganoon, no thanks. Hindi ko na lang siya kakausapin. Mas maganda lang siyang titigan!

Marge:

Bahala ka. HAHAHA. Gigil ka kasi agad.

Apol:

Ge, good night na.

Marge:

Sige na girl moody. Good night!

Chapter 8

KINABUKASAN ay medyo ayos na ang pakiramdam ko. Huwag na lang talaga ako ilalapit sa nakakabwisit na mga bagay ay wala akong magiging problema. Huwag ko lang talaga siya makakausap!

At pinakinggan nga ang panalangin ko. Hindi ko siya nakita ngayon sa canteen. Hindi naman sa hinihintay ko, pero nasanay na kasi akong dito siya nagla-lunch.

"Mukhang may hinihintay ah?" ani Marge, malawak ang ngisi sa dereksyon ko.

"Hindi 'no! Bakit ko naman siya hihintayin?" Itinuon ko ang atensyon sa pagkain ko.

"Oh, talaga? Wala naman akong sinabi kung sino pero parang alam mo na agad kung sino ang tinutukoy ko?"

Mas lalo akong napikon nang tinaas-baba niya ang kilay niya. "Asa! Wala rin akong tinutukoy!"

"Sabi mo eh."

Suminghal ako. Gusto kong maasar kay Marge, naaasar naman talaga ako, pero tama naman kasi siya. Hindi ko na iyon ipagkakaila pa. Mayroon pa ring parte sa loob ko na inaabangan siya.

Natapos ang lunch time namin nang hindi ko siya nakita. Magkahalong panghihinayang at tuwa ang naramdaman ko.

Bumuntong-hininga ako.

"Ngayon mo sabihing wala kang hinihintay," sabi ni Marge.

"Oo na! Akala ko kasi rito siya kakain." Napanguso ako.

"Ayaw pa kasing aminin."

"Inamin ko na nga, 'di ba?" Inirapan ko pa siya matapos iyon sabihin.

Tumawa lang siya hanggang sa makabalik kami sa room.

Sumalampak ako sa upuan pagkarating na pagkarating namin sa room. Nagpangalumbaba ako sa mesa.

Sobrang ingay ng classroom namin kaya mas lalo akong nainis. Kinuha ko na lang ang earphones ko sa bag at saka nakinig sa kanta. Kaysa naman mga bunganga ng mga kaklase ko ang marinig ko.

NANG MATAPOS ang klase namin sa maghapon ay napaungol na lang ako sa tuwa. Gustong-gusto ko na humilata sa kama ko!

"Class rep.? Pakidala naman ito sa office. Pakisabi kay Sir Mendez na kailangan itong mapirmahan as soon as possible, okay?" utos ni Ma'am Quevas sa 'kin.

"Okay po, Ma'am." Hindi ko na naitago pa ang pagkadismaya sa boses ko.

Ang layo kaya ng Architecture building!

Kinuha ko na ang mga notebooks namin at lumabas.

Nagpaalam na sa 'kin si Marge dahil may lakad pa siya. Busy ang lola niyo sa business niyang hand-painted na cycling shoes. Mukhang may delivery siya ngayon. Kahit hindi siya magaling mag-drawing gaya ni Ate Monica, magaling siya mag-paint. Ewan ko ba sa kanya kung bakit hindi siya mag-aarts sa college. At wala akong ideya kung ano ang kukunin niya.

Habang naglalakad sa hallway ng Architecture building ay hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa mga estudyante. Lalo na nang maglabasan ang ilan sa kanila sa isang room, nagbabaka sakaling makikita ko siya rito.

Pero mukhang hindi iyon ang klase niya. Baka nasa second floor sila ngayon. Hindi ko naman kasi naitanong kay Marge. Baka gisahin na naman niya ako kapag nagkataon.

Nakatingin ako sa mga naglabasang estudyante kaya naman hindi ko namalayang may makakasalubong ako.

Napatingin agad ako nang may humablot ng mga hawak ko. Halos lima na lang natira sa 'kin.

Napaangat ang tingin ko dahil sa ginawa niya. "Dom?"

Bahagya siyang ngumiti. Saglit pa kaming nagkatitigan at sabay na napaiwas ng tingin.

"Saan mo ba 'to dadalhin?" tanong niya.

"Kay Sir Mendez."

"Samahan na kita."

Agad akong umiling. "Hindi na! Kaya ko na." Sinubukan kong kunin ang mga hawak niya pero iniwas niya lang iyon.

"Okay lang. Uwian na naman namin. Tulungan na kitang dalhin."

Wala na akong nagawa nang magsimula siyang umakyat sa hagdan. Bahagya akong nahuhuli kaya napapatingin siya sa dereksyon ko pero wala namang sinasabi.

Hindi ko alam kung kikiligin ako o ano. Parang kahapon lang ay ang sungit niya. Tapos ganito? Hays! Sana huwag na siyang magbago. Sana ganito na lang siya kabait! Ayoko na makita ulit iyong nakakapikon na Dom!

Dear diary,

Nakakaloka siya, diary. Parang kailan lang ay ang harsh niya sa 'kin. Nakakabigla tuloy na tinulungan niya ako kanina after school.

Nautusan kasi ako ng teacher naming dalhin ang mga notebooks ng mga kaklase ko para ma-check ang assignments namin. Syempre, walang tumulong sa 'kin na kaklase ko kasi uwing-uwi na sila. Wala, e, representative. Pabibo kasi ako.

Akala ko matutulungan ako ni Marge pero, well, kailangan niyang umuwi nang maaga. Sakto nga kasi lagi naman kaming sabay umuwi kahit na may trabaho sa school ang isa sa 'min.

Habang nasa hallway papuntang Archi building, may kumuha ng librong hawak ko. Ang manly niya, diary!

Halos kinuha niya lahat ng notebook kaya lima na lang yata ang napunta sa 'kin. Sa loob ko, KILIG AKO! SI DOM IYAN, O! CRUSH KO 'YAN, NASA TABI KO. ANG SWEET NAMIN SHET!

After niyon, nagpasalamat ako tapos umalis na siya after tumango. Nang mawala siya sa paningin ko, talon ako nang talon sa harap ng faculty. Napagalitan pa tuloy ako.

Baka nga magpapapansin siya kaya niya ginawa sa 'kin 'yon kahapon. SHET, HABA NG HAIR KO!

Assuming,

Apol

Kinuha ko ang phone ko at nag-message kay Marge. Pinaalam ko agad ang nangyari. Syempre, best friend ko iyan. Dapat updated siya sa lovelife ko.

Anne Paula Santiago

10 minutes ago

Ano ka ngayon, Rapunzel? Kabog pa kita. WAHAHAHAHA!

Yuan Dimalanta and 46 others.

Like | Comment | Share

Margarette Santos Uyyy! Nawala lang saglit sa paningin ko, kumerengkeng na.

Anne Paula Santiago Gaga! HAHAHA. Huwag ka nga. KINIKILIG AKO!

Margarette Santos Halata nga. All caps!

Anne Paula Santiago Lakampaki!

Monica Santos ♡

Anne Paula Santiago Hi, ate Monica Santos!

Monica Santos Lakad kita, you want? Haha! Cute niyo.

Anne Paula Santiago Naku, ate! No. Nakakahiya po. Okay na ako sa sulyap lang.

Monica Santos Sure! Good luck. Fighting!

Chapter 9

Dear diary,

Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko, diary. Ang hirap niya kasing basahin. Isang beses mabait, gentleman at approachable. Pero kanina, hindi man lang ako tinapunan ng tingin.

Sure akong nakita niya ako, tapos hindi na niya ulit ako tiningnan. Hindi ako assuming, diary!

Nagtataka tuloy ako. What if sundan ko siya sa Monday? Yie. KINAKABAHAN AKO!

Malay mo pabebe lang. Kaya mo iyan. Push, Apol!

Stalker,

Apol

HALOS DALAWANG oras yata akong nakatitig sa kisame ng kwarto ko. Nakahiga lang ako at wala pang balak na bumangon. Ang boring pala talaga kapag walang practice tuwing Sabado. Marami kasi ang hindi available, pati si Ken, kaya cancelled ang practice. Babawi na lang daw kami sa Monday. Ayoko na isipin kung paano babawi dahil paniguradong bugbugan na naman.

Wala naman kaming school work na pwede kong gawin. Naisip kong mag-advance study pero isipin ko pa lang, tamad na tamad na ako. Mas gusto ko pa na walang gawin kaysa magbasa!

Kinuha ko na lang ang cellphone ko at nagsimulang magtipa.

Margarette Santos

Saturday

9:56 AM

Apol:

Bes, may plano ako.

Tutal, alam niya lahat ng ginagawa ko, sasabihin ko na sa kanya. Kailangan ko ng support mula sa kaniya, hindi lang moral support.

Margarette Santos

10:00 AM

Marge:

Ano na namang kalokohan ang nasa isip mo?

Apol:

Grabe, kalokohan agad?

Marge:

I know you.

Apol:

K. Fine! Sabihin na nating kalokohan nga pero kasi curious ako kung bakit ang sungit niya.

Marge:

Si Dom? Baka mahiyain lang talaga. Ano bang balak mo gawin?

Apol:

Susundan ko siya pag-uwi!

Marge:

I knew it.

Apol:

What do you mean by that? Parang may ibang meaning, a?

Marge:

Walang ibang meaning. Naloloka ka na talaga!

Apol:

Gusto ko lang malaman kung saan siya nakatira!

Marge:

At ano ang kinalaman niyon sa pagkamasungit niya?

Apol:

Nothing.

Marge:

Baliw ka na talaga.

Apol:

Samahan mo 'ko, bes!

Apol:

Bes.

Apol:

Uyy!

Margarette Santos

active 1 minute ago.

Apol:

Ang sama mo!

Napaingit na lang ako nang hindi na talaga siya nag-reply. Naihagis ko na lang ang phone ko sa kama at saka nagtalukbong sa kumot.

Ang sabi niya ay susuportahan niya ako sa lovelife ko pero ito siya at hindi ako pinapansin. Nakapagtatampo tuloy!

Kabaliwan bang maituturing ang pagsunod sa isang lalaki? Aalamin ko lang naman kung saan siya nakatira.

Isa pa, walang nakakaalam ng bahay niya kung hindi ang adviser nila. Kahit si Ate Monica na naging partner ni Dom sa isang plates nila ay hindi nalaman. Ako pa kaya na walang koneksyon na kahit ano sa kanya?

Kapag nalaman ko kung saan siya nakatira, titigil na ako sa pagsunod sa kanya. Tititigan ko na lang siya mula sa malayo gaya ng ginagawa ko.

 

NAGTAGO AKO sa likod ng isang puno nang huminto siya sa paglalakad.

 

Inayos ko ang pagkakatakip ng scarf sa bibig ko at pinantay ang sunglasses sa mga mata ko. Kahit hindi maaraw ay nagsuot ako ng ganito. Sa mga napapanood ko sa TV, dapat ganito ang suotin. Para kung mapatingin man siya sa 'kin ay hindi niya agad ako makikilala. Naka-school uniform pa naman ako. Wala na kasi akong time magpalit kanina dahil baka hindi ko siya maabutan.

 

Akala ko ay naramdaman niya ang presensiya ko pero mukhang hindi naman pala. Mukhang may nakita lang siya sa dinaraanan niya dahil sa pagyuko niya.

 

Napatingin ako sa paligid. Walang masyadong bahay. Mas marami ang nagtataasang damo at puno kaysa mga buildings. Sa hindi kalayuan ay may natatanaw akong kabukiran at ilang mga hayop pangsaka. Wala ring ibang tao kung hindi kami lang. Bigla akong nanlamig.

 

Makakahinga na dapat ako nang maluwag dahil hindi niya ako napansin. Pero tumigil yata ang tibok ng puso ko dahil sa nakita.

 

Saktong-saktong pagtingin ko sa kaniya ay bigla siyang yumuko... hindi. Hindi siya yumuko.

 

Kinusot ko pa ang mga mata ko sa likod ng salamin para makita nang maayos. Tinanggal ko pa iyon sa mga mata ko para makumpirma kung ano ang nasa harapan ko.

 

Please, tell me this isn't true?

 

Dear diary,

 

Please wake me up. I think I'm dreaming. Hindi ko alam kung nilinlang ako ng paningin ko pero kasi...

 

Hindi ako makapaniwalang nakita ko iyon. Nagsisi tuloy ako na sinundan ko siya.

 

I think I can't sleep tonight. Hindi matanggal sa isip ko ang mga nangyari kanina.

 

Napahinto siya sa paglalakad. Akala ko alam niyang sinusundan ko siya. Pero hindi...

 

Diary, lumiit siya bigla. Akala ko nakakita na ako ng magic na sa TV ko lang napapanood. Pero nakita ko iyon gamit mismo ang dalawa kong mga mata.

 

He turned into a doll.

 

Iyong manikang lagi kong nakikita sa harap ng apartment ko.

 

I want to wake up now, diary. Please, do the honor and smack me awake.

 

Insane,

Apol

 

NAPADILAT AKO nang tumama ang sinag ng araw sa mga mata ko. Naiharang ko na lang ang braso ko para sanggahin iyon.

 

Umaga na ba?

 

Napaungol pa ako dahil mukhang may sakit ako. Hirap akong dumilat at para akong lumulutang. Nang subukan kong umupo ay napahiga lang din ako agad dahil sa panghihina.

 

Kinuha ko ang phone at tiningnan kung anong oras na. Napapikit na lang ako dahil magtatanghalian na. Ni hindi ko man lang narinig ang alarm ko.

 

Pinindot ko ang mensahe galing kay Marge.

 

Margarette Santos

Monday 6:34 AM

 

Marge:

Bes, may quiz kay Sir Nap. Where na you?

 

7:54 AM

 

Marge:

Babaita, bakit hindi ka pumasok?

 

Marge:

Bes, okay ka lang? Huwag mo kong pagtripan, please! Kinakabahan ako sa 'yo, e.

 

8:54 AM

 

Marge:

Ayaw akong i-excuse ni ma'am at ayaw ako palabasin ng guard. Nag-aalala na ako sa 'yo!

 

12:05 PM

 

Calling Apol Santiago...

The subscriber can not be reached...

 

Marge:

Answer my call now, please. I'm super worried.

 

Calling Apol Santiago...

The subscriber can not be reached...

 

Marge:

Fuck, Apol.

 

Napapikit na lang ako nang tila may bultahe ng kuryenteng gumuhit sa sentido ko. Muli akong napasalampak sa kama at inilayo ang phone ko. Hindi ko namalayang nakatulog na naman pala ako.

Chapter 10

MAS UMAYOS na ang pakiramdam ko pagkagising pero kumulo naman ang tiyan ko. Tumayo ako sa kama para sana makapagluto ako kahit lugaw lang. Pero pagkalabas ko sa kwarto ko ay kumunot agad ang noo ko.

 

"Gising ka na. Nakapagluto na ako ng lugaw. Bumalik ka na sa loob ng kwarto mo," sabi ni Marge, suot ang apron ko habang may hinahalo sa kaldero.

 

"Paano ka nakapasok?" tanong ko.

 

"Nasa akin kaya ang spare key mo!" bulalas niya.

 

"Dapat hindi ka na nag-abala pa. Anong oras na oh!" Tiningnan ko pa ang nakasabit na relo sa pader ng sala.

 

Natawa siya sa sinabi ko. "Ano ka ba, Apol! Maliit na bagay. Nag-text ako kay Mama na rito ako magpapalipas ng gabi dahil may sakit ka."

 

"Pati si Tita pinag-aalala mo pa," sabi ko. Imbis na pumasok sa kwarto ay naupo ako sa hapag.

 

Pinaglaruan ko ang phone niya at nabasa ang convo nila ng mama niya.

 

Mom

7:25 PM

 

Marge:

Hi, Mom. Nagstay ako sa apartment ni Apol ngayon. She's not well po kasi.

 

Mommy:

It's okay. Ayos lang ba si Apol? I'll send you some food there. Take care, baby.

"Magdadala pala si Tita ng food, nasaan na?" tanong ko, medyo inaasar siya.

 

"Magtiis ka muna sa luto ko!" bulalas niya. Napapapikit pa ako dahil parang umuugong ang boses niya sa tainga ko.

 

"Miss ko na luto ni Tita, eh," sabi ko.

 

Napatingin siya sa 'kin nang hindi ako bumalik sa kwarto ko. "Apol, huwag makulit. Dadalhin ko na lang sa kwarto mo 'tong pagkain."

 

Napanguso ako. "Madudumihan ang kama ko. Dito na lang ako kakain."

 

Umiling na lang siya sa sinabi ko. "Magpahinga ka na lang muna at ako na magsasabi sa mga teachers."

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa pagbabasa. Baka sakaling may mabasa akong convo niya at ng isang lalaki.

 

Marge:

Thanks, Mom. She's fine now. Hindi niya pa rin sinasabi kung bakit hindi siya pumasok. Wala naman siyang sakit.

 

Mommy:

She must be stressed. Stay with her until she's okay. I'll send your kuya tomorrow to take care of her para makapasok ka.

 

Marge:

I will, Mom. I'll contact kuya na rin.

 

Mommy:

Okay. Tell Apol that everything will be fine and take care.

 

Marge:

Sure. Bye, Mom. I love you.

 

Mommy:

I love you, too, baby.

 

Nanlaki agad ang mga mata ko nang makita ang mensahe ni Kuya M sa phone ni Marge.

 

Kuya Mikol

7:31 PM

 

Michael:

I heard from Mom.

I'm on my way now.

 

Marge:

Okay, kuya. Sorry to bother you with this.

 

Michael:

It's not a bother at all, bunso. I'm on my vacation from work.

 

Marge:

Okay, ingat kuya! Mwuah!

 

Michael:

I will.

 

"Pati si Kuya sinabihan mo? Marge naman!"

 

"Hindi mo ako masisisi. Nangangamusta iyon lagi sa 'kin tungkol sa 'yo kaya hindi ako makapagsinungaling." Tinapunan pa niya ako ng malagkit na tingin na para bang may gustong iparating.

 

"Marge, may trabaho na ang kuya mo!" bulalas ko.

 

"Alam ko! Pero vacay niya ngayon. Alam mo na."

 

"Walanghiya ka talaga, Marge!"

 

"I know," sabi niya sabay irap. "At kung babasahin mong maigi ang message, si Mama ang nagsabi sa kanya at hindi ako. Taga-confirm lang ako."

 

Napanguso ako. Napatingin ako sa phone ko nang makitang may message pala roon kanina pa galing kay Kuya Michael.

 

Kuya M

Monday

 4:15 PM

 

Kuya M:

I heard you're not feeling well, Pola. I'm on my way to your apartment now. You should go to the hospital already.

 

Kuya M:

Tsk.

Why aren't you taking care of yourself? I told you before I left, right? Really. Why are you always doing this? Making me worry.

 

Kuya M: Don't mind what I said.

 

Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko. Nakakahiya talaga sa kanya! Kahit na ba sabihing bakasyon niya at wala siyang trabaho. Iyon na nga ang punto ko. Bakasyon niya kaya kailangan niyang magpakasaya, hindi mag-alaga ng isang babaeng may sakit.

 

Kumunot ang noo ko nang makitang may post si Marge sa FB.

 

Margarette Santos

14 minutes ago

 

Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig ~

 

Michael Santos and 13 others

Like | Comment | Share

 

Monica Santos Shut up, bunso.

Margarette Santos What, ate? I'm just singing.

Monica Santos Seriously, stop.

 

Binato ko si Marge ng basahan at sakto iyon sa ulo niya.

 

"Ano?" tanong niya.

 

"Ano 'tong pinagpo-post mo?" Tinaasan ko siya ng kilay.

 

"Ah iyon?" Natawa siya. "Huwag mo na pansinin. Hindi naman ikaw tinutukoy ko."

 

Lalo akong napairap sa sinabi niya. Kahit kailan talaga! At talagang ni-like pa ni Kuya M. Ito talagang magkakapatid na 'to. Hays!

 

Pero kahit ganoon, masaya akong nandito sila para sa 'kin. Kahit papaano, nakakalimutan ko kung ano ang nangyari.

 

Dear diary,

 

I think I'm fine now. Nag-aalala lang ako baka magkita kami sa school. Baka alam niyang nakita ko siya. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung sakali.

 

Kuya M came to take care of me. Sabi ko, okay na ako at makakapasok na pero he insisted. Nakakahiya pero wala akong magawa. I'm writing this now while he's cooking for me.

 

Kung ako pa si Apol from 2 years ago, kikiligin na siguro ako. Childhood crush ko kasi ang kuya ni Marge. Pero masyado na siyang malaki para sa 'kin. He's already working as a Radio Technologist.

 

Sa pagkakaalam ko, nasa bakasyon siya ngayon dahil sa work niya. Kailangan kasi nila iyon para hindi sila masyadong ma-expose sa X-rays and the like. Don't know why, really.

 

I should stop now, diary. I think he's done cooking.

 

Ps. Bakit kaya hindi pa siya kinakasal? He can cook, he has a stable and an outstanding job and all. I wonder why.

 

Maswerteng,

Apol

 

"Dapat hindi ka na nag-abala, Kuya. Ayos lang naman ako eh. OA lang talaga si Marge," sabi ko.

 

Inayos niya ang kakainin ko sa isang maliit na lamesang naipapatong sa kama.

 

"Don't worry about it. Wala naman akong pasok. Balak ko ring dumalaw talaga rito sa apartment mo," aniya.

 

Napanguso ako nang akmang susubuan pa niya ako. "Kuya, I'm eighteen, kaya ko na kumain mag-isa."

 

"Just take it, Apol. Nangangalay na ako."

 

Wala na akong nagawa at sinubo iyon. Kung matigas ang ulo ni Marge, mas matigas ang ulo ni Kuya.

 

Sa dalawang taon na hindi kami nagkita, masasabi kong may nagbago sa kanya. Madalang pa rin siya magsalita pero hindi gaya dati ay nakangingiti na siya. Sobrang tahimik niya kasi at seryoso. Malayong-malayo sa ugali ni Marge. Si Ate Monica naman ang nagbabalanse sa kanilang dalawa.

 

Isa sa mga nagustuhan ko kay Kuya ay ang pagiging maalaga niya. Sobrang bait niya sa 'kin na para bang kapatid niya rin ako. Siya pa nga ang escort ko noong debut ko kaya naaalala ko kung gaano ako kinilig.

 

Alam nina Ate Monica at Marge na may crush ako sa kuya nila. Nangako pa nga ako sa sarili kong pakakasalan ko siya paglaki ko.

 

Pero iba na kasi ngayon, paghanga na lang talaga ang nararamdaman ko sa kaniya.


◘ This is a paid story ◘


Continue reading here ⇒ Dom, the Cursed Doll

Post a Comment

0Comments

Post a Comment (0)

#buttons=(Accept !) #days=(20)

Our website uses cookies to enhance your experience. Check Now
Accept !