The Orion Zodiac

Precious Jasmin
0

 


Chapter 1

Maersk Ellaine Fradiquella

Napapadyak na lang ako habang nakatingin sa unang libro na nabasa ko. Natapos ko na siya pero may pangalawang libro pa pala. Nakakainis! Ito ang pinaka-ayoko sa mga librong bigay lang sa 'kin.

Tumayo na ako at ibinalik ang libro sa mini shelf na ginawa pa ni lolo para sa akin. Kinuha ko ang pink kong jacket at saka ang pink kong pitaka. 

Kailangan kong mahanap agad ang susunod na libro na binabasa ko. Kung hindi ay hindi ako makatutulog nito.

"Oh, Ellaine, saan ang punta mo? Umuulan na," tanong ni Tita Elena habang nagtatahi. Sa tabi naman niya ay si Lolo na nanonood ng balita sa TV at mukhang hindi napansin ang pagbaba ko.

"Pupunta lang po ako sa malapit na bookstore. Hindi po kasi ako mapakali," sabi ko. Napakamot na lang ako sa batok habang nakatingin sa kaniya.

Natawa naman siya at hinayaan ako. "Osiya, sige. May payong naman diyan sa garahe at gamitin mo na muna," sabi niya.

"Sige po, Tita."

Dali-dali kong kinuha ang payong sa may garahe at saka lumabas ng bahay. Hindi ganoon kalakas ang ulan tulad ng inaasahan ko. Ang alam ko kasi ay may bagyo na naman sa lugar namin kaya nakapagtatakang mahina ito ngayong gabi.

Sa isang village kami nakatira - Helmfirth village. Dito na ako pinanganak at lumaki kaya naman halos kilala ko lahat ng mga nakatira dito. Halos lahat ng mga bahay rito ay gawa sa matitibay na kahoy. Pababa ang daan na para bang pababa ka ng bundok.

Sa district 8 nakabase ang nayon namin. Dito ay may silid-aklatan, sapat na ito para mabuhay ako tuwing walang pasok. Mahilig kasi talaga akong magbasa lalo na kapag fantasy na ang pinag-uusapan.

The Legendary Demon

Bigay itong libro ng kaibigan kong si Patricia noong kaarawan ko. Marami raw ang nakapagsabi sa kaniya na maganda iyon kaya naman nang makita niya, ako agad ang naalala niya. Alam niya kasi kung gaano ako kahilig mangolekta ng mga iyon.

Pagpasok ko sa aklatan ay itinabi ko ang pink na payong na dala ko. Nginitian ako ng cashier kaya ngumiti rin ako pabalik at nagpatuloy sa pagtingin ng libro.

Hindi ako sigurado kung mayroon pa niyon dito pero nagbaka sakali pa rin ako. Dapat pala ay nag-research na muna ako bago ako pumunta. Pero nandito na rin naman ako kaya susubukan ko na.

Nakarating ako sa isang section na tungkol sa mga zodiac signs kaya kumuha ako ng isa. Nabanggit kasi ang mga ito sa libro na binasa ko. 

Hinawi ko ang kulay abo at mahaba kong buhok para hindi matabingan ang kanang mata ko. 

Binasa ko ang buod sa likod ng nakuha kong libro at saka ibinalik ulit iyon sa tamang lagayan. Nalunod na naman ako sa pagtingin-tingin sa mga libro. Nakabibighani naman kasi talaga ang mga amoy nito lalo na kapag binubuklat. Na-iimagine ko na rin ang amoy ng kape habang nagbabasa.

Habang busy ako sa paglanghap ng mga libro ay napatingin ako sa lalaking malapit sa akin. Nakatingin siya sa akin at may mapaglarong ngiti sa kaniyang mga labi. Puro itim ang suot niya, mula t-shirt hanggang sapatos. Isa pang bagay na nakaagaw-pansin sa akin ay ang kumikinang na hikaw sa kaliwa niyang tainga.

Kumunot ang noo ko na ikinatawa niya. Tumalikod na lang ako at ibinalik ang libro. Naglakad na ako paalis pero napatigil ako dahil bigla siyang nagsalita. 

"Nakikita ko ang sarili ko mula sa iyo," aniya.

Napatingin ako sa kaniya. "Huh?" tanging sambit ko.

Unti-unti siyang lumapit sa akin habang binubuklat ang librong kanina lang ay hawak ko. Sa kabilang kamay naman niya ang libro na sa tingin ko ay kanina niyang binabasa.

"Ang sabi ko, mahilig din ako sa mga libro gaya mo."

"Ah." 

Ngumiti naman siya dahil sa naging sagot ko samantalang ako naman ay nakatayo lang doon na parang tanga. Hindi ko naman kasi alam kung ano ang dapat kong sabihin sa komento niya. Normal lang naman makakita ng isang gaya mong mahilig magbasa sa isang silid-aklatan, hindi ba?

"Hindi mo ba ito bibilhin?" tanong niya. Itinaas niya ang libro sa mukha ko upang ipakita ang cover nito.

"H-hindi na. May hinahanap kasi akong libro pero mukhang wala pa kaya uuwi na lang ako."

"Pwede ko bang malaman kung ano 'yong libro na hinahanap mo?" 

Wala sa sariling nabasa ko ang labi ko dahil bigla akong kinabahan sa hindi malamang dahilan.

"T-The Legendary Demon. Nabasa mo na ba iyon? Gusto ko sanang hanapin ang pangalawang libro," sagot ko.

Napatango naman siya at isang nakakalokong ngiti ulit ang isinukli niya sa akin. 

Umiwas ako ng tingin at tinuon na lamang ang mga iyon sa aking mga paa.

"Sa tingin ko ay hindi pa napa-publish ang pangalawang libro nito kaya wala ka pang mahahanap."

"Ah ganoon ba? Kaya naman pala."

"Pareho pala tayong mahilig sa mga ganoong klaseng libro. Akalain mo iyon? Madalang ang mga taong mahilig sa mga libro tungkol sa kasaysayan."

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. "Kasaysayan? Hindi ba fantasy ang genre ng libro na iyon?" nagtatakang tanong ko. 

Natawa naman siya dahil siguro sa sinabi ko. "Oo nga pala. Humans."

"Ano 'yon?" tanong ko. 

Mukhang bigla siyang natauhan sa kung saan pero bigla na lang ulit siyang ngumiti. This time ay malawak na iyon at parang medyo nahihiya pa.

"Wala. Wala." Alanganin siyang napatawa. "Sige, kailangan ko na umalis. Gabi na rin kasi at baka abutan pa ako ng malakas na ulan kung magtatagal pa ako."

Bago pa ako makapagpaalam ay bigla na lang siyang tumalikod at naglakad paalis. Nagkibit-balikat na lang ako at saka itinuon ang tingin sa mga libro. Napatingin ako sa sahig nang may bigla akong maapakan at nakita ang libro na kanina ay bitbit niya.

The 12 Zodiacs


"Maersk!" Napapitlag ako sa biglaang pagsigaw ni Tricia, ang best friend ko. 

Nandito kami ngayon sa paborito kong coffee shop at kasama namin ang isa pa naming kaibigang si Makino. Nakakunot ang noo niya sa 'kin pero hindi nito nabawasan ang laki ng mata niya. 

Si Makino naman ay seryoso ang mga tingin. Tulad ko ay nakaharang ang mga buhok namin sa kanang mata namin. Iyon nga lang, kulay abo ang akin at asul naman ang kaniya.

"Bakit?" tanong ko.

"Kanina ka pa kasi nakatulala. Ang haba-haba na nang naikuwento ko pero hindi ka naman pala nakikinig. Buti pa si Makino," sabi niya, nakanguso habang hinahalo ang shake niyang nangangalahati na.

"Sorry, Tricia! Kulang kasi ako sa tulog kaya hindi ko alam kung ano nangyayari sa akin," sabi ko.

"Kulang? Bakit na naman? Nagbasa ka na naman magdamag?" tanong niya na para bang wala na akong ibang ginawa kundi ang magbasa na lang. Which is half true.

"Oo. May bago kasi akong libro na nabili kagabi. Sobrang na-curious ako sa laman kaya naman binasa ko."

"Tungkol na naman saan? Sa mga engkanto, demonyo at kung ano-anong lamang lupa?"

"Huwag ka namang ganiyan! Alam mo namang mahilig lang talaga ako sa mga ganoong istorya."

"Dapat tigilan mo na iyan. Baka mamaya bigla ka na lang kainin ng mga libro mo at dalhin ka sa mundo nila," aniya.

Napangiti ako sa sinabi niya. "Bakit hindi? Iyon nga ang gusto ko."

Napanganga naman siya dahil doon. "Seryoso?"

Tumango lang ako sa kaniya at saka inubos ang kape ko na lumamig na.

Nakita ko pa ang pagtingin ni Tricia kay Makino sabay iling. Hindi ko na lang pinansin at saka tumingin sa labas.

Naalala ko na naman iyong lalaking nakausap ko kagabi. Hindi ko man lang naitanong kung ano ang pangalan niya. Paglabas ko kasi ay wala na agad akong naabutan ni anino niya.

Binili ko iyong libro at tinapos ko iyon sa isang magdamag lang. Akalain mong nakaabot ako hanggang alas kuwatro ng umaga para lang mabasa iyon! Hindi talaga ako dinalaw ng antok kaya pagtingin ko sa orasan ay nabigla pa ako.

Hindi pa kasi ako nakakapagbasa ng ganoon. May pangatlong libro na naman akong kailangang hanapin! Hindi iyon ang pangalawang libro ng The Legendary Demon, pero parang related iyon sa libro. Tungkol iyon sa hero na nabanggit sa librong una kong binasa, mga zodiacs na may kakaibang kapangyarihan tulad ng maliksing pagkilos at matalas na paningin kumpara sa normal na tao.

Sa buong istorya na iyon ay puro kapangyarihan ng indibidwal ang nabanggit. At ang pinakatumatak sa isip ko ay ang pagkamatay ng isa sa kanila. 

Natapos ang libro na payapa na sila ulit. Pero nabanggit na naman ang term na hindi nabigyan ng sapat na paliwanag sa akin. May lumitaw kasing character sa libro na hindi masyadong napagtuonan ng pansin. Sa tingin ko ay may ibang libro na naman tungkol sa kaniya. Hindi ko talaga makalimutan iyong part na 'yon. Hahanapin ko talaga iyon!


"Wah! Late na ako!" bulalas ko habang nagsisintas ng sapatos. "'Lo! Mauna na po ako."

"Sige, mag-iingat ka, Apo."

Dali-dali kong kinuha ang itim na bike ko sa garahe at saka umalis. Hindi pa naman ako ganoon ka-late pero kailangan ko pa kasing dumaan sa tent na tinutuluyan ko para sa iba kong gamit. Nakalimutan ko kasing iuwi last friday.

Kung bakit naman ako sa tent tumutuloy ay dahil masyadong malayo ang bahay nina lolo sa school. District 8 pa ito at nasa District 4 ang buong school namin. Ang alam nila at ng mga kaibigan ko ay sa isang apartment ako sa District 5 nakatira, pero ang totoo ay sa isang tent lang. Doon ko itinayo sa District 5 kung saan may gubat.

Paniguradong sermon ang aabutin ko kapag nalaman nila. Hindi pa naman ako nahuhuli kaya medyo kampante pa ako. Isipin ko pa lang na malalaman na nila, hindi ko na alam kung ano ang idadahilan ko.

"Ellaine, ingat sa pagpasok!" bati sa akin ni Manang Fe, ang tindera ng Mami rito sa District 8.

"Salamat po, Manang! Iyong mami ko mamaya, a? Huwag mo pong kalimutan," paalala ko.

"Hinding-hindi ko kakalimutan iyan, anak."

Marami pa ang bumati sa akin habang dumadaan ako sa buong District 8. Pagdating ko naman sa District 7 at 6 ay ordinaryong tao na ulit ako. Hindi naman kasi ako madalas magpunta rito noong bata ako. 

Isa kasi iyon sa patakaran sa lugar namin. Hangga't hindi ka pa disi-sais ay mahigpit na ipinagbabawal ang pagpunta sa kabilang distrito. At dahil disi-syete na ako ay malaya na akong nakakalabas-pasok sa mga distrito.

Sa District 7 makikita ang simbahan kapag lumiko ka sa kaliwa at sa kanan naman ang isang village – ang Westbourne Village. Hindi pa ako nakakapunta sa village na iyon kaya hindi ko alam kung ano ang mayroon pero sa tingin ko ay parang village lang din namin.

Nadaanan ko ang pinakamataas na orasan dito na tumutunog tuwing alas sais ng umaga, alas dose ng tanghali, alas kwatro at alas dose ng madaling araw. Nadaan pa ako sa ilalim ng mga bahay na karugtong ng orasan.

Ang District 6 naman o mas kilala bilang Mirfield Village ay kilala dahil sa napakarami nilang mga business. Halos kaliwa't kanan kasi sila. May coffee shops, fast food chains, may internet café din at mga dress shops.

Bago ako pumasok sa District 4, kung saan nakabase ang eskwelahan namin, lumiko muna ako sa kaliwa ng District 5 na isang buong gubat. Para nga itong enchanted forest dahil kakaiba ang tubo ng mga puno. Kulubot-kulubot. Nakakakilabot.

Dito ang gubat kung saan ako nakatira. Tuwing weekdays ako nandito at every weekends ay umuuwi ako kina lolo kapag hindi ako busy.

Sobrang normal lang naman ng buhay ko. Masyadong plain at walang thrill. Ang thrill lang siguro na naiisip ko ay ang patagong pamumuhay ko rito sa gubat. Sino nga ba naman ang hindi kakabahan na nakatira ka rito tapos mag-isa ka lang, hindi ba?

Pero may isa pang bagay akong nasisiguro kong hindi normal kumpara sa ibang tao. Ito na siguro ang isang bagay na hinding-hindi ko kayang sabihin sa kahit sino lang.

Mayroon akong kaibigan, kasama ko siya rito sa tent simula noong lumipat ako rito. Hindi siya tao gaya ko. Hindi rin siya multo. Kahit ako ay hindi ko alam kung ano ang tamang tawag sa kaniya pero isa lang ang masasabi ko.

Mayroon akong kaibigang pusa.

"Hello, Maersk! Ang tagal nating hindi nagkita, ah?" sabi niya sa akin. Hindi siya isang ordinaryong pusa na nakikita ko sa araw-araw. Isa siyang pusa na nakapagsasalita.

"Hello, Meow! Pasensiya na at ngayon lang ako nakabalik. Hindi kasi ako pinayagan nina lolo na umalis hangga't hindi pa nagsisimula ang klase."

"Ayos lang iyon, Maersk. Nag-enjoy naman ako sa paglilibot sa mga distrito."

Lumapit ako sa kaniya at hinimas ang mabalahibo at itim niyang katawan. "Mabuti naman kung ganoon."

"Nga pala, hindi ba at pupunta ka na sa school ninyo? Bilisan mo dahil alam kong late ka na."

"Hindi ka ba talaga pwedeng sumama sa akin?" tanong ko sa kaniya. Gustong-gusto ko kasi siyang isama sa school namin pero ayaw naman niya.

"Ano ka ba naman! Bawal kaya ang mga pusa sa school. Baka kung sino pa ang makakita sa akin at itapon na lang ako sa kung saan. Alam mo na, malas ang mga itim na pusa."

"Sige, ikaw ang bahala. Mauna na ako, a? Promise, pag-uwi ko ay igagala kita!" sabi ko saka ako umalis.

Isa siya sa mga dahilan kung bakit hindi ako takot na manirahan mag-isa rito sa gubat. Alam ko kasing may kasama ako. Kahit na mukhang imposible na maprotektahan niya ako, at least may kasama ako. Iyon lang naman ang kinatatakot ko, ang mapag-isa.

Nalaman kong kahit sino naman ay puwede mong makasama. Ang mga tao lang naman ang madalas na mag-isip ng gaya n'on. Tulad ko ngayon, hindi ko inaasahan na isang pusa ang magiging sandalan ko kapag malungkot ako at nag-iisa. Medyo guilty nga lang ako dahil madalas ko lang siyang iwan sa tent. Wala naman akong magagawa dahil hindi ko siya puwedeng isama lagi sa school. Gusto ko talaga suklian ang kabutihan na binibigay niya sa akin sa kahit anong paraan.


Chapter 2

"Maersk!"

Napatingin ako sa tumawag ng pangalan ko at nakita ang kaibigan ko, si Tricia, siya lang naman ang tumatawag sa 'kin sa first name ko. Masyado raw kasing mahirap tatasin.

Nakahinga ako nang maluwag dahil malayo-layo na ako sa gubat, hindi siya makahahalata kung saan ako galing. Nice timing!

"Oh! Tricia, ikaw pala," sabi ko sabay tingin sa likod niya. "Si Makino?" tanong ko.

Pareho kaming mahilig mag-bike at kung minsan ay ganito ang hobby namin tuwing weekends – ang umakyat sa bundok nang naglalakad o nang may bike.

"Haist! Alam mo naman ang isang iyon, hindi na tayo mahintay at nauna na sa school. Kung hindi ko nga lang kilala 'yon ay baka akalain kong may ini-stalk ang isang iyon tuwing umaga."

Napatawa naman ako dahil sa sinabi niya. "Hayaan mo na! Hindi ka pa nasanay."

"Sanay na nga ako kaya hindi na ako magugulat," aniya. "Nga pala, ano 'ng ginagawa mo at hindi ka pa umaalis dito? Tara na at pumasok! Baka kung ano na naman sabihin ng mga estudyante sa akin."

Si Tricia ang nahalal na bagong presidente ng student council namin kaya naman medyo iritado siya. Hindi naman talaga niya gusto pero sinubukan lang niya dahil imposible naman daw na manalo siya. Pero iyon ang akala niya dahil ito na siya ngayon, hindi na makapag-back out dahil siya na ang president. Kung may magagawa lang sana ako ay tinulungan ko na siya. Kaya lang ayoko ring mamuno sa school.

Tinahak na namin ang daan.

"Nga pala Tricia, alam mo na ba kung saan nakatira sina... hm... you know," nahihiyang tanong ko. Napahigpit ang kapit ko sa manibela ng bike habang tinatanong iyan. Bigla kasi akong nakaramdam ng hiya sa kaniya.

"Ah, naku hindi pa! Sa haba ng bakasyon natin ay hindi man lang nagparamdam ang magpinsan na 'yon," sabi niya habang nakapameywang ang dalawang kamay at binabalanse ang bike. "Hindi nga sila sumasama sa mga gala natin kahit na ang dami nilang kinakausap. Wala naman silang barkada na sinasamahan. Ay ewan!"

Tama siya, para ngang ang ilap nila sa mga tao at parang may allergy lalo na sa mga babae. Pero kinakausap naman nila. 

Minsan kasi ay may nag-confess ng nararamdaman niya kay Kyan at sinubukan pang yakapin. Tinulak lang niya iyon palayo! Sino nga ba naman ang mag-aakalang ang napakabait at napaka-gentleman na lalaking gaya niya ay kayang gawin iyon sa isang babae?

Sina Leighton at Kyan ay magpinsan pero magkaibang-magkaiba ang mga ugali nila. Ayon lang naman iyon sa opinyon ko.

Si Kyan ay matalino, tahimik, friendly, at super nice niyang kausap samantalang si Leighton naman ay mayabang, poker face at super sungit.

Kaya nakapagtataka kung bakit nagawa iyon ni Kyan sa isang babae. Ang alam ko ay malaki ang respeto niya sa amin kaya marami rin ang nagulat. Pero hindi naman iyon naging dahilan para layuan siya ng mga babae.

Ipinilig ko na lang ang ulo ko at kinalimutan ang bagay na iyon.

Pagdating namin sa school ay pumunta na kaming dalawa sa room namin. Natatawa na lang ako dahil nang makita nila si Tricia ay natahimik ang mga kaklase ko at kunwaring nagbabasa pa. Ang iba nga ay halos hindi alam ang babasahin sa sobrang taranta at ang ibang libro ay baliktad pa.

Nakakatuwa silang pagmasdan!

"Wow! Ang sisipag talaga ng mga kaklase ko," sarkastikong sabi ni Tricia nang natatawa pa.

Ang laki talaga ng nagiging epekto ni Tricia sa mga kaklase ko. Hindi ko naman din sila masisisi dahil malaki ang takot nila sa kaniya. Siya kasi ang representative ng school namin sa Judo. International pa! Kaya minsan ay nakakatakot talaga siyang galitin.

Tahimik lang ang klase namin hanggang sa bigla na lang may mga nagtilian sa corridor kaya lumabas din kami. Syempre baka mamaya kung ano na ang nangyayari sa labas, kami nakatameme lang.

"OMG! Ang gwapo talaga ni Kyan!"

"Tama ka riyan, girl!"

"Emerghed! Ngumiti siya girl, ngumiti siya!"

Sa tingin ko, alam ko na ang dahilan kung bakit sila nagtitilian. Dahil nandito na ang magpinsan na kinahuhumalingan ng lahat. Wala namang nagbago e. Sa tinagal naming nag-aaral sa school na ito ay ganito na lang lagi ang pakikitungo sa kanila. Kay Kyan to be specific.

Matagal na akong may crush kay Leighton. Sa sarili ko rin ay hindi ko alam kung bakit mas gusto ko siya. Para kasi sa 'kin, mas malakas ang appeal niya, masungit lang talaga. Kinikilig ako lagi kahit nakikita ko pa lang siya!

Gusto kong patahimikin ang mga kaklase ko pero miski ako ay gustong tumili!

"Kaya naman pala maingay, hindi na ako magtataka pa roon," sambit ni Tricia.

Kaklase ko nga pala ang dalawang magpinsan kaya naman napakaswerte ko. Palagi ko na silang mapagmamasdan kapag na-bobored ako sa klase.

Nakita ko nang pumasok sila kaya naman deadma na lang ako. Kunwari ay wala akong pakialam. Pero sa loob ko ay ang lawak na ng mga ngiti ko.

"Good morning, class!"

Nandito na pala ang teacher namin kaya naman tumayo ako para makibati. "Good morning, sir!"

Pinaupo niya na kaming lahat.

"So, how's your long, long weekend?" tanong ng aming guro.

Kaniya-kaniyang komento naman sila. Merong iba na nagsasabing, Bitin! na agree naman ako. Ang dami ko pa kasing gustong basahin, pero kulang sa araw. Ang iba naman nag-enjoy at nag-swimming pa raw dahil birthday nila. Mga nakakita pa ng artista sa pagpunta nila sa ibang bansa. Rich kids!

"Okay, so marami palang magagandang bagay ang nangyari sa inyo. Dahil diyan, we will have an activity."

Isang nakabibinging pagtutol naman ang ginawa ng mga kaklase ko. Natatawa na lang ako. Mga kaklase ko nagiging wild tuwing ganito. Sino nga ba ang gusto ng activity? Ang dami ko tuloy memories ngayong high school.

Napatingin ako sa kaniya. Hindi ko in-eexpect na titingin din siya sa gawi ko kaya naman napaiwas ako at napaayos ng upo. Pinunasan ko ang noo ko dahil sa kaba at tinuon na lamang ulit ang atensyon sa guro.

"So, we will do this by group kaya naman come here in front at bumunot ng group ninyo."

Nagsimula sa boys, and then girls. By surname iyon kaya medyo nasa gitna ako. Ang nabunot ko ay group two. How I wish group two rin siya!

Nagbuntong-hininga na lang ako dahil sa naisip ko. Ito na naman ako sa paghanga-hanga sa kaniya pero kahit isang salita hindi ko pa siya nakakausap. Kahit tungkol man lang sa school hindi pa rin. Ni hindi nga kami nagkakasalubong sa hallway tulad ng mga napapanood ko! Bakit ba kasi ang malas ko pagdating sa pag-ibig?

"Okay, nakabunot naman na ang lahat, right?"

Tumango lang at nag-yes ang klase. Nag-iingay na nga at tinatanong ang mga katabi nila kung anong group sila. Ang ilan ay nagsisigaw na dahil kagrupo nila si Kyan. Nililibot ko naman ang paningin ko upang mahanap siya.

"So, all group one here, group two in this area, then group three at the back. And the last group, sa kabila," sabi niya habang tinuturo ang mga pwesto ng bawat grupo.

Nagpuwestuhan na kami sa grupo namin. Sikat na sikat talaga si Kyan lalo na sa mga babae. Ito siya ngayon at halos dumugin na naman. May agwat lang talaga dahil ayaw talaga niya nang niyayakap siya.

Muling nahagip ng mata ko si Leighton at yes! Ka-group ko siya! Ka-group ko siya! Ayos 'to! Hindi naman pala ako ganoon kamalas pagdating sa pag-ibig. Hindi dapat ako mawalan ng pag-asa!

Naupo na ako sa harap niya na parang wala lang pero sa loob ko ay nagwawala na ang puso ko. Nagwa-wild na siya! Feeling ko anytime ay mawawalan ako ng malay dahil sa pagpipigil ko ng kilig.

"Ganito ang gagawin. Kada group ay kailangan lang ng isang papel. Kailangan ninyo iyang punuin ng mga naranasan noong nakaraang bakasyon. Easy, right? So, start na!" Pagkatapos sabihin ng aming guro iyon ay walang gumagalaw sa aming group two. Nagkakahiyaan?

Nakabilog kami at magkakaharap tapos ang manila papel ay nasa gitna lang namin.

Tiningnan ko ang grupo nila Kyan. Ang dami na nilang nasusulat samantalang kami ni tuldok ay wala pang nasusulat. Ano kaya ang mangyayari sa grupo namin nito?

Kukunin ko na dapat ang papel kaso lumayo. Hala, ayaw yata! Joke. Kinuha kasi ni Leighton iyon nang hindi tumitingin sa akin at nagsulat. Kaya iyon! Nagsulat na rin kami.

Hindi ko mapigilan ang mapanguso. Kailangan lang pala simulan ni Leighton bago sila magsimula.

"So, pass your manila paper at i-post ko na 'yan sa board," sabi ni Sir.

Lahat naman kami ay maganda magsulat kaya hindi mukhang basura ang gawa namin. Halos napuno rin namin ang manila paper dahil sa dami naming naisulat.

"Mukhang lahat kayo maraming nailagay a? Dahil nandiyan na 'yan basahin natin isa-isa," sabi ni Sir.

Umangal na naman 'yong iba. Napailing na lang ako dahil sa reaksyon nila. Nilagay-lagay nila tapos ayaw nila ipabasa. Iyong totoo, lokohan ba ito?

Isa-isa na itong binasa ni sir. Ang iba naman ay tawa nang tawa. Nakikinig lang ako sa kanila ng mapatingin na naman ako sa kanya. Nagbuntong-hininga na naman ako, mukhang hanggang sulyap na lang ako sa kaniya.

Hindi ko naman sineseryoso ang mga ganitong bagay pero hindi ko naman pwedeng balewalain lalo na at lagi ko siyang nakikita. Mapapatingin ako sa kaniya kahit na sabihin ng utak ko na huwag titingin.

Bilugan ang mga mata, medyo matangos at maliit na ilong at napakaganda ng korte ng mga labi niya. Siguro dahil na rin sa magandang lalaki siya kaya ko siya nagustuhan. Kakaiba rin ang kulay ng buhok niya na para bang pinakulayan niya lang. Sino ba kasi ang nasa tamang pag-iisip ang magkukulay ng red, black at white? Hindi ko rin naman maipagkakailang ang yabang ng awra niya pero iyon nga ang isa sa mga nagustuhan ko. Ang astig kaya niya!

Madalang ang mga babaeng nagkakagusto sa kaniya kaya siguro medyo may confidence pa ako. Kaya nga lang wala naman siyang pinapansin kahit sino, kaya wala rin.

Napahiyaw na lang ang iba nang marinig namin ang nag-aalingawngaw na school bell.

"Tara na mag-lunch, nagutom ako roon!" bulalas ni Tricia pagka-dismiss na pagka-dismiss sa amin ni Sir.

As usual, tatango lang si Makino. Sumunod na lang din ako sa kanilang dalawa.

Naglakad na kami palabas at dumeretso muna sa locker. Kinuha namin ang mga kailangan namin para sa klase mamayang hapon.

Pumunta kami sa Canteen pagkatapos at kakaunti lang ang taong nadatnan namin. I guess wala rito ang mag-pinsan dahil tahimik.

"Tara doon tayo sa may dulo para walang masyadong tao," yaya ni Tricia.

Naupo na kami at si Tricia na rin ang um-order para sa 'min ni Makino. Don't expect na magdadaldalan kami dahil isa sa kasabihan niya ang 'One Question, One answer'. Kaya ito kami, rinig na rinig namin ang nag-uusap sa canteen, pati ang bulungan, dahil sa tahimik naming dalawa.

Hindi naman sa hindi kami close pero hindi lang talaga siya sanay nang dumadaldal nang walang tigil. 

Saglit lang ang katahimikan at nakabalik na rin si Tricia.

"Here you go! Tara at kumain na!" masiglang sambit ni Tricia.

Sama-sama kaming kumain. Syempre si Tricia ang pinakamadaldal. Ako medyo-medyo lang at si Makino ang pinakatahimik sa amin. Mga ganiyang tao minsan ay parang may mga tinatago, nakaka-curious tuloy kung ano ang nasa isip niya.

Pagkatapos ay vacant na naman namin. Si Tricia, pumuntang office dahil pinapatawag siya, si Makino naman ay pinatawag ng captain nila dahil volleyball player siya. Kaya ito ako ngayon, loner.

Nagpunta na lang ako ng rooftop. Ang hangin kasi rito at 'yong buhok ko, nililipad, parang pang-shampoo commercial lang.

Ang presko ng hangin. Itinaas ko pa ang kamay ko na para bang nilalanghap talaga ang bawat hangin na mapadaan sa mukha ko. Sana ganito na lang lagi kasaya sa school, tahimik at payapa. Pati ang hangin na humahampas ay parang nagbibigay sa 'kin ng magaan na pakiramdam. Kung pwede lang na ganito na lang ako habang buhay.

Napatigil ako sa pagmumuni nang may narinig akong ingay sa labas kaya napatigil ako. Wait! Baka kung ano o sino na 'yan...

Creak.

Sino kaya 'yon? Nasa likod siya ng pinto! Baka mamaya sigawan na lang ako ng taong nandito. O kaya naman multo? Totoo raw kasi 'yon, may nagpapakita raw na multo rito kaya madalang ang pumupunta. Hindi tulad dati na tambayan ito ng mga mahilig mag-cutting.

"Sino 'yan?" uutal-utal na tanong ko.

Medyo matatakutin pa naman ako sa mga ganitong sitwasyon. Lalo na at mag-isa lang ako! Napatingin ako ulit nang may narinig na naman akong kaluskos.

Pagtingin ako agad akong nagtitili at nagtatalon. Ganoon din ang ginawa ng daga na para bang ginagaya ako bago lumabas ng rooftop gamit ang pinto. 

"Daga lang pala!" bulalas ko. Napabuga na lang ako ng hangin at napaupo. 

Hindi ako takot sa daga pero kapag ganitong pagkakataon ay para akong aatakihin sa puso. Talagang ginaya pa ako sa pagtalon ko!

Napasandal na lang ako sa railings at tiningnan ang malawak na campus.

Chapter 3

The twelve Zodiacs

Sila ang magpipinsan na tumalo at pumuksa kay Dimitris. And because of that, they became the heroes.

Dimitris is a demon, half witch. He is the one who started the war against the zodiacs and witches, which was continued by the demons and ended successfully by the zodiacs.

But because of the tragedy, the well-known heroes were forced to leave their world, kahit na sabihing sila ang mga tagapagligtas sa mga panahong iyon. They still killed the wizard king's children.

They became wanted criminals. Everyone thought that they were the ones who killed Lord Warren's children. And high bounties were placed on their heads.

A story was also told in the book of The 12 Zodiacs. Nakasaad dito ang dahilan kung bakit hindi magkasundo ang daga at pusa sa panahon ngayon.

A long time ago, the time where witches were not yet born in this universe, the god sent a message to everyone. The god announced that a celebration will be held tomorrow for all the zodiac animals.

But the rat told the cat that the celebration will be held the day after tomorrow.

The next day, the cat's sleeping soundly, not minding the disappearance of the animals that went to the celebration already.

They were good friends. That's why no one knew why the rat did that to the cat. Hindi naman kasi iyon nabanggit sa libro, and even authors could't tell the reason why.

This story was also the reason why the two cousins, Leighton and Kyan, were not in good terms since the first time they met. Wala silang ideya kung bakit mainit ang ulo nila sa isa't isa. They just hated each other without any reasons.

They live under the same roof. Pero, hindi iyon naging rason para magkasundo sila at kalimutan ang tungkol sa istorya na kwento ng mga ninuno nila at ng mga taong gumawa ng istoryang iyon. Maybe they are really bound to treat each other like that. Wala nang makapagbubura pa nito.

Kyan's zodiac sign, Rat, is located at his right shoulder and his ability is Teleportation. He can go to different places that he has already seen before. It can also be pictures. As long as he can imagine the place, kayang-kaya niyang puntahan iyon. The only limitation is his imagination, o kung may limitasyon nga ba iyon.

On the other hand, Leighton's zodiac sign, Cat, is located at his right thigh. He can manipulate anything that is around him as long as he wants to. But, he can't really control it completely. He's an idiot, like everyone says.

They have different likes and dislikes, different hobbies and attitudes. These can also be the reasons why they hate each other. They both can't accept each other's differences. Lalo na at pareho pa silang ma-pride na dalawa. Ayaw magpatalo sa isa't isa.

LEIGHTON SAT at his usual seat at the class. He stole glances at the girl he likes – sitting at her spot. The girl that she secretly stalk since the day he knew her.

He really hated women especially his cousin's fan girls. He finds them really annoying and noisy. But she's different, he thought. Yes, average looking girl but still attractive. Yet, the most attracting part was her smile. Her smile looks so innocent and charming.

He really likes her smile that he gets annoyed whenever she smiles at other guys like that. He hates it – a lot. Pero wala naman siyang magagawa kung ngumiti ang dalaga sa iba. She's friendly after all. And also, he doesn't have any right to stop her from smiling to other guys. He's just a nobody.

He planned on introducing himself to her, but backed out. He's just too shy for that. And his cousins will find it really weird, especially the others who knew him as – an arrogant, idiot and Kyan's unattractive cousin.

He changed his mind. He chose to stay quiet and becomes a nobody that he is right now.

Pero may isa pang rason kung bakit ayaw niya magpakilala.

He was a zodiac, and she was human. They can't be together like he wanted. Not to mention, their family's curse.

The Family curse that cannot be cured by their chief leader, Coen, which was a well known doctor from the past.

Maybe they were really destined to stay hidden in this world forever. Act like humans and never reveal to anyone what they really are.

•á´¥•

After their class, he went at the back of their building. This was the most peaceful place in their school, the part where Kyan's fan girls are away. So quiet!

The moment that they all lived together, his world was never the same as before. Because as soon as he joined Kyan, his fan girls also came in his life. That's the beginning of his agony.

Curse you, Kyan.

"Alam niyo, naiinis ako sa mga taong lumalapit kay Kyan," a girl's voice caught Leighton's attention.

Leighton opened his eyes from being closed. He listened to the owner of the voice and looked closely to see who it was. It's her, he cannot be mistaken.

It's Ellaine.

"Bakit naman?" Makino, her weird friend asked.

You can't really blame anyone if they call her weird because it is really true. The way Makino looks at everyone, it's scary. It's like she's reading the whole you, watching you carefully like you did something wrong and she saw it, so you must be careful!

Leighton jumped at the nearest tree where he can see them clearer. He used his ability to do that without anyone seeing him – his speed and his inhuman sense of hearing and sight.

He didn't know that he'll see her and her friends here because this is really far from their room.

If you're going to ask where the usual spot students go? Of course. The place where Kyan was, the place where they can see and find their so-called prince.

"Alam kong naiirita si Kyan sa kanila."

Leighton focused on the three girls' conversation. He's not really the type to listen to anyone's conversations but he can't go back now.

It feels like a knife was stabbed at Leighton's heart because of what he heard. He's not an idiot not to know what this was. He's already living for almost a century now. He knew that it's not a simple crush anymore.

The moment Ellaine's mom gave birth to her, he knew Ellaine since then. It may sound weird but that's true. He loved a little girl and still loves that same girl until now. He just limits himself on how far he can go.

But the thing is, Ellaine likes another guy, Leighton thought. Who wouldn't like his cousin anyway? All of the good traits that he wished he could have are all in his cousin.

Leighton sighed.

Using his inhuman power again, he moved on the farthest tree. But he made sure that he can still see them from a far, especially Ellaine.

He watched her like a pervert stalker and traced every single movement. Her friends, Tricia and Makino, stood up and left the lady alone. He saw Ellaine sighed but the smile on her face didn't vanish at all.

She's looking happily at the sky. No signs of incoming bad weather. Birds are flying freely on the clouds and the sun is looking at them.

Ellaine stood up and fixed her P.E uniform. Leighton stood up from sitting in the tree, thinking that the lady is leaving. Pero nagkamali siya. Aakyat lang pala ito sa taas ng puno na pinagsisilungan niya. A little reckless of her.

Is she stupid or what? There's no need to climb on that tree anyway! Leighton thought while watching the lady carefully – scared of what will happen to her.

And without any warning, Leighton's thought happened. Ellaine stepped on a broken branch causing her to fall. Pero dahil sa gulat at instincts ni Leighton, he used his powers unconsciously.

Damn!

Ellaine's eyes grew wider as she glances at the grass on the ground. She can't really absorb the fact that she's currently floating in the air. She's safe! But what the fuck is wrong with gravity?

Leighton scratched his head in frustration. He's really a fucking reckless psycho – whatever you will call it!

Sadness and irritations are both visible in Leighton's face.

They become animals whenever they use their powers or whenever an opposite sex hugs them.

Sometimes, their faces only change. But, there are also times when they transform throughout their whole body. They don't know when will that happen, that's why they need to be careful than ever.

Who wouldn't be scared to see a human's face turns into an animal, right? Everyone will.

"May nangyari ba?" Kyan asked when he got into their room. He looked at Leighton who didn't even bother looking back at him. "Alam mong bawal ipakita ang anyo mo," Kyan reminded him.

Leighton stopped from getting his things and looked at him more annoyed than usual. Hindi naman kasi makaramdam ang pinsan niya na ayaw niyang pag-usapan pa ang kung ano ang nangyari kanina. And if ever, wala naman siyang balak na makipagkwentuhan sa kaniya.

"Alam ko, hindi niya ako nakita at hindi ko sinasadyang tulungan siya!" he said arrogantly and made his way to the exit.

He's already bored in staying at school. And also, because of what happened, he'll just lose his focus on the class. It's better to go home and take some rest.

He doesn't want everyone to know what they are. If that will happen someday, they will have no other choice but to go away and look for another place to stay. Wala naman kasi talaga silang lugar sa mundong ito. Isa lang naman silang halimaw sa paningin ng iba. Everyone will hate them anyway.

Leighton, Kyan and Tyrell live in a forest in district 5. The other zodiacs visit them sometimes when they are bored. They just come here to annoy Leighton.

If ever they live under one roof, they wouldn't know what will happen to their house. They'll just need to fix it every day. That would be a hassle. So, they have decided to live separately.

They only had one reason why they are still attending school when they can just stay at their house or do a job.

The chosen girl.

That girl may not be aware of her powers as of now o kaya naman she chooses to ignore her responsibility. Either way, she's the only answer they needed to help them break the curse.

She is the only key to help the family get out of the curse that they got because of the witches.

She is the only girl that can fight the witches that is already angry at them because of the thing that they didn't even do in the past.

If the witches discovered that they already found the girl, they will kill her. That's why they must move faster than the witches. The zodiacs are already aware that the witches are here on Earth to fight them and they have no plan on running away from them, again.

They will protect this world.

The chosen must know about her ability and she must accept it no matter what. Her powers must be use in good did.

•á´¥•

Leighton entered their front yard using the tall fences.

Even though he doesn't want Ellaine to become his lover, he still wanted to become friends with her. Being a friend won't be harmful, anyway. But, he doesn't know how to do that.

He doesn't want Ellaine to get involve in their fight against the witches as well. Kapag nalaman nilang siya ang kahinaan ng isa sa kanila, they'll use any means necessary to erase them. He can't bear seeing Ellaine gets hurt. Malaglag nga lang sa puno, hindi na niya kayang makita. What more kung sasaktan na siya ng mga witches? No one knows what they can do to humans.

That's why he chooses to stare at her and like her secretly.

•á´¥•

Once he entered the house... a flying object came fast at Leighton. He's not shock with that anymore because that's normal but he can't still stop the pain it causes him.

"Aray. Ano ba!" He shouted while looking at the guy who threw the table at his head. Paniguradong pasa o bukol na naman ang aabutin niya. Well, it can't be help anyway. His cousins are all brutal in different ways.

"Ano'ng ginagawa mo rito? Oras ng klase ngayon!" Tyrell shouted, Leighton and Kyan's older cousin. He stands as the guardian of the two. Iyon nga lang, isang evil guardian. He also has his shoulder length hair tied up in a ponytail. Dahil na rin siguro sa init ng panahon.

"Ano ba'ng pakialam mo, ha?" Leighton shouted back at his older cousin.

May kung anong bagay na naman na dinampot si Tyrell kaya umiwas na agad si Leighton sa kaniya. This time, it's the door that he's going to throw. Leighton immediately moved away and escaped from the flying door.

"Huwag mo nga ihagis iyan! Sana ikaw ang gumagawa matapos mong sirain. Edi mas maayos sana!" He went out of their house and head to his garden.

Nasa gubat siya rito sa district 5 kaya medyo tago. His cousins thought that the reason why he's in the forest was that he's fighting with different beasts. What they didn't know was that he's just growing some fruits that are a little hard to take care of.

"Malapit na pala itong tumubo," he held the flowers of pineapple and strawberry while speaking to himself.

After watering some of them, he went to the tent where Maersk was living. Hindi na siya makapagpapaalam sa dalaga pero ayos na rin siguro ito.

He went back inside their house just to see his cousin, Kyan. Without knowing the reason, his head started to boil again.

"Alam mo bang hinahanap ka ni Maersk?" Kyan teased.

Leighton threw the nearest chair at Kyan causing him to spit the noodles that he's eating.

"Huwag mo akong inaasar!" Leighton shouted, really pissed off because of his fucking cousin.

Madalas na itong nagiging pang-asar sa kaniya pero hindi pa rin siya masanay. He doesn't know why he gets pissed off just because of his cousin especially when the topic is about Ellaine.

Alam naman niyang pinagt-tripan lang siya ng mga ito but he just can't stop himself from getting angry. Nature na nga niya siguro ang pagiging mainitin ang ulo.

He heard Tyrell's annoying laugh as if he's trying to piss his cousin more. Leighton wanted to break everything that he can see but he just can't. He'll just fix them all afterwards.

He entered his room and ignored them all.

If he'll continue fighting his cousins, he'll just get more and more pissed off. He punched his bed out of anger and closed his eyes to calm himself a little.

Umiinit pa rin talaga ang ulo niya kahit na hinahayaan na lang niya ang magpinsan. He doesn't know what to do with them. They are so childish and annoying! He wanted to just disappear and never see his cousins again.

If he can, he'll just kick them all out of the house. It's impossible though. This house is not even his to begin with.

Sana naman magkaroon ng mabait sa pamamahay na ito. Leighton thought as he went to sleep and ignore the world once again.

Chapter 4

Ellaine

Nakatulala lang ako sa kawalan. Nasa loob ako ng room at super ingay nila sa pamumuno ng aming president.

Inaalala ko pa rin ang tumulong sa akin kahapon pero hindi naman nagpakilala. Iyong tungkol naman sa nakita ko sa rooftop? Ayon at may daga! Ewan ko nga kung saan galing ang hayop na iyon kaya napasigaw na lang ako.

Pero hindi ako takot sa daga. Babawasan ko na lang ang pag-inom ng kape para hindi ako ninenerbyos ng ganoon. Akala ko aatakihin na ako sa puso.

"Okay ka lang ba, Ellaine?" tanong ni Tricia sa akin, tumango-tango na lang ako kahit hindi naman talaga ako okay.

"Hayaan mo na iyan. Maya-maya dadating na ang prince charming mo," dugtong pa niya sabay kindat.

Inaasar na naman niya ako. Ayoko naman sabihin na nacurious ako sa tumulong sa akin. Ang sinabi ko na lang ay kakilala ko lang pero nahihiyang magpakita sa kanila. Pero what the heck, 'diba? Hindi ako makapaniwala. Mas ayos pa sana kung panaginip lang 'yon pero hindi. Gising na gising ako.

"Kyaah!"

"Andiyan na siya!"

"Tahimik na, nasa kabilang room lang ang student council president..."

Napaayos ako ng upo at pasimpleng nagsusulat sa notebook ko. Nandito na sila. Kahit anong pagpapakalma ang gawin ko, naeexcite pa rin ako sa pagdating nila.

Hindi ko tuloy matanggal ang pagkakangiti sa labi ko. Parang nagrereact agad ang hormones ko kapag naririnig ko ang mga sigawan nila.

Pagpasok nila, si Leighton agad ang tinignan ko. Ang gwapo parin niya hanggang ngayon pero parang may sugat siya sa noo niya.

Naka-band aid ito at madalas ko siya nakikitang may sugat sa mukha niya. Baka sa susunod magkapeklat pa, bawas kagwapuhan. Hindi ko tuloy maiwasang matawa sa iniisip ko.

As usual, si Kyan lang ang tinitignan nila, pero ako? Stick to one, kay Leighton lang ako. Pero nang mapatingin siya sa gawin ko, nagsulat lang ako.

Hindi na rin ako nakangiti at sinuot ang bored look ko. Bakit ba ang tagal ng teacher namin para matignan ko na siya nang mas matagal?

"Nakatingin siya sa iyo Ellaine," sabi ng katabi kong si Makino.

Well, ano pa ba ang magagawa ko kung alam na niya? Kahit kailan ang weird ng isang ito. Ang lakas ng pakiramdam.

"Hayaan mo, baka napatingin lang," sabi ko.

Mahirap na rin kasi ang mag-assume tungkol sa mga ganyang bagay. Pero mas mahirap kapag nasaktan ka na, 'diba? Parang ang lalim ng hugot ko 'no?

Pero ang hirap kasi minsan na hindi mag-assume, 'diba? Lalo na kung ganito ang mga tao sa paligid mo. Lagi ka na lang binibigyan ng kakaibang meaning sa mga kilos ni Leighton.

"Ang nega mo, isipin mo na lang ikaw ang tinitignan niya," sabi naman ni Tricia.

Pagtingin ko hindi na siya sa akin nakatingin. Napa-pout na lang ako, pinagtutulungan nila akong dalawa!

"Hindi naman talaga ako. Tignan mo sa board na nakatingin," sabi ko na lang.

Nakakainggit tuloy ang board namin, buti pa siya tinitignan ni Leighton.

"Hay! Ewan ko sa iyo pero ikaw talaga ang tinitignan niya," sabi na lang niya.

Hindi ko na lang siya pinansin at tumingin ako sa bintana. Nakita ko iyong puno kahapon. Mamaya pupunta ako ulit dahil baka makita ko ulit iyong lalaki.

Paano ko nalamang lalaki? Malamang mabubuhat ba ako ng babae? Pero malay mo si Superwoman ang tumulong sa akin.

"Good morning, class. Go back to your proper sits," utos ng teacher namin.

Another boring subject na naman. Nag-drawing na lang ako. May talent kasi ako sa pagguhit kaya ginagamit ko. Sayang naman kung ipagsasawalang bahala ko lang.

"Class dismiss."

Bilis ng oras! Dismissal na agad hindi man lang naglunch. Pero kasi kanina hindi ko na nakita iyong lalaki. Kaya ito ako ngayon nanlalatang lumabas at pumunta ng locker ko.

Hindi ko maiwasan ang ma-disappoint dahil naghintay ako ng break, lunch at ng vacant namin pero wala talaga akong nakita.

"Bakit ang lungkot mo ata?" tanong ni Makino.

"Wala naman, pagod lang."

Kahit pagod ako nakukuha ko paring ngumiti. Ayoko kasing mahawa sila kapag malungkot ako tuwing pagod. Dapat everyday and everyone happy!

"Mauuna na ako, hinahanap na ako ng kapatid ko," pagpaalam ni Makino.

Nagpaalam na rin si Tricia sa akin, ako naman inayos ang locker room ko. Ako na lang ang mag-isa dito pero hindi na naman ako takot dahil madalas din akong mag-isa tuwing uwian.

Ayoko kasing may makaalam kung saan ako nakatira. Remember? Sa isang tent sa gubat, ang creepy nga naman nun lalo na at babae ako.

Pagdating ko sa tent...

Inayos ko na ang gamit ko at naglagay ng bonfire. Hindi naman kita ito dahil ilang buwan ko na ginagawa iyon.

"Alam mo, Meow, hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari. Imagine? Ako? Lumutang?"

May narinig naman akong tumunog sa labas, parang kaluskos ng isang... parang may tao ata. Hindi naman agad nakapagsalita si Meow sa narinig.

"May tao ba diyan?" tanong ng isang hindi pamilyar na boses. Hala? May nakasunod ba sa akin kanina? Tulad ng sabi ko wala namang ibang nakakaalam na dito ako nakatira.

"M-may tao rito."

No use naman kung magtatago ako, hindi ba? Kaya nagsalita na lang din ako at lumabas ng tent ko upang makita kung sino ang taong iyon.

"E-Ellaine?"

"Kyan, anong ginagawa mo rito?" tanong ko. Paano niya kaya nalaman ang lugar na ito? Posible bang sinusundan niya ako? Imposible...

"I should be the one to ask you that, babe," sagot naman niya.

Tumingin siya sa paligid pati sa loob ng tent ko. Ano ang ginagawa niya rito? Paano niya ako nahanap?

"Dito ako nakatira," tanging nasagot ko na lang.

May rumehistro namang pagtataka sa mukha niya pero nawala rin naman agad iyon.

"Sa isang... tent?" tanong niya pero hindi naman nakaka-offend. More like, nagtataka at naw-weirduhan.

Hindi ako makapaniwalang kausap ko siya ngayon. Nandito siya sa harap ko at tinatanong ako, may hawak pa siyang flashlight dahil madilim na. Ngayon ko lang siya nakausap nang hindi tungkol sa school.

"Oo, matagal na ako dito," nakayukong sabi ko sa kanya.

Nahihiya kasi ako dahil baka pagtawanan niya ako pero hindi niya iyon ginawa. Naalala kong malaki ang respeto niya sa mga babae kaya alam kong alam niyang mahihiya ako kapag tumawa siya.

"Tara! Sumama ka sa akin," sabi niya.

Hinawakan niya ang kamay ko at naglakad paalis. Hindi ko alam kung sasama ba ako o hindi pero hindi nagtagal nagpakaladkad na lang ako.

Hindi naman kasi siya masamang tao kaya hindi ko na kailangang matakot.

"San ba tayo pupunta?" tanong ko. Hindi kaya naligaw siya?

"Sa bahay namin," sabi niya.

Kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya. Bahay nila? Ibig sabihin, makikita ko ang mga magulang niya?

"Ano namang gagawin natin doon?" tanong ko.

"Doon ka muna," sagot niya.

Napatango na lang ako pero nang unti-unting nag-sink in sa akin ang sabi niya. Naalala kong kasama rin niya sina Leighton at isa pa niyang pinsan pero hindi ko alam kung saan.

Pero ano raw? Doon muna ako?

"Pero hindi na kailangan, dun na lang ako sa tent ko," sabi ko. Bigla na naman kasi akong kinabahan thinking na makakasama ko si Leighton sa bahay nila. Is he out of his mind? Pero kung sabagay, hindi naman niya alam na may gusto ako sa pinsan niya.

"Hindi mo ba alam na may mga mababangis na hayop sa gubat na iyan? You should try to take care of yourself, babe." sabi niya.

Napalunok ako dahil ang seryoso niya habang sinasabi iyon. Medyo kinilabutan ako pero nawala din naman iyon. Isa pa, nab-bother ako sa kaka-babe niya sa akin. Ang weird kasi pakinggan.

"Matagal na akong nakatira diyan at wala pa akong nakikita," sagot ko sa kanya. Hawak niya ang kamay ko habang hinihila niya ako. Ang kamay ko at hindi ang wrist ko. Gusto kong magblush dahil doon, kung may makakakita sa amin na fangirl niya tiyak na ha-huntingin nila ako.

"Anong gusto mo? Hintayin na makita ka ng mga hayop at kainin ka?" tanong niya.

May point siya dun pero paano ang gamit ko? Bago pa ako makapagtanong natanaw ko na ang bahay nila. Tiyak na iyon na yun dahil wala namang ibang bahay pa akong nakikita.

"Ito pala ang bahay niyo. Hindi ko alam na sa District 5 kayo nakatira." manghang sabi ko. May kalakihan kasi ang bahay nila kumpara sa bahay ko, I mean, sa tent ko.

"Pasok."

Tinulak naman niya ako sa loob. Nakita kong nagulat si Leighton sa pagpasok ko and so do I. Napatigil naman ang isa sa pag-inom ng kape. Baka siya iyong isa niyang pinsan na kasama niya rito sa bahay. Infairness, may itsura rin ito kahit na ang haba ng buhok at nakasumbrero kahit nasa loob lang naman ng bahay.

"Hello," sabi ko sabay smile at kaway sa kanya. "Ako po si Ellaine. Magandang gabi," bati ko sa kanila.

"Ah, hello rin. Ako pala si Tyrell. Magandang gabi rinnnn," bati ni Kuya Tyrell.

Maka-kuya 'no? Mukha naman kasi siyang mas matanda sa amin dahil sinaunang suot pa ang damit niya ngayon. Kimono ata ang tawag dito. Sinusuot ng mga hapon ngayon.

Ano kayang okasyon ngayon? Atsaka, hapon kaya siya? Ang astig din kasi ng accent niya, para siyang kumakanta.

"Tawagin mo na lang akong kuya Tyrell, okayyyy?"

Pwede naman pala eh. Iyong gulat na ekspresyon niya kanina ay napalitan ng isang malapad na ngiti. Iyong tipong parang may narealize na something.

Wait! May na-realize? Baka isipin niya na girlfriend ako ni Kyan, 'no! Kay Leighton lang ako!

"Okay po, kuya Tyrell," sabi ko na medyo may awkwardness pa rin naman.

"Tsk. Anong ginagawa niya rito?" tanong ni Leighton nang hindi man lang ako tinapunan ulit ng tingin. Ayaw ata niyang nandito ako. Hindi ko napigilan ang malungkot dahil doon.

"Dito muna siya tutuloy," sabi ni Kyan.

Bigla namang naibuga ni kuya Tyrell ang kape na iniinom niya. Hala? Bakit? Hindi ba ako welcome dito? Hindi ko tuloy maiwasan ang malungkot at mapayuko.

"Talagaaaa! Pero, bakit?" tanong ni Kuya Tyrell.

Hindi ko maintindihan ang taong ito. Kanina gulat tapos sasaya ulit, magugulat ulit tapos sasaya na naman. Ang gulo ng personality.

Tumayo naman si Leighton at pumunta ng kusina, parang ayaw niya na nandito ako, ah? Well, may rason nga ba para gustuhin niyang tumira ako rito?

"Siya iyong nakatira sa tent sa hindi kalayuan. I'm just worried for her, babe," sabi ni Kyan kay kuya Tyrell. Babe? Mannerism na ba niya iyon?

Umupo siya sa pinto at isinandal ang likod niya sa gilid nito.

"Okay lang naman sa iyo, hindi ba, Leighton?" tanong ni Kyan. Nakita kong kumunot ang noo ni Leighton.

"Tsk. Bahala kayo," sagot niya.

Nakatawa si kuya Tyrell. Hala? Ayaw nga ni Leighton ang nandito ako, okay? Paulit-ulit na ko. Kahit na nasasaktan na ako pilit parin dumadaloy sa utak ko yun.

"Hayaan mo na iyang si Leighton. Buti at nakilala na kita sa wakaaas," sabi niya. Nakangiti na naman siya nang malapad ngayon. Ang weird talaga niya. Pero, kilala niya ko?

"Eh?" nasabi ko na lang.

"Kain na tayo," sabi ni Kyan.

Inabot niya sa akin ang noodles. Ganito lang din ang kinakain ko sa tent ko. Parang lumipat lang ako ng bahay.

"Naku! Marami akong ganito sa tent, gusto kong balikan. Saka pala, iyong bike ko hindi ko nadala rito." sabi ko.

"Bukas naaa, madilim na at baka mapahamak ka pa," sabi ni kuya Tyrell. Ang bait niya. Bakit hindi namana ni Leighton ang kabaitan sa mga pinsan niya? Pero sa tingin ko, iba-iba lang talaga ang personality nila.

Si Kyan ang gentleman, si Leighton yung tipong masungit habang si kuya Tyrell naman ay ang tinatawag nilang bipolar. Haha! I wonder kung may iba pa silang pinsan.

Pagkatapos kumain...

Halos magulantang ako nang bigla akong may narinig na bumaldog at tumama sa kung saan. Dali-dali ko namang hinanap kung saan nanggaling iyon at nakita si Leighton.

"Aray!" daing niya.

Nilapitan ko siya nang makitang napaupo siya sa sahig. Ihagis ba naman ni Kuya Tyrell ang takure ng tubig. Kaya pala laging may bukol at sugat si Leighton kapag papasok siya.

"Ayos ka lang ba, Leighton?" pag-aalalang tanong ko sa kanya pagkalapit ko.

"Tsk. Ayos lang ako, huwag mo kong lalapitan," sabi niya.

Hala? Galit?

Lumabas siya at hindi ko alam kung saan papunta. Ganun ba talaga siya kagalit sa mga babae, o sa akin lang talaga siya ganoon kagalit at kahit hawakan siya ayaw niya.

"Loko talaga ang isang iyooon! Kunwari pa eh," sabi ni kuya Tyrell. Bakit nakukuha pa niyang tumawa ngayon? Hindi ba siya nag-aalala?

"Bakit mo naman kasi binato ng takure eh?" tanong ko. Hindi ko tuloy maiwasan ang masigawan siya. Ang sakit kaya nun kahit hindi ako ang binato nasaktan ako.

"Okay lang iyon sakanya. Hindi na yun nasasaktan, babe," sabi ni Kyan. "Sanay na iyan sa ganyan, lagi nga niyang hinahanap, eh."

Hindi ko alam kung nagbibiro ba siya o hindi pero isa lang ang alam ko. Nag-aalala ako kay Leighton.

"Dito ka nga pala matutulog, Ellaineee." sabi ni Kuya Tyrell. Pinakita nila sa akin ang kwarto ko. Kung titignan mo sa labas ang liit ng bahay nila. Pero sa loob malaki.

"Huwag ka mag-alala bukas. Sabay-sabay tayong papasok," sabi ni Kyan na ikinalaki ng mata ko.

Sabay-sabay? Ano na lang sasabihin nung iba? Lalo na ng fans ni Kyan? Hindi kaya dumugin ako. Hindi ba nila iyon naisip?

Hindi ko na nagawang itanong yun dahil pinatulog na nila ako. Ngayon palang kinikilabutan na ako. Anong gagawin ko? Pupudpurin na naman ako ni Tricia ng mga tanong nito!

Chapter 5

"Hello, wooorld! Good Morniiing!" bati ni kuya Tyrell sa'kin kaya bumati rin ako pabalik.

Nakasuot na ako ng uniporme namin at handa na akong umalis. Ngayon ko lang napansin na para akong nasa mansyon dahil sa laki ng bahay nila.

Ngayon ko lang kasi nagpagtuunan masyado ng pansin. Madaming ilaw sa kisame pero patay lahat dahil may sinag ng araw na tumatagos sa mga bintanang gawa sa salamin.

Napansin kong ako na lang ang hinihintay nila at hindi pa ako naga-almusal. Nakaupo silang tatlo sa isang mahabang mesa ngunit kalahati lang ang may laman na pagkain. Halos singhaba ito ng tatlong normal na lamesa.

"Good morning, babe. Tara kain ka na!" aya sa'kin ni Kyan. Sa tabi ako ni Kyan umupo dahil nakakatakot ang aura ni Leighton ngayon. 

Hindi lang naman pala ngayon, lagi na lang ganito ang aura niya. Pero, kung ang ibang tao ay gustong lumayo sa kanya? Ako naman nacurious ako kung bakit ganoon na lang siya umasta sa ibang tao. Hindi ba niya alam yung salitang enjoy? Bata pa siya pero parang ang dami niyang problemang pasan.

Kumain kami ng almusal sabay sabay at tulad ng sabi nila sabay sabay din kaming papasok. Kinakabahan na ako sa pwedeng mangyari. Baka mamaya atakihin ako ng mga linta at kung anu ano na agad ang sabihin sa'kin porket kasama ko ang Prince kuno nila.

"Hoiii! Kayong dalawa," sabi ni kuya Tyrell sabay turo kina Kyan at Leighton. Tumingin naman si Kyan sa kanya at huminto lang si Leighton sa paglalakad. "Alagaan niyo 'tong si Ellaine aaah! Alam kong marami kayong fans na babae," paalala ni kuya Tyrell sa kanilang dalawa.

"Oo naman kuya," sabi ni Kyan sabay gulo ng buhok ko, bigla namang lumabas si Leighton ng padabog. Nagulat ako pero nauna na siyang lumabas kaysa sa'min.

"Ikaw naman kasi Kyaaan, hinay-hinay lang," sabi ni kuya Tyrell. Ano bang pinagsasabi niya? Naguguluhan na talaga ako, parang may kakaiba talaga sa kinikilos nila eh.

Pero nakakatakot si Leighton kanina. Mas creepy pa siya kesa sa mga mababangis na hayop. Parang kahit anong oras manlalapa na lang bigla.

"I know, I know," sabi ni Kyan habang naiiling ng bahagya.

"Bilisan niyo naman. Malate pa ako niyan eh, tsk." sigaw ni Leighton mula sa labas, ang sungit niya talaga. Nakakatakot. Kinikilabutan tuloy ako sa kanya.

"Sige kuya Tyrell, mauna na kami," paalam ni Kyan. Isinukbit na rin niya ang bag niya sa magkabilang braso niya. "Tara na?" Sabay tingin sa'kin at inalok ang kamay niya. Iyong parang inaaya kang sumayaw? Ganun!

"Hmm," tumangu tango naman ako, kinuha ko ang kamay niya gamit ang kanan kong kamay at tumingin kay kuya Tyrell. "Mauna na po kami kuya Tyrell," paalam ko sabay wave ng kamay ko na hindi nakahawak kay Kyan.

"Sige, mag-ingat ka aaah?"

Lumabas na kami at nagsimulang maglakad, nag-wave ako ng kamay ko paalis. Habang naglalakad ang tahimik lang namin. Nakakatakot parin ang aura ni Leighton, parang maya-maya lang mangangain na siya ng tao. Iniiwasan ko tuloy na mapalapit sa kanya kahit isang haba lang ng ruler.

"Tara na, Ellaine. Sabay-sabay na tayo sa room natin?" Tanong ni Kyan, magkakaklase nga kasi kami, right? Kaya sama-sama kaming nagtungo sa room namin.

Napatingin sa'kin si Kyan na kanina ay nakatingin lang din sa daan. Ramdam ko din na nakatingin sa'min si Leighton.

Ayoko tumingin kay Leighton baka kapag tumingin ako sa kanya makasalubong ko yung naga-apoy niyang mata, nakakatakot. Ang cold kasi ng mata niya tapos ang itim ng aura niya.

"Kaklase pala kita? Hindi ko alam," sabi ni Leighton na ikinasimangot ko naman.

Feeling ko nawala ako sa mood ngayong araw, hindi niya alam na magkaklase kami. Ganito ba talaga siya? Parang mas masaya pa kung tinitignan ko na lang siya mula sa malayo kaysa naman nakakausap ko siya at ganito ang mga sinasabi sa'kin.

Bigla namang tumawa si Kyan. "Wala ka talagang kwenta Leighton," sabi ni Kyan sabay lagay ng kamay sa bulsa ng pantalon niya.

Tinignan ni Leighton nang masama si Kyan dahil sa sinabi niya. Ayan na naman, parang may lazer beam na lumalabas sa mata niya.

"Manahimik ka riyan!" sigaw ni Leighton na may halong pagbabanta. Nag-shrug lang ng balikat si Kyan at pinagpatuloy ang paglalakad.

Sa susunod, kukunin ko na talaga ang bike ko. Para kasing ayoko silang makasabay araw-araw at araw-araw din makatanggap ng mainit na tingin. Yung nakamamatay!

Pagdating namin ay nagsitilian na naman yung babae pero ang iba tinitignan ako, nasa gitna pa kasi ako ni Kyan at Leighton habang naglalakad.

Ngayon ko lang napansin, si Kyan kasi dinadaldal ako kanina tapos nagkainitan silang dalawa kaya pumagitna ako? Hala! Patay, mga killer eyes ng mga fans nila! Anong gagawin ko ngayon?

"Bakit kasama niya sina Prince Kyan?"

"Hala ka! Baka kung anong gayuma na ang ginawa niya."

"Tama! Balita ko mangkukulam ang Best Friend niya."

"Sino ang mangkukulam?" tanong ni Tricia.

Sige lang Tricia ipagtanggol mo si Makino, mga walang modo ang mga babaeng 'yan! Ayoko sa lahat ang sinasabihan ng kung anu-ano ang mga kaibigan ko, eh.

Napayuko na lang sila ng makita si Tricia. Isa pa itong babaeng ito na nakakatakot lalo na kapag galit. Magaling pa naman 'yang mangarate at kaya niyang ipa-salvage ang sino mang manlalait sa kaibigan niya. Joke lang syempre ang salvage part! Pero kung hindi talaga sila titigil, tototohanin ko.

"Tara na sa loob?" tanong ni Kyan, si Leighton dere-deretso siyang pumasok sa loob at para bang walang pakialam sa mundo.

"Oo. Salamat Kyan ah?" sabi ko sa kanya. Ang bait bait niya, no wonder ang daming nagkakagusto sa kanya, bakit kasi hindi kasing bait ni Kyan si Luhan.

"Walang anuman, pagpasensyahan mo na yung mga babae kanina ah? Huwag ka mag-alala ako bahala magsabi sa kanila. Magkaibigan naman tayo, 'diba?" tanong niya, tumango na lang at nagpaalam na siya. Naupo naman ako malapit sa likod ni Leighton.

Doon naman kasi talaga ako nakaupo, though minsan hinihila ako nina Tricia at Makino malapit sa kanila. Mas komportable kasi kapag nasa likod ako. Si Kyan naman ay medyo nasa harap na harap.

"Ellaine!" tawag ni este sigaw ni Tricia sa'kin, ang ingay niya. Siya lang ang maingay ngayon sa section namin at tiyak tatanungin na naman niya ako. Ang gandang impluwensya 'no?

"Hello! Good Morning, Ellaine!" Buti pa si Makino ang tino ng pambungad sa'kin ngayong umaga. Naalala ko na naman ang kanina, kakalimutan ko na nga lang ang pagkabadtrip ko.

"Good Morning, Makino!" masayang bati ko sa kanya, si Tricia naman hinila na naman ako sa dulo ng classroom para sa interrogation.

"So, care to explain?" tanong ni Tricia. Inilapit pa nga niya ang mukha niya sa'kin para tanungin ako.

"Explain what?" maangmaangan ko sa kaniya. Ayoko muna mag-assume sa kung ano'ng gusto niyang malaman.

"Come on, Ellaine. Bakit mo sila kasabay?" tanong niya ulit sa'kin.

"Well, mamaya ko na lang ikwento."

Nagpout naman siya dahil sa sinabi ko.

"Ngayon na, wala pa namang teacher," pagpupumilit niya. Tahimik lang si Makino na nakikinig sa pwede kong sabihin.

"Basta! Kesa naman mabitin kayo?"

"Sige na nga..."

Medyo nag pout pa niyang sagot sa'kin. Kahit kailan ang isip bata ng kaibigan kong 'to. Sarap hilahin ng labi, eh.

"Good Morning class," bati ng aming guro, nagsitayo naman kami at binati rin ang guro. Sa ekspresyon niya alam ko na may party-party na magaganap sa room namin.

"Today is halfday," bungad niya pagka-upo na pagka-upo sa harap.

"Yahooo!" sigawan ng mga kaklase ko.

Sabi na nga ba e!

Bigla naman silang binigyan ng isang matalim na tingin ng aming president. Edi ayan natahimik kayo. Nagbigay ng death glare si Tricia kaya natahimik lahat pero kung alam ko lang mamaya 'yan mag-iingay na naman sila.

"As I was saying halfday today, pinag-uusapan ng council ang tungkol sa upcoming program natin. So, miss SSG president kailangan nandoon ka," sabi niya.

Tumango naman si Tricia sa kanya.

Program? Every month naman ata may program, kulang na lang gawin nilang linggo-linggo. Ang theme ng program? Culinary. Ibig sabihin bawat section ay... magluluto.

Papunta na kami ni Makino sa Canteen at wala si Tricia dahil nga pinatawag siya.

Mukhang hindi naman interesado si Makino tungkol sa kung bakit kasabay ko silang pumasok and I can see na may clue na siya kung bakit. Huwag na kayong magtataka.

"So anong lulutuin natin?" tanong ko, kailangan kasing maghanap ng mga kagrupo para yung grupo na iyon may iluluto at irepresent sa mismong program.

"Hindi ko pa alam," napa-pout naman ako sa sagot niya.

Buong high school year ang sasali sa program at I'm sure kasama sina Kyan doon.

3rd year na si Kyan at ganun din naman ako kaya tatanungin ko siya kung may naisip na sila, kailangan ko lang ng idea.

Nakita ko naman siya na kakapasok lang sa loob ng canteen and as usual pinagtitinginan na naman siya, hindi nagtagal pumasok na si Leighton.

"Kyan..." mahinang tawag ko sa kanya. Hinanap pa nga niya kung sino ang tumawag sa kanya kaya tinaasan ko siya ng kamay.

"Babe, ikaw pala," sabi niya tiyaka ngumiti sa'kin nang napakalapad.

Ganyan naman iyan kahit kanino kaya hindi nakapagtataka marami ang nahuhumaling sa kanya. Ang ganda ng ngiti niya, parang kumikinang ang mukha niya kapag ngingiti lang siya. Nakakalaglag panty!

"OMG! Siya na naman?"

"Napaka-attention seeker niya."

"Haist! Malandi!"

"And what's with the babe?"

"Kayo lang naman ang pumapansin sa kanya kaya huwag niyo siyang tawaging attention seeker, huwag niyong pansinin edi walang gulo," sabi ni Tricia.

Hindi pa ba ako lulubayan ng mga babaeng yun? Hindi ko naman aagawin sa kanila si Kyan kaya wala silang dapat ipagalala.

"Tricia nandito ka na pala," sabi ko.

"Ah... oo... katatapos lang nung meeting, pwede makiupo?" tanong niya, nakaupo na din kasi dito si Kyan sa tabi ko.

"Sure!" sagot namin. Alam kong kating-kati na siyang magtanong kaya naman nagulat ako ng bigla siyang magsalita.

"So, what's with the set up a while ago?" tanong niya.

Noong una nagtataka ako. Anong set up? Tapos narinig kong napatawa si Kyan dahil katabi ko lang siya.

"She's living with us," sagot ni Kyan kaya naman napanganga sila, I mean si Tricia lang pala.

Sino ba naman hindi magtataka doon. Ako? Si Kyan? Nakatira sa iisang bubong? Parang ang bilis nga naman ng pangyayari sa'ming lahat nina Kyan at Leighton.

Dati tinitignan ko lang sila mula sa malayo hanggang sa makaupo sila pero ngayon lagi ko na silang nakikita buong araw. Simula pagkagising hanggang sa bago matulog.

"You've got to be kidding us!"

Hindi naman siya grabe kung maka-react, 'no? Pero hindi ko naman siya masisisi kung sakali. Iyon nga lang ang daming nakatingin sa'min, una dahil kasama namin si Kyan at pangalawa ang lakas ng boses ni Tricia.

"Seriously? Hindi nga?" tanong niya ulit. Nginitian lang siya ni Kai sabay tango, napatakip siya sa bibig niya. Ano namang iniisip niya?

"Don't tell me, nag-live in na kayo?"

Buti na lang napatingin ako sa gilid ko kung hindi nabugahan ko na si Tricia sa mukha. WTH! Sabi na nga ba at ganito ang iniisip niya eh. Masyado naman kasi siyang advance kung makapag-isip.

"Okay ka lang, ito oh gamitin mo muna yung panyo ko," sabay abot ni Kyan ng panyo niya sa'kin. Hindi na pala inabot dahil siya na nagpunas. Naramdaman ko ang pagdaloy ng dugo sa pisngi ko. Kailangan pa ba talaga niyang gawin yun? Nakakahiya!

"Naku! Hindi na kailangan, baka madumihan pa iyang panyo mo," sabi ko pero hindi parin siya tumigil.

Ang daming masasama at pangit na mata ang nakatingin sa'kin. Sabi nga nila, kung nakamamatay ang tingin kanina pa ako nakabulagta sa sahig ngayon.

"It's okay, hindi ko na naman nagagamit iyan eh," sabi niya. Kinuha ko na lang yun at ako na ang nagpunas, ang awkward kaya.

"What the hell!"

Sa hindi kalayuan ay nakarinig kami ng sigaw kaya napatingin kami sa taong 'yun - si Leighton. Tapos yung lalaki natapunan ata ang damit ni Leighton, panay naman ang paghingi niya ng tawad kay Leighton.

"Naku! Sorry po, hindi ko po kasi nakita," pagmamakaawa nito.

Ang sama na kasi ng tingin ni Leighton sa kanya at kinwelyuhan pa niya ito. Napatayo na lang ako, si Kyan wala atang balak awatin ang pinsan niya. Baka mapaaway pa si Leighton at pwede rin siyang ma-suspend dahil sa pananapak.

"Tama na 'yan, Leighton," awat ko sa kanya.

Pagtingin niya sa'kin parang gusto kong bumalik na lang ako sa upuan at huwag na siya pansinin. Tinignan niya din ako ng matalim.

Pero hindi, kawawa naman baka kung mapaano pa yung lalaki. Hinatak niya ang kamay niya mula sa pagkakahawak niya at umalis sa canteen, tinignan ko naman yung lalaki.

"Naku! Sorry ah, baka may saltik na ang lalaking yun eh," sabi ko na lang.

Minsan gusto ko na rin patigilin ang bunganga ko sa madalas kong masabi sa iba. Baka mamaya maniwala siya na may saltik nga si Leighton.

"Okay lang yun, 'noh. Sanay na ako," sabi niya habang pinupulot ang nahulog na cap kanina. May natawa naman sa likod ko at pagtingin ko si Kyan lang pala.

"Bakit hindi mo naman pinigilan si Leighton kanina?" pagalit na tanong ko sa kanya pero parang wala lang sa kanya iyon, nag-shrug siya bago sumagot.

"Malaki na siya, alam na niya ang tama sa mali," komento nito. Tama siya pero parang hindi niya parin alam ang tama eh. Hay naku Leighton! Ang hirap mong basahin.

"Sundan mo," nagulat ako sa sinabi niya. Ha? Ako? Bakit ko naman gagawin iyon? "Ikaw lang ang makakapagpahinahon sa kanya," literal na nanlaki ang mga mata ko.

Hindi ko alam kung bakit pero sinunod ko na lang ang gusto niyang gawin ko. Sa rooftop ko siya nakita at nakatayo siya sa railings.

"Hoy!" tawag ko sa kanya.

Namali ata siya ng apak kaya naman nadulas siya, dahilan para mahulog siya. Ang tanga niya, I mean, ang tanga nung railings. Hindi siya sinalo!

"Ouch, f*** what the heck!" sigaw niya. Nilapitan ko na lang siya at inalalayan tumayo, kawawang Leighton! Baka magkabukol pa siya nito dahil sa'kin.

"Ang tanga naman kasi," sabi ko.

Napatakip naman ako ng bibig sa sinabi ko, nabitawan ko siya kaya nauntog na naman siya sa sahig. Naku! Dalawa na ang bukol niya, kasalanan ko 'to eh! Dapat hindi na lang ako pumunta para kausapin siya.

"Aray ko! Ano ba, papatayin mo ba ko?" sigaw niya ulit, hala! Hindi ko naman kayang pawalain yung init ng ulo niya eh. Lalo lang uminit dahil sa'kin.

Bakit nga ba ako naniwala sa sinabi ni Kyan? Baka kung ano na namang masamang salita ang sabihin niya sa'kin.

"Sorry, hindi ko naman sinasadya," nakayukong paghingi ko ng paumanhin. Tinulungan ko na siyang tumayo pero hinawi lang niya ang kamay ko, ang mean niya talaga!

"Ano ba kasing ginagawa mo rito?" sigaw na naman.

Natatakot na ako sa kanya pero bakit ang bilis ng tibok ng puso ko, dahil sa kaba? Dahil sa kilig? Hello! Paano na naman ako kikiligin, sinisigawan na nga niya ko? Hay! Ang weird ng naisip kong yun.

"S-sinundan lang naman kita, s-sabi kasi ni K-Kyan sundan kita," nauutal na sabi ko ng hindi nakatingin sa kaniya, nahihiya at natatakot ako baka sigawan na naman niya ko.

"Tss." Iyon lang ang sinabi niya at sumandal sa bench.

May bench dito sa rooftop ng school namin, yung ibang upuan rito sira na at palitin na pero yung ilan ay nilagay lang dahil sa tagal na ring ginamit.

Nakayuko lang ako at kinutkot ang pintura sa bench. Hindi ko alam kung ano'ng sasabihin ko.

"Wala ka pa bang balak umalis?" tanong niya. Tumayo ako habang nakayuko pa rin. Ayokong salubungin ang mga mata niya.

"S-Sige, mauuna na a-ako." sabi ko tapos naglakad na.

Akala ko susundan niya ako pero waley. Wala nga pala ako sa drama kaya bakit ko ba naisip na susundan niya ako? And also, what should I expect from a guy named Leighton?

Chapter 6

Point of View: Leighton Era

What was Kyan and Tyrell thinking! Letting that woman live here with us. Mukhang nasiyahan naman si Gurang nang makita siya dahil matagal na siyang curious kung ano'ng itsura ng babaeng kinababaliwan ko raw.

Hindi ko naman siya kinababaliwan, 'diba? Gusto ko lang siya, period.

Another thing, nakakahiya 'yong pinaggagawa nila sa'kin. Kesyo batuhin ba naman ako ng takure sa ulo. Nilapitan pa tuloy ako ni Ellaine.

Feeling ko nga ay aatakihin ako sa puso nang bigla siyang sumulpot sa tabi ko at tinanong kung okay lang ako. What if bigla akong magpalit anyo habang nakaharap sa kaniya. That will be a total mess! Hindi ba sila nag-iisip?

Alam naman nilang hindi ako mapakali kapag malapit siya sa'kin. Parang tipong torpe na aamin sa gusto niya, though sa part ko hindi naman ako aamin.

Never kong gagawin yun kahit gusto ko siya. Siguro nga likas na sa kanila ang asarin ako hanggang sa mapuno ako pero this is different. Tsk.

Kanina sabay-sabay pa kaming pumasok kaya lahat ng mata nasa kanya. Noong nasa canteen naman hindi ko maiwasan ang mapatingin sa table nila dahil kasama niya ang pinsan kong si Kyan.

Muntik ko pang bangasan yung bibig nung nagsalita pero biglang dumating ang president at pinagtanggol si Ellaine.

Bigla-bigla namang pinunasan yung bibig ni Ellaine gamit ang panyo niya! Mas lalong uminit ang ulo ko! I have to calm myself. Alam kong alam niyang nakatingin ako sa kanila at inaasar ako nang patago.

Tatayo na ako dahil hindi ko kaya ang mga nakikita ko kaso may bigla namang humarang para mapunta sa amin ang atensyon ng mga tao.

"Tsk. What the hell!" bulyaw ko sa lalaking nasa harap ko dahil natapunan lang naman ako ng inumin niya sa uniporme ko. I'm the one doing the laundry and this is a little too much.

"Naku! Sorry po, hindi ko po kasi nakita," nainis naman ako sa sinabi niya. Kinwelyuhan ko nga, kasi naman, sorry? Napahiya na nga ako, sorry lang ang sasabihin niya. Ready na akong suntukin siya pero...

"Tama na iyan, Leighton," sabi ng isang pamilyar na boses.

Nabato ako sa kinatatayuan ko lalo na ng hawakan ako ni Ellaine. Buti na lang at nahatak ko ang kamay ko sa kanya kaagad.

Dumeretso ako sa rooftop at tumungtong sa railings pagkarating na pagkarating ko.

Ngayon na lang ulit ako nakapunta rito. Umihip ako sa hangin dahil ang lakas at ang lamig nito.

Sana ganito na lang lagi katahimik ang buhay ko. Walang Kyan, Tyrell at ang iba ko pang mga pinsan na malakas rin mang-asar.

Tumingin ako sa langit. This time, perfect heart na ito. Hindi lang iyon, dalawa na siya. Napangiti naman ako kahit hindi ko alam kung anong pinaparating nun.

Isa lang ang alam ko, maganda ang ibig sabihin nito.

"Hoyy!"

Pababa na sana ako kaso nagulat ako sa biglang pagsulpot niya, nadulas, nahulog, bumagsak, ang – tanga – nung railings!

"Ouch, f*** what the heck!" sigaw ko, another nakakahiyang scene.

Ano ba naman, Leighton? Bakit ang lampa mo kapag kaharap mo si Ellaine? Basta na lang din lumabas sa bibig ko ang mga salitang iyan.

Inalalayan niya ako pero nagulat ako sa sinabi niya...

"Ang tanga naman kasi..."

Napahawak siya sa bibig niya dahilan para mauntog ako sa sahig, arghh! This is so embarrassing!

"Aray ko! Ano ba, papatayin mo ba 'ko?" I didn't mean to shout at her pero nakakainis.

Hindi din naman masakit pero sinabi ko lang naman iyon para matakpan ang pagkailang ko. Gusto ko sana na matakot na lang siya sa akin at layuan ako.

"Sorry, hindi ko naman sinasadya." Nakita kong napayuko siya kaya ito na naman ako si naguilty.

Inalis ko na lang sa isip ko ang bagay na iyon at tumayo. Tinulungan niya akong makatayo at in-upo na sa bench.

"Ano ba kasi ang ginagawa mo rito?"

Can't help it, nahihiya ako kaya dinaan ko na lang sa sigaw, ayoko namang mahalata niya ako agad. Sanay na rin ako na ganito makipag-usap sa iba kapag nahihiya ako o kaya naaasar.

"S-sinundan lang naman kita, s-sabi kasi ni K-Kyan sundan kita," sagot niya habang nakayuko.

I guess pati siya nahihiya sa akin. O baka naman natatakot?

"Tsk," sagot ko.

Kinukutkot na niya yung pintura sa bench. Walang magawa? Hay naku naman! "Wala ka pa bang balak umalis?" tanong ko.

Tumayo naman siya at aalis na. "S-Sige, mauuna na a-ako."

Hindi ko siya pinigilan, ayoko nito. Ayokong mapalapit sa kanya. Hindi dahil takot akong ma-basted o kung ano man, kasama naman yun kapag magmamahal ka.

Ayoko lang talaga, once you involve yourself sa isa sa aming mga zodiacs? There will be no escape... there's no turning back.

Point of View: Patricia Ellaine Gamboa

Pagkaalis ko bigla na lang bumigat ang nararamdaman ko. Naiinis ako na ewan pero hindi ko naman makuhang magalit sa kanya.

"Ellaine! Ano? Ano ang sabi niya?" tanong ni Tricia.

Kasunod niya si Makino sa likod niya. Nilampasan ko lang sila at alam kong alam nila ang nangyari. Alam ko namang mararamdaman na nila yun dahil sa inasta ko, 'diba?

Hindi ako nagda-dramahan o kung ano. Ayoko lang talagang pag-usapan dahil kailangan ko nang tanggapin na ganoon talaga siya. Sa kaniya ako nagkagusto, e! Anong magagawa ko?

Pagbalik ng room namin tahimik lang ako. Si Leighton naman pumasok pero mukhang walang pakialam sa mundo. Parang walang nangyari kanina. Kung sabagay, mukhang sa akin lang naman big deal ang pag-uusap namin.

Napabuntong hininga na lang ako sa mga naiisip ko. Lagi na lang malalim ang iniisip ko lately, ah?

Sa tingin ko hinding-hindi ako mapapansin ni Leighton kasi naman ang kulit-kulit ko. Si Kyan naman ang nagsabi na sundan ko siya kaya ginawa ko. Sa susunod siguro hindi ko na ipipilit ang sarili ko sa kanya. Pwede naman siguro maging magkaibigan na lang kami? O mas mabuti ay iyong tipong estranghero lang kami sa isa't isa. At least, malaya ko siyang natitignan kahit anong oras.

Papunta kami sa gym ngayon para sa P.E namin at buong section namin ang magkakalaban. Hindi ko lang alam kung anu-ano ang mga lalaruin namin.

Sports ang topic namin kaya tiyak na maraming sasali dahil majority sa school namin ay puro athlete.

"Ellaine, may extra ka bang jogging pants? Na-shoot kasi sa bowl yung akin," seryosong tanong sa akin ni Makino.

Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa sinabi ni Makino pero pinahiram ko na rin siya ng extra ko.

"Nakaka-excite naman 'to!" sabi ni Tricia.

Nage-excel din kasi siya sa sports kaya naman alam kong sisiw na ang isang 'to sa kanya. Mage-enjoy na lang din siguro ako gaya nila.

Sabay-sabay na kaming pumasok ng gym at grabe nakaka-inlove ang mga lalaki sa section namin lalo na si Leighton!

Talaga namang bumagay sa kanila ang PE uniform namin lalo na ngayong naglalaro sila ng basketball.

Bakit kaya uso sa mga lalaki ang basketball? Ang cool din naman kasi ng larong ito.

Sa kabilang side naman mga babaeng nagv-volleyball. Hindi kasi ako sanay magvolleyball kaya sa tennis ako lumugar.

Nakapaglaro na ako dati ng volleyball pero ayaw talaga sa'kin ng malalaking bola kaya nag try ako sa tennis. At hindi ako nagkamali, nagkasundo kami ng bola ng tennis.

Sa buong klase namin, 58 kami kaya super dami namin. Hindi na siguro kayo magtataka kung halos sakupin na namin ang courts ng bawat sports. Pero super laki ng school namin kaya maraming gyms and courts.

Ang una manonood kami ng laban ng mga lalaki na magbabasketball.

Excited na nga akong manood dahil baka maglalaro si Leighton pero hindi naman siya tumayo. Kasama sa maglalaro sa team namin ay sina Kyungsoo, Gaige, Davon.

Habang naglalaro nakatingin ako kay Leighton pero nanonood parin ako minsan.

Ang gagaling pala ng mga kaklase ko pagdating sa sports. Isang tao lang kasi ang pinapanood ko noon palang kaya wala sa kanila ang atensyon ko. This time, sila naman ang pagtutuunan ko ng pansin.

Bigla namang napunta sa akin ang bola dahil may naghagis. Binalik ko yun kaso ako itong si tanga. Tinamaan si Kristel sa ulo. Ayaw talaga sa akin ng mga malalaking bola 'no?

"Hala! Sorry," medyo mahina kong sabi ko sa kanya. Hindi naman siya kalayuan sa'kin kaya alam kong rinig niya ang sabi ko sa kanya.

"Okay lang," sabi niya sabay ngiti sa'kin.

Isa siya sa tahimik sa room namin at isa rin siya sa maliit. Ang cute nga niya eh. Bilugan din ang mata niya at para siyang tarsier. Haha!

"Hindi ka kaya magkabukol niyan?" tanong ko sa kanya. Kasi naman alam kong hindi ako sanay humawak ng bola pero kahit papaano rinig ko ang impact. Kung ako siguro yun baka sa clinic na ako makikita ngayon.

"Huwag kang mag-alala sa kanya, okay lang siya. 'Diba Kristel?" sabi ni Gaige sabay akbay sa'kin. Siya naman itong palabiro sa klase pero madalang lang dahil kay Tricia. Kumbaga, siya ang mood-maker ng section namin.

Weird, pero bakit parang ngayon ko lang sila napansin? Masyado bang puro Leighton ang nasa isip ko. Ngayon lang din naman kasi ako in-approach ng lalaking ito.

"HAHA! Don't worry, wala nga akong naramdaman," sabi niya sabay ngiti. Eh? Walang naramdaman, e, ang lakas nga nung impact!

"Oh, huwag mo na siyang alalahanin, okay lang iyan," sabi naman ni Gaige sabay gulo ng buhok ko. "Iyan pa, e, mas matigas pa iyan sa bato oh," dagdag niya pa.

Kahit na-weirduhan ako hinayaan ko na lang sila, bahala na nga! Sabi naman niya ayos lang siya kaya ayos na rin ako.

After ng basketball pina-gather na kami ng teacher namin sa volleyball court. Kasali si Tricia at Makino rito kaya naman todo cheer ako sa kanila. Ang galing ni Tricia! Kulang na lang siya na ang maglaro kalaban yung iba naming kaklase.

"Oh? Hindi ka ba maglalaro?" tanong ni Gaige sa akin.

Hindi naman na-awkward-an sa kanya kaya okay lang na kasama ko siya ngayon. Madali naman siyang pakisamahan at kilala ko na rin naman siya dati.

"Mamaya pa. Tennis kasi ang sinalihan ko," sabi ko at tumango naman siya. 10 na ang nakakapaglaro, sa volleyball naman 12, sa Tennis naman 12 students, then lastly ay soccer with 24 members na agad. And equals to 58!

Hindi ko naman sinuma pero dahil 58 kami kaya nasabi kong equals to 58 yun. Haha! Tinatamad akong magsuma. Ayoko kasi ng math.

Noong ako na ang maglalaro, rinig na rinig ko si Tricia na nag-cheer sa akin. Meron pa ngang, "I-cheer niyo naman si Ellaine, kung hindi uupakan ko kayo." Kaya ayun lumakas ang cheer. Tricia talaga oh!

Kung sineswerte naman ako, ayun nanalo naman. Medyo nahirapan lang ako dun sa isa kong nakalaban dahil ang laking babae. Hiyang-hiya naman daw si ako.

Sa huli naman ay soccer and unexpectedly, si Leighton ay sumali sa soccer, Ang galing niya! He can carry the game ng mag-isa. Hindi ko ito sinasabi kasi gusto ko siya. Sadyang nakakahanga lang ang paglalaro niya. Dati kasi hindi siya sumasali kaya ngayon ko lang siya napanood.

Nanonood lang siya noon at noong una siyang sumali ay hindi ko naintindihan. Nagforfeit ang kalaban niya ng hindi man lang sinisimulan.

Kasama naman niya si Quinten which is isa din sa magaling sa team nila. Pinsan siya ni Leighton na mukhang babae dahil sobrang puti at mukhang manika. Medyo may kahabaan pa ang buhok kaya mas lalong napagkakamalan.

Ang init na nga, e, pero hindi sila tumitigil. Namumula na si Leighton! Baka umitim siya.

Si Quinten naman parang nanghihina dahil siguro sa pagod, tinapik lang ni Leighton ang balikat ni Quinten at automatic na lumabas siya sa field.

Wala naman naging angal ang teacher namin dahil sa dinahilan nila. Baka kaya may sakit si Quinten?

"Aw, bakit siya lumabas?"

"Wala ng katulong si Leighton sa laro..."

"AJA! Kaya niya 'yan. Go, Leighton!"

Linya ko yun e! Pero for sure, kapag si Kyan ang kalaban ni Leighton, si Kyan ang i-cheer nila. Gusto kong sumigaw pero nahihiya ako.

"Hey! Bakit hindi mo i-cheer ang love of your life mo?" tanong ni Tricia.

Umiinom na kami rito habang nanonood ng laro. Grabe na kasi ang sikat ng araw tapos kagagaling lang namin sa laro kanina.

"Ayoko nga, nahihiya ako 'no!" sabi ko.

Pagdating kasi kay Leighton ay nahihiya na ako pero magaling din akong sumayaw, kumanta at tumugtog ng instruments.

Hindi ako nahihiya kapag magpeperform pero kapag para na kay Leighton, doon kinakabahan na ako!

Bakit ganito ang epekto niya sa akin? Napabuntong hininga na lang ako. Sabi ko 'diba, kakalimutan ko na ang nararamdaman ko at okay na ako sa kaibigan?

Sa huli ng game nanalo parin ang team nina Leighton pero lumapit siya kay Quinten at pinagyan ng cold compress at pinapasok sa loob.

Ang weird talaga niya!

Chapter 7

Point of View: Leighton Era

Habang naglalaro, ramdam ko ang panghihina ni Quinten kaya pinalabas ko na siya.

Wala na naman siyang magagawa dahil kahinaan niya ang araw. Madalas din silang maglayo ni Davon dahil minsan nararamdaman niya ang presensiya nito.

Bale, kahinaan nila ang isa't isa. Si Davon kasi ang flame sa amin at si Quinten naman ang froze, obviously.

Sa lahat ng Zodiac, si Quinten ang ka-close ko sa lahat. Siya lang din naman kasi minsan ang nakakausap ko ng matino, e. Madalas din siyang seryoso sa mga bagay maliban na lang kapag aasarin ako. Hay! Nasa lahi na namin talaga ang mga mapang-asar and sadly sa akin nila naibunton iyon.

If you wanted to ask me what happened? Kung ano'ng nangyayari at napunta rito ang mga pinsan ko without everyone's realizations? Dahil nandito na sila. They are back at talagang sinundan pa nila kami.

Kaya wala kaming ibang nagawa kung hindi ang bigyan ng pekeng ala-ala ang lahat ng schoolmates namin.

Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ko nang marinig kong tumunog ito.

Calling Tyrell...

Leighton: Oh bakit?

Tyrell: [PHONE] Kailangan niyong bumalik dito, ASAP! Isama mo si Kyan.

Leighton: Ha? Bakit naman?

Tyrell: Huwag ng matanong bilisan mo na!

-End call-

Sinabihan ko na si Kyan tungkol sa pagtawag ni kuya Tyrell. Nalaman kong naiwan pala niya ang phone niya sa bahay kaya sa akin tumawag si kuya.

Buti na lang at break na rin namin kaya makakapunta kami. May kakaiba rin sa tono ng pananalita ni kuya Tyrell kaya nakakapagtaka.

Kilala namin si kuya Tyrell bilang isang masayahin na tao at kung magbibiro man siya ay mahahalata mo sa tono niya.

Pero ngayon kasi, parang may kakaiba sa tono nito. Hindi na ito masaya at hindi na rin pakanta.

Hindi naman nagtagal ay pumunta na kami at halos lumuwa ang mata namin pagdating namin sa bahay.

"Ano'ng nangyari?" tanong namin kay kuya Tyrell.

Halos wala nang natira sa bahay namin. Kung hindi sira ay sunog naman ang mga ito. Wala na kaming matitiran.

On the second thought, meron pa pala. Pero matagal ko na sinabi sa sarili ko na hindi na ako babalik doon.

"Kagagaling ko lang sa bayan para bumili ng pagkain natin pero pagdating ko ganyan na iyan," sabi niya. Seryoso ang tingin niya kaya naman alam naming galit siya. Lumalakas na rin ang hangin kaya for sure kaunting tulak pa sasabog na siya... kuya Tyrell.

"Ang mga witches," tanging sabi na lang niya.

Lalo pang lumakas ang hangin. Kung titignan mo si kuya Tyrell, mabait 'yan pero pagdating sa mga witches wala siyang sinasanto.

"Huminahon ka, kuya Tyrell. Sa ngayon, doon muna tayo sa bahay natin," sabi ni Kyan.

Hinawakan niya kasi sa balikat si kuya Tyrell upang pakalmahin ito. At tama kayo ng dinig, hindi ito ang pinakabahay namin dahil maliit ito. Gusto ni kuya Tyrell na tumira nang nakahiwalay at sinama kaming dalawa ni Kyan.

Madalang naman din akong umuwi kaya sumama na lang ako sa kanila. Magandang lugar din kasi ito para sa mga alaga kong halaman. Pero hindi ko inaasahan ang nangyari ngayon sa bahay namin.

Si Kyan ay bigla nang nawala, tiyak at nagteleport na iyon papunta sa bahay habang si kuya Tyrell naman ay mabilis na tumakbo.

Naiwan ako dahil nga makupad ako. Tsk!

Bago pa man ako makatakbo, may naramdaman akong kakaiba. Isang presensya... hindi ko alam pero hindi agad ako makagalaw sa kinatatayuan ko nang akmang susundan ko na sila.

Nakita ko na lang ang isang bilog sa inaapakan ko. I'm trapped! Biglang humangin nang malakas pero hindi pa rin ako gumagalaw. Tanging ang buhok at damit ko lang ang sumasabay sa lakas ng hangin.

Bakit naman kasi iniwan nila ako rito mag-isa? Alam naman nilang hindi ko kayang labanan ang mga witch kung sakali mang dumating sila. Ano na lang kayang mangyayari sa'kin kapag nagkataon na witch ang makasagupa ko?

"Kung sineswerte nga naman at si Leighton ang nabiktima," sabi ng isang hindi pamilyar na boses. "Or... malas?" pagpapatuloy niya. Iniinsulto ako ng isang 'to!

"Sino ka ba? Magpakita ka?!" sigaw ko sa kanya. May lumabas naman na lalaki mula sa likod ng puno na nakasuot ng itim na kapote.

Nakatakip ang mukha niya kaya hindi ko mamukhaan kung kakilala ko ba ang isang ito. Isa lang ang tinitiyak ko, isa siyang wizard.

"Well well well! Leighton Era Xi – telekinesis. Haha! Pero, paano mo magagamit ang kapangyarihan mo kung hindi ka makagalaw, o hindi mo lang kayang kontrolin?" Tumawa na naman siya ng nakakainis.

Kaunti na lang talaga babangasan ko na 'to kapag hindi tumigil sa katatawa. Mas nakakainis pa ang presensiya niya kaysa sa mga pinsan ko na madalas akong inaasar. Kaya lang may problema talaga sa katawan ko. Hindi ako makagalaw! Para akong napako sa kinatatayuan ko, literal!

Bigla siyang nawala sa paningin ko at naramdaman ko siya sa likod ko na may tinusok sa bewang ko. Ang hapdi! Para akong natusok ng isang malaki at matulis na kutsilyo dahil sa sakit pero kasing nipis lang siya ng karayom. Iba ang pakiramdam ko!

Naramdaman kong may dumaloy sa katawan ko na mainit na bagay pero hindi ko alam kung ano yun. 'Sana huwag yun isang shard' Dahil kung hindi, hindi ko na rin alam kung saan ako pupulutin kung sakali mang mabuhay ako.

"Nababahala ka ba kung ano ang bagay na yun?" tanong niya sabay layo sa akin. "Natatakot ka bang isang shard iyon?" tanong niya sabay tawa na naman.

Nakakapanginit ng ulo ang mga sinasabi niya pero hindi ko na lang pinansin.

Ang init ng pakiramdam ko, feeling ko mapapaso ako sa sobrang init. Ramdam ko ang bagay na yun, nasa puso ko na ito!

Kulay pula na ang paningin ko hanggang sa mawala siya sa paningin ko. Napaluhod na lang ako dahil sa sakit ng katawan ko, ang ulo ko na parang binibiyak dahil sa sakit. Ano bang nangyayari sa'kin? Ganito ba ang epekto ng isang shard? Hindi ako makagalaw ng ayos.

Bumalik na ako sa bahay nang maging okay ang pakiramdam ko. Nakita ko sila sa sala at nagtatawanan kasama si Ellaine. Alam na siguro niya ang tungkol sa nangyari. Buti na lang at hindi siya gaanong nagtanong.

Ano naman kaya ang idinahilan nila sa kaniya?

Ang nandito lang sa bahay ay sina Gaige, kuya Davon, Kyan, kuya Tyrell, Quinten, at si Kristel.

Habang sina ate Andrea, ate Pierre, kuya Coen at kuya Nixon naman for sure busy ang mga iyon dahil mga may trabaho na. Si Zaire naman, kasama ni kuya Coen dahil magkapatid silang dalawa.

Si kuya Coen ay isang doctor ng tao at maging ng mga zodiacs. Siya ang tinatawag namin chief noong nandoon pa kami sa dati naming planeta. If I can still remember it correctly. Hindi na kasi malinaw sa akin ang mga nangyari noon.

Si ate Andrea naman ay ang time control. Hindi ko alam kung ano ang trabaho niya! Malay ko pinagkakaabalahan nun, masyadong misteryoso, e. Ang sungit pa!

Si kuya Nixon naman na kuya ni kuya Tyrell ay water boy este may spa siyang pinapatakbo at ilang mga swimming pools and beaches.

Sa pagkakaalam ko naman, si ate Pierre ay isang blacksmith. Gumagawa siya ng mga espada. Hindi ko alam kung para saan. Wala namang kinalaman sa kapangyarihan niya ang trabaho niya dahil isa siyang Earth user.

"Saan ka ba nanggaliiing, bakit ngayon ka lang?" tanong ni kuya Tyrell.

Kung kanina para na siyang bulkan na sasabog ngayon naman makangiti wagas. Naramdaman kong may tumusok sa bibig ko, hindi pwede 'to!

Hindi ko siya pinansin at pumasok sa kwarto ko dahil baka kapag nagsalita ako makita nila ang pangil ko. Ang pangil ng isang mabangis na pusa.

Pagpasok ko para na naman bibiyakin ang ulo ko. Kung dati nakokontrol ko pa ang pagiging pusa ko, ngayon nahihirapan na ako. Hindi ko rin alam kung paano, isa kasi ito sa sumpa na ibinigay sa amin. Kaya lang, iba talaga ang pakiramdam ko ngayon.

Hindi ganito kasakit ang binibigay sa'min kapag nagpapalit ako ng anyo... bilang pusa. Alam kong kakaiba talaga ang nangyayari sa'kin pero walang akong ideya kung ano ito!

Bilog ang buwan, bakit ganito? Nakakaya ko pa naman dati na maging tao parin kahit bilog ang buwan pero ngayon... "Arghhhh!" Iniipit ko ang boses ko.

Once na ibukas ko maririnig nila ako, kailangan ko muna makaalis dito. Ayokong kaawaan nila ako!

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Hindi ito maaari! Hindi isang pusa ang nakikita ko ngayon sa salamin kundi isang Wolf! Lumayo ako sa salamin habang umiiling.

Ano bang nangyayari? Hindi ba dapat ay pusa? Anong kinalaman ng isang wolf sa mga Zodiacs? Sino ba talaga ako? Sino ang nilalang na nasa harap ko ngayon? Tumalon ako sa bintana ng kwarto ko at lumayo.

Sa gubat, lahat ata ng puno sinira ko na dahil ang sakit ng ulo ko. Kulay pula na rin ang paningin ko. Kaunti na lang magiging isang ganap na mabangis na hayop na ako.

Lumayo pa ako, kaunti na lang mawawala na ako sa sarili ko. Kailangan kong malaman kung ano ang nangyayari sa'kin. Curse that fucking shard!

"Awoooooooo!" Ang huling naalala ko lang ay ang pagtalon ko sa isang mataas na puno.

Point of View: Patricia Ellaine Gamboa.

Grabe ang nangyari sa bahay nina kuya Tyrell. Natupok!

Sino kaya ang magsusunog noon dahil tago naman ang bahay nila?

Kasama ko sila dito sa bahay nila, iyong bahay mismo nilang lahat na magpi-pinsan.

Pagtingin ko nga sa labas ang laki eh, lalo na sa loob. Mas malaki pa sa tinutuluyan ko dati. Medyo creepy nga pagtingin ko sa labas dahil gabi pero maganda raw ito tuwing nasisinagan ng araw.

Ayaw ata nila na may nagpupunta rito tuwing gabi dahil parang haunted house.

Ang iba naman nilang pinsan? Mababait naman pala silang lahat kaya natutuwa ako. Nakakatuwa silang kausap lahat! Iba-iba nga talaga ang mga personalities nila.

Bigla naman dumating si Leighton habang nasa gitna kami ng pag-uusap. "Saan ka ba nanggaliiing, bakit ngayon ka lang?" tanong ni kuya Tyrell pero hindi siya nito pinansin.

"Anong problema nun?" tanong nilang lahat.

"Hayaan niyo na yun baka naligaw na naman kanina," sabi ni Kyan.

Nag-aalala ako sa kanya. Parang iba yung aura niya kanina. Parang anytime kakain na siya ng tao. Ang creepy! Oo, dati ganoon na rin ang nararamdaman ko pero ngayon kasi kakaiba. Mas nakakatakot!

"Sandali lang guys, saan ba dito ang CR?" tanong ko pero hindi naman ako mag-CR hahanapin ko si Leighton baka kung ano na nangyari roon.

"Kumanan ka lang diyan tapos kaliwa, derederetso ka na hanggang sa kulay asul na pinto," sabi nila at nagpaalam na ako.

Medyo naguluhan nga ako sa binigay niyang direksyon pero hahanapin ko na lang ang kulay asul na pinto.

Para kasing may kanya-kanya silang kulay ng pinto. Siguro mga paborito nilang kulay ang kinulay nila sa mga pinto nila. Color coding, parang ganoon. Ano kayang paborito ni Leighton?

Pagpunta ko nakita ko kung saan pumasok si Leighton kaya naman sinundan ko. Idinikit ko lang ang tainga ko para marinig siya.

"Argh!" Rinig ko sa loob. Nag-aalala na ako.

Baka kaya masakit ang ulo niya o kaya naman may sakit na talaga siya kaya ganoon siya kanina?

Bubuksan ko sana kaso ay may nagsalita sa likod ko.

"Hindi iyan ang CR, babe. Dito." Sabay turo ni Kyan ng banyo.

Kinabahan ako dahil sa pagsalita niya. Nagulat kasi ako sa bigla niyang pagsulpot.

"Ah sige salamat."

Bago ko isara ang pinto ng CR tumingin ako sa pinto ng kwarto ni Leighton. Ano kayang nangyayari sa kanya? Nababahala kasi talaga ako sa narinig ko kanina.

Parang namimilipit siya sa sakit na hindi mo maintindihan. Kaya ba parang badtrip siya at hindi man lang pinansin si kuya Tyrell?

Sa pag-obserba ko kasi, kahit pasigaw pa iyan ay magsasalita si Leighton. Ganoon naman talaga kasi siya makipag-usap. Parang laging galit sa mundo.

Pero parang inisnob na niya kaming lahat at tuloy-tuloy lang sa paglalakad.

After kong mag-CR, hinatid na nila ako sa kwarto ko dahil inaantok na din daw sila gaya ko. Dati ayoko sa malaking bahay dahil parang nakakatakot pero ngayon gusto ko na rito. Ang laki ng kwarto ko at pambabaeng pambabae. Bago nga ako pumasok pinigilan ako nina Quinten at Gaige tapos pumasok sila.

Ilang sandali lang lumabas na sila at pinapasok ako, kulay pink ang pader tapos ang daming stuff toys sa kama kaya naman niyakap ko silang lahat.

"Ang ganda naman ng kwartong 'to," sabi ko habang nilalaro ang mga kamay nito. "Pero ayos lang kaya si Leighton? Nag-aalala na ako," sabi ko sabay hinigpitan ang yakap sa teddy bear at nakatulog na.

Chapter 8

Point of View: Leighton Era Xi

"Kamusta ka na, Leighton?" bungad niya sa akin. Naikuyom ko ang palad ko at handa na siyang sugurin pero pinigilan niya ako nang magsalita siya ulit. "Nagtataka ka na siguro sa inaasta mo?"

Natigilan ako dahil sa sinabi niya. Sabi ko na nga ba at dahil iyon sa inilagay niya sa katawan ko.

"Anong ginawa mo sa akin? Anong nangyayari sa akin?!" pasigaw na tanong ko sa kanya.

Alam kong siya ang dahilan ng mga nangyayari sa'kin ngayon. Walang duda, dahil simula ng lagyan niya ako ng bagay na yun ay naging ganito na ako. Iba na ang inaasta ko.

"Huwag ka mag-alala, sa oras na ito sumanib na sa'yo ang kapangyarihan ng pagiging isang wolf," sabi niya, nakakasar na siya. "Ibig sabihin tuwing gabi magiging isa kang ganap na wolf."

"Pero bakit hindi ko na siya makontrol ngayon? Hindi ko maintindihan," pagkasabi ko nun ay nakita ko ang gulat sa mga mata niya. Ngayon pa ba siya magugulat? "Ibig sabihin ba nun, lalo ko nang hindi makokontrol ang kapangyarihan ko?" tanong ko ulit sa kaniya.

Hindi ko malaman sa sarili ko pero parang kahit papaano ay kailangan kong magtiwala sa kaniya. Bukod sa siya ang gumawa nito sa'kin ay wala na akong ibang pagpipilian. Gusto ko pa malaman kung ano talaga itong ginawa niya sa'kin.

"Tama ka! Pero, huwag ka mag-alala. Tuwing gabi lang naman yan. Pagkatapos ng ilang linggo makokontrol mo na yan," sabi niya, buti na lang.

Hindi ko na pinansin ang pagkagulat niya pero nabahala ako sa naging reaksyon niya na iyon.

"Paano naman ako nakakasiguro na totoo ang sinasabi mo?" tanong ko.

Gusto kong malaman ang dahilan para maniwala ako sa kaniya. Ngumiti ulit siya sa'kin nang nakakaasar.

"May panahon pa ba para magduda ka sa'kin?" tanong niya.

Napaisip naman ako. Wala na nga talaga akong ibang pagpipilian. Pero may isa pa akong ikinababahala.

"Alam kong hindi lang yun ang kahinaan ko," sabi ko. May pakiramdam talaga ako. May mali. "Sabihin mo sa'kin ang lahat, ayokong magmukhang tanga pagdating sa sarili ko!"

Napatigil siya at napatingin sa'kin. Para bang, may nakalimutan siyang sabihin. Ito na naman ang kaba na nararamdaman ko.

"Kung ayan ang gusto mo, isa lang naman ang magiging kahinaan mo. Iyon ay si Ellaine," sabi niya.

Napantig ang tainga ko dahil sa sinabi niya. Napakunot tuloy ang noo ko dahil doon.

"Huwag na huwag mo siyang hahawakan," sabi ko.

Nanginginig na ang kamao ko. Handa na akong sugurin siya ngayon! Kapag may nangyari kay Ellaine hindi ko na alam ang magagawa ko.

Iniwasan ko na nga siya dahil ayoko siyang mapahamak pero ganito ang gagawin niya. Huwag na siyang gumaya pa sa mga pinsan ko!

Pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit si Ellaine ang kahinaan ko. Dahil ba sa nararamdaman ko para sa kaniya? Paano naman yun?

"Wala naman akong gagawin sa kanya pero gusto ko lang sabihin sa'yo na kapag nasaktan siya..." unti-unti siyang lumapit sa'kin habang nagsasalita. "...mas doble ang sakit na mararamdaman mo... at kapag hindi mo pa nahanap ang taong itinakda ay magiging ganyan ka na habang buhay."

Pagkatapos nun naglaho na lang siya na parang bula.

Napatigil ako at napatulala sa kawalan. Paano na 'to? Anong gagawin ko? Hindi ko alam kung makakaya ko 'tong mag-isa dahil alam ko sa sarili ko na hindi ko pa kayang kontrolin ang kakayahan ko.

Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Ngayong nalaman ko na ang mga gusto kong malaman, saka naman ako mamomroblema sa kung ano ang gagawin.

"Hindi ka naman nag-iisa eeeeh," sabi ni kuya Tyrell sabay peace sign.

Napatingin ako sa kanila habang nanglalaki ang mga mata ko habang si Kristel naman galing sa ilalim ng lupa, si Gaige naman bigla-biglang umakbay sa'kin, si Davon at Quinten lumabas galing sa likod ng puno.

"Anong ginagawa niyo dito?" gulat na tanong ko.

Ibig sabihin ba nun alam na nila na mangyayari sa'kin ang bagay na ito una palang? Hindi naman nila ako susundan kung hindi, 'diba?

"Alam na namin simula pa lang ang tungkol sa lagay mo, oh ikaw ba naman ang pumasok sa bahay ng ganun ang aura!" sabi ni Davon.

"Kahit na lagi kang masungit, alam pa rin namin kung anong usual na Leighton sa hindi," sabi nila.

Napailing na lang ako, kahit kailan ang mga 'to! Akala ko puro pang-aasar lang ang kayang gawin araw-araw.

"Uyy! Kinikilig siyaaa," panunukso ni kuya Tyrell. Ito na naman po tayo! Hindi ko na lang siya pinansin.

Napahawak naman ako sa ulo ko nang batukan ako ni Gaige. "Bakit mo naman ako binatukan? Masakit ah!" sigaw ko kay Gaige.

"May balak ka pa kasing itago sa'min kung hindi lang namin nahalata eh," sabi niya sa'kin. Inalis ang pagkakaakbay at kinamot ang tainga. Kadiri talaga!

"And don't worry about Ellaine, babe. Ako ang bahala sa kanya," sabi ni Kyan sa'kin na parang nang-aasar. Napakunot naman ang noo ko dahil sa inis.

"Huwag na lang, ako ang poprotekta sa kanya," sabi ko.

Nag-asaran pa kami hanggang sa makarating kami sa bahay namin.

Sa tingin ko hindi naman ako mag-iisa, kasama ang mga gunggong kong mga pinsan pupuksain namin ang kasamaan.

Well ang korny nung last line na yun, a? Pero sana naman huwag na nilang idamay pa si Ellaine sa kalokohan ng mga witch na yun.

Dahil kung sakali, ako ang tatapos sa walang kwenta nilang buhay.

xxx

Hindi ako sumabay sa kanila pumasok at maagang gumising. Tatambay na lang ako ulit sa taas ng puno para makapag-isip.

Nandito na ako sa puno at nakatingin na sa langit, mukhang uulan pa ata. Bigla ba namang kumidlat, napatingin ako sa taong nagtatago sa isang puno.

Kaya naman pala, loko loko din 'tong isang 'to. Nilapitan ko siya at hinawakan ang balikat niya na ikinagulat niya at halos tumalon pa.

"Holy Mentos in a Can! Leighton naman oh! Bakit ka nanggugulat?" naghehesterikal na tanong niya sa'kin habang nakahawak sa dibdib niya.

"Nakita mo namang hindi na magkanda ugaga ang mga players sa pagligpit dahil akala nila uulan tinakot mo pa," sabi ko.

Tinabihan ko naman siya at pinanood ang kabaliwan na ginagawa niya.

"Oo nga 'no, sorry naman!"

Napakamot niyang sabi at tinigil na ang ginagawa.

Nga pala, si Gaige 'tong kaharap ko. Kesyo baliw ang isang 'to at pakidlatin, masasapok ko 'to, e!

"Ano bang ginagawa mo rito at naisipan mong manakot?" tanong ko.

Naupo na lang ako sa damuhan at nanood sa mga taong dismayado.

"Nakakaloka naman 'tong ulan na 'to!"

"Kung ituloy na lang niya kaya nakakabanas!"

"Argh~ What the hell is your problem ba, Mr. Kidlat?"

Sigaw ng mga babae. Muli na namang kumidlat kaya binigyan ko ng masamang tingin si Gaige.

Mukha naman silang natakot dahil dun, si Gaige naman tawa nang tawa sa tabi ko. Hawak-hawak pa ang tiyan niya.

Hindi lang mapang-asar ang isang 'to, may toyo rin. Kaya pala hindi kami nauubusan ng supply ng toyo sa bahay dahil lagi siyang meron...

"Tigilan mo na nga 'yan, mamaya may makakita pa sa'yo," sabi ko sabay bato nang bato sa kanya pero hindi ko ginamit ang kamay ko.

"Bakit mo ba ko binato?" tanong niya sabay himas ng ulo niya.

"Ako ba 'yun? Nakita mo?" pabalang na tanong ko.

"Oo nakita ko," sabi niya.

"Bakit hindi ka umilag?" tanong ko.

Nakapikit na ako ngayon pero bigla siyang natahimik at pagdilat ko nakanganga na siya. Paiba-iba rin ito ng mood, a? Dinaig pa ata si kuya Tyrell. Tinignan ko naman siya nang may halong pagtataka.

"N-Nakokontrol mo na?" That thing shut me up, oo nga noh? I didn't even use my hands at sa isip ko lang yun sinabi.

"Hindi ko alam," sabi ko na lang, napatingin ako sa langit at may araw na. Ayon sa langit... "Aray!!"

Biglang sumakit ang puson ko. What the hell is this? Bago sa'kin 'to ah? Napakahapdi, parang pinipilipit ang baywang ko dahil sa sakit. Napahawak ako sa puson ko.

"Anong nangyayari sa'yo? Nant-trip ka ba?" tanong ni Gaige.

Medyo na-weirduhan din siya dahil bigla na lang ako nagkaganito pero mas weird naman ito para sa'kin!

"Ang sakit ng puson ko," sabi ko.

"Hala? Puson? 'Diba sumasakit ang puson ng babae kapag meron sila?" sabi niya, binigyan ko naman siya ng 'Bakit-babae-ba-ako' look! "Eh bakit ga---" Mukhang alam na niya ang ibig sabihin nun kaya napatigil na naman siya.

"Naku! Mukhang meron si Ellaine, maitanong nga," sabi niya. Akmang aalis pero pinigilan ko siya. Ang sakit, imagine-in niyo. Sa mga babae namimilipit sa sakit kapag meron paano kung sa'ming mga lalaki tapos dodoble pa yung sa'kin? Nakakaloko ang nararamdaman ko!

"Tara sa clinic," sabi niya sabay tayo pero sinigawan ko naman agad siya.

"Tanga ka ba, ano na lang iisipin ng nurse kapag sinabi kong masakit ang puson ko? Puntahan mo na si Ellaine!" sigaw ko.

Hindi kasi ginagamit ang utak kaya nabubulok na lang, e!

Pagkaalis niya tumakbo na ako pabalik sa bahay. Pupunta sana ako ng kwarto ko pero hinatak na ako ng sofa at doon bumaluktot.

Para tuloy akong tanga na nakabaluktot dito sa sofa. Tapos ito at nakita pa ako ni kuya Tyrell.

"Anong ginagawa mo rito? Bakit ganyan ka mahiga, daig mo pa caterpillar na magiging paru-paro aaah," sabi ni kuya Tyrell.

I raise my hand using my middle finger sabay curse nang walang tunog.

"Chill, nagbibiro laaang," sabi niya sabay lapit sa'kin "Ano bang trip mo ha Leighton, namumutla ka naaa?" tanong niya.

Hinawakan niya ako pero tinapik ko lang siya. "Sabihin mo kasi sa'kin kung anong nangyayari para magawan ko ng paraan!" galit na sigaw niya. Hindi ko alam pero naiirita lang ako sa boses niya.

"Masakit ang puson ko," sabi ko.

Kumunot ang noo niya dahil sa sinabi ko. Magsasalita pa sana ulit siya pero narinig ko namang may kumatok sa pinto.

"Wait bubuksan ko lang."

Pagbukas niya pumasok si Ellaine na masakit din ang puson. Naupo ako para hindi halatang masakit din ang puson ko. Tinakpan ko na lang ang mukha ko gamit ang kamay ko at hindi sila tinignan.

"Sumakit kasi ang puson niya sa klase kaya inuwi ko na," sabi ni Kristel. Tinignan naman niya ako at sabi, "Hindi ka pa rin pumapasok?" tanong niya sa'kin.

Hindi ko naman siya pinansin. Naririnig ko pa ang pag-ingit ni Ellaine dahil sa sakit ng puson niya. Ganito pala talaga ang mga babae.

"Ouch! Ang sakit talaga ng puson ko," sabi ni Ellaine. Binuhat na ni kuya Tyrell si Ellaine sa kwarto ako naman ramdam ko ang sakit ng puson.

"Wow! May monthly period ka rin?" tanong ni Kristel sa'kin. Binigyan niya ako ng hot compress. "Ngayon alam mo na kung ano ang nararamdaman ko kapag meron ako. Alam mo na rin siguro kung bakit mainit ang ulo ko sa iyo kapag ganoon."

Natawa naman si kuya Tyrell sa sinabi niya.

"Mukha ba akong nagkakaroon?" tanong ko pero inabot ko parin ang hot compress sa kamay niya at nilagay sa tiyan ko. Sa ilalim pa ng damit para sure.

"Well, sa ngayon para kang si Ellaine, sabay pa kayong nagkaron!" sabi nila sabay tawa.

Alam kong alam niya kung bakit nagkakaganito ako pero nakakainis nakuha pang asarin ako! Kahit kailan talaga. Kahit ata sa mga seryosong usapan, makakahanap at makakahanap sila ng dahilan para asarin ako, e!

Maya-maya nawala na din ang sakit, it means wala na ding masakit kay Ellaine. Buti naman, feeling ko hihimatayin ako sa sobrang sakit e.

Ganun pala nararamdaman ng mga babae kapag meron sila, pero ang kinaibahan lang mas masakit ang sa akin. Ngayon alam ko na kung bakit madalas masungit ang mga babae.

Hindi na ako magtataka pa doon!

Chapter 9

New Friend and Savior

Kagrupo namin si Leighton sa gaganapin na program. Ewan ko pero nag-present siya na sumali sa grupo namin dahil siya na lang ang walang kasama.

Magaling palang magluto si Leighton, bakit hindi ko alam yun. Okay? Kailangan alam lahat? Pero gusto ko pa siyang makilala ng lubos.

Nagtataka lang talaga ako at mahilig pala talaga siyang magluto. Isa pa, for the first time in history daw ay siya ang nag-presinta dahil noon lagi siya ang kinukulit na sumama sa isang grupo.

Hindi ko rin alam kung anong nangyari at biglang ganito pero masaya rin naman. Magkasama kasi kami sa isang grupo!

"Keep stirring, huwag ka magdaydream diyan baka masunog!" sigaw niya sa'kin.

Tinuloy ko ang paghahalo ng niluluto namin. Siya ang tagatimpla, ako ang tagahalo. Ang galing niya kasing maghiwa ng sibuyas. Ang bilis tapos ako pa ang katabi niya. Hindi nga ako ang naghihiwa pero ako pa yung naluha, bad onion!

"Umayos ka nga, hindi tayo matatapos kapag nakatunganga ka diyan," suway niya.

Bakit kasi iniwan ako nina Tricia rito sa kusina, e! Kahit na may alam ako sa pagluluto, hindi ko naman magawa kasi gusto ni Leighton, siya na ang gagawa at gawin ko na lang lahat ng iuutos niya. Ang bossy!

Dagdag pa roon, kami lang dalawa ni Leighton ang nandito sa kusina dahil aayusin na raw nina Tricia ang pwesto namin sa labas ng building.

Kanina pa niya ako pinapagalitan dahil sa mali ang mga ginagawa ko. Kinakabahan na naman kasi ako lalo na sa presensiya niya.

Natatakot na rin ako dahil kung nakakamatay ang titig patay na si Mr. onion na nagpa-iyak sa'kin. Pero think on the brighter side! Para kaming mag-asawa na maghahanda para sa birthday ng anak namin.

Hindi ko maiwasan ang mamula dahil sa kung anu-anong mga bagay na pumapasok sa isip ko. Kinikilig ako!

"Ouch!" sabay naming sabi. Napaso kasi ako! Kinikilig pa yung tao, e! Panira naman ang isang 'to. Hmpf! Ano kayang nangyari sa kaniya at um-aray din siya?

"Ano ba naman 'yan, ingatan mo naman! Ako na nga riyan. Ayan! Ikaw na ang magdesign," sabi niya at kinuha sa'kin ang sandok.

Napa-pout na lang ako dahil sinisigawan na lang niya ako. Unti-unti ay nasasanay na ako sa pagiging masungit niya sa'kin kaya parang wala na ito.

Nagdesign na ako para naman magmukhang presentable ang ibebenta namin. Nilagyan ko ng lettuce ang paligid tapos kung anu-anong mukha.

Kanina pa niya ako sinisigawan dahil sa mga maling gawa ko. Inaayos ko naman, e. Kaya lang nawawala talaga ako sa sarili ko kapag susubukan kong magfocus. Tricia! Come back here, please!

"Hindi pa ba kayo tapos diyan? Maya-maya magbubukas na ang gate ng school!" biglang pasok ni Tricia.

Ang galing 'no? Parang telepathy lang! Kung kailan ko siya kailangan, saka siya darating agad.

May mga outsider din kasi ang pupunta sa program kaya nakaka-excite. Ang mga hindi naka-uniform hindi pwedeng pumasok kaya dapat talaga estudyante ka. Sana naman magustuhan nila ang ibebenta namin.

Si Makino, Tricia at iba ko pang kaklase ang magtitinda habang kami naman ni Leighton ay magbibigay ng brochures para sa mga ibebenta namin.

Take note: habang nakasuot kami ng jacket na mabalahibo, parang abo ang kulay niya! Si Tricia ang naging leader namin sa gagawin namin kaya alam ko na kung bakit kami lagi ang magkasama ni Leighton. Badtrip talaga ang babaitang iyon!

Pagkatapos namin magluto ay lumabas na kami para magpahinga saglit at saka nagsuot ng costume namin.

Nakakatuwa, ang cute tignan ni Leighton sa suot niya. Bagay na bagay sa kanya. Hindi ko tuloy maiwasan ang mapatitig sa kanya habang siya naman nagbibigay ng mga brochures dun sa ibang estudyante.

Noong una kasi ayaw pa niya isuot. Kesyo ang korni o ang baduy daw tapos isusuot niya. Daig pa namin ang elementary na may birthday party! Haha. Dami talagang alam.

"Anong tinitingin mo diyan, may humihingi ng brochures sa'yo ayaw mong bigyan," sabi niya sa'kin sabay bigay doon sa babaeng nanghihingi raw.

Mukhang magiging pabigat pa ata ako sa ngayon hanggang ngayon, ah?

"Sorry hindi ko alam eh," sabi ko.

Nakatingin kasi ako sa'yo! Nakaka-ilang bad shots ka na ba, Ellaine? Nakakahiya ka naman talaga, oo! Bakit kasi ayaw mong umayos ng matuwa naman siya sa'yo, 'diba?

Pero anong magagawa ko kung lagi na lang akong natutulala at nagi-imagine ng kung anu-ano?

"Nakatunganga kasi nang nakatunganga, bilisan mo ang dami ng tao," sabi niya sabay lakad palayo.

Nagfocus na ako sa pagbibigay ng brochures. Mukhang ayaw niya talaga na malapit ako sa kaniya kaya siya lumayo. Pero infairness ang init, ah? Nasa ilalim ka ng init tapos ganito pa ang suot namin?

"Excuse me miss, gusto mo? Mukhang naiinitan ka na," sabi ng isang estranghero sabay abot ng inumin niya.

Tinignan ko naman siya mabuti pero naisip ko naman na nakakahiya dahil hindi ko naman siya kakilala. Kaya agad akong tumanggi.

"Naku! Huwag na po nakakahiya!" sabi ko sabay wagayway ng kamay ko sa harap ko.

Parang sinasabi kong ayoko. Hindi ako sanay na tumatanggap ng kahit ano sa mga hindi ko naman kakilala.

"Huwag ka na mahiya, dalawa naman 'to eh," sabi niya kaya wala na akong nagawa.

Ubos na naman ang brochures ko at hindi ko na makita si Leighton kahit saan. Uminom naman ako nang bahagya sa ibinigay niya at mukhang wala namang mali sa binigay niya.

"Salamat ah?" sabi ko.

Mukha naman siyang mabait dahil mukhang pang-elite ang suot niyang uniform.

Sa lugar kasi namin kilala ang mga estudyante sa mga academy bilang magigino at mababait. Mukhang pang-mayaman ang uniform niya at galing pa sa Kirin Academy. School ito sa hindi kalayuan at puro mayayaman ang nag-aaral.

Pampubliko lang kasi ang school namin kaya malaki ang populasyon. Kaya naman ang daming mga booths na nakatayo ngayon. Nagka-isa kasi ang lahat ng batch para magawa ito kaya sana hanggang sa huli ay walang maging problema.

"Pwede mo muna ba akong samahan? Wala kasi akong kasama sa pagpunta ko dito," nahihiyang sabi niya.

Kinamot pa niya ang batok niya at umiwas ng tingin. Nag-isip muna ako bago sumama sa kaniya. Tutal nandito lang naman kami sa school bakit hindi ko pa siya samahan?

Isa pa, wala na naman akong ibinibigay na brochure kaya okay na ang trabaho ko.

"Ah sure, pasasalamat ko na din sa'yo," nakangiting sabi ko sa kaniya.

Inaya niya akong umupo sa isang tabi at walang imikan. Ang tahimik namin pareho at walang nagsasalita ni isa pero ilang minuto pa ang nakalipas ay binasag ko na rin.

"Nga pala, ako si Ellaine," pagpapakilala ko.

Kanina pa kami magka-usap, ngayon ko lang na-realize na hindi pa namin kilala ang isa't isa.

"I know," medyo na weirduhan naman ako dun kaya tinignan ko siya nang matagal. "Your tag says your name," sabi niya sabay turo sa jacket na suot ko, oo nga 'no? Ang slowpoke ko! "Ako nga pala si Jackson," sabay abot ng kamay niya. Ang init! Alam ko namang normal na mainit ang isang tao pero parang may sakit lang siya dahil sobrang init niya.

"So, saang school ka galing?" tanong ko.

Para naman hindi siya ma-bored na kasama ako, komportable na rin kasi akong kausap siya ngayon, e. Nakakahawa rin ang ngiti na meron siya lagi sa mukha niya.

"Hm... St. Matthew's Academy," sabi niya. Medyo malayo ang school na yun, a?

At tulad ng inaasahan ko ay pang-mayaman nga. Akala ko pa naman sa Kirin Academy. Medyo pahiya pa!

Madami pa kaming napag-kwentuhan tulad ng mga hilig namin, ang dami nga naming magkakapareho, e! Mahilig din pala siyang magbasa at palaaral din siya dahil iyon ang gusto ng parents niya sa kaniya.

Supportive parents! Gusto niya kasing mag-doctor at suportadong-suportado siya ng mga magulang niya.

All-in-all ang saya niyang kasama hanggang sa nagpaalam na siya. Baka raw nakaalis na yung mga ka-schoolmate niya at naiwan na siya.

Wala raw siyang masyadong kaibigan dahil hindi niya daw alam, gwapo naman daw siya pero walang gustong makipagkaibigan sa kanya. Sabi niya e!

"Saan ka ba galing? Kanina ka pa nila hinahanap," sabi ni Leighton.

Bumalik na ako sa pwesto namin at ang daming bumibili. Tumulong na rin kami ni Leighton sa pagtitinda. Ang saya pala nito? Madami ding bumibili kina Kyan which is katabi ng katapat naming store, gets?

"Grabe, pinakyaw na ata nilang lahat ang benta nila Kyan," sabi ni Tricia habang sineserve ang order.

Ako at si Leighton kasi ang nagsasandok. Hindi man lang makuhang ngumiti nito sa mga bumibili. Malay mo bumalik kung sakaling ngitian lang niya, 'diba?

"Oo nga, e. Kapag hindi malaki ang kita nila ewan ko na lang," sabi ko.

Pinagpatuloy lang namin ang ginagawa namin hanggang sa maghapon na. Muntik lang namin maubos ang sa amin pero okay na rin. Kami na lang daw ang kumain! Iyon ang advantage nun.

Nasa room kami at sabay-sabay na kumakain sa loob. Si Leighton hindi naman kumakain. Kaharap ko sina Tricia at Makino, nagchichismisan ang iba naming kaklase at mga kagrupo. As expected naubos ang kila Kyan kaya wala silang kinakain.

"Oyy Ellaine, kanina nakita namin nakatingin sa'yo si Leighton na para kang papatayin," sabi niya. Tinatakot ba niya ko? Pwes, natatakot ako!

"Pero nung tignan ka namin may naisip kami ni Makino," sabi niya sabay ngisi sa'kin. Si Makino naman ang nagtuloy ng sasabihin niya. Medyo na-amaze pa ako dahil bigla na lang siya nagsalita.

"Sino yung kasama mo kanina, yun siguro ang tinitignan niya nang masama." tanong niya.

Napaisip naman ako sa sinabi nila, si Jackson ba ang tinutukoy nila? Nung naisip ko kasi, siya lang naman ang nakasama ko matapos ang pagbibigay ng brochures, e.

"Hay naku! Galit lang siguro sa'kin yun dahil maaga akong natapos siya hindi," sabi ko na lang.

Ayoko naman mag-isip ng kung ano ang sakit kaya maging assuming! Isa pa, ano naman kung kasama ko si Jackson kanina? Hindi ko talaga malaman minsan ang takbo ng utak ng mga kaibigan ko.

After nun umuwi na kami. Hindi ko nakasabay si Kyan dahil may pupuntahan pa raw siya kaya wala akong kasabay.

Habang naglalakad ako, hindi ko maiwasan ang mapalingon sa likod ko dahil feeling ko may sumusunod sa'kin, nakakatakot kaya!

Hindi ko kasi kasabay sina Kyan dahil may gagawin pa sila. Sabi ko mauuna na ako at sasabay na lang ako kina Makino pero may pupuntahan rin naman daw sila.

In the end, ako na lang mag-isa ang uuwi. Hindi ko na sinabi sa kanila dahil tiyak na hindi nila ako paaalisin kapag walang kasabay.

Binilisan ko ang paglalakad hanggang sa may nagtakip ng bibig ko. "Shhh," sabi niya kaya tumahimik na lang ako. Parang pamilyar ang amoy niya pero hindi ko lang maalala kung saan ko naamoy.

Maya-maya nakita ko ang lalaking nakatakip ang mukha. Mukhang paalis na. Hoo! I think niligtas ako ni kuya, magpapasalamat sana ko kaso nawala siyang bigla.

Saan naman nagsuot yun? Ang bilis, a?

Pero bago ako umalis ay may nakita ako, isang diamond necklace, I mean pendant na lang pala dahil nawawala ang lace.

Pinagpatuloy ko lang ang paglalakad ko hanggang sa bahay. Hm? Kumain lang kaming lahat at pagkatapos nun pumasok na sa kwarto ko.

Hindi ko na sinabi sa kanila ang nangyari kanina dahil paniguradong mag-aalala lang sila. Tinignan ko ang necklace na hawak ko at pinaikot-ikot iyon.

Ginawa ko na lang necklace at sinuot sa'kin. Mahaba ang lace kaya hindi siya kita kapag nakadamit ako.

Someday, I'm gonna meet you, my savior.

Chapter 10

I will miss

Pagdilat ng mata ko kinapa ko na ang orasan sa side table at tinignan ang oras.

4:00 am.

Maaga talaga akong gumising tuwing umaga. Nakaset na rin ata ang katawan ko na alas kwatro ng umaga gumising kaya madalas kong maunahan ang alarm ko.

Wala naman kasing ibang gigising sa'kin kundi ang sarili ko lang kaya para maiwasan ang pagiging late ay ako na dapat ang gigising sa sarili ko.

Noong nabubuhay pa si Mama, magugulat pa ako minsan dahil bubulong siya sa'kin para gisingin ako. Naaasar ako sa kaniya kapag ginagawa niya iyon dahil nakakatakot.

Pero ngayon, parang gusto ko ulit maranasan iyon. I miss my mom so much!

Tumayo na ako at dumeretso ng banyo habang nagiinat-inat pa.

Pagpasok ko ay nagtoothbrush ako tiyaka naligo at nagbihis. Inayos ko na muna yung gamit ko bago ako bumaba at kumain ng agahan. Nakita ko silang nakaupo sa harap ng hapag kaso hindi sila kumpleto.

"Good Morning, Ellaine! Kain ka naaa!" yaya sa'kin ni kuya Tyrell kaya naman umupo na rin ako.

Ang nandito lang ay sina Kristel, Davon, Kyan at ako. Hindi ko tuloy maiwasan na hanapin siya.

"Nasan na yung iba?" tanong ko.

Hindi ko pa kasi nakikita si Leighton, e. Pasensya naman at siya agad ang hinahanap ng mata ko 'no? Sino pa ba ang dapat kong hanapin? Hindi ko rin naman ka-close ang iba niyang mga pinsan.

"Nauna na. Kami muna ang makakasama mo pagpasok," sabi ni Kristel sabay pat ng ulo ko.

Kahit medyo nalungkot ako ay nakaramdam naman ako ng tuwa kahit papano dahil unang beses kong makakasabay si Kristel papunta sa klase.

Hindi ko alam na magiging ganito rin kami kalapit. Hindi naman kasi kami nagpapansinan. Minsan ngiti lang o kaya tatango sa isa't isa. Hindi rin naman siya ganoon kadaldal pero approachable.

Tinuloy ko lang ang pagkain ko.

Sabi naman niya, madaldal naman daw siya sa mga malapit sa kaniya pero kapag hindi na, medyo lang daw. Hindi ko naman siya masisisi lalo na kung nahihiya siya sa iba na kakakilala pa lang niya at hindi gaanong nakakausap.

Niligpit muna namin ang pinagkainan tiyaka na kami umalis. Nagpaalam lang kami kay kuya Tyrell at nagsimula nang maglakad.

Hindi naman nakakabored maglakad papasok kaya hindi ko na rin ramdam ang pagod. Kaming apat lang nina Kayan, Kristel at Davon ang magkakasamang naglalakad.

"Hmmm. Saan room niyo?" tanong ni Davon sa'kin.

Siya naman talaga ang tahimik sa kanilang magpipinsan at kapag tinignan mo ang mata niya ay parang ang lalim. Parang laging may malalim na iniisip at tumatagos sa'yo ang bawat tingin niya.

"Ako na lang maghahatid sa kanya. Mauna na kayo." Sabi ni Kyan sa dalawa.

Sabay na kaming pumasok sa building namin. Nagbro fist pa nga sila bago umalis si Davon. Hindi naman kasi namin siya kaklase kaya gano'n.

"Ang saya niyo naman palang magkakasama, e." sabi ko habang naglalakad kami.

Gusto ko kasing may mapag-usapan naman kami kahit papaano. Baka matuyo lang ang laway ko. Medyo malayo pa ang lalakarin namin papuntang room namin.

"Tama ka, babe. Malapit talaga kasi kami sa isa't isa. Palagi rin naming inaasar at pinagtutulungan si Leighton kaya laging galit sa mundo. Well, galit na naman na siya sa mundo pero lalo lang namin siya pinapagalit. Huwag lang sanang umuwi muna sina kuya, e." mahinang sabi niya.

Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya.

"Eh? Bakit naman? Ayaw niyo ba na kumpleto kayo sa bahay? Hindi ba at mas masaya iyon?" tanong ko.

Medyo nakakagulat lang dahil kahit sino naman gusto makasama ang mahal nila sa buhay, 'diba? Lagi kong hinihiling yun noong bata ako at lagi kong hinahanap si mama o kahit si papa.

Sila naman na pwedeng magsama-sama, mas pinili pang magkalayo-layo.

"It's not that... ah basta! Huwag mo na lang pansinin, babe." sabi niya.

Siguro may hindi lang siya magandang past kasama ang iba niyang kamag-anak kaya hinayaan ko na lang. Malalaman ko naman din kung nakatakdang malaman ko talaga. Saka kung iyon na ang tamang panahon para malaman ko ang lahat tungkol sa pamilya nila.

Hindi naman kasi pwedeng tanong lang ako nang tanong nang hindi nag-iisip sa kung ano ang magiging consequences ng kilos ko.

Pagdating namin sa room namin humarap muna siya sa'kin. "Mag-ingat ka lagi, mag-aral munang mabuti!" pagkasabi niya niyan ay nilapit niya ang bibig niya sa tainga ko. "Huwag muna puro si Leighton ang nasa isip."

Lumayo na naman siya sa mukha ko. Napanganga ako dahil sa sinabi niya.

"Eh?" tanging nasabi ko na lang.

Ibig sabihin ba nun... hala! Alam niyang may gusto ako sa pinsan niya? Pero sana naman ay huwag malaman ni Leighton na may gusto ako sa kanya.

Bakit ang bilis niya naman makaramdam? Gifted child ata siya! Mukhang mapanganib na itong nararamdaman ko, a?

Pagdating ko ay nakita ko na sina Quinten at Leighton. Si Kristel naman ay hindi pa sumabay sa'kin kahit na magkaklase naman kami. Tinanong ko naman siya kung saan siya nanggaling.

"May dinaanan pa ko sa library, e." pagdadahilan niya.

Kinakamot pa niya ang ulo niya, baka may kuto siya dahil lagi niya yun ginagawa. Pero nakakapagtaka at ang bilis niya makabalik. Sa kabilang building pa kasi ang Library, e.

"Ah ganun ba, ang bilis ah?" sabi ko sa kanya.

Naupo na ako sa upuan ko at nasa likod ko si Kristel. Hindi na rin niya pinansin ang tanong ko at naupo na lang nang tahimik.

"Good Morning," bati ni Quinten sa'kin na nakaupo sa tabi ni Leighton.

"Good Morning, Quinten at Leighton!" bati ko.

Hindi man lang lumingon yung isang yun! Kahit tango lang naman sana. Hay! Hindi na ako aasa.

Lumapit na naman sina Tricia sa'kin at alam ko na kung ano ang gusto niyang malaman sa lagay na iyan. Si Makino naman wala lang.

"Anong nangyayari Ellaine, close ba kayo ni Kristel?" tanong niya sa'kin pagkalapit na pagkalapit sa'kin.

"Easy lang, Tricia. Oo close nga kami!" sagot ko naman.

Hindi pa ba close iyong tatanungin ko pa kung saan siya nanggaling kahit na it's none of my business?

"Paanong nangyari yun? Noong una sina Kyan lang pero ngayon?" tanong niya ulit. Ang kulit talaga nito!

"Kasi kasama ko na din sila sa iisang bahay," bulong ko sa kanila as in bulong ah?

"What!" sigaw hindi lang ni Tricia kundi si Vivian, ang kaklase kong may gusto kay Kyan. More like, obssess kay Kyan. Hindi pa ba halata? Sina Kyan at Kristel ang pinag-uusapan namin. "Ha-ha what a story teller," maarteng sabi niya.

Napapailing na lang ako sa utak ko. Minsan nakakamangha ang mga taong may matalas na pandinig pero may disadvantage din. Marami kasi sa kanila, nagiging chismosa!

"Alam mo, Vivian, manahimik ka na lang diyan! Hindi naman ikaw ang kausap eh," sabi ni Tricia sa kaniya pero hindi parin natinag at patuloy lang sa pagdada.

"Aba! Hindi porket ikaw ang president gaganyanin mo na kami. Kapag si Kyan na ang usapan ay aba! Ibang usapan na iyan," sabi niya. Sumisigaw na siya ngayon at nakacross arms pa. Mukhang kakaiba itong babaeng ito. Hindi tulad noong iba na natitinag sa mga salita ni Tricia.

Napatingin naman sa'min si Kyan na nakakunot ang noong nakatingin sa'kin na parang nagtatanong 'Anong-ginawa-ko' look.

"Look, wala kang kinalaman dito, okay?" sabi ko na lang.

Ayoko na sana palakihin pa ang problema. Magsasalita na sana si Vivian pero bigla na lang sumulpot si Kyan.

"Anong problema riyan, babe?" tanong ni Kyan sabay lapit sa'min.

"Them kasi! Pinag-uusapan ka nila behind your back," sabi niya sabay cling kay Kyan. Haha! Natatawa na lang ako nung tanggalin ni Kysn yun at lumapit sa'kin.

"Ako? Pinag-uusapan niyo, don't tell me may gusto ka sa'kin? Akala ko ba – " tanong ni Kyan sabay kindat sa'kin. At talagang binitin pa ang sinasabi!

Hinigpitan naman niya ang hawak sa balikat ko na parang sinasabing makisakay ako sa trip niya.

"Ah maybe, dahil sinasabi ng babaeng iyan na nakatira raw kayo sa iisang bahay. Hindi ba hindi naman totoo yun?" nakapout pang tanong ni Vivian.

"Ah yun lang ba? Oo, totoo nga yung sinabi niya," sabi niya sabay ngiti. "May problema ba roon?" Halos mahimatay na si Vivian dahil sa nalaman niya.

Ang OA naman kasi ng babaeng 'to! Wala namang malisya roon. Nagmamagandang loob lang naman ang mga magpipinsan.

"Sige maupo na ko, darating na si ma'am maya-maya lang!" sabi niya at umupo na. Ganun din naman sina Vivian at Tricia na kumindat pa sa'kin.

Nakakaloka naman 'tong mga nangayayari o! Nakita kong natatawa pa si Quinten na umupo sa pinakalikod na upuan. Doon pala siya umuupo?

Ngayon ko lang napansin dahil hindi naman ako tumitingin sa bawat estudyanteng umuupo.

"Good morning, class!" bati ng aming guro.

"Good morning, ma'am!" bati rin namin sa kanya at pinaupo na rin kami.

"So, ilang weeks na lang pala summer vacation na," sabi niya, kaya naman nagwild ang klase namin pero natahimik din naman agad.

"Bago ang summer vacation may ipapaiwan ako sa inyong lahat," sabi ni ma'am. "Group yourselves into 7 tapos pumunta kayo sa kanya-kanyang pwesto. Malalaki na kayo, kaya kayo na ang bahala sa group niyo basta maximum of 7 members lang. Go!" sabi niya at agad nagsitayuan.

"Babe! Tara, tayo nina Leighton!" sabi ni Kyan sabay kindat. Ang hilig niyang kumindat 'no? "Hoy, Quinten! Hatakin mo na iyang si Leighton dito!" sigaw niya naman sa pinsan.

Lumapit naman si Quinten at hinatak and pinsan kaya wala na itong nagawa. Ako, si Tricia at Makino ang nasa iisang grupo.

"Pwede ba ako sa group niyo?" Tanong ni Vivian.

"Sure," sabi ni Kyan sabay usod sa tabi ko. So, dagdag sa'min si Vivian. Nakapabilog kami sa sahig.

Si Makino, Tricia, Ako, Kyan, Vivian, Quinten at Luhan. Nakapaikot kami at magkakaharap na nakaupo.

Nakaharap pa ako kay Leighton kaya hindi ko mapigilan ang tignan siya. Naiilang ako dahil nakatulala lang siya hindi ko alam kung sa'kin nakatingin o kung saan.

"So, may kanya-kanya na kayong grupo. Ganito ang gagawin niyo. Siguro ang mga napili niyo naman friends niyo, 'diba?"

Sarap sabihing hindi po lahat! May naipit kasing isa sa'min kaya nakakailang.

"Write down 6 facts o mga bagay na hindi niyo makakalimutan sa taong yun," sabi niya. "Start now!" Naglabas na kami ng papel at nagsulat.

'Kyan, kahit na makakasama ko pa siya ay mamimiss ko ang pagsabay niya sa'king pumasok at pag-uwi dahil wala ng klase.'

'Quinten, kahit kaunting panahon lang ang nagkasama kami alam kong magkakasama pa kami ulit, haha! Mamimiss ko ang katahimikan niya sa room.'

'Makino, naku! Mamimiss ko ang babaeng ito kahit matagal na siyang may pagkaweird! Mamimiss ko ang mga hula niyang madalas ay tama.'

'Tricia, ang mamimiss ko sa taong ito ay ang isang sigaw lang tatahimik na ang buong klase at kahit minsan nakikisabay sa gulo ng klase. Kahit nga ata hindi sumigaw, napapatahimik na lang kapag titignan siya!'

'Vivian, mamimiss ko ang kamalditahan niya period =,='

'Leighton, mamimiss ko ang kasungitan niya at pagsigaw niya sa'kin kapag nagkakamali ako sa isang bagay lalo na noong nagluluto kami.'

Pinasa na namin yun at ibibigay din daw sa'min kung ano ang mamimiss nila sa'kin. Na-eexcite na nga ako dahil ang una kong babasahin ay ang sulat ni Leighton.

Ano kayang mamimiss niya sa akin? O baka naman hindi niya naman ako mamimiss?

"So, pass niyo na. Huwag niyong babasahin kapag hindi sa inyo, okay?" paalala ni Ma'am.

Nagsimula ng kumalat ang mga papel hanggang sa mapunta sa may-ari.

Ang unang pumunta sa'kin ay letter ni Kyan.

'Mamimiss ko sa kanya ang pagtulog niya minsan sa klase at ang pagdrawing niya kay Leighton!' na sinundan pa ng kindat na emoji.

Hay! Isang araw talaga ay hindi ako magtataka kung alam na ni Leighton ang nararamdaman ko dahil sa lalaking ito!

Kay Quinten naman. 'Mamimiss ko ang pagkatense niya kapag lalapit sa kanya si Leighton! Ang pagkataranta niya kapag dadating na ang mga pinsan ko sa room.' na mayroon ding kindat na emoji.

Ah! Nakakahiya!

Pagtingin ko sa likod ko nakangisi sa'kin si Kyan na parang nang-aasar tapos si Quinten naman nagpeace sign.

Si Makino naman mamimiss yung pamumula ko raw kapag malapit si Leighton sa'kin, si Tricia naman mamimiss ang pagkautal ko kapag kausap si Leighton.

Letchugas! Puro na lang Leighton ang nababasa ko sa messages nila! Wala na ba silang ibang mamimiss sa'kin? Matatanggap ko pa kung mamimiss nila ang katakawan ko. Kaya lang hindi naman.

Si Vivian naman? Ang ganda ng sagot! 'Hindi ko siya mamimiss'. Dapat iyon na lang din ang nilagay ko sa kanya, e! Kakabadtrip.

Pero at least hindi na tungkol kay Leighton, hindi ba?

Uwaaa! Sinadya bang ihuli ang letter ni Leighton?

Nanginginig pa akong binuksan ko yun at napansin kong medyo mahaba ang sinulat niya.

'Mamimiss ko ang pagtulog niya sa klase. Ang pagdrawing kapag na bobored siya. Ang pagiging makulit at pasaway niya.'

Pagtingin ko kay Leighton nakaangat ang dulo na labi niya, nakaside view siya kaya hindi ko alam kung ngisi o ngiti ba yun.

Sa buong klase ay iyon lang ang nasa isip ko. Nung magbreak time naman umalis agad siya kasama si Quinten.

"Okay ka lang?" tanong ni Kyan.

Nung pinabasa ko sa kanya ang sulat ni Leighton tawa na siya nang tawa, hindi ko naman alam kung ano ang nakakatawa sa sinulat ni Leighton. Akala ko kasi ay aasarin niya ako.

Somehow biglang bumilis ang tibok ng puso ko nung binabasa ko iyan. Kahit na walang masyadong meaning ay parang may kaunting kiliti parin sa part ko.

Hindi ko kasi inaasahan na napapansin niya pala ang mga bagay na ginagawa ko. I thought wala siyang pakialam sa'kin.


◘ This is a paid story ◘


Continue reading here ⇒ The Orion Zodiac

Post a Comment

0Comments

Post a Comment (0)

#buttons=(Accept !) #days=(20)

Our website uses cookies to enhance your experience. Check Now
Accept !