Hiyas

Precious Jasmin
0


Chapter 1

Sitan

Nagkatinginan kami ni Pepper nang makita ang isang malaking gate na may nakasulat na Kampo Bathala. Gawa iyon sa kinakalawang na bakal na napalilibutan ng ligaw na halaman. 

Nagtatangkaran ang mga puno kaya halos matakpan na nila ang langit. Nagtaasan tuloy ang mga balahibo ko dala ng hangin na humahampas sa aking balat. Isa pa itong mga kakaibang ingay na dahilan ng mabilis na tibok ng puso ko. Para iyong mga kuliglig at mga palaka.

Pareho kaming nagdadalawang-isip kung papasok ba o hindi. May oras pa naman para umatras, pero kung gagawin namin iyon ay para na naming tinalikuran ang mga kaibigan at magulang naming umaasa sa 'min.

Napagdesisyonan naming tanggapin kung ano ang naka-tadhana para sa 'min pero hindi kasi ganoon kadaling ipasok lahat ng mga nangyayari sa isang araw lang. Lalo na at hindi naman normal ang mga bagay na nakikita namin ngayon.

Sabay kaming nagpakawala ng buntong-hininga bago binuksan ang gate. 

Pagpasok namin ay bumungad sa amin ang mga taong nakikipaglaban gamit ang iba't ibang uri ng mga dahas. Mga nakasuot sila ng mga helmet sa ulo na gawa sa metal. Ang tanging nakikita lamang ay ang kanilang mata at bibig. Mga nakabahag lang ang mga kalalakihan habang ang mga babae ay may pantakip pang-itaas.

Napatingin tuloy ako sa suot kong puting polo at itim na pantalon. Naka-itim din akong sapatos kumpara sa kanilang mga naka-tsinelas lang. Si Pepper ay naka-puting blouse at itim na paldang hanggang tuhod. Itim din ang sapatos niya gaya ko.

Napapapitlag ako sa tuwing nagtatama ang mga metal nilang espada. Tila gigil ang mga ito sa ginagawa at hindi natatakot na masaktan ang kaharap. Napangiwi na lang ako at nag-iwas ng tingin.

Ni isa sa mga narito ay hindi namin kilala. May ilan sa kanila ang may katandaan na. Pero lamang pa rin ang mga halos ka-edaran namin na hindi lalayo sa bente anyos.

Sinalubong kami ng isa sa mga halos ka-edaran lang namin. Maputi siya at singkit ang mga mata. Mapula ang kaniyang mga labi na may maliit na peklat. Ngumiti lang siya nang tipid sa amin bago kami iginaya sa loob nang walang sinasabi.

Medyo nag-aalinlangan kaming sumunod ni Pepper sa kaniya.

Nadaanan namin ang malawak na paligid. Puro mga kagamitan sa pag-eensayo ang mga narito tulad ng mga palakol at pana. Para kaming bumalik sa unang panahon.

Tanaw rin mula sa kinatatayuan ko ang isang bangin na kapag nahulog ka ay dagat ang iyong babagsakan. Bahagya ko pang naririnig ang pagtama ng hampas ng alon sa tabi ng bundok na kinaroroonan namin.

Pumasok kami sa isang maliit na tolda na gawa sa makapal at kulay tsokolateng tela. Ngunit hindi namin inaasahan ang unang bubungad sa amin. Isang nilalang na may mga paa ng isang... ahm... aso?

"Hindi ako aso, isa akong kabayo," sabi niya bago humarap sa amin. 

Natawa na lang kami ni Pepper nang makita ang kabuoan ng lalaki. May balbas ito na kulay abo, ang itaas na parte ng katawan niya ay isang tao, ngunit ang beywang hanggang paa ay isang kabayo. Malaki ang pangangatawan niya na may walong abs. Wala kasi siyang saplot pang-itaas kaya naman kitang-kita ko iyon.

Nahiya naman ang katawan kong patpatin sa kaniya.

"Huwag kayong tumawa, masasanay rin kayo," aniya. "Ako nga pala si Pan, isa akong tao, kalahating kabayo. Isa ako sa mga mandirigma ng Kampo Bathala. Hintayin ninyo lang dito si Ginoong Sato dahil siya ang magpapaliwanag sa inyo ng lahat."

Matapos n’on ay iniwan na niya kaming dalawa, ni hindi hinintay ang sagot sa sinabi niya. Hindi tuloy namin alam kung ano ang gagawin dito sa loob. Malay ba namin kung gaano sila katagal.

Nagkatinginan kami ni Pepper at sabay ring umiwas. Hindi naman kasi kami close. Mas okay na ako kapag binu-bully niya pero kapag ganitong tahimik siya ay sobrang naiilang ako. Pero ano pa ba ang aasahan ko? Hindi naman talaga maganda ang trato namin sa isa't isa.

Umupo ako sa isang tabi habang siya naman ay nilibot ang buong tolda. 

May mga armas din dito gaya nang nakita namin sa labas. Ngunit mukhang mas kumpleto ang mga kagamitan dito sa loob.

Mayroong mga sibat, pana at palakol. May mga paso rin ditong may mga simbolong naka-ukit, nagkaka-iba-iba depende sa laki ng mga iyon. Kakaiba rin ang disenyo ng tent dahil may mga simbolong naka-ukit din sa makapal na tela gaya ng sa mga paso. 

Habang nagtitingin-tingin ako sa paligid ay nahagip ng mga mata ko si Pepper. Hawak niya ang isang mahabang espada at kinikilatis ito.

Ngayon ko lang siya nakita nang malapitan dahil sa tuwing lalapit siya ay sisigawan niya agad ako. Ako naman itong aalis dahil sa takot ko sa kaniya.

Ngayon ko lang nalaman na ang ganda pala niya lalo na kung seryoso ang mukha. Kahit na medyo nakakunot ang noo niya ay hindi naman iyon naging kabawasan.

Bakit kaya ang sungit niya? Matagal ko ng tanong iyon pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang sagot. May pinagdadaanan kaya siya kaya ganito?

Hindi lang naman kasi ako ang binu-bully niya. Pati ang ilan sa mga kaklase ko ay biktima rin. Gusto ko talagang malaman kung ano ang dahilan dahil sa pagkaka-alam ko ay may dinadalang pasanin ang mga gaya niya.

Tumuntong siya sa isang silya para ibalik ang espada ngunit nawalan siya ng balanse. At sa isang iglap ay nasa mga bisig ko na siya. 

Ang bilis ng pangyayari. Hindi ko na alam ang sunod na gagawin. Nagkatitigan na lang kaming dalawa pero hindi pa rin kami nagbibitiw. Muntik pa nga niya akong matusok ng espadang hawak pa rin niya.

"Ehem!" 

Nabitiwan ko siya at agad na tumayo nang tuwid nang dumating si Pan. Narinig ko tuloy ang pagdaing ni Pepper sa tabi ko.

"Sorry," sabi ko.

Tinulungan ko siyang tumayo bago muling tiningnan si Pan na kapapasok lang sa tent.

"Iniwan ko lang kayo, may ginagawa na kayo agad na hindi maganda," komento niya.

"H-Hindi gano'n iyon!" Sinubukan naming magdahilan pero hindi niya na kami hinayaan.

"Ah! Whatever!"

Hindi ko maiwasang hindi mapailing dahil para siyang babae kung makaasta. May pagwasiwas pa kasi siya sa kaniyang hintuturo habang nagsasalita.

"Nandito na pala siya," sabi niya. 

Sabay-sabay kaming napalingon sa isang lalaking pumasok. Nagkatinginan pa kami ni Pepper nang mapagtanto kung sino ang bagong dating.

Ano ang ginagawa niya rito?

"Mr. Sevirous?" sabay naming tanong ni Pepper. 

Sino ba kasi ang hindi makakakilala sa kaniya? Isa siyang sikat na mamamahayag. Pati mga batang gaya namin ay hinahangaan siya. Hindi kami makapaniwalang may alam siya tungkol sa mga diyos at diyosa. O baka naman gaya rin namin siyang anak ng isang diyos?

Nakasakay siya sa kaniyang wheel chair na siya rin mismo ang nagtutulak. May katabaan siyang lalaki, bilugan ang mga mata, matangos ang maliit na ilong at kulay itim ang balbas niyang natatakpan ang kaniyang bibig.

"Nandito na pala kayo, Kookie." Tiningnan niya ako. "Pepper." Ibinaling naman niya ang tingin sa katabi ko. "Siguro naman ay kilala niyo na ang isa't isa?" tanong niya sa 'min. Malalim ang kaniyang boses at seryoso ang mga tingin, taliwas sa mga napapanood namin sa telebisyon.

Nagkatinginan kami ni Pepper ngunit ni isa sa amin ay hindi sumagot ni ang tumango.

"Hindi tadhana ang nagtagpo sa ating tatlo. Matagal ko na kayong binabantayan at pinoprotektahan," aniya sabay tulak sa wheel chair niya palapit sa 'min.

"Ano ang ginagawa namin dito? At ano 'yong mga kakaibang nangyari sa 'min nitong mga nakaraang araw?" sunod-sunod na tanong ko.

"Kookie at Pepper, sumunod kayo sa 'kin," utos niya imbis na sagutin ang mga tanong ko.

Kahit na ang dami kong mga tanong sa isip ay hindi ko na pinagpilitan pa. Mukha namang sasagutin niya rin. Masyado lang akong sabik na malaman agad kung ano ang dapat naming malaman.

Lumabas si Mr. Sevirous sa tolda kaya sumunod kami ni Pepper. Hindi na sumama pa sa amin si Pan at nagpaiwan na lang sa loob.

Naglakad kami sa isang damuhan malapit sa tolda. Maya't maya ang ginawa kong paghawi sa mga sangang tumatama sa mukha ko. Sinisipa ko rin ang ilang mga kahoy at batong naaapakan ko. 

May mga tao rin ditong nakatingin sa amin pero nagpatuloy lang sa ginagawa nilang pag-eensayo. Nilagpasan lang namin sila hanggang sa makarating kami sa dapat puntahan.

Tanaw mula rito ang malawak na karagatan. Iba't iba ang laki ng mga batong nakita namin mula rito. Papalubog na rin ang araw kaya napabuntong-hininga ako.

Pinakakalma talaga ng tanawin ng araw at karagatan ang loob ko. Lalo na ang kulay Kahel na kalangitan na humahalo sa kulay Asul na karagatan.

Naupo kami sa isang bato habang nakatanaw sa papalubog na araw. Magkatabi kami ni Pepper habang si Mr. Sevirous naman ay nasa harapan namin.

Doon, ipinaliwanag niya sa 'min ang lahat. Ang mga bagay na dapat noon pa lang ay alam na namin. Ang mga bagay na magmula ngayon ay magbabago na sa mga buhay namin. At hindi ko alam kung ano ang pasya ko.

Tatanggapin ko ba ang itinadhana, o aatras? Pero sa tingin ko ay hindi na pagpipilian pa ang tumakas. Dahil sa oras na tumakas ako, kami, wala na kaming babalikan. Wala na ang mundong kinagisnan namin. Wala na ang mundong pinapangarap namin. Ang tanging madadatnan na lamang namin ay ang pagkawasak.

Ang pagkawasak na gawa ni Sitan, ang pinuno ng kasamaan.

Chapter 2

Kasamahan

Kookie Soledad

"Pero paano si mama?" tanong ko kay Mr. Sevirous, kilala na ngayon bilang si Mr. Sato. 

Nag-aalala ako kay mama dahil hindi siya pwede rito sa Kampo. Puwede siyang kontrolin ni Sitan anumang oras. Masuwerte na lang kami dahil wala pang alam si Sitan tungkol sa katauhan namin, o at least iyon ang alam namin.

"Huwag kang mag-alala. Hindi siya pababayaan ni Apolaki kaya walang magiging problema," sabi niya.

Kumunot ang noo ko. "Wait! Apolaki?" tanong ko.

"Si Apolaki ang diyos ng araw.” 

Lumalim ang pagkakakunot ng noo ko. "Sino siya? Tiyaka bakit hindi ko siya kilala?" Wala naman kasi akong kakilalang ganoon ang pangalan at wala rin namang naiku-kuwento si mama.

Tinitigan niya ako bago sumagot. "Siya ang iyong ama, Kookie," sabi niya. 

Dahan-dahan akong napatango. Hindi ko pa rin maiwasang hindi mag-alala lalo na at hindi ko nakikita si mama.

Hindi ko rin maiwasang hindi mapaisip kung ano ang itsura ng aking ama, dahil ayon kay Mr. Sato, hindi namin maaaring makita ang aming ama kaya kami nito iniwan. Isa iyon sa patakaran ng mga diyos.

"Sa ngayon, hahayaan ko muna kayong dalawa na mag-ensayo. Kailangan ninyong magtulungan dahil walang ibang makatutulong sa inyo. Naiintindihan?"

Sabay kaming tumango ni Pepper bago lumabas sa tolda kung saan tumutuloy si Mr. Sato.

May mga ilan kaming nakakasalubong pero parang mga ordinaryong tao lang din naman sila gaya namin na may mga kamay at mga paa.

"So, ano tingin mo sa 'kin, walang kamay at paa?" 

Napatingin naman ako sa nagsalita at doon lang napansin si Pan. Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. 

"Nababasa ko ang mga utak ng mga mahihina ang emosyon kaya madali kong nababasa ang sa iyo," sabi niya.

Napayuko na lang ako. Mapanganib pala kapag lumapit ako kay Pan dahil nababasa niya ang isip ko. Kailangan kong alamin kung paano haharangan ang emosyon ko. Mahirap na.

Una, pinagamit kami ng mga armas. May dummy sa harap namin na patuloy naming hinahampas. Kailangan daw naming putulin iyon gamit ang mapurol na espada na gamit namin.

Habang pinapanood ko si Pepper, hindi ko maiwasang hindi mapaawang ang mga labi. Parang sanay na sanay na siya sa paggamit ng armas. Parang mas lalo tuloy akong kinilabutan sa kaniya. Baka mamaya ay bigla na lang niya akong hampasin ng espada kapag naasar na naman siya sa ‘kin.

Ginawa ko lahat ng ginagawa ni Pepper. Siya ang nagturo sa 'kin kung paano humawak ng armas. Kung paano ang tamang higpit at kung kailan luluwagan.

 

Pagkatapos niyang ituro sa 'kin lahat ay pinagsama-sama namin iyon.

Kailangan ko matutong protektahan ang sarili ko. Hindi sa lahat ng oras ay magagamit ko ang kakaibang kakayahan kong namana ko sa aking ama. Ni hindi nga ako sigurado kung ano talaga ang mga kaya kong gawin.

"Ready?" tanong ni Pepper. 

Napalunok naman ako. Kung hindi ko lang siya kilala, hindi naman ako matatakot nang ganito pero kasi...

"Y-Yeah," sabi ko na lang at pumikit. Bumuntong-hininga ako para mawala ang kabang nararamdaman.

Pagkadilat ko, nasa harap ko na siya. Kusang umangat ang braso ko na para bang may sarili itong isip. Nakalikha ng isang malakas na tunog ang pagtama ng espada niya sa espada ko.

"Focus," sabi niya.

Ramdam ko ang hininga niyang tumama sa mukha ko. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa pagkabigla iyon o dahil sa ibang bagay.

Lumayo siya sa kinatatayuan ko nang may kunot sa noo.

Sa isang iglap, naramdaman ko ulit ang presensiya niya sa likod ko. Lumingon ako at hinagis ang hawak kong armas pero nawala agad siya. Muli akong tumingin sa likod ko at nakitang papalapit na naman siya sa dereksyon ko.

Ang bilis!

Tumalon ako para makaiwas sa kaniya. Sa hindi inaasahang pangyayari ay ang taas ng naging pagtalon ko. Para sa isang ordinaryong tao ay napakataas ko nang tumalon ngayon. Halos kita ko na ang buong campus. Kung tatantiyahin ko, halos nasa limang talampakan ang itinaas ko.

"Woah!" bulalas ni Pepper. 

Ano pa kaya ang mga bagay na kaya kong gawin? Ngayon pa lang ay may mga bagay na akong nagagawa na hindi ko inaasahang kaya ko pala. Paano pa kaya kung sa mga susunod na araw?

Pagkatapos naming mag-ensayo ay pumunta kami sa tolda ni Mr. Sato.

"Kailangan ninyo na rin makilala ang mga makakasama sa inyong misyon," sabi ni Mr. Sato nang hindi man lang tumitingin sa 'min. Nakatuon lang siya sa lamesa niyang may mga papel sa ibabaw.

Nanatili lang kaming tahimik sa isang gilid.

"Lumabas na kayo riyan," utos niya. 

Sa isang pulang tela na nakasabit sa kanang bahagi namin ay lumabas ang dalawang tao na hindi ko inaasahan.

"Spice? V?" tanong namin pareho ni Pepper. 

Nanlaki ang mga mata namin at bahagyang umawang ang mga labi. Pero silang dalawa ay parang hindi na nagulat nang makita kami. Para bang alam na nila ang tungkol sa amin noon pa man.

"Simula ngayon, kayong apat ang magsasama-sama sa inyong misyon. Kailangan ko ng kooperasyon ninyong lahat," sabi ni Mr. Sato.

"Tsk. tsk. Sino nga ba ang mag-aakalang magkikita tayo sa lugar na 'to, ha, Cookies?" 

Kahit kailan ang yabang pa rin ng lalaking 'to.

"Tumigil ka riyan, V. Tara na sa labas, Kookie, i-tour natin ang lugar na 'to!" yaya sa 'kin ni Spice sabay sukbit ng braso sa braso ko.

"Hey, Spice!" sigaw ni V. 

Hindi naman nagsalita si Spice at tinuloy lang ang paghila sa 'kin.

Napunta kami sa isang gubat. Mga nagtataasang puno ang bumungad sa 'min. May mangilan-ngilang hayop gaya ng mga ibon pero wala naman akong nakitang kakaiba gaya ng nagsasalitang kabayo.

"Spice, gusto ko lang tanungin, ano ang ginagawa mo rito? Tiyaka, bakit kasama mo si V?" tanong ko.

Nakapagtataka naman kasing wala naman akong napapansing kakaiba sa kanila. Hindi naman din kakaiba ang kilos niya sa school kaya paanong magiging isa rin siyang anak ng diyos? O baka naman sadyang magaling siyang magtago?

Matagal ko ng kaibigan si Spice. Siya lang ang tanging babae, at tao, na nakatatagal na kasama ako. Siya rin ang madalas na tumulong sa 'kin sa tuwing napag-iinitan ako ni Pepper sa school.

"In our case, matagal na naming alam. Sorry to say this pero... kaya kita nilalapitan ay dahil kailangan ko." Nakaramdam ako ng panlulumo. "Pero kahit naman ganoon gusto ko pa rin naman 'yong ginagawa ko. Nagkaroon ako ng tunay na kaibigang gaya mo," sabi niya.

Napangiti ako dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam na may mga katulad niya pa rin na nakaka-appreciate ng existence ko. Kaya kung may maituturing akong isang kaibigan, si Spice iyon.

"Okay lang 'yon. Naiintindihan ko. Kaya ba ganoon si V sa 'kin?" tanong ko.

"Sa case niya naman, hindi ko alam kung bakit galit siya sa 'yo. Inutusan kaming dalawa na bantayan ka, pati na rin si Pepper."

"Kung ganoon, alam na rin ba ni Pepper ang tungkol sa kakayahan niya?" tanong ko. Hindi ko naman kasi matanong nang deretso si Pepper. Baka sakaling si Spice ang makasagot.

"Sa ngayon, may alam na siya pero hindi pa lahat. Alam namin kung kailan ninyo malalaman at kung alam niyo na ba o hindi. Isa 'yon sa kakayahan nating mga anak ng diyos."

"Kung nararamdaman ninyo, bakit ako hindi? Bakit wala akong kakaibang nararamdaman?" tanong ko.

"I know you'll ask that. Kaya hindi ninyo nararamdaman ay dahil patuloy ninyong tinatanggi sa mga sarili ninyo." 

Natahimik ako sa sinabi niya.

Bakit nga ba hindi ko pinaniwalaan? Napaka-imposibleng mangyari pero hindi ko alam na posible rin pala ang bagay na 'to. Haist! Naguguluhan na ako sa sarili ko. Hindi ko na tuloy alam kung ano ang iisipin at gagawin sa ngayon.

"Hoy!” sigaw ni Pepper. Sabay kaming napabaling sa kaniya. “Ano 'ng ginagawa niyo rito? Ilong, mag-eensayo pa tayo. Tara na!"

Hindi ko siya pinansin. Nagiging masungit na naman kasi siya, okay na kami kanina, ah?

Binaling ko ulit ang tingin kay Spice. "Spice, sabihin mo pa sa 'kin lahat ng nalalaman mo, please," sabi ko sabay hawak sa kamay niya.

Bahagyang nanlaki ang mga mata niya pero bumalik din agad sa dati.

"I'll tell you everything soon," sabi niya bago tumayo. Tumingin siya saglit kay Pepper tiyaka naglakad paalis.

Soon? Kailan naman ang soon na 'yan?

 

Pepper Chua

Sa tingin ko ay kailangan na ring malaman ni Kookie ang lahat. Pero paano ko naman sasabihin sa lalaking 'yon? Baka akalain niya bumabait ako sa kaniya.

Ang tungkol sa propesiya na binasa sa 'kin ng kapit-bahay ko noon, ganoon din ang kapalaran niya, iyan ang sabi ni Mr. Sato.

"Ayon sa ating propesiya, isa sa mga itinakdang babae ang magliligtas sa atin. Isa sa mga itinakda," kuwento ni Manang Cecilia, kapit-bahay namin.

Isa sa mga itinakda? Ibig sabihin ay marami kami.

Alam ko naman kasing maalam siya sa mga ganitong bagay kaya siya ang kinausap ko tungkol dito. Noong una, natatawa ako dahil akala ko napaka-imposible ng trabaho niya noon. Pero ngayon ay unti-unti kong naiintindihan na ang ibang trabaho ay naa-appreciate lang ng iba pero hindi ng lahat.

"What else? Tell me everything you know," nagmamakaawa kong sabi.

"Ang diyos ng mga halimaw na hinati sa apat."

Napatulala na lang ako sa sinabi niyang 'yon.

Halimaw?

Napayuko ako.

"Ang mga diyos ng halimaw ang nagbabantay at nangangalaga ng langit. Hinati sila sa apat, ang mga tagapagbantay sa Timog, Hilaga, Silangan at Kanluran..."

Kailangan ko pang malaman ang lahat tungkol sa mga diyos. Hindi ako makapaniwalang sa huli ay maniniwala ako na may nag-eexist nga na ganoon. Parang kailan lang ay normal pa naman ang buhay ko.

KASALUKUYAN KAMING nakaupo sa harap ng apoy, nilalaro ko lang ang isang stick at sinusunog iyon. Tahimik lang naman sina Spice at Ilong habang magkatabi. Habang ito namang si V ay nakikipag-away kay Mr. Horsey guy.

Dahil walang kuryente rito ay apoy ang nagsisilbing ilaw namin sa gabi. Ang iba naman na hindi namin ganoon kakilala ay nasa kabilang banda kaharap din ang isang bonfire.

"Alam mo, V, gwapo ka sana eh. Kaya lang ang sama ng ugali mo. Bakit mo naman ginawa 'yon?" 

Ayan na naman sila.

"Alam mo, Horse dude, tumahimik ka lang gagwapo ka. Baka mas maging gwapo ka pa sa 'kin," sabi ni V.

"Talaga?! Kapag hindi nangyari 'yon, lagot ka sa 'kin!" 

Uto-uto talaga 'tong lalaking 'to.

Tiningnan ko kung ano ang reaksyon ni Kookie pero nakatulala lang siya, mukhang gustong-gusto niya na talaga malaman ang lahat.

"Ilong, sumunod ka sa 'kin kung gusto mo pang mabuhay!" pagbabanta ko.

Pumunta ako sa gubat kung saan sila nagtungo kanina. Pwede na 'tong lugar na 'to.

Alam kong maiintindihan niya rin ang sarili niya. Gaya ng nangyari sa 'kin. Hindi niya matatanggap ngayon, pero kailangan.

"Bakit ba tayo pumunta rito?" tanong niya. 

"Akala ko gusto mong malaman ang lahat?" Hindi ako tumitingin sa kaniya. Nakatanaw lang ako sa taas, sa payapang pagsayaw ng mga nagtataasang puno at ang bilog na bilog na buwan.

Agad siyang napatingin sa ‘kin.

“Sa kaso mo,” panimula ko, “Ikaw ang kinatawan ng Asul na Dragon. Samantalang ako naman ang Flaming Phoenix. Si Spice ang kinatawan ng Green tortoise habang si V naman ang kinatawan ng Puting Tigre.”

Sa simula ng aming misyon, kailangan namin pumili sa aming celestial warriors. Isa lang ang pipiliin upang makasama namin sa aming paglalakbay. Mailalabas namin ang iba pa kapag kailangan namin pero hindi ko alam kung paano. 

"Paano naman natin mapipili kung sino ang gusto nating makasama para iligtas tayo?" tanong niya.

"Good question. Once na mailabas ang pitong celestial warriors, may pagkakataon ka para makilala sila." 

"Saan naman sila manggagaling? I mean, lalabas na lang sila nang kusa kung gustuhin natin?"

"No, may ibibigay sa atin si Mr. Sato na sandata para makontrol natin ang mga iyon. Sa ngayon kasi ay nasa loob lang siya ng katawan natin," sabi ko.

Kahit na hindi ko sila nararamdaman na pitong mga warriors ay alam kong nasa loob lang sila ng katawan namin. Sa tingin ko ay sapat na oras na ang ibinigay sa kanila para makapagpahinga. Ito na ang pagkakataon para maipakita kung ano ang kaya nila.

"May tanong ka pa ba?" tanong ko.

Ilang segundo pa bago siya nagsalita. "Wala na, sa tingin ko sapat na ang mga nalaman ko sa araw na 'to," sabi niya sabay talikod. "Salamat."

Naiwan naman akong nakatulala sa kinatatayuan ko.

Bakit ganito ang pakiramdam ko, parang may kakaiba? May kung anong dumadaloy sa katawan ko na hindi ko maintindihan kung ano. Ito na ba ang mga warriors?

Hindi na ako bumalik sa kung nasaan sina Spice at nagtuloy na lang sa kwarto ko. Hiwa-hiwalay ang kwarto namin dito sa Kampo kaya komportable na ako.

Ayoko kasi ng may ibang kasama sa isang kwarto kahit na kaibigan ko pa. Well, wala naman akong kaibigan. So, wala na akong magiging problema pa roon.

Chapter 3

Nakaraan

Spice Trinidad

Ilang minutong nawala sina Pepper at Kookie. Tumayo naman si Pan sa pagkakaupo at tiyaka umalis. Kanina pa kasi siya tinatawag ni Mr. Sato at may sasabihin daw sa kaniya. Naiwan tuloy kaming dalawa ng lalaking ‘to rito.

Akmang tatayo ako para umalis nang magsalita siya.

"Spice..."

Naiinis na naman ako, hindi ko alam kung bakit pero asar na asar ako hanggang ngayon sa kaniya.

"What?!" tanong ko. Hindi na ako nag-abala pang tingnan siya dahil sayang lang sa effort.

"Galit ka na naman ba? Hindi ko na nga pinapansin at binu-bully si Kookie," sabi niya.

Napahinga na lang ako nang malalim. "E'di mabuti. Alam mo kung ano 'ng sunod mong gagawin?" Tumingin ako sa kaniya. "Get lost! Huwag mo na akong guluhin," sabi ko.

Tumayo na ako at umalis sa harap niya. The more na nasa malapit siya, lalo kong naaalala ang nakaraan naming dalawa. Kung paano siya nagtaksil. Tapos malalaman kong dahil sa pagiging anak ng diyos kaya niya 'yon nagawa. The nerve of this guy!

"SORRY, SPICE. Hindi na maganda kung ipagpapatuloy pa natin itong relasyon nating dalawa."

Kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya. Parang ewan lang, kanina okay pa naman kami. Sa katunayan, napaka-sweet pa niya kanina. Napaka-out of the blue!

"Ano ba 'ng pinagsasasabi mo riyan, V? Para kang ewan! Itigil mo nga muna 'yang kalokohan mo kahit ngayon lang."

Sanay na rin naman ako na lagi niyang panti-trip kaya pinagpatuloy ko ang pagkain ko. Ito kasi ang anniversary naming dalawa kaya magkasama kami ngayon.

"Hindi naman ako nagbibiro, Spice. Itigil na natin 'to."

Napahinto ako saglit at tiningnan siya nang may kunot sa noo.

"Mauna na 'ko. Goodbye!"

Nabitiwan ko na lang ang kutsara ko sa sobrang gulat pero hindi ko alam kung ano na ang nangyayari ngayon.

Did he just leave? Nang hindi man lang nagpapaliwanag kung sakali mang totoo ang sinabi niya? Did I miss something? Ano ba kasi talaga ang nangyayari sa kaniya?

At kung biro lang ang bagay na 'to, ngayon pa lang ay hindi na ako natutuwa.

Pabalang na tumayo ako sa upuan at umuwi. Galit ako sa kaniya dahil iniwan na lang niya ako basta. Kailangan ko makausap ang lokong 'yon bukas!

KINABUKASAN AY hinanap ko agad si V sa buong campus. Saan naman kayang lupalop nagpunta ang kumag na 'yon? Nagsisimula na akong kabahan. Baka kaya totoo ang sinabi niya na itigil na namin ang relasyon namin?

Ano ba naman 'tong naiisip ko! Bakit naman siya makikipaghiwalay, 'di ba? Mahal ko siya at ramdam ko na mahal niya rin ako.

Napahinto ako sa isang lugar, sa isang lugar na sana hindi ko na lang pinuntahan.

What the hell is happening? 

Dali-dali ko naman silang nilapitan at hinatak ang babae nang marahas. For crying out loud, it's V and my bestfriend!

"What the hell is wrong with you? You!” Dinuro-duro ko siya. “Tinuring kitang para ko ng kapatid tapos... tapos gagawin mo sa 'kin 'to?!" sigaw ko at the top of my lungs. This is just so absurd!

"Wait, Spice! Bitiwan mo si Gem, wala siyang kasalanan dito. Let me explain first!"

Binitiwan ko agad si Gem at hinarap ang walanghiya kong ex. 

Tinaas ko ang kamay ko at pina-landing sa mukha niya. Hindi ko maisip na magagawa nila sa 'kin 'to. Ngayon ko na lang ulit siya nasampal at ngayon ko lang nasaktan ang bestfriend ko!

"Now, explain! Paano mo mapapaliwanag ang bagay na 'to? Ha?!" sigaw ko sa kaniya. May ilan na rin ang napapatingin sa gawi namin pero wala akong pakialam sa kanila. Kailangan ko malaman ang dahilan ng loko kong ex.

"Ang tanging sasabihin ko lang ay tapos na tayo. Kaya bakit mo sinasaktan ang girlfriend ko?"  tanong niya.

Naninibago ako sa tono ng pananalita niya. Wala na iyong malambing na V, ang V na lagi akong inaalala at minamahal, ang taong laging nandiyan sa tabi ko kapag malungkot ako at napapahamak.

"S-Sorry, Spice..." rinig kong bulong ni Gem sa tabi ko kaya siya naman ang tiningnan ko. Gaya ng ginawa ko kay V ay sinampal ko rin siya.

"Spice!" sigaw ni V sa 'kin sabay hawak sa kamay ko.

Ganito niya ba kamahal ang babaeng 'to? Ganoon na lang ba kabilis niya akong ipinagpalit sa iba at ang mas masaklap ay sa kaibigan ko pa?

Tiningnan ko siya sa mga mata. "Please, iintindihin ko kung mag-sorry ka tapos bawiin mo ang mga sinabi mo. P-pero please! Huwag namang ganito."

Ang tagal naming natahimik na tatlo pero wala ni isa sa amin ang nagsalita.

Mapakla akong natawa. "Naiintindihan ko. So ganoon na lang 'yon? Kapag sinabi mong wala na tayo, wala na? Hindi mo na pala kailangan ng opinyon ko," sabi ko.

Hindi ko na rin napansin na umiiyak na pala ako sa harap nila. Kilala ko na sila at sa tingin ko naman ay hindi nila ako huhusgahan kung umiyak ako ngayon. O kilala ko ba talaga sila?

Nagsimula na akong maglakad palayo habang nag-uunahan ang mga luha ko sa pagpatak. Hindi ko na rin pinansin ang mga taong nadadaanan ko at tinitingnan ako nang nanghuhusga.

Ano ba ang hindi ko nalalaman? Ano ba ang problema namin at nakipaghiwalay siya sa 'kin? Nagsasawa na ba siya? Naaartehan pa rin ba siya sa ‘kin? Hindi na ako tulad nang dati dahil sa kaniya pero bakit ganito?

Hanggang sa makarating ako sa bahay namin ay nakatulala lang ako. Nagsimula na namang mag-unahan ang mga luha ko pagkapasok na pagkapasok ko sa kwarto. Wala naman ang mama ko at nasa business trip. Ang papa ko naman at iniwan na kami dahil kailangan.

Bata pa lang ako ay alam ko na ang bagay na 'yon dahil walang nilihim sa 'kin si mama. Ordinaryong tao lang naman ako at tinalikuran ko ang pagiging anak ng diyos dahil gusto kong makasama si V. Pero sa tingin ko, magbabago na ang ihip ng hangin.

Makalipas ang ilang araw, kinukulit ako ni V. Mas lalo lang uminit ang ulo ko sa inaakto niya dahil napaka-isip bata niya. Akala niya laro-laro lang ang lahat sa 'kin pero hindi ako natutuwa sa ginagawa niya. Matapos niya makipaghiwalay ay nakukuha pa niyang makipagbalikan at magpaliwanag.

Ang nakakainis ay ang dahilan niya.

"Please, Spice, maniwala ka naman sa sinasabi ko!" sigaw ni V sa harap ng bahay namin.

Hindi ko na nakayanan at lumabas na ako ng bahay.

"Ano ba, V! Ano na namang eskandalo ang ginagawa mo?" tanong ko sa kaniya. 

Bigla niyang hinawakan ang kamay ko. "Makinig ka muna sa 'kin, Spice. Magpapaliwanag ako," pagmamakaawa niya. 

Sa tingin ko kailangan ko na siyang pakinggan dahil ilang linggo ko na siyang iniiwasan.

"Spill it!" bulalas ko.

"Iyong nakita mo, totoo 'yon. Pero nagawa ko lang 'yon dahil... dahil... kailangan." Biglang humina ang boses niya.

"Ano? Sa tingin mo ba paniniwalaan ko 'yang kasinungalingan mo?!" sigaw ko. Nakakairita na siya! Dapat nga talaga at hindi ko na siya sinagot. Tama si mama na hindi siya deserving para sa 'kin.

"Please, Spice. I have a mission. Hindi ko alam kung paniniwalaan mo ako pero sasabihin ko pa rin. Spice, I'm a demigod."

Until now, hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi niya. I know, isa rin akong demigod pero hindi ko malaman kung bakit kailangan niyang itago sa 'kin 'yon.

Simula ngayon, hindi na ako maniniwala sa kaniya. He and my friend betrayed me nang dahil lang sa bagay na 'yon. Tinalikuran ko na siya simula noong niloko niya ako sa pamamagitan ng pagiging ganap na demigod. Isa pa, sino ba ang unang nakipaghiwalay? Hindi ba siya naman?

And one more thing, ginamit niya ang bestfriend ko sa kalokohan niya at nasaktan ko pa tuloy ito. Hindi ko alam kung gusto niya rin ang boyfriend ko pero kahit ganoon alam kong wala siyang kasalanan. Kung hindi naman dahil sa lalaking nasa harap ko ngayon ay hindi kami magkakasira.

I think I already had enough. Binigyan ko siya ng pagkakataon na magpaliwanag noon, na bawiin niya ang mga masasakit na salita na binitiwan niya pero hindi naman niya ginawa. Tapos nagmamakaawa na lang siya basta? Kaya sa tingin ko mahirap na paniwalaan ang mga sasabihin niya sa 'kin.

Matigas na ang ulo ko dahil ganito ako pero mas matigas na ang puso ko sa kaniya. Si Kookie lang naman kasi ang nakasama ko noon nang malungkot ako. Kaya lang hindi niya alam kung ano ang mayroon sa 'min ni V.

Hindi na rin ako mag-aaksaya ng panahon para lang patawarin siya. Well, kaya ko naman pero hindi ko matitiyak na magiging gaya kami nang dati. Sa tingin ko ay kaibigan na lang ang maiaalok ko sa kaniya.

Chapter 4

Ensayo

Kookie Jeon

Napabalikwas ako nang higa dahil sa maingay na gongs na tila hinahampas nang pagkalakas-lakas. Buong diwa ko yata ang nagising dahil doon.

Umupo ako sa banig na hinihigaan ko at napatingin sa pumasok. Wala nga palang kandado ang mga tolda namin kaya kahit anong oras ay puwedeng may makapasok.

Kumurap-kurap ako para makapag-adjust sa sinag ng araw na tumatama sa mga mata ko. Saka ko lang napagtanto kung sino ang nasa harap ko.

"Pinatatawag ka na sa labas,” ani Pepper. “Magsisimula na ulit ang pag-eensayo natin.” 

Hinintay ko muna siyang umalis pero mukhang wala yata siyang balak na iwan ako.

Bahagyang tumaas ang kilay ko. "Paano ako makapagbibihis? Hindi ka pa ba aalis?" tanong ko. Medyo bumilis ang tibok ng puso ko pero buti na lang at napili ko nang ayos ang mga salitang sasabihin.

"Bakit?" Tinaasan niya rin ako ng kilay at nameywang. "Ano naman ang masama kung ganoon? Para namang may makikita ako riyan, at kung mayroon man ay wala akong pakialam. Bilisan mo na nga!" Tumaas ang tono ng boses niya.

"Kung ganoon, gusto mo talagang makita? Sige, hindi naman kita pagkakaitan!" 

Nanlaki ang mga mata niya. Hindi siya makatingin nang ayos sa 'kin at namumula na rin ang mga pisngi niya.

Ako naman ay natatawa na lang, hindi ko rin alam kung saan ko napulot ang mga salitang 'yon at kung saan ako kumuha ng lakas ng loob.

"Of course not! Aalis na ‘ko!" 

Napangiti na naman ako.

Lumabas na siya ng tolda at ako naman ay nagbihis na. Bakit ngayon ko lang nalaman na may side siyang ganoon? Kung alam ko lang dati pa, e’di sana hindi na niya ako nabu-bully.

Nagsuot lang ako ng simpleng itim na damit na pinahiram nila sa 'kin. Manipis lang ito at medyo may punit sa laylayan. Parang disenyo lang din dahil pati sa may bandang leeg ko ay ganoon din ang korte. Sa pang-ibaba ko naman ay asul na pantalon na medyo maluwang.

Mas okay na rin ito para makakilos ako nang maayos. Ayoko namang magsuot ng bahag gaya nilang mga lalaki.

Paglabas ko ay nagsisimula na sila. Naglakad ako palapit sa kanila at nag-ensayo na rin.

Hindi lang kaming apat ang narito, kasama si Pan at ilang mga demigods din na gaya namin.

Nakapila kami nang isang haba at may limang hilera ito. Sa unahan namin ay isang hindi ko kilalang lalaki na tinuturo ang bawat paghampas at pagtusok ng sandata na gagamitin namin.

Nakisabay ako sa ginagawa nila kahit na medyo naiilang ako. Bago kasi sa 'kin ang maghahampas ng mga ganitong bagay kaya sa tingin ko ay mukha akong ewan sa ginagawa ko. Sino ba naman kasi ang sanay na nagwawasiwas ng mahabang espada sa buong buhay nila?

Nakita kong ganoon din si Pepper na nababagot na sa ginagawa.

"Our practice is done for the morning, mag-break na kayo."

Ganoon na ba ako katagal natulog? Sa normal na training kasi ay aabutin kami nang halos limang oras na ganoon at ganito lang ang ginagawa pero sa ngayon, ang bilis natapos.

Ni hindi ko pa nakilala kung sino ba itong nag-eensayo sa ‘min dahil bago na naman siya.

"Pepper and Kookie, please follow me," utos nito.

Nagkatinginan naman kami ni Pepper pero agad naman siyang umiwas at namula.

Nakakatawa talaga kapag ginagawa niya 'yon. Akala ko ba maton siya? Bakit parang kailan lang ay binu-bully pa niya ako na parang komportable na siya at daily routine na niya 'yon?

Sinundan namin ang lalaki kanina at nakita naming may kausap siya.

Napatingin sa 'min si Mr. Sato at nginitian kaming dalawa. Tumingin din ang lalaki pero nakasimangot lang ito. Parang lalaking bersyon ito ni Pepper.

"Pansamantala muna kayong bubuklod na dalawa sa pag-eensayo nila. Siya si Carl at siya ang magtuturo sa inyong dalawa." Tiningnan niyang muli ang lalaki na nagngangalang Carl. "Ikaw na ang bahala sa mga batang ito. Mauuna na ako dahil may kailangan pa akong asikasuhin."

Tumango lang ang lalaki matapos ay umalis na siya. Medyo hindi maganda ang pakiramdam ko sa taong 'to.

"Magsisimula ang ating pag-eensayo kaya maghanda na kayong dalawa. Hindi kayo kakain hangga't hindi ninyo nagagawa ang mga kailangan kong sabihin sa inyo."

Napatango na lang ako. Medyo kinilabutan ako sa tono ng pananalita niya. Para bang mas gugustuhin pa niyang matulog o mag-ensayong mag-isa kaysa ang turuan kami. Mukhang ayaw niya ring narito kami.

"Una sa lahat, kailangan niyong i-focus ang mga sarili ninyo sa bagay na nasa harapan. Isipin ninyong ito ang kalaban. Huwag na huwag aalisin ang atensyon dahil anumang oras ay hindi ninyo alam kung kailan sila lalabas o susugod," paliwanag ni Carl.

Wala akong ideya kung ano ang plano niya noong una pero dahil nakita ko ang mga dummy na may target ay medyo naliwanagan na ako.

"Hawakan ninyo ang sandatang ito," aniya sabay abot sa amin ng bow at arrow.

Nilagyan na namin ito at hinintay ang susunod na iuutos niya.

"Itaas ninyo ang bagay na iyan at itutok sa harap."

"Focus, tumayo nang maayos!"

Naramdaman kong nasa tabi ko lang siya kaya naman tiningnan ko agad ang nasa harapan ko. Kaya lang ay hindi ko talaga maaninaw. Sa mga ganitong pagkakataon ay kailangan ko na talaga ng salamin.

"H-Hindi ko makita, hindi ko maaninaw," sabi ko kahit medyo natatakot ako.

Bigla naman niyang hinampas ang aking yaman kaya nabitiwan ko ang arrow. Ang sakit! Bwisit!

"Good job," sabi na lang niya at umalis sa tabi ko.

Hawak ko pa rin ito dahil na rin siguro sa gulat.

Napatulala na lang si Pepper nang makita kung saan tumama ang arrow ko. Dali-dali ko namang kinuha ang binoculars sa gilid at tiningnan ang target. Sakto ito sa dibdib.

Natawa na lang ako imbis na magulat. Ganoon ba talaga ang dapat gawin para matamaan ko? Sa tingin ko ay ayaw ko na ng susunod.

Sunod naman ay si Pepper ang tinuruan niya. Hindi ko maiwasan na pagmasdan silang dalawa. Naiinis ako na hindi ko maintindihan kung ano ba talaga.

Kasalukuyang ginagabayan ni Carl si Pepper. Hawak-hawak niya ang bow at balikat ni Pepper para pareho nilang makita ang target.

Kumukulo ang dugo ko dahil sa ginagawa niya. Kung titingnan mo kasi si Carl ay hindi naman ito 'yong may edad na, parang ilang taon nga lang ang agwat naming dalawa.

Nang hindi ko na matiis na panoorin sila ay kinuha ko ang pana at sinubukang sanggahin ang pana na binitiwan ni Pepper. Pagkatapos niyon ay tiyaka ako umalis palayo sa kanila, wala na akong pakialam kung pagalitan ako.

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko kaya naman lalayo na muna ako. Sanay na ako sa nararamdaman ko pero hindi ko pa rin maintindihan kung bakit si Pepper pa.

Pumunta na lang ako sa tent at sinubukang matulog, pero kahit ano 'ng gawin ko ay wala pa rin talaga. Kanina pa ako paikot-ikot pero hindi man lang ako dinadalaw ng antok. Puro na lang imahe ang nakikita ko sa isip ko.

Nakipagtitigan ako sa bubong nang marinig ko ang pagbukas ng tent ko. Akala ko si Pepper pero si Mr. Sato lang pala. Napatayo tuloy ako nang wala sa oras para batiin siya.

Hindi siya nagsalita o binati man lang ako pabalik. Nagderetso lang siya sa upuan na malapit sa 'kin at tiyaka ako tinitigan sa mga mata.

"Ano ang problema?"

Napakunot naman ang noo ko dahil sa tanong niya.

"W-Wala naman po akong problema. Bakit ninyo po natanong?" tanong ko.

Tinitigan pa niya ako nang maigi na parang inaalam kung nagsisinungaling ako.

"You can't lie to me no matter what," sabi niya.

Napanganga na lang ako. Alam kaya niya ang tungkol sa ginawa ko kanina? Hindi rin imposible kasi baka sinabi ni Carl sa kaniya.

"I-I'm not lying," sabi ko sabay iwas. Bakit ba ako naiilang ngayon sa kaniya? Naguguluhan na ako. Ano ba 'ng dapat kong isipin ngayon? Baka tulad siya ni Pan na nakababasa ng iniisip ng ibang tao.

"I know what's on your mind at sinasabi ko na sa 'yo na kalimutan mo na 'yan!"

Mas lalong lumalim ang kunot sa noo ko dahil sa sinabi niya. Akala ko tungkol doon sa nangyari kanina na umalis ako?

"Hindi ko maintindihan, a-ano po 'ng ibig mong sabihin?" tanong ko.

Seryoso pa rin siyang nakatingin sa 'kin pero ako naman itong kinakabahan na sa pwede niyang sabihin.

"Kalimutan mo na ang nararamdaman mo para sa kaniya."

Tuluyan na akong napatigil dahil sa sinabi niya. Iyon pala ang ibig niyang sabihin, akala ko kung ano.

Pero napaisip pa rin ako sa sinabi niya sa 'kin. Kaya ko nga ba? Hindi pa naman malalim ang nararamdaman ko sa kaniya kaya hindi na ako nag-aalala pero... bakit ganoon? Parang may mabigat na bagay na nakadagan sa dibdib ko.

Nakatulala lang ako, hindi ko na napansin na wala na si Mr. Sato sa harap ko. Ano ba 'ng dapat kong gawin? At bakit pinapakialamanan niya ang nararamdaman ko? Kasama ba ‘to sa misyon?

Chapter 5

Army

Pepper Chua

"Ano'ng nangyari roon?" tanong ko. Bigla-bigla na lang kasing nagkakaganoon ang weird na Ilong na 'yon.

Siguro kasi hindi niya nagawa 'yong pinapagawa kaya naiinggit siya. Natawa na lang ako dahil sa naisip ko. Napaka-isip-bata!

Narinig ko rin naman ang mahinang pagtawa ni Carl.

Napabuntong-hininga siya bago nagsalita. "Pag-ibig nga naman," sabi niya sabay lakad palayo.

Naiwan naman akong nakakunot ang noi dahil sa sinabi niya. May pinagdadaanan pa yata ang isang iyon.

Napapailing na lang akong binaba ang arrow at bow sa lamesa at tiyaka bumalik sa cabin namin.

Papahiga na sana ako sa kama ko nang marinig ko na naman na pinatatawag kami ni Mr. Sato.

Tumayo na ako at lumabas ng cabin. Nakita ko naman sina Kookie, Spice, V at Pan na nandoon na kaya sa kanila ako tumabi. Hindi ko naman kakilala ang iba.

Marami pa akong nakikitang kakaibang nilalang pero mukha naman silang mababait.

"So, nandito kayong lahat dahil gusto kong masaksihan ninyo ang pagbabalik nila."

Ang iba ay napakunot ang noo dahil sa sinabi niya, kasama na ako roon. Ang iba naman ay halos magtatalon sa tuwa gaya ni Spice. Si V naman ay nanlaki ang mga mata pero kalauna'y nakita ko rin ang pagngiti niya.

"Nandito na sila galing sa mundo ng mga tao at napagpasyahan nilang bumalik sa Kampo Bathala. Pumasok na kayo!" utos niya sa mga lalaki.

Sabay-sabay kaming napalingon sa likuran namin. Nahati kami sa gitna nang dumaan sila.

Pinagmasdan ko silang lahat at napansing may isang babae pala sa kanila pero boy-cut ang hairstyle kaya mapagkakamalan mo talagang lalaki rin. Matapos ko silang titigan ay tiyaka ko lang napansin at nalaman kung sino sila.

"Army..." Nagkatinginan pa kami ni Kookie at sabay na binanggit 'yan. Nandito sila, ibig sabihin ay mga anak din sila ng diyos gaya namin.

"Matagal na simula noong umalis sila rito sa Kampo Bathala para gawin ang misyon nila. And obviously, sila ang hinihintay ng mga nilalang na nandito!" bulalas ni Pan.

"Sila ang nag-eensayo sa amin noon pero dahil sa misyon na pinagawa sa kanila ay kinailangan nilang umalis. Bata pa lang magkakasama na ang limang 'yan," sabi naman ni Spice.

Napatango na lang kami.

"Magandang araw sa inyong lahat, nagagalak akong makita kayong muli. Kumusta naman ang mga kaibigan ko?" tanong ni Skip, ang leader nilang lima.

Napaawang ang bibig ko nang mapangiti siya.

Parang may kamukha siya pero hindi ko naman matukoy kung sino. Ngayon ko lang kasi siya natitigan. Hindi ko naman pinapansin ang grupo nila noong nasa school kami.

Naputol ang pagtitig ko kay Skip nang may kamay na humilamos ng mukha ko.

"Mukhang tutulo na kasi 'yang laway mo. Pasalamat ka pa pinigilan ko."

Tiningnan ko nang masama si Kookie dahil sa ginawa niya. Namumuro na ang isang ito sa 'kin ah! Kailan pa siya natutong gawin sa 'kin 'yon?

Hindi ko na lang pinansin at pinakinggan na lang sila.

"Dahil nandito na kami ay babalik na ulit ang mag-eensayo sa inyo." Marami naman ang sumigaw dahil sa sinabi niya na iyon. "Pero, hindi tulad noon ay magiging mahigpit na kami sa inyo." Bigla namang bumigat at sumeryoso ang paligid.

Pinabalik kami sa kaniya-kaniya naming cabin pero pinigilan kami ni Mr. Sato.

Lima kami ngayong nakaharap sa kaniya kasama ang Army. Ako, si Kookie, Spice, V at Pan.

"Gusto kong makilala ninyo ang isa't isa," panimula ni Mr. Sato. "This is Army. Alex, Skip, Kyle, Steve at ang nag-iisang babaeng si Alexis."

Ngayon ko lang sila nakita sa malapitan kaya nakita ko kung gaano kaganda si Alexis. Magkahawig sila ni Alex.

"These are Kookie and Pepper. I bet kilala ninyo na sina Spice at V. Army, they are the chosen ones."

Nakita kong napangiti silang lima pero medyo may hindi ako naintindihan tungkol doon sa 'The chosen ones'. Ano pa ba ang hindi ko nalalaman?

"It's nice to meet you. I'm Skip and I'm the leader." Nginitian naman niya ako at hinalikan ang likod ng palad ko. Sa tingin ko ay namula ako dahil sa ginawa niya pero may humawi lang nito.

"It's also nice to meet you, bro!"

Napabuntong-hininga na lang ako para maiwasan ang pagka-init ng ulo ko sa Ilong na 'to.

Kahit kailan panira, gumaganti na ba siya sa 'kin? Nagtitigan silang dalawa at para bang may kuryenteng dumadaloy sa mga mata nila. Ngumiti naman si Skip sa kaniya pero si Kookie ay seryoso pa rin.

"Sila ang magtuturo sa inyong apat sa mga susunod na araw. Tulad ng sabi nila kanina, hindi na gaya noon ang pag-eensayo pero bibigyan namin kayo ng panahon para makapagpahinga," sabi ni Mr. Sato bago umalis.

"So, guys, can we start our training now?" tanong ni Skip habang nakatingin... sa 'kin? Well, baka guni-guni ko lang naman 'yon.

Skip Stilt

I'm currently looking at her. Kamukha niya talaga, hindi ako pwedeng magkamali. Puwedeng siya nga si Chanel, pero ang nakapagtataka lang ay ang laki ng pinagbago niya.

Hindi tulad dati na ang jolly niya. Ang mas nakakatuwa ay ang pagiging clingy niya at mataray kapag may lalapit na iba sa 'kin lalo na kapag babae.

Hindi na kasi iyon ang nakikita ko sa kaniya. Ang seryoso na niya at mukhang hindi na niya ako kilala. Ano kaya ang pwedeng nangyari noon? Kung hindi man siya ang Chanel na hinahanap ko, sana ayos lang ang lagay niya.

Pinagpatuloy lang namin ang pag-eensayo namin sa kanila. Sa tingin ko, alam naman nila kung bakit kailangang ganito ang pag-eensayo sa kanila. Nagsisimula nang kumilos si Sitan at may isang syudad na siyang nasakop.

Tanging silang apat lang ang makatutulong sa mga taong iyon.

Ang lason na pinapainom ni Sitan sa mga tao ay hindi karaniwan. Nawawala sa katinuan ang mga katawan nila dahil kinokolekta niya ang mga kaluluwa at inilalagay sa isang tagong lugar.

Hindi ko pa alam kung ano ang itsura ng lugar na iyon pero nakatitiyak akong malalagay sa panganib ang sinumang magtatangkang pumunta roon.

Si Kookie, una ko pa lang siyang makita ay ramdam ko na ang kapangyarihang nananalaytay sa kaniya. Ang kapangyarihan niyang nakatago pa rin sa Seal.

Ang Seal ay isang kulay asul na apoy sa loob ng katawan ng mga tulad namin. Kulay asul ito kapag hindi ka pa aware sa kung sino ka pero nagiging kulay dilaw o orange kapag naliwanagan ka na.

Hindi madaling palitan ang kulay nito dahil parang tao lang ang Seal, nararamdaman niya kung para ba talaga sa taong iyon ang ibibigay nitong enerhiya. Ibig sabihin, ang bawat Seal ay naglalaman ng enerhiya na may iba't ibang kakayahan.

Nailabas ko na rin ang kapangyarihan ko pero hindi gaya nila ay mahina lamang ito.

Alam kong darating ang panahon at maliliwanagan din sila at magiging mas malakas. Kaya nga sila ang pinili ng mga diyos, dahil na rin sa may tiwala sila sa kanila.

Kung ikukumpara kami sa kanila ay wala pa sa kalahati ng kapangyarihan namin ang kayang ilabas ng Seal nila.

Lalo na si Kookie.

Kailangan niya matutong kontrolin ang emosyon niya dahil iyon ang magpapahamak sa kaniya. Lalo na ngayon at komplikado pa rin ang lahat.

"Kookie, ayos ka lang ba?" tanong ni Spice kay Kookie habang nakahiga ito sa lupa. Kalaban niya si Kyle na ngayon ay palapit na sa kaniya. Kahit kailan walang-awa ang isang ito sa pakikipaglaban.

"Okay ka lang ba, Kookie? Pasensiya na, hindi ko kasi talaga mapigilan ang sarili ko kapag hawak ko ang bagay na ito," ani Kyle. Inalok nito ang kaniyang kamay na tinanggap naman ni Kookie.

"Ayos lang ako. Ang galing mo! Gusto ko pa matuto mula sa 'yo," sabi nito.

Nagsimula naman ang iba pa sa pag-eensayo. Si Alexis ang nakatoka kina Pepper at Spice na gumamit ng bow at arrow.

Hindi ko na naman maiwasan ang mapatingin sa kaniya. Nakikita ko talaga si Chanel sa kaniya, na-mimiss ko na siya. Gusto ko na ulit siya makita, mahawakan at mayakap.

Kung paano tumayo at hawakan ni Pepper ang bow at arrow, ganoon na ganoon din si Chanel. Hindi kaya tama ang hinala ko na siya si Chanel? Ang nag-iisang babaeng minahal ko sa tanang buhay ko...

Chapter 6

Warriors

Kookie Jeon

Limang minuto lang ang naging pahinga namin kanina bago bumalik sa pakikipagbakbakan.

Si Kyle, nakuha ko na ang kahinaan niya kaya natalo ko siya kanina pero ang nakakainis ay noong si Skip na ang nakalaban ko.

Hindi ko alam kung ano ba ang tumatakbo sa isip niya at simula pa lang ay trip na niya akong asarin.

Nandito na kami nina Spice, Pepper at V sa cabin ni Mr. Sato.

"Buti naman at nakapunta kayo. Gusto ko lang ibigay sa inyo kung ano ang nararapat na sa inyo." Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. "V, ikaw ang kinatawan ni Karen at ito ang iyong warrior," sabi niya sabay abot ng isang kulay berdeng bato.

"Warrior? Hindi ba..." Hindi na niya natapos ang pagsasalita dahil bigla na lang itong umilaw. Kulay berde rin ang kulay nito.

Bigla namang may mga nilalang na lumabas sa bato kaya automatikong nanlaki ang mga mata namin.

"Silang pito ang tagapagbantay ng Karen, ito na ang pagkakataon mo upang pumili sa kanilang pito," sabi ni Mr. Sato.

Seryoso lang ang mga mukha ng mga tagapagbantay at mayroon silang kakaibang mga kasuotan. Para iyong telang pinagtagpi-tagpi para matakpan ang kanilang mga katawan. Ang mga kulay ng mga mata nila ay kakaiba rin. Parang ang gandang titigan dahil kumikinang iyon kahit madilim.

"Nakapagdesisyon na ako." Napatingin naman kami kay V dahil sa sinabi niya. "Ikaw!" sabi niya sabay turo sa lalaking may mahaba at kulay itim na buhok. May mga halaman siyang nilabas sa kamay niya.

"Siya si Tatara at halaman ang kapangyarihan niya. May kakayahan itong gumamot ng kahit anong sugat at halaman din ang sandata niya. Siya ang iyong tagapagbantay."

May kinuha ulit si Mr. Sato na bato at binigay kay Spice.

"Ikaw Spice, ang kinatawan ng Max." Muling umilaw ang bato na ngayon ay kulay dilaw. Tulad kanina ay may pitong mga tagapagbantay ang lumabas. Mga seryoso rin ang mga mukha nila na nakatingin kay Spice.

Tahimik lang kaming apat sa tabi at hinihintay ang pagkakataon namin. Bumalik na ang mga tagapagbantay ng Karen at si Tatara na lang ang natira.

"Siya ang napili ko." May halong pagkamangha sa tono ng boses ni Spice. Nakasando lamang ito kaya naman sa tingin ko ay ito ang unang nakabighani kay Spice. Kulay abo naman ang maikli niyang buhok.

"Siya si Tomite, ang tagapagbantay ng Max. Bow at Arrow ang kaniyang ginagamit sa pakikipaglaban."

Muli namang bumalik ang iba sa bato, pagkatapos ay lumapit si Tomite kay Spice.

Kinuha ulit nito ang kulay pulang bato at binigay kay Pepper.

"Ikaw naman Pepper, ang kinatawan ng Fou Lafine. Sila ang pito mong tagapagbantay," sabi ni Mr. Sato.

Lumabas ulit ang pitong tagapagbantay.

"Ikaw." Sabay turo sa matipunong lalaki. Matangkad itong lalaki at may buntot na mahabang buhok sa likod ng ulo. May bangs ito hindi gaya n'ong iba.

"Siya si Taka." So, Taka pala ang pangalan niya. "Siya ang iyong tagapagbantay. Martial arts ang paraan niya ng pakikipaglaban."

Lumapit na ito kay Pepper pero inunahan ko siya at tinaasan ng kilay. Sinigurado kong hindi iyon makikita ni Pepper.

Nagulat ako nang kunin niya ang kamay ni Pepper at hinalikan ito. Nakita kong ngumisi siya at tiningnan si Pepper na ngayon ay nanlalaki pa rin ang mga mata dahil sa nangyari.

"It's so nice to meet you, Pepper. Ang kinatawan ng Fou Lafine," sabi nito.

Ngumiti naman si Pepper sa kaniya at medyo nag-blush.

Napasinghal na lang ako at iniwas ang tingin. Saktong napadaan ito kay Mr. Sato na nakatingin sa 'kin nang seryoso.

Kinuha na niya ang kulay bughaw na bato at ibinigay sa 'kin.

"Ikaw, Kookie, ang kinatawan ng Raidou." Umilaw ang bato at lumabas ang mga tagapagbantay.

"Siya." Sabay turo sa lalaking may kulay dilaw na buhok. Mahaba din iyon gaya ni Tatara na pamilyar ni V. May piercing siya sa pareho niyang tainga na kulay asul.

"Siya si Nakago, fire balls and blasts ang kapangyarihan niya. He can create strong energy kahit kailan niya gustuhin. He is one of Raidou's warriors," sabi ni Mr. Sato.

Lumapit sa 'kin si Nakago at walang imik na tumabi. Tahimik lang yata talaga siya kaya masasanay rin ako. Hindi rin naman ako palakuwentong tao, tanging si Spice lang ang nakaka-kuwentuhan ko nang matino.

"Ngayong kompleto na ang inyong mga tagapagbantay ay hinahayaan ko kayong gawin ang lahat ng gusto ninyo bukas. Ngunit, huwag iwawaksi sa inyong isip na kailangan ninyong magsanay. Nagsisimula na siyang kumilos, hindi natin alam kung sino, ano at ilan ang makakalaban natin kaya kailangan ninyong maging handa."

Pagkatapos ng pagpili ay bumalik na kami sa kaniya-kaniya naming cabins.

Makakasama ko na itong si Nakago pero napapaisip pa rin ako. Ano na kaya ang ginagawa nina Pepper at ng hambog na lalaking 'yon? Isipin ko pa lang na magkasama sila ay umiinit na ang dugo ko.

"Wala silang gagawin. Ang mga kinatawan ay kailangang maging malinis hanggang sa matapos ang misyon na ito."

Napanganga naman ako sa sinabi niya at napabuntong-hininga.

"Madali kong nababasa ang isip mo. Kailangan mo 'yang matutunang maitago bago malaman ng lahat, isa iyan sa ipinagbabawal. Ang mahalin ang isa sa mga kinatawan."

Napayuko ako sa sinabi niya. "Ibig mo bang sabihin, kailangan ko siyang kalimutan?" tanong ko sa kaniya. Gusto ko malinawan sa mga bagay na gaya nito.

"Hindi iyon ang nais kong ipahiwatig. Kailangan mo itago ang nararamdaman mo dahil maaari itong gamitin laban sa 'yo." Tinanggal niya ang isang pares ng hikaw niya at iniabot sa 'kin. "Tanggapin mo ito. Makakatulong ito para hindi madaling mabasa ang isip at puso mo."

Tinanggap ko naman iyon at tiningnan. Kulay dilaw ang ilaw nito. Hindi ganoon kaliwanag pero sapat lang para bahagya akong masilaw.

"Talaga bang makakatulong ito?" tanong ko.

Tango lang ang natanggap ko mula sa kaniya. Binalik ko ang atensyon sa hikaw. Sana nga makatulong ito hindi lang sa pagtago kung hindi sa pagpigil ng nararamdaman ko.

"Kailangan mo nang magpahinga dahil maaga tayong maglalakbay bukas. Kailangan nating mag-ensayo," sabi nito.

Nahiga na siya pero hindi namin pinatay ang lampara na nagsisilbing ilaw sa cabin namin. Tinitingnan ko lang ang hikaw na binigay sa 'kin ni Nakago. Ayokong itago ang nararamdaman ko dahil ayokong kimkimin 'to. Mas mahirap kasi 'yon.

Pumikit na ako ulit at hinayaan na ito. May iba pang mas mahalagang bagay akong gagawin, gusto kong malaman ang lahat. Kailangan kong tanggapin kung ano ang nakatadhana sa 'kin.

KINABUKASAN AY MAAGA kaming gumising. Hindi ko na nakita 'yong iba dahil kanina pa raw sila nakaalis at nagpunta na sa kani-kanilang mga lugar kung saan sila mag-eensayo.

Napagdesisyonan naming sa ilog malapit sa kweba na lang. Kung sa malapit na bundok kasi kami ay tiyak na guguho ang mga ito dahil na rin sa kapangyarihang mayroon siya.

Minsan talaga nakakatakot sila lalo na kapag nagalit. Pero ayon naman sa kanila, hindi sila madaling magalit dahil nature na nila 'yon, ang pagiging kalmado sa lahat ng oras.

"Magsisimula muna tayo sa basic, kailangan muna natin pakalmahin ang sarili mo. Alam kong maraming bumabagabag sa 'yo kaya naman kailangan mo muna ialis ang nasa isip mo, pero mas ayos kung kaya mo itong kontrolin," sabi niya.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko. Kumunot ang noo ko, hindi ko maintindihan ang gusto niyang iparating.

"Kailangan mong malaman kung kailan mo dapat ilabas 'yang nararamdaman mo, mapagalit man 'yan o pagmamahal. Kailangan malaman mo kung kailan mo lang dapat pairalin ang bagay na 'yan," aniya.

Napatango ako sa sinabi niya. Nakuha ko na ang gusto niyang sabihin.

Pinaupo niya ako sa isang bato sa ilog. Ang sarap ng hangin dito. Nakaka-relax!

"Ano ang gagawin ko rito?" tanong ko.

Nakaupo kasi siya sa harap ko at may ginagawang parang ritwal. May nakikita rin akong kakaibang kulay sa paligid ng katawan niya. Kulay asul ito na parang pinalilibutan ang kabuoan niya.

"Ipikit mo lang ang mga mata mo. Gagamitin ko ang kapangyarihan ko para magising ang sarili mong kapangyarihan. Alam kong hindi magiging madali ang bagay na 'to pero nais kong simulan na para magamit natin kung kailangan."

Sinunod ko na lang ang gusto niyang gawin. Susundin ko na lang siya para hindi na rin ako mahirapan. Kailangan ko talaga ng tulong niya para sa bagay na 'to. Gusto ko rin kasing malaman.

 Pepper Chua

"Ano ang gagawin natin dito?" tanong ko kay Taka.

"Dito sa gubat ko napiling mag-ensayo. Gusto kong matutunan mo rin kung paano iligtas ang sarili mo kahit na nandito naman ako lagi sa tabi mo."

Muntik na akong mapairap nang kindatan niya ako. Napaka-chick boy naman ng isang ito, buti pa si Koo -- don't say bad words!

"So, ano naman ituturo mo sa 'kin?" tanong ko sa kaniya.

Hinawakan niya ang baba niya at umaktong nag-iisip.

"Gusto kitang tanungin kung gusto mo bang matuto ng martial arts o may iba ka pang gustong malaman?" tanong niya.

Nag-isip naman ako agad kung ano ang gusto kong gawin. Nang mga nakaraan ay mas natutok ako sa bow and arrow, bakit hindi ko subukan ang martial arts?

"Well, martial arts. Gusto ko matuto pero kaya mo bang gawin ang iba pang bagay?" tanong ko.

"Oo naman, martial arts lang ang specialty ko pero hindi ko pa rin nakakalimutan i-ensayo ang iba pang uri ng pakikipaglaban," sabi niya.

Tumango ako sa kaniya at nagsimula na. Pinakita niya sa 'kin ang basic niya na pagsipa na humati sa isa sa mga puno rito.

Sinubukan ko ang ginawa niya pero ako lang ang nasaktan.

"Ganito ang gawin natin, umpisahan natin sa basic para sa 'yo. Kailangan matutunan mo kung paano ilabas ang enerhiya sa katawan mo," sabi niya.

Pinaupo niya ako sa ilalim ng isang puno dahil kailangan ko raw mag-relax. Nakapikit din siya at nakaupo sa harap ko, may kulay pulang bumabalot sa katawan niya.

Pumikit na lang ulit ako at pinakinggan ang mga huni ng ibon. Nakaka-relax nga ang ganito, para akong nasa spa ngayon.

Inilalagay ko ang enerhiya ko sa aking kamay, pagkatapos kong gawin iyon ay sinubukan ko rin itong tipunin sa aking paa. Mas maganda raw itong paraan upang magawa ko ang tulad ng ginawa niya na paghati sa mga puno.

Kailangan ko lang tanggalin ang mga bagay sa isip ko ngayon na sa tingin ko ay hindi makatutulong.

KASALUKUYANG NAG-EENSAYO ang apat na mga kinatawan para sa mga pagsubok na haharapin nila. Sa kabila naman niyon ay mga kaluluwang nagmamakaawa. Nagmamakaawa na bumalik sa kani-kanilang mga katawan. Mga inosenteng taong kinokontrol ng isang walang pusong nilalang.

Sa lugar kung saan mahirap matagpuan ay mga katawang iniwan ng kanilang mga kaluluwa, ang gumagala at naghahanap ng mabibiktima. Para silang mga patay ngunit gumagalaw. Tila may sariling mga utak ang katawan.

Ang Kiseor, o ang lugar kung saan napupunta ang mga naliligaw na kaluluwa ay nagwawala ang mga ito sa kulungan dahil sakit ang nararanasan nila habang malayo sila sa pisikal na katawan. Ang tanging makapagpapabalik lang sa kanila ay ang pagbubukas ng cage kung saan nananatili ang mga kaluluwa.

Mahirap mabuksan ang lugar na ito. Dagdag pa ang maraming pagsubok na kailangang daanan tulad na lang ng River of fire, kung saan marami na ang mga kaluluwang namatay at hindi na makababalik pa sa mga katawan nila.

Habang ang katawan naman na nasa loob ng cage ay kontrolado ni Sitan.

Kung simpleng tao ka ay madali niyang makukuha ang gusto niya at madali ka na lang niyang makokontrol. Samantala, mapipigilan naman ang pagkontrol sa iyo kung malakas ang pakiramdam mo o kung may enerhiyang bumabalot sa katawan mo upang panatilihin ang iyong katinuan. Sa kaso ng mga tao ay wala silang sapat na kakayahan kaya madali silang nakokontrol.

Ano kaya ang mga pagsubok ang naghihintay sa kanila? Mapagtatagumpayan kaya nila ang paglabas ng tunay nilang kakayahan at kapangyarihan sa maikling panahon lamang? Mananatili ba silang matatag hanggang sa huli? At ano kaya ang sikretong malalaman nila tungkol sa pagkatao ni Sitan na matagal nang hindi nagpapakita?

Chapter 7

Traydor

Kookie Jeon

"Let's start."

Napaatras ako nang bigla akong tutukan ni Nakago ng espada sa leeg. Napaatras ako at napaupo sa sahig dahil sa bigla.

"Sabi ko naman kanina, kailangan mo mag-focus kaya kailangan natin gawin ang bagay na ito. Iwaksi mo muna sa isip mo na kilala mo ako at makipaglaban ka sa 'kin nang seryoso."

Pumikit ako saglit at tiyaka dumilat pero wala na siya agad sa harap ko.

Pinakiramdaman ko ang paligid at inalam kung nasaan siya. Tinaas ko ang espada nang maramdaman ang presensiya niya. Nandito na siya sa harapan ko at sangga-sangga ang espada na hawak ko.

Muli siyang nawala sa harap kaya bumalik ako sa depensa at pinakiramdaman ulit ang paligid. Mga himig ng ibon, malalakas na hangin at ingay ng rumaragasang tubig na nanggagaling sa ilog.

Narinig ko ang ilang hakbang sa tubig kaya tinapat ko ang espada roon pero bigla na naman siyang nawala sa paningin ko. Nagtuloy lang ang ganoong set-up, ako ang naghahanap habang siya naman ang nagtatago at nagpapahanap.

Naiirita ako lalo na kapag natatamaan niya ako sa braso, samantalang siya ay hindi ko man lang matamaan kahit daplis lang.

Nakipaglaban ako sa espada niya, pero this time ay hindi na siya nawawala, sinasangga na niya lahat at lumalaban na rin siya pabalik kaya naman nalusutan ko siya. Nagawa kong daplisan ang braso niya. Hindi pa roon natatapos dahil nakaganti siya at nasugatan ako sa tagiliran kaya naman napahiga ako.

Hapong-hapo akong nahiga sa lupa dahil sa sobrang pagod. Ang lalim ng bawat hininga ko. Ngayon pa lang kami natapos mag-ensayo simula kaninang umaga. Sobrang hapong-hapo ako pero sa tingin ko wala namang nagbago, napagod lang ako at walang nagbago sa katawan ko.

Wala naman akong nararamdaman na kakaiba. Parang normal lang na ganito ang maramdaman kapag nagwo-work out ka nang ilang oras. Para kasing naglolokohan na lang kami!

"What is this? Ano bang ginagawa natin? Nagpapakapagod lang tayo, wala naman akong natututunan!" sigaw ko sa kaniya habang pinipilit na maupo.

Prente lang siyang nakaupo sa tabi ng ilog at nagpapahinga na para bang walang nangyari na pag-eensayo.

"Hindi lang tayo napagod, Kookie," aniya pero hindi ko siya pinatapos magsalita.

"Oo tama ka, kasi ako lang naman ang napagod sa 'ting dalawa. Ayoko na! Ito na ang huli, hindi ko na susubukan ulit na gawin pa ang walang kwentang bagay na 'to!" bulalas ko bago tumayo.

Naglakad na ako pabalik sa cabin. Nakasalubong ko pa ang iba habang pabalik ako at mukhang nagkakasiyahan na sila, samantalang ito ako at napu-frustrate.

Walang kwenta, nagpakapagod lang ako nang dahil lang sa wala.

Pagsangga? Ano naman kung nadepensahan ko ang sarili ko? Wala namang pinagbago, ganito lang din naman ako kahit noon pa lang. Sunod dito, sunod doon. Hanggang ngayon ba naman?

Paglapit ko sa harap ng cabin ay hinawi ko agad ang tent na humaharang sa dinaraanan ko pero bigla na lang itong nagliyab at lumipad sa hangin.

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa nangyari, pati sina V na nakatingin na sa 'kin ay nagulat din sa nasaksihan nila.

What was that? Bakit nagliyab ang bagay na 'yon?

"Kookie, 'yong kamay mo," pabulong na sabi ni Spice kaya naman napatingin ako sa kamay ko na kasalukuyang nagliliyab.

Napaupo ako habang nakatingin sa kamay ko at pilit na tinatanggal ang mga apoy na nasa palad ko.

Bakit ayaw matanggal? Kahit na ang tagal na ng apoy sa kamay ko, hindi pa rin ako naiinitan o nasasaktan.

"You must control it, Kookie. Tulad ng paulit-ulit naming sinasabi sa 'yo, kailangan mo itago ang galit na nararamdaman mo." Biglang sumulpot si Mr. Sato sa tabi nina Spice.

Sinubukan ko mag-concentrate pero hindi pa rin nawawala ang apoy sa kamay ko, nagsisimula na rin mabuo ang takot sa dibdib ko. Ano ba ang gagawin ko?

"Kookie," tawag sa 'kin ni Spice.

Lalo lang lumalakas ang apoy sa kamay ko kasabay ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Basta ang alam ko lang ay inaantok ako, parang gustong pumikit ng mga mata ko. Hanggang sa nakita ko ang unti-unting pagwala ng apoy, kasabay ang pagbagsak ko sa lupa.

Pepper Chua

Binuhat ni Nakago si Kookie papunta sa cabin nito. Tahimik kaming bumalik sa harap ng bonfire upang mag-usap-usap. Dapat maging celebration ang gabi na ito para sa unang araw ng pag-eensayo namin pero dahil sa nangyari kanina ay hindi na 'yon matutuloy.

Kung hindi ko pa napigilan ang apoy sa kamay niya ay baka kung ano na raw ang mangyari sa kaniya. Pareho kaming apoy ang kapangyarihan pero magkaiba ang kulay ng mga ito kaya ibig sabihin, magkaiba pa rin ang enerhiyang binibigay nito sa amin.

Sa ngayon, hindi pa kaya ni Kookie hawakan at kontrolin ang kapangyarihan niya dahil masyado itong malakas. Kailangan talaga niya ng matinding pagsasanay sa ganitong larangan.

Kaming tatlo naman ay naging ayos lang ang pagsasanay dahil kaya namin ang kapangyarihan namin, hindi ko ba maintindihan diyan kay Kookie kung ano ang bumabagabag sa kaniya at ayaw niyang tanggalin. Iyon pa naman ang unang rule na kailangang sundin.

"Bukas na bukas ay sisimulan na ninyo ang paglalakbay."

Nanlaki ang mga mata naming tatlo sa sinabi niya. Bukas agad? Pero hindi ba namin kailangan sanayin muna na kontrolin ang mga kahinaan namin?

"Sa isang linggo ay dadalhin ko na kayo sa Fahar, kung saan nakadistilo ang Desert Monster. Good luck sa paglalakbay ninyo."

Pagkatapos niyang sabihin 'yan ay may kinuha siyang isang glass na lalagyan.

"Ito ang Gem of Hera. Dadalhin ninyo ang bagay na ito dahil makakatulong ito sa paglalakbay niyo pero... tiyakin ninyo na hindi ito mapupunta sa kamay ng hindi karapatdapat dahil kapag nangyari 'yon? Walang makapagsasabi kung ano ang pwedeng kalabasan ng lahat."

Nakabalik na kami sa cabin namin pero iyon pa rin ang nasa isip ko. What the hell was that? Fahar? Desert Monster? Mas lalo lang nakadagdag ito sa mga iniisip ko.

Ang Gem of Hera ay tinago ulit sa lugar nito para masigurado na magiging ligtas ito. Hindi naman namin alam kung ano ba talaga ang magagawa niyan para sa 'min.

"Gusto mo bang sabihin ko lahat ng gusto mong malaman?" tanong ni Taka.

Huminga ako nang malalim bago tumingin sa kaniya.

"Sabihin mo sa 'kin lahat... please," pagmamakaawa ko.

Natatakot kasi talaga ako sa pwedeng mangyari. For pete's sake hindi ito isang laro, nasa tunay na buhay ako at buhay ko mismo ang nakataya rito!

Ano ang ine-expect nilang mararamdaman ko? Matutuwa kasi makakakita ako ng mga kakaibang nilalang pero ito naman ang kikitil sa buhay ko?

"Fahar, disyerto 'yon kung saan naninirahan ang Desert monster na si Freya. Pinoprotektahan niya ang lugar na 'yon pero may ilan pa ring nakatira at nagtatago sa lugar na 'yon. Kailangan natin silang tulungan, Pepper. Ang mga tao ang totoong may-ari ng lugar na iyon at si Freya ang pinadala ni Sitan upang gambalain ang lugar," sabi niya.

Medyo naliwanagan na ako sa sinabi niya.

"Wala kang dapat ipag-alala, Pepper," sabi niya. Pero hindi pa rin nawawala ang takot sa dibdib ko.

"Paano? Taka, pwede akong mamatay roon. Ano ang gagawin ko? Tulad ng sabi mo, hindi ko pa na-oovercome ang takot at 'yong gumagambala sa loob ko," sambit ko. Naramdaman ko ang init sa sulok ng mata ko. Ngayon lang ako natakot nang ganito sa tanang buhay ko.

Pinunasan niya ang luha ko at hinawakan ang baba ko. "Shh. Hindi mo kailangang matakot, kaya nga kami nandito na mga tagapagbantay, hindi ba? Nandito kami para protektahan ka, hindi ka namin pababayaan, hindi kita pababayaan."

Pagkasabi niya niyon ay napatingin ako sa kaniya. May kung ano akong nakikita sa mga mata niya, parang nahi-hypnotize ako na hindi ko maintindihan.

Nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Teka! Bakit ganito? Ano ang ginagawa niya? Pumikit pa siya kaya kung ano-ano na ang mga bagay na pumasok sa isip ko.

Hahalikan niya ba 'ko? Ano'ng gagawin ko? Hahalikan ko rin ba siya? Sa huli ay nanalo rin ang nasa isip ko, pumikit din ako gaya niya pero napahinto rin naman ako kaya bahagya ko siyang tinulak.

Hindi 'to pwede, bakit siya na naman ang naiisip ko? Ano ba 'ng problema ng utak ko? Masyado nang pino-pollute ni Kookie ang isip ko!

"I see, gusto mo nga talaga siya." Lumayo naman siya sa 'kin at bumalik sa higaan niya. "Matulog ka na at kalimutan na ang nangyari."

Pinatay na rin niya ang ilaw at tiyaka nahiga.

Nahiga na rin ako sa kama ko at tiyaka nakipagtitigan sa bubong. Gusto ko na makatulog.

KINABUKASAN, MAAGA AKONG nagising pero hindi ko maidilat nang maayos ang mga mata ko dahil masakit. Feeling ko namamaga ito dahil sa puyat kagabi.

Lumabas na ako at nakita kong nagkakagulo ang iba at may mga ilang nagbubulungan. Hindi ko na nga rin nakita si Taka kaya baka may ginagawa.

Lumapit naman ako sa isa sa mga natataranta at nagbubulungan para itanong kung ano ang nangyayari at nagpa-panic ang lahat.

"Nawawala raw kasi ang Gem of Hera pero hindi naman nila matukoy kung sino ang kumuha n'on."

Bigla naman akong napatingin sa kinaroroonan ng gem. Wala na nga ito sa lalagyan nito kaya nagsimula akong kabahan at matakot.

"Pepper, pinatatawag tayo sa cabin ni Mr. Sato."

Sinundan ko naman si Pan na natataranta na rin at kita ko ang pangamba sa mukha niya. Sino naman kaya ang gagawa ng bagay na 'yon?

Naglakad na ako at dumeretso sa cabin. Nakita kong nandito sila lahat pero wala ang mga warriors namin.

"Buti at kompleto na kayo. Narinig ninyo naman siguro ang nangyari kanina lang, hindi ko rin alam na mawawala ito... dito mismo sa Kampo Bathala."

Tama si Mr. Sato. Mga katulad ko ang nandito kaya nakapagtataka at mawawala ito nang ganoon na lang. Hindi kaya isa sa kanila ang may gustong kumuha nito? Pero sino naman? Wala namang kakaiba ang kilos sa 'min e.

"Paano nangyari 'yon? Tiyaka sino naman ang gagawa n'on? Alam naman natin kung gaano kahalaga ang bagay na 'yon?" tanong ni Spice.

Sumang-ayon naman ang iba sa sinabi niya, miski naman ako.

"Wala pang nakakaalam at once na malaman natin, hindi siya makakawala," sabi ni V.

Hindi ko na rin alam kung ano ang sasabihin. Parang masyadong imposible kasi na isa sa 'min ang kukuha. Ano naman ang dahilan nila? Ibibigay ba nila 'yon kay Sitan? Kung oo, malaking panganib 'yon hindi lang dito sa Kampo kun'di pati na rin sa buong universe.

"Bumalik na muna kayo sa mga silid ninyo. Sa tingin ko, kami na ang bahala sa kaso na ito dahil alam naming hindi ninyo magagawa ang bagay na 'to," sabi ni Skip.

Aangal pa sana kami pero pinigilan na rin kami ni Mr. Sato.

Bumalik na kaming lahat sa mga cabin namin dahil 'yon ang utos nila. Sa tingin ba nila mapapalagay rin kami dahil sa binalita nila? Pero gustuhin ko mang tumulong, hindi ko naman magawa.

Napatingin ako kay Taka na nakatulala.

"Anong iniisip mo, Taka?" tanong ko.

Napatingin naman siya sa 'kin na parang nagulat pa. Ano bang nakakagulat sa tanong ko?

"Ah, ano... natatakot kasi ako. H-Hindi ko alam kung ano ang pwedeng mangyari."

Tiningnan ko naman siya na parang hindi naniniwala.

Ngumiti lang siya sa 'kin bago ulit magsalita. "Huwag mo 'ko masyadong isipin, ganito talaga ako kapag nababahala. Matulog na lang ulit tayo at masyado pang maaga," sabi niya at humiga sa kama niya.

Ang weird talaga niya ngayon, alam kong nag-aalala siya dahil sa nawala ang gem dahil ganoon din ako pero may iba talaga.

Hindi ko maiwasang mapaisip na lang. May alam kaya siya sa pagkawala ng gem? O baka naman siya ang kumuha?

Pinilig ko ang ulo ko dahil sa naisip ko.

Paano ko napagbibintangan ang warrior ko? Nandito sila para protektahan kami, hindi para sirain kami, 'di ba? Baka napa-paranoid lang ako dahil sa mga nangyayari. Hindi ko dapat iniisip ang bagay na 'yon kay Taka.

Kahit saglit pa lang kami nagkakakilala, alam kong hindi niya magagawa ang bagay na 'yon. Ang kailangan kong gawin ay humanap ng ebidensya para malaman kung sino talaga ang kumuha nito at saan niya ito dinala.

Chapter 8

Simula

Skip Tilt

Kasalukuyan kaming nagtitipon sa hall kung saan mga piling tao lamang ang nakapapasok. Ang buong Army ay nandito kasama sina Mr. Sato, Carl at Pan.

"Gusto ko na kayong deretsuhin. Dumarami na ang biktima ni Sitan lalo na sa Universe. Bilang na lang ang nakaliligtas sa mga ito. Kapag hindi pa kayo nagmadali sa pag-eensayo ay mahuhuli tayo ng dating at lahat ng tao roon ay mabibiktima na," sabi ni Mr. Sato.

Huminga ako nang malalim bago nagsalita. "Bilang leader ng Army, gagawan ko na ito ng aksyon. Kailangan na rin magsimulang maglakbay nina Kookie. Mas maaga, mas maganda. Alexis, kailangan mong ipagpatuloy ang pag-eensayo kay Pepper. Alex at Kyle, kayong dalawa ang mag-ensayo kay V at ikaw naman Steve ang kay Spice. Kasama ang mga warriors nila, tutulungan ninyo sila. Ako na ang bahala kay Kookie," sabi ko.

"Tama si Skip, kailangan matapos ang pag-eensayo sa lalong madaling panahon. Pan at Carl, sumama kayo sa 'kin." Kasabay naman niyon ay ang pag-alis nila.

Naglakad na rin kami pabalik para makapagsimula na sa pag-eensayo. Hindi na namin idadamay sa gulo na ito ang mga anak ng diyos dahil marami na ang bumabagabag sa loob nila. Alam kong gagawan na ng paraan iyon nina Mr. Sato, Pan at Carl.

Pagdating namin sa gubat ay tiningnan ko agad siya nang seryoso. Ganoon din ang ginawa ni Nakago kaya nakita ko ang takot sa mga mata niya.

May sinabi sa kaniya si Nakago na hindi ko narinig pero nakita ko siyang hinawakan ang tainga at pumikit. Hindi ko man maintindihan ay sumugod kaagad ako sa kaniya pero laking gulat ko nang mapigilan niya iyon.

Lumayo ako agad sa kaniya at inatake sa likod kaya sinundan niya ako. Hindi niya napansin na nakalusot si Nakago sa likod niya kaya naman nagkaroon siya ng tama sa likuran.

Hindi niya iyon ininda bagkus ay pinagpatuloy niya ang pakikipaglaban sa amin. Nakagugulat ang pagpapalit niya ng kaniyang emosyon. Wala nang bakas ng takot sa mata niya at hindi ko na rin mabasa ang umiikot sa isip niya. Kung noon ay napaka-transparent niya, ngayon ay hindi ko na kilala kung sino ang kaharap ko.

Mukhang hindi na rin nagulat si Nakago sa naging pagbabago ni Kookie.

Pinagpatuloy lang namin ang laban kahit na nagkaro'n na kami pare-pareho ng mga sugat sa iba't ibang parte ng katawan.

"Kung hindi mo kayang kontrolin ang laban sa pagitan ninyo ni Nakago, hinding-hindi mo siya makakayang gamitin bilang sandata mo," sabi ko. Marami pa kayong malalaman at makakatulong ang paglalakbay ninyo, Kookie.

"SIYA ANG MAKAKATULONG sa 'tin upang malaman ang hinaharap. Matagal na siyang namamalagi sa kabilang parte ng Kampo Bathala at ngayon ko pa lang siya inimbitahan," sabi ni Mr. Sato kina Carl at Pan.

Hindi sila makapaniwala na isang babae ang makatutulong na hanapin ang nawawalang gem.

"Hello, my name is Chanel Leanne Rodriquez pero Chanel na lang ang itawag ninyo sa 'kin. Isa akong mind reader!" masigla bati nito sa kanila. Nagpakilala rin ang dalawa at nagtungo sa upuan upang mag-usap-usap.

"Nawawala ang Hiyas na kailangang madala ng mga demigods sa mga magulang nila. Sa tingin ko ay plano ng kung sino man na dalhin ito kay Sitan dahil maaari itong maging paraan para mabuhay siya at magkaroon ng sariling katawan," sabi ni Mr. Sato.

"So, Ms. Chanel, maaari mo bang matukoy kung sino ang kumuha niyon at ituro sa amin?" magalang na tanong ni Carl.

Aware siya na isa itong anak ng diyosa gaya nina Kookie at ito ay naninirahan sa kagubatan.

"Alam ninyo naman na hindi ko kayang basahin ang laman ng isip ng tao kapag hindi ko siya nakikita, hindi ba?" tanong ni Chanel sabay pout. Para itong bata kumpara sa edad nito na isang taon lamang ang agwat kina Kookie.

"Ganoon ba? Huwag ka mag-alala dahil ihaharap ka rin namin sa kanilang lahat. Gusto lang naming malaman kung ano ang magiging kabayaran ng gagawin mo," sabi nito.

Napaisip naman si Chanel. Wala talaga itong balak na hingin pero may naalala siyang sinabi ni Mr. Sato kanina.

"Hindi ba binanggit ninyo na pupunta ang mga demigods sa kanilang mga magulang?" tanong nito.

Nagkatinginan naman sina Mr. Sato at Carl na parang alam na ang hihinging kabayaran nito.

"Gusto ko ring sumama sa kanila, gusto ko silang tulungan!" masayang sabi nito.

"P-Pero mapanganib ang gagawin mo, Ms. Chanel. Para sa isang diyosa na gaya mo ay magiging mapanganib kapag iniwan mo ang gubat," sabi nito.

May dinukot naman na kung anong bagay si Chanel sa kaniyang bulsa upang ipakita sa kanila.

"Isa itong bato na naglalabas ng mahika. Ito ang ginawa sa 'kin ni ina dahil alam niyang hindi niya ako mapipigilan sa gusto ko. Matutulungan ako nito sa paglalakbay. Para itong mga Celestial warrior na gaya n'ong sa kanila ngunit hindi ito nagiging tao," sabi niya.

Nakatingin lang sila sa kaniya na may paghanga sa mukha. Tila alam ng dalaga na wala silang ibang magagawa kung hindi ang pumayag sa gusto nito.

"So, ano? Papayag na ba kayo?" tanong nito.

Nag-puppy eyes pa ito sa kanila kaya naman wala na silang nagawa.

Pumayag na rin si Mr. Sato lalo na sa kakulitan nito.

Alam naman niyang wala silang magagawa dahil hindi naman ito tiyak papayag na basahin ang utak ng mga kasama kung hindi siya pasasamahin.

Habang si Pepper, Taka at Alexis naman ay patuloy sa pag-eensayo. Hindi na rin sagabal ang emosyon ni Pepper sa kaniyang pagsasanay ngunit may dinadaing ito sa tuwing tatamaan ang kaniyang braso. Hindi maiwasan ni Taka na mag-alala.

"Ayos ka lang ba talaga, Pepper? Pwede naman tayong magpahinga saglit," tanong ni Alexis sa kaniya ngunit hindi ito natinag.

Sinimulan niya ang pagsugod dito kaya walang nagawa si Alexis. Nang si Taka na ang susugurin niya ay nahawakan nito ang braso niya sabay bahagyang pagpiga.

"Ahh!" daing nito dahil sa sakit. Parang madudurog ang buto nito sa pagkakakapit ni Taka kahit na bahagya lamang iyon.

Nag-aalalang lumapit si Alexis sa kaniya at inakay. Iniwan lamang sila ni Taka nang walang salita.

"Dadalin na muna kita sa cabin mo, hayaan na muna natin mag-ensayo mag-isa si Taka," sabi ni Alexis.

Wala nang nagawa si Pepper kung hindi ang pagmasdan ang likod ng kaniyang warrior habang naglalakad ito paalis. Nag-aalala na talaga siya sa inaasta nito. Ayaw niyang lamunin ng konklusyon na nasa utak niya dahil wala siyang proweba.

Pagkarating sa cabin ay ginamot agad siya ni Alexis. Hindi naman ito napilayan pero nagkaro'n lang ng cramps kaya hindi muna pwede ma-stress. Pinahiga lang siya ni Alexis sa higaan niya at saka umalis.

Hindi naman ito madalawan ng antok dahil halos kagigising lang din niya. Marami pa ring gumugulo sa utak niya kahit hindi na masyadong nahahalata sa mukha.

Nag-aalala siya para sa mangyayari sa kaniya at sa iba pa! Nag-aalala siya kay Taka na baka mapahamak ito. Ngayon lang siya nakaramdam ng takot, 'yong tipong parang hinahalukay ang tiyan niya.

Dahil sa matinding pag-aalala ay lumabas siya ng cabin at siniguradong tulog na ang iba. Hindi na siya nag-alinlangan na pumasok sa gubat at hinanap si Taka.

Hawi siya nang hawi sa matataas na damo na nadaraanan niya. Hanggang sa makarating sa liblib na gawi nito at nakita si Taka, paulit-paulit na sinusuntok ang puno!

"Taka!" tawag-pansin nito.

Napatigil sa pagsuntok ang lalaki ngunit hindi niya nilingon si Pepper. Tumutulo na ang dugo nito sa kamao kaya agad na lumapit ang dalaga sa kaniya sabay yakap dito.

"A-Ano 'ng ginagawa mo rito? Akala ko ba gagamutin ni Alexis ang sugat mo?" tanong ni Taka na may halong panginginig sa boses.

"Tapos na niya akong gamutin. Ano ba 'ng ginagawa mo? Nagdudugo pa ang kamay mo!" sigaw nito sa binata. Hinila niya ito at pinaupo para lagyan ng tela ang sugat. Medyo tumigil ang pagdurugo nito kaya nakahinga nang maluwag si Pepper.

"Oh, ano 'ng ginagawa mo rito? Binigyan ka na nga ng oras para makapagpahinga kahit na hindi pwede," sabi ni Taka.

Nanatiling tahimik si Pepper at tumingin sa kawalan.

"Gusto kitang tanungin, Taka. May alam ka ba tungkol sa pagkawala ng gem?" derektang tanong nito.

Napatigil naman si Taka sa tanong niya.

"Ano 'ng ibig mong sabihin? Pinagbibintangan mo ba 'ko?" tanong ni Taka.

Napamaang si Pepper, hindi naman kasi iyon ang nais niyang iparating. Sadyang hindi siya sanay sa mga ganitong pag-uusap.

Parang may kung anong kirot sa puso niya sa tuwing makikita niya itong malungkot. Parang konektado na silang dalawa sa isa't isa. 

Ganito ba kapag ipinapatawag na ang mga Celestial warriors o ang aming Pamilyar?

"Hindi naman sa gano'n, napapansin ko kasing bago ang kinikilos mo. Hindi ikaw 'yong Taka na kilala ko," sabi ni Pepper.

Ngumiti ang lalaki at nag-isip ng kung anong palusot.

"Bakit? Ano ba 'ng tingin mo sa 'kin noong una?" tanong nito.

Napaisip naman ang dalaga sa tanong. Ano nga ba ang tingin niya kay Taka? Isang Celestial Warrior! Ang nakatakda upang pangalagaan ang mga kinatawan.

" 'Yong masayahin, gentleman at ang madaldal na Taka. 'Yong lagi akong hinahalikan sa likod ng palad, ang lalaking hindi nagsasawa na kausapin at asarin ako. At ang lalaking tanging nakakapagpasaya sa 'kin," sabi ni Pepper sabay tingin kay Taka.

Nagulat din si Taka sa sinabi niya. Hindi naman niya naisip na ito pala ang tingin sa kaniya ng dalaga. Akala nito ay walang pakialam si Pepper sa kaniya dahil palagi na lamang siya nitong ini-snob.

Napangiti siya at tinitigan ang nakangiti ring mukha ni Pepper. Kinuha niya ang palad nito at muling hinalikan.

Napatitig ang dalaga sa ginawa ng binata.

"Hindi naman ako nagbago, ako pa rin naman 'yong nakilala mong Taka," sabi nito.

Nakaramdam ang dalaga ng kung anong humahalukay sa tiyan niya kaya nayakap niya ang binata! Naiiyak siya dahil akala niya ay tuluyan na itong nagbago dahil na rin sa inasta kanina.

Niyakap siya pabalik ni Taka at inalo.

Nasa ganoon silang posisyon nang biglang dumating sina Skip kasama ang Army na humahangos! Bakas rito ang takot dahil sa balita na hatid ni Mr. Sato sa kanila.

"Kilala na raw nila kung sino ang kumuha ng gem! Taka, Pepper, tara na. Wala na tayong dapat oras na sayangin!"

Chapter 9

Capture

Mabilis na tumayo ang dalawa at nagtungo sa opisina nina Mr. Sato. Nandoon na rin ang lahat at hinihintay ang balita mula sa kanila.

"Huwag kayong magugulat sa aking ibabalita, malapit na ang kumuha ng gem sa secret Portal!"

Bumakas ang takot sa kanilang mga mukha. Hindi nila alam kung ano 'ng gagawin at ire-react sa balitang narinig nila.

"P-Pero, sino naman ang gagawa niyon?" tanong ni Pan. Pati ang iba sa kanila ay naghihintay ng kasagutan.

"Sino sa tingin ninyo ang nawawala rito? Hindi ko na kailangan sabihin pa sa inyo," sabi nito sabay alis. Hindi niya alam ang gagawin kung paano mapabibilis ang pagpunta sa Portal.

Ang secret Portal ang pinakamalapit na Portal sa Kampo at nananatili itong nakabukas. Kung pupuntahan nila ito ngayon ay malabong maabutan nila ang kumuha.

Napahagip ang mata ng lahat sa taong bigla na lamang nawala. Nakita nila ang usok sa paligid kung saan nakatayo kanina si Alexis. Mukhang alam na nila kung sino ang kumuha nito!

KASALUKUYAN SIYANG TUMATAKBO papunta sa kinaroroonan ng Portal. Hindi na siya lumingon pa sa likuran upang makita kung may sumusunod sa kaniya. Alam na nitong kilala na nila kung sino ang kumuha ng gem.

Isang kilometro na lamang ang layo nito nang biglang may kamao ang tumama sa mukha niya.

"Argh!" angil nito. Napahawak na lamang siya sa gilid ng labi niya na dumudugo na at tiningnan ang gumawa niyon. Tila nagitla siya sa hindi inaasahang panauhin!

"Ano ba 'ng ginagawa mo, Alex? Hindi ako makapaniwalang magagawa mong kunin ang gem!" bulalas ni Alexis sa kambal.

Tumayo lang si Alex sa pagkakahiga at tiningnan ang kambal nang blanko.

Nairita naman si Alexis sa inaasta ng kakambal. "Hindi mo alam kung ano 'ng mangyayari kung dadalin mo 'yan kay Sitan!" bulalas ni Alexis pero nagulat siya nang bigla siya nitong sugurin at sipain sa tiyan!

Napaubo si Alexis at napaupo. Hindi na niya kilala ang kambal! Hindi siya ang kapatid nito. May ibang nilalang ang sumasapi ngayon kay Alex.

"Hindi ko kailangan ng opinyon mo! Umalis ka sa dinaraanan ko," sigaw nito at saka tumakbong muli.

Tumayo si Alexis upang pigilan ang kambal. Hinawakan niya ang paa nito pero muli itong sinipa ng lalaki sa mukha.

"Tama na! 'Wag mong saktan ang kapatid ko!" sigaw ni Alex.

Napatingin si Alexis sa binata pero blanko pa rin ang mga tingin nito sa kaniya.

"Tumigil ka! Uunahin muna kita bago ko patayin ang kambal mo!" muli nitong sigaw.

Tama nga si Alexis. May masamang nilalang ang sumanib sa kaniyang kakambal!

Muling tumakbo si Alex pero this time, niyakap na siya ni Alexis sa beywang. Pansin ni Alexis ang pagkatigil nito sa pagtakbo. Ngunit sadyang malakas ang pwersa ng nilalang na sumanib sa kaniya. Tumilapon siya at tumama ang likod sa puno!

Naiiyak na napaupo si Alexis. Hindi niya maisip na nasasaktan siya dahil sa kaniyang kapatid!

Nangako silang dalawa na ang isa't isa lamang ang pagkakatiwalaan nila ngunit mukhang malabo itong mangyari! Sa ngayon, hindi alam ni Alexis kung paano makaaalis sa sitwasyon. Hindi niya naisip na magiging ganito silang magkapatid, hindi niya inaakalang magkakaharap sila sa ganitong sitwasyon!

"P-Please, Kuya! Lumaban ka, ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?" sigaw ni Alexis. Naiiyak na siya sa mga salitang sinasabi niya pero mas nalulungkot siya dahil sa kambal niya.

Wala pa ring makikitang emosyon sa mga mata ni Alex. Nakatingin lamang ito sa dalaga na nakaupo at nakayuko.

"Nakalimutan mo na ba? Tayong dalawa lang ang magiging magkaramay? Tayo lang ang magiging magkakampi kahit anong mangyari! Ang sabi mo, nandiyan ka lagi sa tabi ko kapag nalulungkot ako. Ikaw ang gaganti sa mga mananakit sa 'kin. Ano ba 'ng nangyayari sa mga sinabi mong 'yon? May nanakit sa 'kin! Paano mo ko ipaghihiganti lalo na kung ikaw mismo ang nanakit sa 'kin?" Tuluyan na siyang napahagulgol sa sinabi.

Halata naman ang pagiging malambot ng ekspresyon ng binata dahil sa nasaksihan.

Unti-unti itong lumapit kay Alexis, lumuhod sa harap nito upang magkapantay na sila. Niyakap niya ito na para bang ngayon lang sila nagkitang muli matapos ang mahabang panahon!

Dahil na rin kasi sa misyon na naiatas sa kanila ay nawalan na sila ng oras sa isa't isa. Parang may kung anong nabunot sa kanilang dibdib nang magkayakap silang dalawa.

Nasa ganoong posisyon sila nang biglang dumating ang iba pa. Parang nagising bigla si Alex at muling bumalik na naman ang blankong ekspresyon sa kaniyang mukha. Lumayo si Alex kay Alexis habang nakatingin sa mga bagong dating.

"Kuya! Please, sumuko ka na, labanan mo 'yang nilalang na 'yan!" sigaw ni Alexis ngunit tumalikod na ito bigla at tumakbo.

"Habulin niyo siya! Huwag ninyong hahayaan na makalapit siya sa Portal... at 'wag na 'wag niyo siyang sasaktan," utos ni Mr. Sato.

Nakatingin lang si Alexis sa likod ng kaniyang kapatid na tumatakbo. Nawawalan siya ng pag-asa lalo na at kakambal niya iyon. Isa lamang ang nasa isip niya, wala sanang mangyaring masama sa kaniya.

"Ihahatid na kita pabalik sa cabin. Kailangan mo magpahinga at para na rin magamot itong mga sugat na natamo mo," kalmadong sabi ni Steve sa dalaga sabay hawak sa braso.

Agad siya nitong pinigilan. "Dalhin mo ako sa Portal. Gusto kong makita si Kuya. Pipilitin ko siyang huwag ituloy ang balak niya," sabi nito. Nagsusumamo na ang mukha ng dalaga kaya naman wala nang nagawa si Steve kung hindi ang isama ito.

Naabutan nila ang lahat na nakikipaglaban kay Alex pero tinitiyak nilang hindi ito masyadong masasaktan. Parang gustong mag-break down ng katawan ni Alexis nang makita ang kapatid na may mga sugat na sa katawan. Lumalaban pa rin ito kahit na marami ang nakapalibot sa kaniya.

Bigla namang nagkaroon ng malakas na pagsabog, dahilan upang mapatigil ang lahat. Walang tinamaan at halatang sinadya iyon para mapatigil ang lahat.

Nang hindi na malaman ni Alex ang gagawin ay hinatak niya si Alexis na pinipilit lumapit sa kaniya. Akala ni Alexis ay nakabalik na ang kapatid niya ngunit nagkamali siya!

"Tumigil kayong lahat! Kung hindi papatayin ko siya."

Napatigil ang lahat. Walang kumilos at ang tanging nagawa lamang ay panoorin ang kambal.

Nakatutok sa leeg ni Alexis ang isang kutsilyo. Bakas na rin sa mukha ng iba ang takot sa puwedeng gawin ni Alex. Wala ito sa wisyo! Maaaring gawin niya ang nasa isip nila. Pati si Alexis ay natatakot na rin sa inaasta ng kapatid ngunit napatigil ang lahat.

Napasinghap sina Pepper at Spice sa nasaksihan. Naramdaman ni Alexis ang pagluwag ng kapit ni Alex sa kaniya kaya dahan-dahan itong humarap sa kaniya.

Halos tumigil ang pagtakbo ng isip niya! Tanging pagtibok na lamang ng puso niya ang naririnig pati na rin ang pagbigkas ni Alex ng pangalan niya.

"K-Kuya... ano'ng ginawa mo?" tanong nito. Lumapit siya sa nakaluhod na binata at saka niyakap. Doon na niya na-realize kung ano 'ng nangyayari.

"Kuya!" sigaw nito.

Nakatahimik pa rin ang iba at nakatingin lamang sa kanilang dalawa. Nakayuko halos lahat ng miyembro ng Army at hindi napigilan ni Spice ang mapaiyak sa nasaksihan!

Upang mailigtas sa kapahamakan si Alexis, sinaksak niya ang sarili nang makahanap ng pagkakataon. Hindi nila inaasahan ang ginawa nito. Hindi sila makapaniwala na magagawa niya ito sa sarili. Pero naintindihan nila dahil nais lamang niyang mailigtas ang kakambal.

"A-Alexis. Mahal kita, Bal..." Tanging nasabi na lamang ni Alex bago malagutan ng hininga. Niyakap ni Alexis ang unti-unting lumalamig na bangkay ng kapatid.

Nagiging abo na ang kamay nito at hindi magtatagal ay pati buong katawan niya ay magiging abo na lamang habang-buhay.

Bal, tawag ito ni Alex kay Alexis nang mga bata pa lamang sila. Ngunit dahil malaki na sila ay hindi na niya ulit ito tinawag na ganoon.

At ngayon, magiging alaala na lamang ni Alexis ito.

Chapter 10

"But hiding away my true self is fading! Even knowing the truth won't unravel."

Kabanata 9 - Unravel

Sinukbit ni Pepper ang bag na kailangan niyang dalhin sa paglalakbay. Handa na at naghihintay na rin ang iba pa sa labas.

Tila takot at kaba ang nararamdaman ng lahat ngunit nangingibabaw pa rin ang lungkot lalo na para kay Alexis.

Kanina lang kasi ibinaon ang abo ng kaniyang kakambal. Ang dami na niyang naiyak kanina kaya siguro tumigil na rin siya. Tanging hikbi na lamang ang kumakawala sa bibig niya.

"Magsihanda na kayo!" anunsyo ni Mr. Sato. "Parating na ang mga Direhorses upang ihatid kayo sa kinaroroonan ng mga Viperwolf! Kailangang makarating kayo sa Fahar bago lumubog ang araw. Pagsapit ng alas dose ng madaling araw... walang makakaalam kung ano ang pwedeng mangyari habang kayo'y naglalakbay."

Ang Direhorses ay tawag sa mga kabayong may mahahabang leeg pero maliliit lamang ang ulo. Mas mabilis sila kaysa karaniwang kabayo kaya makatutulong ito upang mabilis silang makapunta sa kinaroroonan ng mga Viperwolf.

Ito naman ay isang mabangis na hayop ngunit hindi siya nananakit ng tao. Malakas ang pakiramdam nila at mas mabilis kumpara sa mga Direhorse. Matutulis ang mga pangil at kuko. Mga hayop sila na tanging sa disyerto lamang nabubuhay.

Sumakay naman na sila sa kani-kanila mga Direhorses. Dalawang tao sa isang direhorse dahil kasya naman sila. Mas maliit ang Viperwolf kaya kakailanganin nilang sumakay tig-isa-isa.

Tahimik na sumakay si Taka sa Direhorse nila. Akala ni Pepper ay hahayaan na lang siya nito pero nagkamali siya! Inabot nito ang kaniyang kamay upang alalayan sa pag-akyat. May kataasan din ito para sa height ni Pepper.

Nakangiti niya itong tinanggap at sumakay. Nasa harap siya ni Taka kaya para na ring nakayakap sa kaniya ang binata.

Naramdaman ni Pepper ang pag-init ng pisngi niya dahilan para mapayuko ito.

Mahigpit na nahawakan naman ni Kookie ang taling nagkokonekta sa Direhorse at sa warrior niya.

"May problema ba, Kookie? Sa tingin ko ay kailangan mo na isuot ito." Inabot naman ni Nakago ang hikaw na naiwan ni Kookie kanina dahil sa pagmamadali.

Napayuko na lamang siya at hinayaan ito.

Ikinabit na ng mga warriors ang tali sa likod ng buhok at ang tali sa Direhorse upang makontrol niya ang paggalaw nito.

Hindi gaya ng sa kabayo na kailangan mo lang hilahin ang tali, ang Warrior at Direhorse ay kailangang maging isa. Ang buhok ng mga warriors ay kailangan nakakonekta sa buhok ng mga Direhorses.

Sumakay na rin silang lahat, limang direhorse para sa sampung maglalakbay.

"Mag-iingat kayong lahat..." Ngumiti nang bahagya si Alexis.

Kahit papaano ay nais niyang ipakita sa lahat na magiging ayos rin siya kahit na wala sila sa tabi nito upang damayan. Si Pepper, may kapatid siya kaya alam niya ang pakiramdam kung gaano kasakit ang nangyari sa kaniya.

"Leader! Mag-iingat ka at saka 'wag ka mag-alala dahil ako ang bahala sa grupo hangga't naglalakbay kayo, " nakangiting sabi ni Kyle.

Tinapik lang ni Steve si Skip sa balikat.

"Goobye sa inyong lahat! Nae-excite na ako sa puwedeng mangyari. Ano kaya ang mga makikita natin habang naglalakbay? Pwede tayo makakita ng aswang o kaya naman ng zombie! Yikes!" bulalas ni Chanel.

Napailing na lang sila sa kadaldalan nito at sumakay na rin.

Napapangiti na lang si Skip habang pinagmamasdan siya, na-mimiss niya ang ganito. Malapit sa kaniya ang taong mahal niya, nahahawakan at nakakausap. Ilang taon na rin siyang nangulila rito at sobra siyang nasabik nang makita ito.

Ngunit tulad ng inaasahan ay nawalan ito ng ala-ala nang dahil sa nakaraan. Paano nga ba niya makakalimutan ang masaklap na pangyayaring iyon na halos buong pamilya niya ang namatay?

Dahil sa kagagawan ni Sitan! Ang masamang nilalang na 'yon, walang sinasanto kung pumatay. Basta bumabalakid sa kaniyang plano, walang pagdadalawang-isip na pinapatay lalo na ang mga walang kalaban-laban!

Mahigpit na nahawakan ni Skip ang taling kumukonekta sa Direhorse at kay Chanel. Siya ang kokontrol ngunit si Chanel ang makikipag-isa.

Naramdaman ni Chanel ang higpit ng hawak ni Skip sa tali kaya naman hinawakan niya ito. Automatikong kumalma ang sistema ng binata dahil sa ginawa niya. Nginitian niya ito at sinabihang ayos lamang siya.

Hindi maintindihan ng dalaga ang nangyayari sa kaniya! Ngayon ay parang tambourine na pinapalo ang kaniyang dibdib dahil sa... kaba? Siguro. Kinakabahan siya sa nalalapit na pakikipagharap sa halimaw sa disyerto ng Fahar.

Matagal na itong nanggugulo sa bayan ng Fahar at tiyak silang kagagawan ito ni Sitan. Natatakot na ang ilang taong nakatira dito ngunit wala silang magawa kun'di ang magtago.

Natatakot sila sa halimaw. Ngunit wala silang magagawa kun'di ang tiisin ito. Wala silang ibang matutuluyan kung aalis sila sa baryo nila. Ang tangi na lang nilang hinihintay ay isang milagro.

Pagkarating nina Skip sa halos isang oras na paglalakbay ay natanaw na nila ang tirahan ng mga Viperwolf.

Nilapitan ni Skip ang namamahala at nag-aalaga sa mga Viperwolf upang makipagkilala.

Isang matandang may mahabang balbas at may bigote ang lumabas sa isang maliit na bahay na nakasimangot at mukhang masungit. Tulad ng bahay ay maliit lamang din ang matanda. May hawak itong tukod na parang anumang oras ay mababali dahil sa nipis, dagdag pa ang bigat ng matanda.

"Magandang hapon po sa inyo, Dwarfino. Ako po si Skip, ang pinuno ng Army. Kami po ang ipinadala ni Mr. Sato rito at sila ang mga kasama kong sina Kookie, Pepper, Spice, V at Chanel," pagpapakilala nito habang tinuturo sila isa-isa. "Sa tingin ko po ay alam ninyo na kung bakit kami nandito."

Tumango ang matanda bago siya magsalita. "Magandang hapon at nagagalak akong makilala kayo sa wakas," sabi nito.

Mukha namang mabait ang matanda ngunit hindi lang marunong ngumiti sa ibang tao kaya nagmumukhang masungit.

Inilagay niya ang daliri sa bibig at pumito, isang malakas na tunog ang nilikha niyon. Para bang mga kabayong naghahabulan at nasa karera ang paglapit ng mga Viperwolves. Ang lalakas ng kalampag ng mga paa nila!

Sa isang iglap lang ay nasa harap na nila ang anim na Viperwolf. Umuungol ang mga ito na para bang kahit anong oras ay lalapain na sila.

Napahawak na lang si Spice sa katabi na si V kaya hinawakan niya ito. Hindi na pinansin ni Spice iyon dahil sa nararamdamang takot sa mga oras na iyon.

"Sila ang magiging transportasyon ninyo papunta sa baryo ng Fahar... once na yakapin ninyo ang isa sa kanila ay magiging pag-aari ninyo na ito," sabi ni Dwarfino.

Hinawakan niya isa-isa ang mga ito at may umilaw na bagay sa kamay niya. Kulay berde iyon at parang mahika ang ginagawa niya.

Alam ni Chanel kung paano gawin ang mahika na ito kaya alam niya kung ano ang ginagawa ng matanda. Pinapasahan ito ng enerhiya ni Dwarfino upang mapaamo ito.

Once na yakapin sila ay depende pa rin kung magugustuhan ba sila nito. Magwawala ito kapag ayaw nila sa yumakap sa kanila at magiging maamo naman kung nagustuhan.

Naunang lumapit si Kookie sa isang Viperwolf. Pagkalapit niya ay niyakap niya ito agad. Nagulat naman ang lahat sa inakto ng Viperwolf. Nagwala ito at inakmaan ang binata kaya naman napaatras na lang siya.

Patuloy pa rin sa pagwawala ang Viperwolf. Nilapitan ito ni Pepper at niyakap, muling nagulat ang lahat sa nangyari. Napangiti na lang si Skip dahil sa nakita.

"Nagustuhan siya ng Viperwolf. Sa tingin ko ay ayaw sa 'yo nito, Kookie. 'Wag ka mag-alala, marami pa naman ang nakareserba para sa 'yo," sabi ni Skip sabay tapik sa balikat ng lalaki.

Huminga siya nang malalim upang matanggal ang kaba niya dahil sa inakto ng niyakap. Feeling niya ay kakagatin siya nito nang magwala kanina!

Lumapit na rin ang iba sa kani-kanilang mga Viperwolf.

Kusang lumapit ang isa sa mga ito kay Kookie at dinilaan ang paa ng binata.

Napangiti siya dahil sa wakas ay may nagkagusto sa kaniyang lumapit.

"Mukhang nagustuhan ka nito! Swerte mo, ikaw pa ang nilapitan," sabi ni Spice sabay tawa rito. Nakasakay na rin siya sa napili niyang Viperwolf.

"Akala ko ay maiiwan pa ako sa paglalakbay!" Bumuntong-hininga pa si Kookie. "Hi there, Viper, let's go!" masayang sabi niya sabay sakay sa Viperwolf niya.

"Hindi naman daw kasi kagusto-gusto ang itsura mo kaya inatake ka nitong isa! Tanging ikaw lang ang inayawan ng isa rito," pang-aasar ni Pepper sa kaniya.

Tinawanan siya ng iba pero nagulat siya nang magsalita pabalik si Kookie.

"Hindi kagusto-gusto? Kaya pala pati ikaw ay nahulog sa karisma ko, tama ba?" Tinaasan pa niya ng kilay ang babae.

Namula siya dahil sa sinabi nito. Iniwas na lamang niya ang tingin at hindi pinansin ang tinuran ng binata. Bigla siyang nahiya dahil nagsalita pa siya.

"Mag-iingat kayong lahat! Hindi basta-basta ang mga makikilala at makikita ninyo sa inyong paglalakbay. Kailangang magtiwala kayo sa isa't isa!" paalala ni Dwarfino bago sila nagpaalam.

Malapit na rin mag-alas dose kaya kailangan nila magmadali. Maraming mga nilalang na maaaring makalapit sa kanila at pigilan sila sa pagpunta ng Fahar.

Halos isang oras din ang nilakbay nila hanggang sa matanaw nila ang isang baryo. Pagod na pagod silang bumaba ng Viperwolves kasabay ng pagtahol ng mga ito.

Dinilaan ulit sila ng mga ito at sabay-sabay na tumakbo papaalis.

Muli silang tumingin sa baryo na tinatayuan nila. Parang walang mga nakatira dito dahil na rin sa tahimik ang buong paligid. Puro tela ang nakatakip sa bintana ng mga bahay at ang mga pintong konti na lang ay tutumba na. Umihip nga lang sana ang malakas na hangin ay tatangayin iyong lahat.

Wala naman silang ideya kung sino ang makatutulong sa kanila pero alam nilang lahat ng nakatira dito ay mababait.

"Ang tahimik naman dito. Wala yatang taong nakatira," mahinang sabi ni V. Tinitingnan niya ang paligid at nagbabaka-sakaling may makikita siyang tao.

"Sa mga ganitong oras ay natutulog na sila dahil ito ang mga oras na gising ang halimaw. Tuwing umaga lamang sila nagpapakasaya at gumagala kaya tiyak na wala nang gising ngayon," komento ni Skip.

Nanatili siyang naglalakad sa likuran ni Chanel at ng iba pa para mapanatili niyang ligtas ang lahat. He's the leader, after all.

Medyo lubak ang dinaraanan nila kaya naman hindi mapigilan ang matapilok. Medyo impit na napatili si Spice, dahilan upang marinig nila ang mabangis na boses ng halimaw.

Tumigil ang lahat sa paggalaw at pinakinggan ang pinanggalingan ng tunog. Nasa malapit lang ang halimaw. Kailangan nilang mag-ingat.

"Magtago na muna tayo sandali. Kailangan natin mag-ingat dahil hindi natin alam kung nasaan ang halimaw," bulong ni Kookie sa kanilang lahat.

Naghanap sila ng mapagtataguan hanggang sa matanaw nila ang isang maliit na bahay. Wala itong pinto kaya naman tiyak na walang nakatira dito. Doon na sila sumilong at nagpahinga. Doon na rin sila natulog upang paggising bukas ay matiyak pa nilang buhay sila.

Bumalik na ang mga Celestial Warriors nila sa kaniya-kaniya nilang bato upang makapagpahinga. Pinili kasi nila ang bracelet upang masiguradong ligtas sila sa tuwing matutulog din ang mga kinatawan. Lalabas lamang sila ulit bukas ng umaga kapag gising na sila.


◘ This is a paid story ◘


Continue reading here ⇒ Hiyas

Post a Comment

0Comments

Post a Comment (0)

#buttons=(Accept !) #days=(20)

Our website uses cookies to enhance your experience. Check Now
Accept !